logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

Chapter 1
Halos kalahating buwan na ang naka lipas, ngunit patuloy parin ako sa pag mumukmok sa aking kwarto.
Madalas akong tulala at na aalala ang mga masasayang ala-ala namin ni Deacon.
Ni hindi na nga ako kumakain ng tama, mabuti ay may kaibigan akong walang sawang mag alaga saakin.
Pero ‘di ko alam kung bakit pinag papatuloy ko pa ang ganitong gawain, samantalang ako naman ang nanakit. Ako naman ang nakipag break.
“Walang maitutulong ‘yang pag mumukmok mo, Amelia.” Linya iyon palagi ng aking matalik na kaibigan na si Anderson.
“Gusto mo sabihin ko na sakanya yung totoo mong rason bakit ka nakipag break?” Minsang linya pa nito, ang tangi kong sagot ay,
‘Wag na, ayoko naman isipin niyang nag da-drama ako, para lang makipag balikan.’
I hurt him... At ayoko pang gumawa ng ka-dramahan para lang patawarin n’ya ko at makipag balikan siya sa akin.
“Amelianna Dizon!” sigaw ni Anderson. “Bumangon ka nga, mahigit kalahating buwan na ang sina-sayang mo!” bumaba ang boses nito ng sabihin iyon.
“I’m... Tired,” ayon lang ang aking tanging naisagot.
“Tired? Sino ba kasing tanga ang hindi mapapagod sa kakatulala at kakapuyat araw-araw ‘di ba?” sermon pa nito.
He’s taking care of me since the day i broke up with Deacon. And i’m so thankful to have him.
“It’s okay... Ilang buwan nalang naman din ay mamamalagi na ko at habang buhay ng mag papahinga. Kaya su-sulitin ko na ang pag pa-pagod,” ani ko saka tumawa na akala mo’y may nakakatawa sa biro na iyon.
Tahimik naman na yumuko si Anderson, hindi ito nag salita. Maya-maya ay narinig ko ang pag hikbi nito.
Naglaho ang malungkot kong ngiti ng marinig ang pag hikbi nito. I never imagined na may taong iiyak dahil sa biro ko na alam ko naman na hindi maganda.
And i never imagined na may taong kayang umiyak ng dahil nalalapit kong kamatayan. Hindi ko rin ine-expect na may taong mag aalaga at masasadalan ako sa panahong nanghihina ako at nahihirapan.
At nag papasalamat ako kay God, dahil binigyan n’ya ako ng kaibigan na hindi ko ine-expect. Hindi ko sisisihin si God dahil sa binigyan niya ako ng sakit na may taning... Hinding-hindi.
Dahil maraming blessings na ibinigay sa akin si God, and i’m so thankful because he gave me a chance to live in this world. To experience everything, and to feel love and care.
Alam ko namang hiram ko lang ang buhay na ito, at ilang buwan mula ngayon ay babawiin na ito sa akin. Kaya ‘di ko sisisihin si God kahit kailan.
“Don’t say that, Amelia!” umiiyak na sabi Anderson, dinaluhan ko naman agad ito at pinatahan.
“Let’s... Accept the fact, Andi.” Pagpapatahan ko rito, mapait akong ngumiti.
Fact!
Pero sa halip na tumigil ito ay lalo pa itong humagulgol sa pag-iyak.
“Fuck that fact! Ayoko sa katotohanan masyado na s’yang masakit! First, i lost my Grandparents. Second, i lost my Sister. At ngayon... Ikaw! Paulit-ulit mo nalang pina-aalala sa akin na mamamatay kana. Hindi ba pwedeng sa masaya nalang? Yung saya na walang katapusan.”
“Andi,” Mapupungay ang mata kong tumingin sa kanya. “Lahat may hangganan, hindi lahat ng bagay ay permanente, yung iba darating at mag papa-alam din.”
"Ayoko..." Mas humagulgol pa ito ng pag iyak.
Pati ako napapaluha na rin dahil sa kanya, his father hate him for being a drug addict before. But his half Sister and his Grandparents, still accepted him. But he lost them all... Kung may choice lang sana ako na wag ng mamatay, ay pipiliin ko talaga. Pero... Wala, e.
Parang pinipiga ang puso ko habang pinag mamasdan siyang umiiyak.
He’s like my brother, and i love my boyfriend too. Ayokong iwan sila dahil alam kong yung mga taong mahal nila ay iniwan na sila. At pareha ng mga taong mahal nila, ayoko silang iwan... Ngunit wala na akong magagawa kundi tanggapin ang tadhana.
After that day... I realized, kung mamama-alam din naman ako sa mundong ‘to, bakit hindi pa ko mag paalam ng maaga sa mga taong mahal ko, ‘di ba?
Bakit hindi ko pa enjoy-in ang natitira kong oras at panahon ko dito sa mundo? Bakit ba kasi na-isip kong mag mukmok sa kwarto ng mahigit kalahating buwan?!
Ang gaga ko talaga! Kahit kailan talaga ih. Pero ngayon ay na himasmasan na ako, kailangan kong enjoy-in at humingi ng tawad sa mga taong na saktan ko.
At alam ko... Alam kong mali na hiniwalayan ko si Deacon ng ‘di sina-sabi ang totoong rason. Mali ako ron, pero hindi ko pinag-sisisihan iyon.
Gusto ko kasi makalaya siya sa piling ko at maging masaya sa tamang tao. I’m not saying na maling tao ako ha! I’m saying na... Nag mahalan kami sa maling oras at panahon.
At ang gusto ko bago ako mamatay ay gawin yung mga wishes ko.
I plan to write a wishes... My last wishes, bago man lang ako mamatay. At sisiguraduhin kong mag i-enjoy ako doon at sasaya ako.
Gusto kong magawa at matapos iyon bago ako mamatay. Yes, paulit-ulit ko ‘tong sasabihin dahil ito ang katotohanan.
Mamamatay na ko pagkalipas ng ilang buwan.
Chapter 1 | End

หนังสือแสดงความคิดเห็น (164)

  • avatar
    Neil Christopher Maligaya

    hehe

    8d

      0
  • avatar
    Caldoza Harold

    koya sana po toro an nyubko🥹🥹😭

    24d

      0
  • avatar
    Ãçe Mb

    split up

    26d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด