logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 Her Secret Suitor

Continuation
Umalis ako ng school without saying a goodbye. Zai was still following me 'til I got outside, pero hindi niya na ako napigilan pa nang sumakay ako ng sasakyan ko. Naiwan siya sa gitna ng daan.
I went straight to the abandoned building. Madilim dito at amoy luma. Pgpasok ko sa loob ay umalingasaw ang matapang na amoy ng alak, sigarilyo at iba pa. I've also seen some drugs na nakakalat sa maduming sahig. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok.
Ini-lock naman agad ng lalaking nagbabantay sa labas ang kinakalawang na gate.
"Woah! Talo ka na naman, boy!"
Bumungad sa akin ang halakhakan ng mga lalaki. Lahat sila ay kapwa nakasuot ng itim. Nagkukumpulan ang mga ito sa isang sulok at naglalaro ng baraha. They automatically looked at me when they heard my familiar foot step.
I gave them a death glare.
"Miss!" They all stood up and looked down.
"Anong balita?" seryosong tanong ko.
Nagkatinginan muna sila bago nagmamalaking ngumisi. My lips curved a smile the moment I realized the meaning of their grin. They did it.
"No need to worry, Miss! Maayos ang lahat," said by Louie, one of my boys.
I nodded.
"Wala ring alam ang ama niyo at... wala ring nahanap na lawyer si Oliver. Naasikaso na namin lahat. Wala nang magagawa ang lalaki."
"Good," I complimented. Napapalakpak ako pero agad ding bumalik sa pagkakaseryoso. "The only task you need to do is to clean this building. Fuck the smell."
Umuwi na rin agad ako sa mansion namin. Hindi ko naabutan si daddy nang makarating ako. Ang sabi ng isang kasambahay ay umalis daw ito kanina. Panigurado, nasa company iyon at may inaasikaso. Good for him. He is probably keeping himself busy to forget his love problem for a while. Cringe.
Days had passed.
Hindi pa rin nagpapakita si tita Maddy. That's good, though. Baka sa pakikialam niya, masira pa ang plano ko. Well, I could easily destroy her in one snap if I chose to. I hate bitches. Maybe at first, she thinks that I will like her for my dad.
I smirked. No one can replace my mom.
"Ma'am, may bisita ka po," bungad sa akin ni manang Sally pagbukas ko ng pinto.
I was reading a book when she knocked on my bedroom's door. Nakayuko agad ito.
"Who?" malamig na tanong ko.
"S-si Reiver, Matt at Derick po. Your suitors."
Tumango ako at pinagsarhan ulit siya ng pinto. Nag-ayos ako ng sarili, nang makuntento ay bumaba na ako ng living room. Sinenyasan ko ang isang body guard na lumapit. Yumuko ito at bumati.
"Sabihin mo sa kanila na pumunta sila likod. I will go there, too. Bilisan mo," I ordered.
Umakyat muli ako pabalik sa kwarto ko. Binuksan ang malaking bintana kung saan tanaw ang likuran ng mansion namin at ngumiti nang payapa. It was really relaxing here. Tumatama sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako lalo habang nakatitig sa malawak na parang sa ibaba at kung gaano kataas ang mga puno. Napakaaliwalas.
Since I was a kid, my dream is to bring Oliver here. Ipapakita ko sa kaniya kung gaano kaganda ang tanawin dito at... sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw.
But... that was just a dream. Dahil kahit ano ang gawin ko... He will still a dream.
Kumuha ako ng rope at umakyat ako sa bintana. Itinali ko iyon sa nakausling bakal sa itaas. Nakasuot ako ng puting tshirt na nakatuck-in sa black jogging pants ko. Maging ang mataas kong sapatos ay itim din ang kulay.
"Hey! Delikado riyan, Kaeah!" I heard Carlos screamed, my childhood friend.
Nilingon ko siya sa ibaba. His brows were furrowed and looking up at me. Tanging puting sando at asul na short lang ang suot nito, madungis pa. Mukhang galing siya sa taniman dahil may hawak siyang tali na nakakonekta sa katabing kalabaw.
Mahigpit akong kumapit sa lubid at nagpadulas mula roon. Nilipad ng hangin ang buhok ko. Sasaluhin sana ako ni Carlos pero inambahan ko siya ng tadyak. Humalakhak ako pagkatapak ko sa lupa habang inaayos ang nagulong buhok.
"That's cool, right?" I asked proudly.
He smirked. "Cool."
Naglakad ako palapit sa isang kabayo na nakatali sa malaking puno at patalong sumakay roon. Tinanggal naman ni Carlos ang pagkakatali nito habang habol ako ng tingin.
"Do you want to ask something?"
Tumango siya. "Bakit napadpad ka rito sa likod? Ilang linggo ka nang hindi pumupunta rito. Nakapagtatampo ka."
I forced smile. "Busy at school."
"Para sa 'yo rin 'yan." Kumbinsidong tumango siya. "Mamamasyal ka ba? Sasamahan kita!"
Natigilan ako saglit.
"Don't Carlos, may dadaanan lang ako," mabilis na tanggi ko. "Huwag ka nang sumunod, okay?"
Pabuntong-hininga siyang tumango.
"We will hang out next time, don't worry!"
Hinigit ko ang hawak kong tali dahilan para tumakbo nang mabilis ang kabayo papalayo. Diretso ang tingin ko sa daan at hindi alintana ang nililipad kong buhok, ramdam ko ang titig ni Carlos sa akin mula sa malayo. Nawala rin iyon noong lumiko ako ng direksiyon.
Hanggang sa matanaw ko na ang tatlong lalaki na sina Matt, Reiver at Derick na naghihintay sa akin. Magkakahiwalay ang mga ito, may kaniya-kaniyang punong sinasandalan pero agad napaayos ng tayo pagkakita sa 'kin.
"Kaeah!" sabay-sabay na tawag ng mga ito.
"Why did you all visit me?"
Lumapit sa akin si Reiver at ipinakita ang isang basket na puno ng mga prutas. "Bagong pitas ang mga ito kaya sariwa pa, Kaeah. I came here to give you this," nakangiting sabi nito. Isa ang lalaking ito sa mga manliligaw kong nagtagal ng isang buwan.
"Are you blind, dude?" sarkastikong tanong ko at iginala ang tingin sa paligid. "Hindi mo ba nakikita ang dami ng prutas sa lupain namin? You are so boring."
Napabuga ako ng hangin at hinarap naman si Matt. "How about you?"
"Wala man akong dala pero-"
"Ikaw, Derick?"
"Gusto ko sanang ayain ka-"
"Fuck it," I whispered. "Boring."
Bumaba ako sa sinasakyan kong kabayo at masama ang tinging hinarap sila. Napayuko ang mga ito. Damn!
"I don't want a coward suitor! Tumingin kayo sa akin!" I commanted with a bit of irritation. Nakakainis ang mga ito!
Nagtinginan nga ang mga lalaki sa akin gaya ng iniutos ko. Matamang tumitig ako sa mukha nila. Hanggang sa may isang ideya ang pumasok sa isipan ko at mukhang kaya na nitong punan ang pagkabored na nararamdaman ko ngayon. My snakes...
"Pwede niyo ba akong ikuha ng buko?"
Nagliwanag ang mukha nila. Tumakbo agad sila sa nag-iisang puno ng niyog at nag-unahan sa pag-akyat. Nanlalaki ang mga mata kong pinanood sila. That was cool! Ang bibilis nila!
I watched them climb the tree as both of my hand were shaking, this is so exciting.
One...
Two...
Three seconds done and as what I am expecting, napatakip ako ng bibig sa pagkamangha. Nakarating na sila sa tuktok! Tumikhim ako para pigilan ang pagtawa nang makitang pare-pareho nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig sa mga ahas na naglalabasan mula sa dulo ng palapa.
Nataranta ang mga ito at wala sa sariling napabitaw sa puno. Kasabay ng pagkahulog nila sa lupa ay ang pagkawala ng tawa sa bibig ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko.
"T-that wa-hahaha-w-was funn-haha-funny!" Nagpatuloy ako sa pagtawa.
Nagtakbuhan ang mga lalaking tagabantay para lapitan ang tatlong lalaki na nahulog. Si Reiver ay namimilipit sa sakit, may sugat sa mukha at putok ang ngusong tumama sa bato. Ganoon din ang dalawa pa na hindi na makatayo.
Masiyadong mataas ang puno ng niyog kaya hindi imposibleng tamuhin nila iyon. Maswerte pa sila at hindi ulo ang tumama sa bato. Napangisi ako. 'Yong iba nga... Nagkakaroon pa ng head injury.
"Is that what makes you happy?" I heard unfamiliar voice from my back. Marahan siyang tumawa na animong namangha. "Brutal move."
May bumabang chopper sa patag na parang 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Binuhat ng mga taga-bantay ang tatlong lalaki at dinala roon. Isa-isa nilang ipinasok sa loob ng chopper ang mga lalaki, marahil ay sa hospital ididiretso.
Humarap ako sa taong nasa likuran ko. Isang lalaki ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng black formal attire as if he was going to a formal ocation. Naka-gel pa ang buhok nito. Pinaling ko ang ulo ko saka siya pinakatitigan. Who the hell is this guy?
He has a long eyelashes and dark eye color. May pagka-moreno ang kaniyang kulay. The guy were smiling at me habang kabas pa ang mapuputing ngipin. He looks like a toothpaste endorser. A model? I shrugged my shoulder.
"You saw it?" I asked instead.
Mas napangiti siya at tumango sa akin. "You're a damn bad girl."
"I hate good girls, though."
Lumapit ang lalaki sa isang puno at umakyat doon. Naupo siya sa isang sanga sa taas. Nakatingala na tuloy ako sa kaniya habang siya ay nakababa ang tingin sa akin.
"My name is Jairus. I've been watching you from afar, babe." He winked at me.
Natigilan ako. Watching?
I raised my brow. "Since when?"
"Year."
My eyes widened.
"And why is that?" It felt weird knowing that someone you barely was watching you. I wonder if he's telling the truth. Baka gawa-gawa niya lang ito para magpapansin sa akin.
Kumibit ang balikat ng lalaking nagpakilalang Jairus. "I'm your secret suitor, I guess?" Pumitas ito ng isang mansanas at kinagatan iyon. Nakatitig siya sa mukha ko habang ngumunguya.
I looked away, hindi makapaniwala. If he'd been watching me for a year, posibleng alam niya ang mga pinaggagawa ko. But hell, he still have the nerve to court me, huh?
I sighed and shook my head. I don't even know where did he come from. Ang lupaing tinatapakan namin ay pag-aari ni Richard Lombardo which is my dad. Pero ngayon ko lang siya nakita rito. He's not even familiar. Ngayon lang talaga.
"Are you shy?" he suddenly asked me.
Kumunot ang noo ko bigla. Seriously? "Dream on, guy." I rolled my eyes. He's so full of confidence.
Walang pakialam na tinalikuran ko ang lalaki at sumampa na sa kabayo ko. Jairus jumped down the tree. He hurriedly ran towards me and stood infront of me para humarang. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ako magdadalawang isip na ipalapa ka sa kabayong ito, tumabi ka," seryosong sabi ko.
He laughed softly.
Yes. It's fucking soft!
"Are you giving me a warning? I thought you like some brutal scene."
"What?!"
He smiled again and glanced at the tree where my suitors climbed a while ago.
"Ang pagkakakilala ko sa 'yo, wala kang pakialam sa kahit sino. You didn't even give those men a warning that there's a snake on that tree," nagyabang ang tono nito nang sulyapan ako. "Tinamaan ka ba sa akin kaya nag-aalinlangan kang banggain-"
Hinila ko na ang tali ng kabayo ko kaya tumakbo na ito nang mabilis. Awtomatikong napatabi ang lalaki para hindi mabunggo. Hindi ko na siya nilingon pa hanggang sa makarating ako sa likod ng mansion. Pagod akong humawak sa lubid na binabaan ko kanina.
I looked around to check if someone is following me, feeling a little concious because of that unfamiliar guy.
"Sino ba siya? He's weird," I mumbled.
End of chapter 2.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Dwine Cruz Ambrocio

    i love the story

    22/07/2024

      1
  • avatar
    Tina Tina

    sobrang nakakasad

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Caressa Villaver

    thank you

    17/07/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด