logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5: Asul na mga Mata

Nasa Bus kami ni Sy ngayon, papunta kami sa Hospital ni Dad kung saan malapit yung Carnival. Kailangan namin malaman kung ano talagang nangyari at bakit kaming lima ang target ng mga kaluluwang nagmumulto, isama mo na si Nurse Everlie at Doc Lelasio. Hindi kaya kasama ako sa mga survivor sa aksidente 10 years ago? Pero walang sinabi sa akin si Mom at Dad, ang sabi lang nila ay inoperahan lang ako nun. Shit! Eto nanaman yung dibdib ko.
Nasa tabi ako ng bintana ng Bus, nakatingin lang ako sa mga dinadaanan na mga puno habang si Sy nasa tabi ko natutulog.
Napabaling bigla yung ulo ko nang may makita nanaman akong clown, yung clown na nakita ko nung unang papunta kami sa Carnival. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa malampas siya ng bus. Hindi ko nalang sa iintindihin tulad ng ginawa ko nuon dahil hindi naman siguro nun kami mahahabol sa bus, pero may nadaanan nanaman yung bus, isang babae naman na duguan na parang may dalang sanggol na naglalawa ng dugo yung lampin, at meron nanaman, sunod-sunod sila. Nakakakilabot.
Nangilabot ng husto yung katawan ko nang may makita akong dalawang pugot na ulo, sila Nurse Everlie at Doc Lelasio. Bigla kong sinara yung bintana at lumingon kay Sy para gisingin siya "Sy, parang may ma-"
"Kasalanan mo to!!!"
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang bigla akong sakalin ni Sy. Katulad ni Leila nung nakaraang araw namumula yung mga mata niya sabay may itim na likido ang lumalabas sa mga mata niya. Ang diin ng pagkakasakal niya, parang bumabaon sa leeg ko mga kuko niya sa sobrang higpit.
"S-y.... ugh!! Sy!!"
"Cooper!!!! Cooper!!"
Napamulat yung mga mata ko nang may biglang yumugyog sa mga balikat ko. Napatayo ako sa panaginip ko at tinignan lahat ng tao, lahat sila natutulog na. Nananaginip lang ako. Hinila naman agad ako pabalik ni Sy sa kinauupuan ko na nagtataka at may halong pagaalala yung mukha. "Sorry. Nananaginip lang ako." Shit! Akala ko totoo na.
"Okay ka la-" Nanglaki mata ko nang may biglang tumusok na bakal sa kaliwang tenga ni Sy at tumagos ito sa kanang tenga niya. Nagsitalsikan lahat ng mga dugo sa mukha ko, saka biglang nagsilabasan lahat ng kulay itim na dugo sa mata, ilong, at bibig niya.
"Sy!!!!"
"Cooper, Buti gising kana. Malapit na tayo." Napamulat ulit ako at napaayos ng upo habang hinahabol yung hiniga ko. Bukas yung mga bintana ng Bus at madilim na onti. May mga taong gising na at si Sy nasatabi ko na nilalagay yung laptop niya sa bag. Ano to? Panaginip sa panaginip? "Naka-chat ko si Sean, nanaginip daw siya na naglalagas yung ipin niya. Hay, ano bang nangyayari sa atin" Naglalagas ang ngipin? May mamamatay. Ayun ang kasabihan kapag nanaginip ka ng ganuong panaginip. Sana hindi magkatotoo.
Pagkababa namin ng Bus, nag tricycle pa kami dahil masyado ng madilim para maglakad papuntang Hospital. Buti nalang at wala kaming nasasalubong at nakikitang mga multo. Hindi namin alam kung anong gagawin namin kung may makita kami, bukod sa Holy Water na dala namin, takbo nalang ang alam naming gawin. Hindi pa namin alam kung gagana ba talaga itong Holy Water.
8:34 PM. Nakarating kami sa Hospital. Tinawagan ko si Dad na papunta kami kaya iniwan niya lang na bukas yung main door dahil siya nalang ang tao duon. Nang pumasok kami may nakita kaming Nurse dun sa bandang parang counter kung saan sila namamalagi.
Pumunta kami sa harap ng counter para magtanong, "Miss, Nasaan si Doc? Anak niya ako. Sinabi ko ng bibisitahin ko siya ngayon sa Office niya."
"Nasa second floor po si Doc. Dun po yung Office niya. Hinihintay niya po kayo kanina pa." sagot ng Nurse sabay nginitian ko nalang siya at naglakad na kami papuntang elevator.
Pagpasok namin sa loob ng elevator, siniko ako ni Sy kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi mo ba napansin na parang ang weird ng ngiti ng Nurse?" Bumulik ako ng tingin duon sa Nurse na nasa counter bago paman magsara yung elevator, hanggang ngayon nakatingin parin siya sa akin habang nakangiti.
"Mukhang tanga. Natatakot ka lang."
Paglabas namin ng Elevator sa 2nd floor naglakad kami papuntang Office ni Dad, medyo naligaw kami dahil matagal na yung huling punta ko dito. Isa pang rason ay ayaw na akong papuntahin ni Mom at Dad dito, hindi ko alam kung bakit. Basta pagdating sa mga alaala ko nuong bago ako operahan at tungkol sa Hospital na ito, parang ayaw na nila magkuwento. May iniiwasan silang alalahanin at parang pinipilit ibaon sa limot.
Walang mga tao kahit saan, ang tahimik. Sa paglalakad namin, may nakita kaming Wheelchair sa bandang tapat ng isang room, at may nakaupong tao duon. Nagkatinginan kami ni Sy, nagkibit balikat lang ako at nagsimula maglakad papalapit duon. Nakahinga ako ng maluwag ng tao lang yung nakaupo, matandang babae.
"Lola? Lola Cora. Bakit kayo nandito?"
Napatingin ako kay Sy nang tawagin niya yung matandang babae. Kilala niya yung matanda. Lalapit sana si Sy kay Lola para mag mano pero pinigilan siya nito.
"Apo, wag ka ng lumapit baka mahawa ka pa sa sakit ko. Alam mo naman ang mga magulang mo, ayaw nilang nagkakasakit ka." sabi ni Lola habang nakangiti. "Syrin Apo, masaya akong nakita ka." Kita sa mata ni Lola kung gaano siya kasaya na nakita si Sy.
"Si Lola talaga, ganun ba nakakahawa ang sakit na kabaitan niyo?" biro ni Sy. "Ano nga palang ginagawa niyo dito Lola? Bakit kayo nasa Hospital, nasaan yung mga anak niyo?"
"Sinugod ako dito nuong nakaraang araw dahil tumaas nanaman dugo ko. Ikaw, kamusta ang apo ko? At sino yang kasama mo?"
Tumingin sa akin si Sy "Si Cooper po, kaibigan ko. Cooper, si Lola Cora. Siya yung nagpalaki sa akin mula nung nawala mga magulang ko, nung pumunta silang ibang bansa."
"Hellow po, Lola alam niyo po ba yung office ng Doctor dito?" tanong ko
"Duon sa kaliwa ijo, Diretsuhin mo lang yan"
"Salamat po." Ngumiti ako at ganun din si Lola. Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan sa kanila dahil mukhang ang saya saya kausap ni Lola sa mga ngiting pinapakita niya, pero kailangan ko na makita si Dad. "Sy, Puntahan ko lang si Dad. Babalik din ako."
Tumango namang si Sy at pumunta sa likod ng wheelchair ni Lola para itulak papasok sa kuwarto niya. "Ano ba po kasing ginagawa mo dito sa labas ng gantong oras, Lola? Tignan niyo oh wala ng tao."
Hinintay ko muna silang makapasok sa kuwarto para maka sigurado na ligtas, bago ako umalis at hanapin kung saan yung Office ni Dad. Habang naglalakad ako may naramdaman nanaman akong nakatingin sa akin, yung kulay blue na mga mata, nararamdaman ko siya. Bakit niya ako sinusundan? Anong kailangan niya. Hindi naman siya kaluluwa diba?
Nang makita ko yung Doctors Office kumatok agad ako at maya maya bumukas.
"Cooper Anak. Kamusta kana?" Salubong sa akin ni Dad sabay niyakap ako at tinapik-tapik sa likod. Baka nalilimutan niya na hindi na bata yung anak niya. Pero tutal, matagal din kaming hindi nagkita. "Nagulat ako nang sabihin mong gusto mo akong bisitahin, ayaw nga ng Mom mo pero pinilit ko siya dahil sobrang tagal na nuong huli mo kaming bisitahin. Ano nga palang napunta mo dito?"
Totoo. Simula nuong nakapasok ako sa Company na walang ibang ginawa sa career ko kung hindi paghintayin ako ng ilang buwan bago makakuha ng project, hindi ko na nabibisita sila Mom at Dad. Namimiss ko sila, pero biglaan ang tawag ng Company, at kailangan anduon ka kapag may mga opportunity, kung hindi mamimiss mo yung mga projects.
Nang makapasok ako sa Office niya, "Dad, didiretsuhin na kita. May itatanong ako tungkol sa nangyari dito at sa Carnival 10 years Ago." Napansin ko na parang sumeryoso yung mukha niya sa sinabi ko. Umupo siya sa upuan niya at tumingin sa akin. "10 years ago, may nangyaring aksidente sa Carnival malapit dito. Dito sinugod yung limang survivors sa aksidente. Gusto ko malaman kung sino-sino sila at ano ba talagang nanyari?" tanong ko
Tumayo siya at pumunta sa kadinet at may hinilang drawer na maraming mga papeles na laman."Bakit gusto mo malaman ang tungkol duon?"
"Nitong nakaraang araw, pumunta kami ni Sy sa Carnival, at yung mga litrato namin at ng mga kasama ko ay may mga nawawalang bahagi ng katawan namin. At hindi ko alam pero may mga kaluluwang gusto kami patayin at yung lalaking naka itim na hood, napatay niya na ang dalawa sa amin. Si Nurse Everlie, kilala mo siya? May gusto siya sabihin pero pinatay siya sa harap ko, napugot ulo niya tulad ng pagkawala ng ulo niya sa litrato nuong nasa Carnival siya."
"Na-naka... itim na hood?" Sinubukan niya itago yung pagkagulat niya pero halata sa utal niya na parang may alam siya tungkol duon. "Well, 10 Years Ago. Pasko nuon at maraming tao sa Carnival, masaya ang lahat, dahil ayun naman ang dapat na gawin tuwing pasko, magsaya. Sa kabila nun, walang kaalam-alam ang lahat na may mga terorista na pumasok sa Carnival. Tinaniman nila ng bomba ang buong lugar at pinagbababaril lahat ng lumabas sa Carnival. Maraming namatay, halos lahat namatay sa nasabing nangyari. Limang bata lang ang nakaligatas, at dito sila sinugod. Sa kasamaang palad, may mga pinsala silang natamo. Andito lahat ng mga pangalan nila at litrato." sabi niya sabay may binigay sa akin na folder.
"Pero bakit pati kami? Hindi kami survivors sa nakalig- Dad!"
Biglang may sumulpot na duguang kaluluwa sa bandang likod ni Dad, kinuha nun yung laptop na nasa lamesa at sinubukang ibato kay Dad, mabuti nalang at nakailag siya. Shit! Nakakahawak sila ng bagay!? Ibig sabihin puwede talaga nila kaming patayin tulad nung lalaking naka itim na hood. Binuksan ko yung pinto sabay tumakbo kami palabas habang nagpapatay sindi yung mga ilaw. Chap Chap Chap.
"Bakit lumulutang yung laptop kanina? Bakit biglang tumilapon papunta sa akin?!" Hindi nakikita ni Dad yung mga kaluluwa, siguro dahil wala siya sa sumpa.
Sinalubong kami si Sy bigla na tumatakbo din, "Cooper. May humahabol na mga kaluluwa sa akin! Hindi sila natatablahan ng Holy Water." The fuck!! "Sinubukan ko. Parang walang nangyayari. Baka Agh-" Napahawak si Sy sa tenga niya bigla na parang nasasaktan, agad ko naman siyang inalalayan.
Chap Chap. Yung tunog. Sa di kalayuan, may nakita kami na naglalakad papunta sa lugar kung nasaan kami nakatayo. Sa bawat hakbang at pagapak ng paa niya sa lapag, may mga dugong nagsisilabas duon na naglalawa sa buong sahig. Nakakatakot. Parang hindi ko makahinga bawat hakbang niya.
"Anak anong nanyayari?"
Hindi nakikita ni Dad. Hindi siya sasaktan ng mga kaluluwa dahil wala siya sa sumpa, napahamak lang siya kanina dahil sa akin. Sa tingin ko tuwing inaalam ko yung mga nangyari 10 years ago, napapahamak lahat ng nasa paigid ko.
"Kailangan na natin umalis dito!"
Patakbo na sana ako pero pagharap namin sa likod anduon na yung taong naka-itim na hood. Tinapat niya yung palad niya sa akin at biglang parang hinatak ako ng mabilis papunta sa kanya.
"Cooper! Anak!" Lalapit sana si Dad pero biglang may tumilapon sa kanya na lamesa, na dahilan para matumba siya. Tinulungan naman si Sy na tanggalin yung lamesa na nakadagan sa kanya.
"Dad!..."
Habang nakalutang ako sa harapan ng nakaitim na hood, dinikit niya yung duguan niyang palad sa dibdib ko. Pinilit ko siyang tignan, pero natatakpan ng hood yung mga mata niya, tanging bibig niya lang ang nakikita ko. At nanglamig ako nang gumuhit ang ngiti niya na sobrang laki, napunit yung balat niya sa ngiti at may mga dugong nagsilabasan.
Anong gagawin ko? Shit! "Ano-Ughhh!! Gyaaa!!" Napasigaw ako nang simulan niya ibaon yung mga daliri niya sa dibdib ko. Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa. Nagpupumilit yung mga daliri niya na ibaon sa dibdib ko na para bang may gustong kunin, gustong kunin yung- yung puso ko. "Shittt! Aghhh!" Nagdurugo na yung dibdib ko sa baon ng daliri niya. Nang maramdaman ko na dumikit yung daliri niya sa buto ko, biglang parang may bumukas na pabilog sa dibdib niya.
"Cooper!"
BANG! Sa kakaibang tunog na narinig ko sa kung saan, biglang nawala yung lalaking naka hood na itim at bumagsak ako sa sahig na sobrang nanghihina. Tumakbo naman papunta sa akin si Sy at nilalayan ako tumayo, pinilit kong tumayo ng nakahawak sa dibdib ko sa sakit at pumunta kay Dad. May sugat si Dad sa ulo, nawalan siya ng malay, kagigising niya lang. Pero nakuha niyang tumayo para alalayan ko dahil sobrang nanghihina yung katawan ko.
Tumingin ako duon sa lalaking papunta sa amin, may hawak siyang baril na mahaba. Tumingin siya sa akin at sumenyas "Let's get out of here. It's not safe, unless you'll want to die." Siya yung lalaking nakabanggaan ko sa Carnival, saka yung mga mata niya, kulay blue.
"Kailangan niyo na umalis dito anak. Mapanganib kung mananatili pa kayo dito" sabi ni Dad.
Umiling si Sy, "Mag papaalam lang po ako kay Lola. Nasa Room 1111 po siya. Sinabi ko na babalikan ko siya kanina. Gusto ko pong i-check kung okay lang siya bago tayo umalis."
"Room 1111? Wala ng tao duon. Sinong Lola?" Nagtatakang sabi ni Dad.
"Yung Lola ko po. Sinugod daw po siya dito nuong nakaraang lingo." Sagot ni Sy.
Hindi ko padin inaalis yung tingin ko sa lalaking kulay blue yung mata na ngayon nagmamasid sa mga pwedeng sumulpot na kaluluwa o ano. Sino siya? Paano niya nagawa paalisin yung umaatake sa akin? Ano yung hawak niyang baril?
"Ganun ba? Sige, pumunta tayo duon at baka may mahanap din tayong mga gamot na puwedeng gamutin para mapatigil ang pagdurugo ng sugat ni Cooper"
"Lalaking blue ang mata." Nanghihina kong tawag sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na nakangisi na parang pamilyar pero hindi ko alam kung bakit.
"Aidan. Call me Aidan"
"Aidan. Hindi ka namin kilala, pero kailangan namin makapunta sa Room 666. Ikaw, at yang hawak mong baril o kung ano man yan, kaya ko kaming protektahan sa mga kaluluwang nagpapakita sa amin. Kaya mo silang paalisin. Tulungan mo kami."
Tumango naman siya "Lead the way. I'll take cover, Cooper."
BANG! BANG! BANG! Habang tumatakbo kami na alalay ako ni Dad at Sy, may mga kaluluwang nagpapakita sa amin na gustong-gusto kami atakihin, buti nalang napipigilan sila ni Aidan. Gamit yung baril niya. Bawat tama ng bala ng baril sa mga kaluluwa, para silang nasusunog at biglang nawawala. Anong meron sa baril na yun?
Nang makita namin yung Room 1111, pumasok agad kaming apat, nakita namin si Lola na nakaupo sa wheelchair niya malapit sa bintana. Inupo naman ako ni Dad sa kama na sobrang namamalipit na sa sakit ng dibdib ko, habang si Aidan naman ay may nilagay na parang powder sa ilalim ng pintuan, parang hinaharangan niya yung ilalim ng pinto.
"Hingang malalim anak."
Hindi pa man ako nakakatango may binuhos na agad si Dad na kung ano na lalong nag pahapdi ng sugat ko sa dibdib "Ugh! Sheet! Ano yan!" Napakapit ako sa bedsheets ng sobrang diin sa hapdi habang hawak ni Sy yung balikat ko para hindi ako maglikot dahil ginagamot ni Dad sugat ko.
"Lola, Sorry po kung naistorbo ka namin. Babalik nalang po ako sa susunod para bisitahin kayo. May nangyari po kasing hindi inaasahan." sabi ni Sy habang nakahawak sa balikat ko at nakatingin kay Lola.
"Ayos lang Apo. Mag-iingat ka"
Huminto si Dad sa paggagamot sa akin, tumingin siya kung saan nakatingin si Sy at parang may hinahanap. "Sinong kinakausap mo? Wala ng ibang tao dito, matagal ng bakante ako kuwartong 'to." Ano?
"Si Lola. Ayun po siya."
"Dad, ayun siya, nakaupo sa wheelchair. Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Sinubukan ulit tignan ni Dad si Lola pero parang hindi niya talaga nakikita. Hindi niya nakikita, tulad ng hindi niya pagkita sa kaluluwang mga umaatake sa amin. Ibig sabihin ba nun- shit?
"Wheelchair?"
"DAD!"
"Guys, calm down" Napatingin kami nang magsalita si Aidan, tumingin siya kay Sy "Did anyone tries to touch your Lola?" at umiling naman si Sy dahil kanina yung magmamano siya hindi siya pinalapit ni Lola. Pero nakikita din siya ni Aidan. Bakit hindi siya makita ni Dad? "I'm sorry Lola" sabi ni Aidan kay Lola na nakangiti ng malungkot.
Ngunit si Lola at tumango, "Ayos lang, Ijo. Nakita ko naman na ang kaylangan kong makita, nasigurado ko na siya ay masaya at ligtas. Panahon na para malaman niya"
"Lola, Anong sinasabi mo?"
"Room 1111. It's beautiful how signs can be so detailed in so many way." sabi ni Aidan na hindi namin maintindihan. "In numerology, some New Age believers often link 11:11 to chance or coincidence. It is an example of synchronicity. For instance, those who are seeing 11:11 on a clock or some place often claim it as an auspicious sign or signaling a spirit presence."
Kumunot yung noo ko, "Anong ibig mong sabihin... Imposible. Hindi niya kami sinasaktan tulad ng iba."
"She's different. She's still here for her unfinished business, and that is, she wants to see you one last time." Tumingin si Aidan kay Sy na parang siya yung tinutukoy nito. "But, now you're here. You can let her go. She can now go."
Nagsimulang mag lakad si Aidan papunta kay Lola pagkatapos niya magsalita, hanggang sa halos mabunggo niya na si Lola, at napahinga nalang ng malalim si Sy nang hindi bumangga si Aidan, sa halip tumagos si siya kay Lola.
"Hi-hinde...Lola..."
"Ang totoo niyan apo ay nuong nakaraang lingo pa ako pumanaw. Dito sa higaang ito, nakahiga sa unan na iyan." paliwanag ni Lola na nakatingin sa kama. "Siguro ay oras ko na, ngunit gusto kitang makita apo, matagal na nuong huli kitang nakita, alam kong abala ka sa trabaho mo pero sabik na sabik na ako makita ka. Akala ko huli na ang lahat, ngunit sa di mapaliwanag na dahilan ay hindi ako makaalis sa lugar na ito. Siguro dahil kailangan pa kita makita, upang makapag-paalam ako ng maayos sayo."
Tumiling si Sy, "Hindi Lola. Wag niyo ako iwan. Lola, nagbibiro ka lang diba? Nagbibiro lang sila. Hindi kapa patay." Tumayo si Sy para yakapin si Lola pero nabigo siya kaya napaluhod lang siya sa sahig dahil tumagos siya bawat subok na hawakan si Lola. Sabay ng pag-iyak niya. "Lola...... Hi-hinintay mo dapat ako... Paano na yung plano natin mangibang bansa? Yung-yung mga pangarap ko na gusto mong makita na unti unti kong tinutupad? Paano na ako? Ako? Hindi ko kaya Lola, ayokong maulila, kayo na lang ang tinuturing kong magulang simula nung umalis sila Mama at Papa. Hindi ko pa nasusuklian yung pagpapalaki niyo sa akin. Lola...." Humagulgol na si Sy kakaiyak habang takip niya yung mukha niya.
"Mawawala lang ako pero lagi kitang babantayan. Tuparin mo mga pangarap mo apo at nanunuod ako mula sa taas. At sa araw na marating mo na ang lahat ng paangarap mo, isa ako sa mga saksi sa mga sikap na binuhos mo. Mahal kita apo. Kayanin mo lahat, para sa akin, huwag kang susuko."
Pinanuod naming unti-unting nawala si Lola, hanggang sa tuluyan na siyang naglaho na parang bula. Habang si Sy patuloy sa pag-iyak.
× × × × ×
Sumilip ako sa labas ng pintuan, mukhang tahimik na. Sinara ko ulit yung pinto ng hindi nagagalaw yung parang powder na nilagay ni Aidan kanina. Nagamot na ni Dad yung sugat ko, at si Sy nasa kama nakahiga habang yakap yung unan duon.
Hinihintay nalang namin yung pagkakataon na makaalis kami sa lugar na ito, dahil sa naranasan namin kanina, puwede kaming mamatay kung hindi kami mag-iingat. Mabuti nalang at may kasama kaming may alam kung paano pigilan o paalisin yung mga kaluluwang humahabol sa amin, pati na yung nakaitim na hood na gusto akong patayin. Hanggang ngayon ramdam ko parin yung mga daliri niya na gustong ipasok sa loob ng dibdib ko.
Tumingin ako kay Aidan na nakatingin ngayon sa akin, naghihintay na kung ano man ang sasabihin ko. "Sino ka ba talaga?"
Nagkibit-balikat lang siya, "Aidan. I already told you."
"Alam ko. Ang gusto ko malaman ay bakit nandito ka? Bakit nakikita mo din yung mga nakikita namin ni Sy at bakit parang andami mong alam?"
"Is that last question a compliment?" Sinalubong ko yung kilay ko. "Yah, right, that's a compliment. I'm Aidan Carl Singers, 26 years old if you want to know that too. I am cursed too, like you two. And I've been here 10 years ago, asked your Dad, I think he remember me."
Tumiling ako kay Dad pero hindi siya nagsasalita. Ganito yung ginagawa nila ni Mom kapag ayaw nilang sagutin yung mga tanong na gusto ng kasagutan.
"And, I know a lot of things cause I'm a Hunter."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Zyjhan Kheino

    good

    13/07

      0
  • avatar
    OkazakiNica

    hi still on going this novel really im curious and confuse about the ending can you explain. and also i cant find to follow

    26/02

      0
  • avatar
    Rendy Sagon

    so beautiful ❤️🤩❤️❤️❤️

    19/09/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด