logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Say 'I Do', Miss Luther

Say 'I Do', Miss Luther

Iza Wan


บทที่ 1 Galanteng Kostumer

ABALA si Tisay sa pagsasaayos ng mga damit na nakakalat sa malaking lamesang yari sa kahoy, habang hindi mawari ang paligid. Samu't saring ingay ang maririnig mula sa iba't ibang taong nagpaparoo't parito.
"Pasok mga suki, presyong divisoria. Sampu-sampu, bente-bente at iba pa!"
Kaliwa't kanan ang maririnig. Iba't ibang paraan upang makahatak ng mamimili.
Hindi alintana ng kinse anyos na dalagita ang init ng singaw sa paligid. Nakangiti nitong tinatawag ang mga taong nagagawi sa pwesto niya.
"Bili na kayo mga suki! Presyong pangmasa, pero de kalidad ang tela! Sunod sa uso ang aming mga damit! Kuyang gwapo! Ateng magaganda! Dito na po kayo!"
"Magkano rito?"
"Ay! Naku, Ateng maganda. Murang-mura lang ang bestidang iyan. Maganda ang tela at bagay na bagay sa inyong ganda. Since bagay na bagay sa inyo ang damit na iyan, three hundred fifty na lang. Nakatipid ka na ng singkwenta, naging fashionista ka pa!"
"Ang mahal naman. Wala na bang tawad?"
"Madalas po akong magpatawad lalo na sa mga taong nanakit sa akin. Charot lang, Ate! Sige po para sa iyo three hundred twenty na lang."
"Two-fifty?"
"Ay, lugi na po ako. Sige, ibibigay ko na sa inyo ng three hundred. Huling tawad na po iyan."
"Sige, kuku—"
"Ay, suking maganda! Ito murang-mura! Two hundred lang. Nakamura ka na may pang-Jollibee ka pa!" pang-aagaw ng tindera ng tindahang kaharap ng pwesto nila.
"H'wag na lang pala, Miss. Mas mura sa kabila."
Agad niyang inawat ang kostumer na nagbago ng isip dahil sa mahaderang tindera na mang-aagaw ng kostumer niya. "Naku, Ate! Mura nga iyon, pero ang kalidad no'n? Hindi ka sigurado! Ito na lang po ang kunin ninyo. Tested ang tibay ng mga paninda ko. At para mas makatipid ka, sige, ibibigay ko ng two-fifty!"
"Ateng maganda! Two hundred lang dito!"
"Hindi na, Miss. Doon na lang ako bibili."
"Ate— hays!" napapabuntong-hiningang tinanaw ni Tisay ang babaeng nagtungo na nga sa kabilang stall. "Hindi lang talaga jowa ang naaagaw, maging ang kostumer nasusulot din!" bulalas niya. Pinunasan niya ang pawis na naramdaman niya sa kaniyang noo at leeg. Summer na summer ang peg ng klima sa Pilipinas! Pakiramdam niya nasa kalagitnaan na sila ng daan patungong impyerno dahil sa init.
Sinulyapan niya ang tindahan na umagaw sa dapat ay customer niya. Kung pwede nga lamang sana niyang ibigay sa ganoong presyo ang mga damit na itinitinda niya, pero hindi naman pwede. Wala na iyon sa puhunan. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Maganda ang kalidad ng mga damit na itinitinda nila. Makapal ang tela niyon at maganda ang pagkakayari, hindi tulad ng sa katabi nila, mura dahil mabilis masira. Kahit naman kasi nasa divisoria lang sila, importante pa rin para sa kaniya ang kalidad ng damit na kinukuha niya sa supplier at itinitinda niya.
At isa pa, pagagalitan siyang tiyak ng Nanay Mila niya!
"Ayusin mo nga iyang pagtitinda mo riyang bata ka! Aba'y tanghali na iilan pa lang ang naibebenta mo!" tungayaw ng kaniyang nanay na prenteng nakahiga sa folding bed habang nakikinig ng pang-umagang drama sa radyo at nakatapat sa maliit nilang electric fan.
"Opo, `Nay." Muli siyang nagtawag ng mga mamimili. "Mga ate, mga kuya—".
"Woi, Tisay! Anetch na? Magkano na ang datung?" Pumipilantik ang mga daliring tanong ng kaibigang niyang may pagkababaeng bakla na si Kakay.
"Medyo mahina, Kakay. Ikaw?"
"Waley ang byuti! Jusko! Malalapnos na ang makinis kong balat, pero nganga! Lakas makasulot no'n, oh." Inginuso nito ang kabilang stall.
"Mas mura kasi."
"Kwidaw! Mura nga! Kasing mura ng mukha ng nagtitinda! Alam mo dapat gumawa tayo ng pakulo, eh!"
"Anong pakulo?"
"Kumanta ka, sasayaw kami! Dali! Gora na! Tatawagin ko ang mga utoy para may back-up dancer!"
"Kakanta ako?" usal niya habang tinatanaw ang kaibigang sandali siyang iniwan.
Ilang saglit lang may mga kasama na itong tatlong lalaking mas bata sa kanila. Lalaki pero kulang na lang ay tumilapon ang balakang habang naglalakad papunta sa pwesto niya
"Aling Mila, pahiram muna ng sounds. Kailangang rumaket kung gusto ng benta," ani Kakay sa nanay niya at agad na kinuha ang radyo kahit wala pang pagsang-ayon mula rito.
"T-teka, Kay. Ano namang kakantahin ko?"
"Anetch pa ba, `teh? Eh, di ang paborito mong Stop!" At saka nito mabigat na pinindot ang play button ng cassette radio.
Pum'westo ang kaibigan niya kasama ang mga katukayo nito sa harap ng stall nila. Halos sakupin na nga ang daang bahagya nang sumisikip dahil sa paparami na nang paparami ang dumaraan. Tao man o sasakyan.
Nagsimulang humataw ang apat nang pumailanlang sa ere ang paunang instrumento ng kanta. Dumadagundong iyon sa paligid dahil itinapat iyon ni Kakay sa megaphone na madalas nilang hiramin sa kakilalang tindero din.
Nahihiya siya kaya hindi pa niya magawang sabayan ang tugtugin. Minus one lang iyon pero sapat na ang beat ng kanta para makuha nila ang atensiyon ng iilang miron na dumaraan.
Bigay na bigay ang mga kaibigan sa pag-indak sa sikat na sikat na steps ng kanta na pinasikat ng Spice Girls.
Nang malapit nang mag-chorus ay lumapit sa kaniya si Kakay at pairap na inabot sa kaniya ang hair brush ng nanay niya.
"Dali! Kanta na, Tisay! Nail it!"
Huminga siya nang malalim at pikit matang sinabayan ang chorus. "Stop right now." Itinuwwid niya ang kanang braso at umakto na akala mo MMDA na nagpapahinto ng saksakyan. "Thank you very much..." Idinilat niya ang mga mata at tuluyan nang nilamon ng musika ang hiya niya sa katawan. Todo bigay siyang kumanta na sinabayan na rin niya ng pag-indak.
"Do do-do do, do-do do…" Nakita niya ang mga kasamang may mga hawak ng mga damit mula sa paninda at inilaladlad iyon sa bawat malapitan. "… do do-do always be together."
Muli siyang nilapitan ni Kakay at kinuha ang hairbrush na ginawa niyang mikropono at pinalitan iyon ng tunay.
Saktong may papalapit na magarang itim na sasakyan at huminto iyon sa kinatatayuan niya. Agad na nagtama ang tingin nila ng sakay ng kotse nang bahagyang bumaba ang bintana niyon.
Patuloy ang pagkanta niya na sinasabayan niya ng pag-indak habang parang nahihipnotismong nakipagtitigan sa lalaking nasa loob ng sasakyan.
Sabi ng Tatay Roberto niya, may iba't ibang paraan ng pagtitig, depende sa kung ano ang nararamdaman ng tumititig.
Mayroong matalim kung nagagalit, may mapungay kung nagpapaawa o may masamang nararamdaman. Meron ding humahanga at mayroong malalim o matiim; kung inaarok ang pagkatao ng tinititigan. May pagpapa-cute sa nagugustuhan, at meron ding hindi makatingin nang tuwid; kapag may nagagawang kasalanan o nagsisinungaling.
Muli niyang itinuwid ang mga braso at ibinuka ang palad, umaakma ng pagpapatigil sa sasakyan kahit pa nandoon lang naman sa harapan niya at hindi rin gumagalaw. Patuloy ang ginagawa niyang paggaya sa steps ng kanta. At habang tumatagal ang titigan nila ng driver ng gwapong sasakyan sa harapan, pahina na rin nang pahina ang boses niya at pabagal nang pabagal ang pagsayaw niya na para bang ano mang oras ay matutuod na siya sa kinatatayuan.
Iyong klase pa naman ng tingin nito, hindi niya mabasa. Ewan, masiyadong madilim ang kulay ng mga mata nito na tipong ang hirap arukin. Matiim iyon pero hindi naman mukhang nanghahamak.
Nakatirik ang maikli nitong buhok na akala mo hedgehog na mas nagpatapang sa hitsura nito, tapos eskwalado pa ang hugis ng mukha.
Gusto niyang ilayo ang tingin dito, kaso para siyang naeengganyong pakatitigan din ito.
"Woi!" sita sa kaniya ni Kakay na nagpatinag sa ginagawa niyang ppaninitig sa lalaking nasa loob ng kotse. Inabutan pa siya nito ng panlalaking damit tapos ay lumayo na ito at nagpatuloy sa pagsasayaw.
"Two hundred fifty na lang po, three hundred ang original price, discounted na, Kuyang pogi!" Inalis na niya ang inhibisyon sa katawan at magalang niyang inialok dito ang damit.
Puting cotton shirt iyon na may Tribal design na siya mismo ang nagdisenyo. Ilan kasi sa paninda nila ay ginagawan niya ng lay-out design at saka niya iyon ipapa-print sa mga plain shirt na binibili niya sa nanay ni Kakay. Kaya masasabi niyang espesyal ang t-shirt na hawak, bukod pa sa imported at high quality ang fabric niyon.
Akala niya tatanggi iyong lalaki, pero inunat nito ang kanang kamay at bahagya pang dumukwang para maabot nito ang damit na inaalok niya.
Gusto niyang tumili, pero pinigil niya ang sarili. Nakita niyang may kinuha ito sa black box na nasa pagitan ng upuan nito at ng front seat.
"Are you serious, Ray? You told me you will shop for me!"
"Yeah, and here we are now."
Naagaw ang atensiyon ni Tisay ng dalawang nagbabangayan na mukhang magkasintahan na dumaan sa likod ng sasakyan at papalapit na sa pwesto nila.
Napaawang ang bibig niya nang magtama ang tingin nila ng matangkad na lalaking inaaway yata ng kasama nito. Bakit parang…
Binalikan niya ang lalaki sa kotse para kumpirmahin ang nasa isip kaso…
"Hoy! Sandali, Kuya! Iyong bayad mo!" tili niya dahil bigla na lang iyoong umandar, eh hindi pa binabayaran iyong t-shirt!
"With all these cheaps? Are you kidding me Montenegro?! We are supposed to shop in the mall and not here… not in this kind of place! Ang init-init! Ang sikip-sikip! Ang baho-baho!"
Nanlalaki ang butas ng ilong ni Tisay sa mga naririnig. Iniisip pa niya iyong t-shirt na hindi nabayaran! Akala niya makakabenta na siya, kaso mukhang na-one-two-three pa siya! Anak nga naman ng isdang binilad sa araw! Tapos maririnig niya itong maarteng babaeng kasama noong matangkad at gwapong lalaki na nilalait ang mundo nilang mga dukha?
Hindi pwede!
"Excuse me, Miss. Wala naman akong naaamoy na mabaho maliban noong dumating kayo. RTW's ang nasa paligid at hindi talipapa." Itinuro niya ang pwesto ng mga tindahan ng mga gulay, prutas at kung ano-ano pang wet goods. "'Andoon ang talipapa, oh! Malayo-layo rito kaya h'wag kang ano!" Hindi niya ugali ang magtaray pero kapag ganitong nagsabay-sabay ang kamalasan niya, hindi niya napipigilan ang sarili.
"I don't care! Puro kayo amoy araw!"
"A-amoy araw?" Nagusot ang labi niya, dinakot niya ang neckline ng suot na t-shirt at inamoy iyon.
"See? You smell dis—"
"Shut it, Kathleen," pigil dito ng kasama nitong lalaki. "My apology for her attitude," baling naman nito sa kaniya na sinamahan pa ng matamis na ngiti.
"What the hell, Ray? Why do you have to apologize—"
"Stop it. You want to shop, right? Here we are, go shop now."
"No way! Not in this cheap place! You are a Montenegro and you will just bring me here? Really? In this… Ugh!"
"Look, I am just a Montenegro but I'm still nothing. I'm not earning yet."
"We are living hmmm hmm hmmm," paghimno niya sa isa sa mga sikat na kanta ng sikat ding mang-aawit na si Madonna at saka tinalikuran na lang ang dalawa. Bahala sila sa buhay nila. Ang aga-agang mang-stress.
Pinuntahan na lang niya ang kabilang side ng malaking mesa na kinalalatagan ng mga damit at napapabuntong-hiningang inumpisahan ang pagtitiklop ng mga nagulong paninda.
Sinulyapan niya ang magsyotang kanina pa nagtatalo. Mukhang nag-walk out iyong babaeng Kathleen ang pangalan, iyong Ray naman hindi malaman kung susundan ang kasama nito. Ang galing talaga ng memory niya at natandaan pa ang pangalan ng dalawa. eh, iyon kayang lalaking mukhang hedgehog ang buhok?
Nagtama pa ang paningin nila nang lingunin siya nito at nandilat ang mga mata niya nang mabasa sa bibig ng lalaki ang salitang 'sorry', at 'I have to go', bago ito tumalikod at patakbong sinundan ang kasama nito.
E? Paki ba niya? Feeling close at kailangang magpaalam sa kaniya? Jusko! Stressing talaga ang araw ngayon.
Patuloy pa rin ang pagsasayaw ng tatlong kasama ni Kakay. Isa sa nga mga ito ang kumakanta kahit pa wala sa tono ang matinis at inipit nitong boses.
At ang kaibigan niya? Hayun, pumipilantik ang balakang nang pakaliwa't pakanan, ang lawak ng ngiti nito habang patungo sa kaniya na akala mo ay tumama sa jueteng habang iwinawagayway nito sa kanang kamay ang— isanlibo?
Pasampal nitong iniabot sa kaniya ang asul na papel habang nakakaloko ang ngiti.
"Magkano?" tanong niya para masuklian iyon.
"Bruha, keep the change daw sabi ni pogi."
"Sinong pogi?"
"Iyong may wheels na nasa tapat mo kanina. Ang landeh! Jusko!"
Nanlaki ang mga mata niya. Nagbayad ito? Waaahh! Buong akala niya ni-one-two-three na siya. Tapos hindi pa kinuha ang sukli. Hindi pa rin naman pala malas ang araw niya. Thank you, Papa God!
"Hihingi ako kay nanay ng pangmeryenda natin!" Mabilis niyang iniwan ang kaibigan at pumasok sa lumang kumot na ginawang pantabing para pagpahingahan.
"Nay, keep the change daw po." Iniabot niya rito ang isanlibo na pinandilatan naman ng Nanay Mila niya.
"Aba, ang galante ng kostumer mo, a! Akalain mong mapapakinabangan natin iyang boses mo." Ipinagpag nito sa hangin ang perang papel, hinawakan sa magkabilang dulo at iniangat sa liwanag, sinisipat kung peke ba o tunay iyon.
"Mukhang makakauwi tayo nang maaga," aniya pa.
"Oo nga po, Nay. Makakapagpahinga po kayo. Ahm, `nay, baka pwedeng pahingi ng pangmeryenda?" Nginitian niya nang matamis ang ina. "Nakakahiya kina Kakay, eh," ngumiwi siya nang makita ang pagpalis ng ngiti sa labi ng Nanay Mila niya.
Umirap si Aling Mila pero binuksan din nito ang itim na belt bag at kumuha ng limang tigbibente. "O! Kasya na siguro `yan."
"Yay! Salamat, `Nay!" Laking tuwa nang kinuha niya ang pera, niyakap pa ni Tisay ang ina at hinalikan ang pisngi nito.
"Anong— may pahalik-halik pa, lumabas ka na nga!"
"Love you, `Nay! Salamat ulit."
Bakas man ang iritasyon sa mukha ni Aling Mila, binalewala iyon ni Tisay. Sanay na siya sa ganoong reaksiyon ng ina sa t'wing susubukan niyang maglambing dito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    Marjun Masapol

    next po madam sobrang sobrang ganda po ng storys po promis

    2d

      0
  • avatar
    Sarah Eunice Solmayor

    ang ganda po

    20d

      1
  • avatar
    Flor C. Panugaling

    🥰🥰🥰

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด