Summer’s POV “Sabi ko naman kasi sa’yo, Sum. Dapat hinahayaan mo lang siya hanggang sa mawala ang init ng ulo niya. Kapag kasi kinulit mo pa iyon, paniguradong mas lalo lang siyang maiinis. Ikaw din sige.” Sabi sa akin ng best friend kong si Dennise habang nasa loob kami ng isang coffee shop. Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. “E kasi naman, feeling ko kasi kapag hinayaan ko siya e mas lalo pa siyang magagalit sa akin. Hindi ba mas maganda iyong ikaw na ang nagf-first move para maayos na kaagad lahat?” “Hindi naman iyon applicable all the time ano. Sometimes, you just have let things go naturally para mas maging okay ang lahat.” Tumangu-tango na lamang ako. “Sige na nga. Baka nga tama ka. Siguro kailangan ko na lang siyang hayaan na muna hanggang sa maging handa na siyang kausapin ako.” “That’s right.” “Teka lang, Den. Wala ka bang shoot ngayon? Bakit parang hindi ka yata nagmamadali?” Si Dennise Fajardo kasi ay ang best friend kong artista. Matagal-tagal na rin kaming magkaibigan, noong college pa lang. Actually, kaming tatlo kasama ang boyfriend kong si Kyle ang solid na magkakaibigan mula noon hanggang ngayon. Si Kyle ay isa na ring artista ngayon. Ako lang talaga ang medyo naiba ang landas dahil screenwriter ako. Hindi naman kasi ako magaling umarte sa harap ng camera, at bukod pa roon, hindi naman ako maganda. “Ten pa naman kasi ang shoot ko. Oh my gosh! It’s ten na pala! I should go now!” sabi niya sabay tayo. “Oh sige na, mag-iingat ka ha? I-text mo ako kapag nakauwi ka na at babalitaan din kita kapag naging okay na kaming dalawa ni Kyle.” “Alright, goodluck din sa’yo Sum. See you tomorrow!” At matapos nga niyon ay tuluyan nang umalis si Dennise. Kaagad na rin akong tumayo atsaka binitbit ang mga gamit ko. Kailangan ko na ring bumalik sa office namin dahil may mga drafts pa akong kailangang tapusin para sa susunod na pelikula. Nagmamadali na akong tumakbo palabas ng coffee shop na iyon nang bigla na lamang may pumasok na lalaki. Naglalakad siya pasalubong sa akin kaya naman dahil sa pagmamadali ko ay bumangga ako sa kanya habang hawak-hawak ang iced coffee ko. “I-I’m sorry! Naku! Pasensiya na talaga! Pupunasan ko nalang!” sunud-sunod kong sabi saka dinukot ang panyo ko mula sa bulsa ko. Pupunasan ko na sana ang damit ng lalaking iyon pero bigla na lamang niyang hinawakan ang braso ko kaya naman kaagad akong napatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya nang magtagpo ang paningin naming dalawa. “S-Sorry…” nanginging kong sabi sa kanya. Kahit sino talagang makakakita sa kanya ngayon ay matatakot din. ‘Teka, hindi ba si Luke iyon?’ ‘Napaka-gwapo talaga niya!’ ‘Oh my God! Si Luke nga!’ Buong akala ko ay sasapakin na ako ng lalaking iyon. Pero laking gulat ko nang tila bigla na lamang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya nang mapalibutan kami ng mga tao sa loob ng coffee shop. Bigla na lamang may gumuhit na ngiti sa mga labi niya. “Are you alright?” “H-Huh?” Ngumiti pa siya. “I’m asking if you’re alright. Hindi ka ba nasasaktan?” “H-Hindi naman. A-Ang damit mo…” “No, it’s alright. Pwede pa namang palitan ito. Just be careful next time, okay?” mahinahon niya pang sabi sa akin habang nakangiti. Tila ba naging isa siyang anghel sa paningin ko. Ngayon lamang ako nakakita ng lalaking singgwapo niya. “O-Okay…” Matapos niyon ay naglakad na ulit siya palabas ng coffee shop kasunod ang mga tao na mukhang tagahanga niya. Ako naman ay naiwang nakatulala roon na animo’y nakakita ng multo. “Napakabait niya naman…” bulong ko pa sa sarili ko. Nabalik lamang ako sa ulirat nang bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag na pala ang manager ko. *** “Grabe, nakakapagod talaga!” sigaw ng kaibigan kong si Sherry na isa ring screenwriter na gaya ko. Inayos ko naman ang suot kong salamin habang naglalakad. “Sinabi mo pa. Mabuti na nga lang at tapos ko na ang final draft.” “Mabuti ka pa!” “Ano ka ba, dalawang buwan ko rin kayang ginawa ang script na iyon.” “Ang galing mo talaga kahit na kailan." “Tsh. Hindi rin ano.” “Oh siya, see you tomorrow na lang ha?” Ngumiti naman ako saka tumango. “Okay, see you tomorrow.” Hinintay ko na munang makasakay si Sherry sa taxi bago ako nagsimulang maglakad papunta sa may bus station. Medyo malayo rin kasi ang bahay namin mula sa kompanya kaya kailangan ko pang sumakay pauwi. Kasalukuyan lamang akong nakaupo sa may bus station nang bigla na lamang akong may natanaw na pamilyar na mukha mula sa kabilang kalsada. Teka, si Den iyon a. “Den!” tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig dahil medyo malayo rin siya sa akin. Tatakbo na sana ako patawid, pero bigla na lamang may humintong kotse sa harapan niya. Nakatingin lamang ako sa direksiyon niya hanggang sa may lumabas na lalaki mula sa kotseng iyon. Si Kyle. Teka, anong ginagawa nila rito? Mag-uusap ba sila? Niyakap lamang nila ang isa’t isa tapos pareho silang sumakay sa kotse ni Kyle. Saan sila pupunta? At dahil na-curious ako kung saan sila pupunta, imbes na sumakay ng bus ay tumawag lamang ako ng taxi. “Kuya, paki-sundan na lamang po ang kotseng kulay pula na iyon.” sabi ko pa sa taxi driver. Kaagad naman siyang tumingin sa akin na tila ba naghihinala. “Ma’am, pasensiya na po, pero hindi po ako gumagawa ng mga ganyan, Sindikato po kayo ano?” “A-Ano? Sindikato? Ako? Kuya, boyfriend at best friend ko po ang nakasakay sa kotse na iyon. Gusto ko lang naman malaman kung saan sila pupunta e. Sige na naman, kuya. Dodoblehin ko nalang po ang ibabayad ko sa inyo." "May boyfriend ka?” Sinamaan ko naman ng tingin si kuya, kaya naman sa huli ay wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang sundan ang kotse ni Kyle. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng matinding kaba nang makita kong huminto ang kotse ni Kyle sa pad niya. Anong gagawin nila sa pad niya nang silang dalawa lang? “Kumalma ka, Summer. Malay mo naman, mag-uusap lang silang dalawa. O kaya naman baka may shooting sila sa pad ni Kyle.” Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang naglalakad ako papunta sa pad ni Kyle. Nang sa wakas ay nasa harapan na ako ng pintuan niya, huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pinindot ang doorbell. Halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba habang hinihintay ang pagbukas nila ng pinto. “And who the hell would----S-Summer?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Dennise ang nagbukas ng pinto. Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. “Baby, halika na rito! Mag-shower na tayo!” Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Kyle. “B-Baby?” halos pabulong kong sabi habang nakatingin kay Dennise. “S-Summer, listen, I-I can— “Sino ba iyan, babe? Nagpa-deliver ka ba ng--- Napahinto si Kyle sa pagsasalita nang makita niya ako. Tanging white bathrobe lamang ang suot niya. Bumalot ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Salit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko, pero kaagad ko ring pinunasan iyon saka nagsalita. “K-Kailan pa ‘to?” pigil-luha kong tanong sa kanilang dalawa.
thank you
25d
0It's very nice, hoping for more😭
25/12
0nice apps
05/11
0ดูทั้งหมด