logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2: Everything Happens for a Reason

Jasper's point of view:
After 3 years...
"Hey Jasper! Gumising ka na!" isang napakalakas na boses ang narinig ko na siyang naging dahilan kaya napatalukbong na lamang ako sa kumot ko. Inaantok pa ako.
"Yoo-hoo! Wake up Jasper!" dinig kong sigaw na naman ni Casty. Nakakaasar! Kita naman na natutulog pa ang tao.
"Oh, ayaw niyang gumising, Cast?" dinig kong sabi naman ni Cathy. Lalong nagsumiksik ako sa pagkakakumot. Bakit ba ganito ang dalawang ito? They're always my alarm clock. Can they just give me a peaceful sleep? I want to sleep more.
"Okay! You don't want to wake up! And I.... 2...
3.... Wikipubu Jasper waking up attack!" sabay na sigaw nila. At doon na nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar na gawain nilang iyon. What the-!
"A-aray! Damn it!"
"Hahahah! Hindi ka babangon ah! Do you want more?" natatawang sabi ni Casty at sobrang bigat niya!
"Waaaah, Cast inaantok pa ako. Ang sarap pala higaan nitong si Jasper!" sabi naman ni Cathy. Gustong-gusto ko na silang bigwasan.
"What the heck?! Ughhhh! Umalis nga kayo! Istorbo eh! Can- aray!" sigaw ko pero parang wala silang naririnig at lalong dinidiinan pa ang pagkakahiga sa akin. Sobrang bigat nila.
"Ano hindi ka pa babangon?" tanong ni Cathy.
"Fine! Fine! Babangon na. Tsk! Paano ako babangon? Nakahiga kayo-a-aray!" inis kong sigaw.
"Oh okay, hays iyon lang pala ang kailangan. Tara na Cast mala-late na tayo sa school," sabi ni Cathy at naramdaman kong tumayo na siya, ganoon din si Casty. Natigilan na lamang ako sa sinabi nito.
Eh? May pasok?!
Nang balingan ko sila ng paningin ay parehas silang nakasuot ng uniform.
"May pasok? Akala ko ba ay Sabado ngayon?" naguguluhang sambit ko. At 'di ba birthday ko? Aish! Panaginip lang ba ang lahat?
Nagkatinginan silang dalawa at saka sabay na napabunghalit ng tawa.
What the heck?! Mga baliw na ba sila?
"Hays! Jasper, wake up! And yeah, it's Friday po and not Saturday! Are you insane?" natatawang sabi ni Cathy at inirapan pa ako bago lumabas ng kwarto ko. Seriously?! Really?
Napatingin naman ako kay Casty at nagpipigil ito ng tawa. Sa yamot ko ay binato ko ito ng unan na siyang tumama sa mukha nito kaya wala na siyang nagawa kundi lumabas na lamang ng kwarto ko.
Dali-dali ko namang kinuha ang cell phone ko na nasa bedside table at hindi pinansin ang kung anumang nabunggo at nahulog ko na bagay.
7:05 am
Fri, June 19
Napamura na lamang ako. Tsk! Panaginip lang pala.
Kaagad na akong dumeretso sa banyo para magmadaling maligo at magsipilyo. Matapos kong magawa iyon ay dali-dali ko ng sinuot ang uniform kong nakasabit sa cabinet ko.
"F*ck! Bakit ngayon lang ako ginising ng dalawang iyon?" inis kong bulong habang nagmamadali sa pagsuot ng sapatos ko.
Hindi na ako nag-abalang magsuklay at tumingin sa salamin. At hindi ko na rin nabutones nang maayos ang aking polo. Kinuha ko na kaagad ang bag ko na nasa ibabaw ng study table ko.
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may maapakan ako na biglang tumunog.
At unti-unti ng napakunot ang aking noo. A sudden realization hit me.
"What the f*ck?! Sabado ngayon," bulong ko. At ilang beses na napamura. Aish! Naisahan ako ng kambal na iyon.
Binato ko ang bag ko sa kama at ginulo ang buhok ko. At saka dinampot ang maliit na bola na siyang nag-ingay nang natapakan ko kanina.
(Flashback)
"What the f*ck?! Huwag ka nga maingay Casty! Kanina pa ako naiirita sa bolang iyan!" sigaw ko kay Casty habang kanina niya pa pinipindot-pindot ang bolang maingay na iyon.
"No! Panggulo ito! Para manalo si kambal," sagot niya habang nakahalumbabang nanonood sa amin ni Cathy. Mga nakaupo kami sa kama ko at naglalaro kami ng chess ni Cathy, samantalang si Casty ay nanonood lamang dahil hindi siya marunong maglaro niyon.
"F*ck! Casty! Kapag ako ang nanalo akin na iyang maingay na iyan," sabi ko sa kanya habang nakatutok ako sa nilalaro namin ni Cathy.
"As if mananalo ka, 'di ba kambal? Go kambal!" pagchi-cheer niya pa sa kakambal niya na focus na focus sa nilalaro namin.
Hanggang sa...
"Seriously?! Kambal nagtiwala ako sa iyo...." madramang sabi ni Casty.
"Tss, huwag ka ngang magdrama. Ikaw kaya ang maglaro," sabi ni Cathy na bad trip dahil natalo ko na naman siya.
"Aaaah! Hindi!" sigaw ni Casty at pilit nilalayo sa akin ang maingay na bolang iyon.
"Casty, yung pinag-usapan," sabi ko habang nakalahad ang aking palad. Napasipa naman siya at ilang beses na napadabog.
"Aish fine! Fine! Ingatan mo iyan! Bigay sa akin ng baby ko iyan!" padabog na binigay niya sa akin iyon. At napangiwi na lamang ako sa sinabi niya.
"Baby?" nandidiring naguguluhang sabi ko. Hindi niya ako sinagot at dumeretso siya sa sahig na kung nasaan si Cathy ngayon.
"Jasper, panood ah!" sabi ni Cathy na kinakalkal ang mga DVDs ko. Tumango na lamang ako at natawa ako nang makitang nakasibangot si Casty.
"Tss, bibigay ko rin sa iyo bukas. Ang ingay mo eh!" sabi ko sa kanya. At inilagay ang bolang maingay na iyon sa ibabaw ng bedside table ko.
(End of Flashback)
Napailing na lamang ako at natawa bigla.
"Is this their plan?" Inilibot ko ang aking paningin.
Sobrang ayos ng kwarto ko at hindi aakalaing may gulong nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko ay gulo-gulo ang mga DVD ko dahil kung ano-ano ang pinanood namin kagabi at saka maraming nakakalat na pinagbalatan ng snacks at soft drinks.
At saka ang pagkakaalam ko ay rito sila natulog na dalawa. Dahil tuwing Friday, nakagawian na namin ang magpuyat, at saka dahil tinatamad na silang pumunta sa kwarto nila ay dito na sila natutulog.
"Magaling ah. Nalinis ang kwarto ko at naloko nila ako roon. Pero sayang dahil lang sa bigay ng baby ni Casty na bolang maingay na ito ay nasira ang plano nila," natatawang sabi ko.
Kinuha ko ang bag sa kama ko at nagkunwaring mala-late na talaga.
Pinihit ko ang doorknob, tahimik nang makalabas ako. Okay nasa baba sila. Binilisan ko ang pagyabag ko at sinigurong maririnig nila iyon. Hindi ko mapigilang hindi matawa.
Tsk! Sige na nga sasabay na ako sa trip nila.
Napapailing na naglakad ako habang may ngisi sa labi.
As expected...
"Surprise!!! Happy birthday, Jasper!" malakas na sigaw ang bumungad pagkababa ko.
Nandito pala sila Tita at ang mga pinsan ko.
At nagkunwari akong nagulat sa pamamagitan ng paghulog ko ng aking bag sa sahig. Inside my mind, I am laughing like a fool and evil.
Napatingin ako kina Casty at Cathy na nakangiti at mukhang satisfy na satisfy dahil nagtagumpay sila. Pero kaagad napawi iyon nang ilabas ko mula sa bulsa ko ang bolang maingay ni Casty at pindutin iyon saka ngumisi sa harap nila. Kaagad kong napansin ang paglaki ng mga mata nila at kita ko ang pagngiwi ni Casty dahil sa pagkurot sa kanya ni Cathy sa tagiliran nito.
---
"Tsk! Tayo ang nasorpresa," sabi ni Casty na tumatawa. Nasa labas na kami ng bahay at hindi ko akalain na marami palang bisita. Kasama namin sa lamesa ang mga pinsan namin at nagku-kuwentuhan kami.
"Tss! Ilang beses ko kasing paulit-ulit na sinabi sa iyo na kuhanin mo yung bola mong maingay na nasa bedside table ni Jasper. Pero wala! Eh 'di ayan hindi tuloy si Jasper ang nasorpresa kundi tayo," sabi ni Cathy na inis na inis kay Casty. Napapatawa na lamang kaming magpipinsan sa panonood sa kanilang dalawa.
"Hey tama na nga iyan kambal. Nagtagumpay pa rin naman kayo. Tignan niyo naka-uniform na nga si Jasper eh," sabi ni Kuya Jeremy na pinakamatanda sa aming lahat. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin ako nagpapalit ng damit. Natawa na lamang ako.
"Kaya nga eh, pero mas okay sana kung hindi nakita ni Jasper yung bolang maingay ni Casty," sabi ni Cathy at padabog na sumubo ng ice cream.
"Tanghali na kaya. At kanina pa iyang bola na maingay ang pinag-uusapan," sabat ni Ate Eilena nang makabalik sa upuan niya. Nanguha kasi siya ng pagkain.
"Hays, saan ba kasi galing iyang bolang maingay na iyan?" tanong ni Kuya Jeremy at itinuro ang hawak ni Nicholas na bola na kanina pa nito pinipindot na siyang hindi napapansin ni Casty.
"F*ck! Nicholas akin na iyan!" biglang hinablot ni Casty yung bola niya na hawak ni Nicholas.
"Saan mo ba nakuha iyan, Kuya?" natatawang tanong ni Nicholas at sumubo sa kanyang ice cream.
"Sa baby ko," nakangusong sabi niya na ine-examine pa ang bola niya. At sabay-sabay kaming nasamid at may ilan pang nahirinan dahil kumakain.
"Seriously, Casty?! Diretsahan eh noh?" sabi ni Cathy na hinampas pa si Casty saka inabutan ng tubig si Ate Eilena na nahihirinan.
"Baby?!" sabay-sabay na sambit nila maliban sa aming dalawa ni Cathy.
"Yeah, yung nililigawan ko," diretsong sagot niya.
"Ahh, Baby kasi yung name," napapatango na sabi ni Errhyl na kasing edad lamang namin. Kumakain naman siya ng spaghetti.
"Huh?! Sinabi ko bang Baby ang name niya?" kunot-noong tanong ni Casty. At sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.
"Ang tawag ko sa kanya ay baby. Her name is Myrene," nakangiting sabi niya. Tila iisa ang naging reaksyon naming lahat. Sabay-sabay na napangiwi na hindi kalaunan ay...
"What the?! So endearment? Bwahahahaha!" napabunghalit ng tawa si Kuya Jeremy na sinabayan ni Nicholas. Samantalang ang iba ay napapangiwi na lamang.
"Casty, kinahihiya kitang kakambal. May endearment pa talaga?" nakangiwing sabi ni Cathy. Biglang tumayo si Kuya Jeremy.
"Tsk! Naiihi ako," sabi niya habang tumatawa pa rin at saka tumakbo paalis.
"Teka, so nililigawan mo pa lang?" tanong naman ni Kuya Andy na busy sa pagpho-phone at tumango naman si Casty na umiinom na ng soft drinks.
"Tapos may endearment na?" hindi makapaniwalang sabi ni Errhyl nang maubos na niya ang spaghetti at saka uminom ng tubig.
"Hays, advance mag-isip ang kakambal ko eh," sagot ni Cathy at inubos na ang ice cream niya saka tumayo. "Kuha lang ako," dagdag niya na itinaas pa ang wala ng laman na baso.
"Wala pa ba sila Erick?" tanong ko nang mapansin na hindi pala kami kumpleto.
"Mamaya pa raw sila eh. Narinig ko kanina na kausap ni Tita Jana sila Tita Zenny," sagot ni Ate Eilena at napatango na lang ako.
"Ay bukas si Jayie naman ang may birthday," biglang sabi ni Nicholas at napatingin kaming lahat sa kanya.
"Yeah it's her birthday. How I miss that girl," sabi naman ni Kuya Jeremy na siyang nakabalik na. "Kahit sa sandaling panahon na nakasama ko siya. She's so sweet," dagdag pa niya.
"Kasing edad na ni Nicholas iyon bukas," sabi ni Ate Eilena. Napatingin na lamang sila sa akin.
"You did Jasper," nakangiting sabi ni Cathy. Ngumiti naman ako.
"Parang last year lang eh umiiyak ka. Unti-unting nakaka-recover ka na," natatawang sabi ni Casty.
Napatingin ako sa langit.
I miss you little sister.
"Nice Jasper," nakangiting sabi naman ni Kuya Jeremy.
"Yeah, thank you sa inyo. Nagawa ko, dahil sa inyo," sabi ko na nakangiti sa kanila.
Ano kayang mangyayari sa akin kung hindi ko nagawa? Ano kayang mangyayari sa akin kung wala sila sa tabi ko? Siguro wala na ako ngayon.
"Syempre kami pa. Hindi lang tayo magpipinsan para sa wala. Tutulungan natin ang bawat isang nahihirapan," sabi ni Kuya Jeremy.
Napangiti ako nang maalala ang araw na muntik-muntikan na talaga.
(Flashback)
"Jasper, open the damn door!" dinig kong sigaw ni Daddy mula sa labas. Hindi ko iyon bubuksan. Kanina pa nila pilit binubuksan ang pinto ng kwarto ko.
Hindi ko na kaya. Bakit sobrang sakit?
Gusto ko na rin mawala.
First birthday ko na wala si Jayie at hindi ko kaya. Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga alaalang kasama namin si Jayie.
I very love Jayie and I can't live without my sister.
Maglalaslas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at kaagad dinaluhan ako ng yakap ni Mommy. Inagaw sa akin ni Daddy ang hawak kong gunting. I am in tears and my hands are thrilled.
"No son... No... Please huwag din ikaw..." hihikbi-hikbing sabi ni Mommy habang nakayakap sa akin. I am only looking at the floor while my tears are brimming down.
"Are you insane, Jasper?!" malakas na sigaw ni Daddy ang umalingawngaw sa buong sulok ng kwarto ko.
I'm not in a good state. And I don't if I can be okay.
Nakatulala lamang ako at lahat ng sinasabi nila sa akin ay lumalabas lamang sa kabilang tainga ko. Wala akong naiintindihan.
I'm in pain. So much pain that I can no longer take this. I just want to end my sufferings already.
"Son, pakikinggan ka namin. I know na nahihirapan ka sa pagkawala ni Jayie. Kitang-kita namin kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Pero ano naman kami anak? Paano naman kami? Nawalan din kami pero nagpapakatatag kami para sa iyo kaya please anak... Magpakatatag ka rin," sabi sa akin ni Mommy habang nakatulala lang ako. Naramdaman kong hinalikan ako sa noo ni Mommy bago sila lumabas ni Daddy.
"He'll be good. He'll be good," dinig kong pilit na sinasabi ni Daddy kay Mommy bago sila lumabas.
I'm now with my doctor.
"Jasper," tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Ayaw ko. Ayaw ko. Ayaw ko. Pilit kong iniiling ang aking ulo. Ang mga kamay ko ay mariing nakakuyom.
"Listen Jasper. You are still a kid and you can do whatever you want. Your life is very important, always remember that. You know what, I'm here. I can be an ear to you. Tell something. Tell your pains. I'm hear to listen," sabi niya pero hindi ako sumagot at nanatiling nakatulala lamang.
Hanggang sa paulit-ulit iyon nangyayari. Paulit-ulit kong nakikita ang luha ni Mommy. Paulit-ulit na may sinasabi sa akin ang doktor na hindi ko naman pinapansin.
I can't. Hindi ko kaya.
Tanging gusto ko lamang ay mapag-isa. Gusto ko ng makalaya.
Hanggang sa dumating ang araw na nagsalita rin ako at sinabi ang lahat-lahat ng nararamdaman ko.
"I can't. Hindi ko na po kaya. I can't," paulit-ulit kong sinasabi. "I need help. How can my pains go away?"
Nasundan iyon ng ilang mga istorya hanggang sa naging panatag na akong magkuwento.
Bumagsak nga ang buong pagkatao ko. I'm depressed.
Dahil masyadong mahal ko ang aking kapatid ay nahirapan akong tanggapin iyon at tanging naging solusyon lang ng aking utak ay mawala na rin ako ng tuluyan.
Hindi kaagad natanggap ng aking sistema ang pagkawala niya. At dahil na rin sa napuno ang nasa loob ko ay ganito ang nangyari. Hindi ko siya nailabas. Hindi kasi ako ang tipo ng bata na pala-kuwento ng nararamdaman.
May ilan din akong iniinom na gamot upang mas mapadali ang aking paggaling.
Tuwing walang pasok ay nagpupunta sa bahay ang mga pinsan ko para samahan at makipaglaro sila sa akin. Sina Cathy at Casty ay tuluyan ng tumira sa bahay namin.
And in just months, I'm no longer sick. I'm no longer in pain. I'm already feeling well.
Parang bulang nawala ang lahat.
Bumalik ang totoong ako.
Jasper is back, but the pain is still there pero hindi na kasing sariwa noon. Unti-unti na siyang naghihilom saka mananatiling isang peklat ng alaala.
Sobrang maraming salamat sa mga pinsan ko. Nandiyan sila para damayan at samahan ako. Nandiyan sila para tulungan akong makabalik.
Awang-awa ako kay Mommy nang isang gabi ay narinig kong umiiyak siya at pinapatahan ni Daddy.
"Hon, shhhh... He'll be okay. Shhhhh..." sabi ni Dad.
"No Ethan. Hindi ko kakayanin kung pati si Jasper ay mawala rin," hihikbi-hikbing sabi ni Mommy.
"Nandiyan ang mga pinsan niya. He'll be okay. We just need to wait. Lumalaban din ang anak natin Jana," sabi ni Dad.
At doon ako natauhan. Anong nangyayari sa akin?
Anong ginawa ko? Bakit hindi ko kaagad nilabanan? Nagpadala ako sa nararamdaman ko.
(End of Flashback)
---
"Ready na ba ang lahat?" tanong ni Daddy sa amin.
Sa bahay nagsitulog ang mga pinsan ko samantalang sila Tito at Tita ay sa hotel dahil wala silang tutulugan sa amin.
Papunta kami ngayon sa probinsiya at bibisita kami kay Jayie. Doon siya nilibing kasama ng puntod ni Lolo.
Birthday niya ngayong araw.
"Opo Tito!" sigaw ni Casty.
"No!" sigaw naman ni Cathy.
"Oh bakit?" tanong ni Daddy at napatingin kami kay Cathy.
"Nasira po!" sabi niya at napatingin kami sa sapatos niya. "Papalitan ko lang po," sabi niya at kaagad bumaba sa sasakyan saka nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsimula ng paandarin ni Daddy ang sasakyan at katabi ko si Casty at naglalaban kami sa game na nasa cell phone.
"F*ck! Bakit mo ko pinatay?!" sigaw niya. At nagulat kami ng mapapreno si Daddy bigla at ang mga pinsan ko ay mga nagpipigil na ng tawa kasama ako.
"Oh so-sorry Tito," nakatakip sa bibig na sabi ni Casty.
"First warning Casty," seryosong sabi ni Daddy at ilang beses na napatango si Casty habang nakatingin sa rear mirror kung saan nakatingin si Daddy sa kanya.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Casty nang magsimulang paandarin na ulit ni Daddy ang sasakyan at natatawa na lamang ako.
"Isa pa," bulong niya at tumango na lamang ako.
Nagsimula na kaming maglaro ulit at natalo na naman siya kaya bago pa siya magmura ay tinakpan ko na ng panyo ang bibig niya.
"Thanks bro!" sabi niya. Hahahah! Napigilan ko siyang magmura eh.
Mga ilang oras din ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay ni Lola. Mabuti na lamang at maaga-aga pa kaya dali-dali kaming nag-unahan sa kwarto saka nahiga sa kanya-kanyang kama.
"Tulog ulit! Uy Andy mag-set ka ng alarm baka maghapon tayong makatulog," sigaw ni Kuya Jeremy na nakahiga na. "Aish! Bakit ganoon? Nakaupo lang naman tayo habang nagbiyahe pero bakit nakakapagod?" dadag pa ni Kuya Jeremy.
Ipinikit ko naman na ang mga mata ko. See you later, little sister.
(Dream)
"Hoy huwag kayong magtakbuhan!" malakas na sigaw ni Daddy.
"Aish! Ang kukulit ni-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang may kumuha sa sumbrelo ko.
"F*ck!" bulong ko dahil baka marinig ni Daddy. Si Daddy lang ang kasama namin na nagpunta sa sementeryo dahil sila Mommy ay wala pa.
Lumingon ako at nakita ko na si Casty pala iyon. At pinagpapasahan na nilang dalawa ang sumbrelo ko. Hinahabol ko sila nang hindi sinasadya ay may nasagi ako. Narinig ko yung mga paghalakhak nila.
Aissh! Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"So-sorry," sabi ko at pinulot ang bulaklak na dala niya at inabot sa kanya. Pero natigilan ako at....
(End of Dream)
♪♪ Dyn-na-na-na, na-na, na-na, ayy
Dyn-na-na-na, na-na, na-na, ayy
Dyn-na-na-na, na-na, na-na, ayy
Light it up like dynamite ♪♪
Halos sabay-sabay kaming napabangon at napamura.
"Andy!" sigaw ni Kuya Jeremy.
"Aish! Hindi ako ang nag-set ng kanta na iyan. Tsk! Pinakialaman na naman ni Errhyl ang phone ko," napapakamot sa ulo na sabi ni Kuya Andy.
Sabay-sabay kaming mga napasabunot sa ulo. At halos mag-unahan kami sa CR pero nauna na si Nicholas.
"Ako muna mga Kuya!" sabi niya na nakasilip ang ulo sa bahagyang nakabukas na pinto at nginisihan niya kami saka sinara ang pinto.
"Erick! Bangon na!" sigaw ni Kuya Jeremy. Natulog kasi ulit si Erick.
"Anong oras na?" tanong ko kay Kuya Andy na busy na naman sa pagpho-phone.
"11:10," tamad na sagot ni Kuya Andy. Tumango na lang ako. Lumabas ako sa kwarto at tumungo sa sala.
"Ano ready na ba kayo?" tanong ni Daddy na nagkakape.
"Dad si Nicholas pa lang naliligo," sabi ko.
"Oh? Son, doon ka na maligo sa CR ng kwarto namin," sabi ni Daddy at tumango ako.
"Si Mom?" tanong ko.
"Ah kasama nila Tita Zenny mo. Alam mo na girls thing," natatawang sabi ni Dad at napatango na lang ako.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto namin at kinuha ang bag ko.
"Oh? Bumaba ka pa Jasper. Naunahan ka na ni Casty," sabi ni Kuya Jeremy. Umiling naman ako.
"Sa kwarto na ako nila Dad," sabi ko at saka lumabas na.
Tumungo na ako sa kwarto nila Dad at may napansin ako na nasa bedside table nila.
"Oh, ano ito?" tanong ko nang kinuha ko ang maliit na kahon.
Eh?
Binuksan ko iyon at nakita ang isang relo.
Ito yung regalo sa akin nila Dad ah pero sa pagkakaalam ko tinapon ko na ito.
"F*ck! Kinuha pa pala nila Dad," bulong ko. Ibinalik ko na lang ulit iyon at hindi na pinansin.
Pumasok na ako sa CR nila Dad at naligo.
Pagpunta ko sa kwarto namin ay mga nakaayos na rin sila.
"Sabi ko sa iyo Cast eh!" dinig kong sabi ni Kuya Jeremy.
"Oo na! Oo na!" naiinis na sagot ni Casty.
Anong meron sa dalawa na ito?
Napansin siguro nila na naguguluhan ako.
"Ayaw kasi maniwala ni Kuya Casty na naligo ka na," sabi ni Nicholas na nagsisintas ng sapatos. Napatango na lang ako.
May kumatok na. "Boys, bumaba na kayo! Aalis na tayo!" sigaw ni Daddy.
"Opo!" sabay-sabay na sagot naming lahat.
"F*ck! Si Andy naliligo pa pala," napatingin kami kay Kuya Jeremy at mga napangiwi kami at napailing.
Hays! Mabagal pa naman si Kuya Andy.
Mga nagsibaba na kami. Ang mga babae ay nakaupo sa sofa habang busy sa pagpho-phone.
"Aish! Ang babagal niyo ay. Naunahan pa namin kayo!" sabi ni Ate Eilena.
"Sige na sakay na kayo!" sigaw ni Dad at tinuro ang van sa labas. Mga nag-unahan na kami sa pagpasok at pag-upo.
"Aish! Kay Mommy na lang ako sasakay!" sabi ni Erick.
"Erick, mamaya pa sila pupunta. May dinaanan pa," sabi naman ni Daddy at napatango na lang ito. Wala na siyang magagawa eh kasi maiiwan na siya rito.
"Aish! Huwag ka nga rito Nicholas!" dinig kong sigaw ni Zyreen.
"Nicholas! Mga babae sa likod!" sigaw ni Daddy.
"Fine! Fine! Aish ang daya! Mas malamig sa likod eh!" nagdadabog na sabi ni Nicholas.
"Tsk! Bro, pagbigyan ang mga babae," sabi ni Casty.
Napansin kong sumakay na si Dad sa driver seat.
"Kumpleto na ba?" tanong ni Dad.
"Hays, Tito si Andy wala pa," tamad na sagot ni Kuya Jeremy.
"Okay hintayin natin," sabi ni Dad.
Mayamaya lang ay dumating na rin si Kuya Andy.
"Tara na!" sigaw ni Nicholas.
At makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa sementeryo.
Pumunta na ako sa kung nasaan ang puntod ni Jayie na katabi ng kay Lolo.
Inilapag ko ang bulaklak ni Jayie, samantalang yung kay Lolo ay inilapag naman ni Kuya Jeremy.
Nagdasal lang kami sandali at saka ginawa na kung ano ang mga gustong gawin.
Pinagmamasdan ko ang lapida ni Jayie nang biglang marinig ko na sumigaw si Daddy.
"Hoy! Huwag kayong magtakbuhan!"
"Aish! Ang kukulit ni-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may kumuha sa sombrelo ko.
"F*ck!" bulong ko.
"Hahahah!" sabay-sabay na nagtawanan sila na pinagpapasahan ang sombrelo ko.
Hinahabol ko sila nang hindi sinasadya ay may nabunggo ako. Aish! Parang nangyari na ito?
"So-sorry," sabi ko at dinampot ang nahulog na bulaklak.
F*ck! Ito yung nasa panaginip ko yata.
"Okay lang."
Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ang maamo niyang boses. F*ck! Bakit ganito ang nararamdaman ko?!
Titingin na sana ako rito nang ibato nila sa akin yung sombrelo ko at tumama sa mukha ko.
Lumapit sila sa akin at pinag-aakbayan ako.
"Aish! Alis!" sabi ko pero mga humalakhak lang sila. Pagtanggal ko ng sombrelo ay wala na ang babae, lumingon ako at nakita siyang naglalakad na palayo sa akin.
Tsk! Hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Siniko ko si Casty at Nicholas na nakaakbay sa akin.
"Aray!" sabay na daing nila kaya tumakbo na ako.
Tumatawa ako habang hinahabol nila.
Thank you, Jayie. Happy Birthday!
Hindi ko akalain na sa oras na ito ay unang beses kong mararamdaman ang kakaibang pakiramdam na ito. Tama nga naman ang sinabi nila. Everything is always happened because there is a meaningful reason behind it.
Ang bawat pighati at kirot sa puso ko noon, ngayon ay napapalitan ng ligaya at paglukso ng aking puso dahil sa kaligayahang aking nararamdaman.
Nawala man si Jayie, nanatili naman ang aking mga pinsan sa tabi ko. Malaki ang naging parte nila sa akin. Lalo na si Mommy at Daddy na patuloy akong iniintindi at hindi sinusukuan.
They are my family and will be my forever family.
Thank you Lord for giving me this life that I thought this is the worst.
I just realized that everything happens for a reason.
You'll realize it one day.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    GraceDumaguing

    yehey!

    17/08

      0
  • avatar
    Rjane Tipolo

    it was good I enjoy reading it

    11/08

      0
  • avatar
    Melanie Crisostomo Salas

    sobrang Ganda...

    04/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด