logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Dawn Zion Wizards Acadēmīa

The Dawn Zion Wizards Acadēmīa

AmorisZi


CHAPTER 1

CHAPTER 1
Zafeira POV
Naririto ako ngayon sa may sala ng aming bahay. Nakaupo ako sa may sulok habang nanginginig ang mga kamay at paa dahil sa takot na aking nararamdaman.
"Heto 'yon! Ito ang bahay ng babaeng apoy! Patayin na natin siya mga kasama. Anak siya ng demonyo at salot sa ating bayan! Patayin! Patayin! Patayin!" rinig kong sigaw ng mga taong nasa labas ng maliit naming bahay.
Bakit ba nangyayari ang ganito? Napapagod na ako! Mag mula ng malaman ng mga tao ang kakayahan ko ay itinuring nilang salot ang buo naming pamilya.
Hindi ko na kaya pang mabuhay sa mundong ito! Pagod na pagod na ako sa mga sinasabi at pinagagawa nila sa akin.
Ayoko na! Ang katawan ko ay parang namamanhid. Hindi ko maigalaw kahit pa ang mga daliri ng aking kamay. Wala na akong nagawa kundi ang lumuha habang hinihintay ang mga tao na pasukin ang bahay upang ako'y kanilang patayin.
Siguro, sa ganoong paraan matatapos na ang lahat ng mga paghihirap ko. Ayoko nang tumakbo pa, ayoko nang magtago pa! Pagod na pagod na ako sa pag-iisa!
Ang mga luha ko ay walang tigil sa pagbuhos. Naririnig ko din ang mga tao sa labas na malapit na nilang masira ang pintuan ng bahay. Kasabay nito, biglang bumuhos ng malakas ang ulan na sinasabayan ng malalakas na pagkulog at kidlat.
"Bilisan ninyo! Sirain na 'yan! Baka tumakas pa ang babaeng apoy!" rinig kong sigaw ng isang babae.
Makalipas lamang ang ilang saglit ay tuluyan na nga nilang nasira ang pintuan na hinarangan ko ng mga kahoy kanina.
Ito na ang katapusan ng aking buhay! Ina't ama sana mapatawad ninyo ako!
Ipinikit ko ang aking mga matang patuloy parin sa pagluha at inalala ko ang mga masasayang pangyayari sa aking buhay kasama ang pinakamamahal kong mga magulang, na lalo lamang nagpabuhos sa aking mga luha. Hindi ko na napigilan pa ang humagulhol dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Naroroon ang babaeng apoy!" sigaw ng mga tao. Kasabay nito ang pagtungo nila sa aking kinaroroonan.
Batid kong papalapit na sila sa akin at dala-dala nila ang kani-kanilang mga armas, pero ako ay napamulat dahil sa magandang tinig ng isang babae na narinig ko.
"Hindi mo pa panahon, tumayo ka at sasamahan kitang lumaban upang ikaw ay mabuhay!" ang sabi nito na pumupukaw sa aking damdamin.
Pinilit kong tumayo ngunit hindi na talaga kaya ng aking katawan. Pagod ako sa kakatakbo at ako'y lubos na nanghihina dahil sa gutom. Pilitin ko mang tumayo upang lumaban at sundin ang sinabi ng tinig ay hindi ko na talaga kaya pa.
"Natagpuan ka rin namin, babaeng apoy! Mamatay kana ngayon!" sambit ng matandang lalaki na nasa harapan ko. Tinawag niya pa ang lahat ng kaniyang kasamahan at pinalibutan nila ako.
"Handa kanabang mamatay babaeng apoy?Patayin na natin 'yan! Tama! Tama!" sigawan ng mga tao na nasa harapan ko.
Wala na talaga! Muli ko nang ipinikit ang aking mata at inihahanda ang aking sarili sa gagawin ng mga taong nais akong patayin ng biglang...
"Mga lapastangan!" sigaw ng isang magandang babae na bigla nalamang sumolpot sa may harapan ko. Kumikinang siya dahil sa liwanang na bumabalot sa kaniyang katawan. Naka suot siya ng puti at mahabang damit na para bang pang prinsesa, at ang kaniyang biglaang pagdating ay ikinagulat ko't maging ng mga taong nasa harapan ko.
"Ahhhhhh! Ahhhhhh!" sigawan ng mga tao na tila ba natatakot.
"Si-sino ka? Ba-balak mo bang iligtas ang ba-babaeng apoy na anak ng demonyo?" mautal-utal na tanong ng isang lalaki habang nanginginig ang kaniyang kamay na nakahawak sa itak.
"Patayin din natin siya! Baka siya'y isang demonyo na nagpapanggap bilang isang magandang babae!" matapang na wika ng matandang babae na kasama sa grupo ng mga taong nais akong patayin.
"Tama! Patayin din siya!" sigaw ng lahat sabay sugod gamit ang kanilang mga itak.
Pero bago paman makalapit ang mga tao sa magandang babae ay bigla nalamang may lumabas na nakasisilaw na liwanag mula sa kaniyang katawan.Kasabay nito ang pagtalsik ng mga tao papalayo.
Dahil sa pangyayari nasira ang mga bintana at ang pintuan ng bahay. Nagkalat din ang mga gamit at nabasag ang vase na nakapatong sa may lamesa. Gulat na gulat ako at hindi makapagsalita dahil sa aking nasaksihan.
Ano ba ang nangyayari, at sino ang babaeng nasa harapan ko?
"Kayong mga tao ay hindi nagbabago! Bakit hindi ninyo subukang buksan ang iyong isipan pati na ang 'yong mga puso upang tanggapin ang inyong kapwa?" saad ng magandang babae saka humarap sa akin.
Masyado akong nasisilaw sa kaniyang liwanag dahilan upang ako'y mapapikit.
"Magpahinga ka muna, binibini."saad ng magandang babaeng kaharap ko.
Sa hindi ko malamang kadahilanan ako'y nakaramdam ng labis na pagka-antok dahilan upang ako'y makatulog.
Third Person POV
"Ganiyan nga! Matulog ka ng mahimbing,mahal kong fire wizard!"
mahinang saad ng napakagandang babae na nasa harapan ni Zafeira.
Saglit lang ang lumipas. Nang makatulog na ang dalaga ng mahimbing ay pinagmasdan siya ng napakagandang babae. Ngumite ito at bago hinalikan sa noo si Zafeira.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (41)

  • avatar
    Jessie Palma

    wow

    12d

      0
  • avatar
    Marilyn Miole Crave

    Salamat Author, more story pls .

    16d

      0
  • avatar
    Ja Ne

    thanks 😊

    24d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด