logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2 (Nawalang Kamusmusan)

MAKALIPAS ang kalahating oras na paglalakad ay nakarating sila sa highway, walang kabahayan siyang nakikita. Ni sasakyang dumadaan ay wala siyang matanaw. Pinasakay siya ng mga ito sa sasakyang nanghihintay sa kanila.
"Kailangan naming takpan ang iyong mga mata, Ineng," wika ni Jayson pagkasakay niya ng sasakyan. Ito ang katabi niya sa likurang bahagi. May dalawa sa harap at ang iba ay sa dalawa pang sasakyan sumakay.
Hindi na siya tumutol pa dahil alam niyang wala ring patutunguhan kung aapela siya. Ano ang magagawa ng labingdalawang taong gulang na kagaya niya? Wala! Wala siyang kalaban-laban kung sakali mang may gagawing masama sa kanya ang mga ito.
Hindi niya napigilang umalpas ang mahinang hikbi sa kanyang lalamunan. Napakasakit isipin na sa ikalawang pagkakataon ay nawalan siya ng ina. Napakasakit isiping hindi siya itinuring na anak ng pangalawang ina. Pumapasok sa isipan niya na kaya lang siya inalagaang mabuti ni Amanda dahil may masamang balak ito. Na kaya lang siya itinuring na anak para kuhanin ang kanyang tiwala.
Hindi ba masyado pa siyang bata para maranasan ito? Sa murang edad niya ay hindi na niya alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan. Sa araw na ito ay iminulat siya ni Amanda sa isang katotohan. Sa katotohanan na ang mundo ay hindi lang puno ng saya at kabutihan. Ito ay pinamumugaran din ng kasamaan. At hindi niya alam kung ano pang uri ng kasamaan ang kanyang mararanasan sa mga kamay ng mga taong ito.
"Tumahimik ka, bata! Nakakairita iyang pag-iyak mo!" nagulantang siya sa pasigaw na saway ng isang lalaki sa harap ng sasakyan.
"Hayaan mo muna siya, Waldo! Parang hindi mo rin naranasang umatungal at maglupasay sa kaparehong karanasan!" sawata ni Jayson sa tinawag nitong Waldo.
"Tssk!" sagot na lamang nito.
"Tahan na, Cathlyn. Basta sumunod ka lang at makauuwi ka," pang-aalo sa kanya ni Jayson.
May kung ano sa boses nito na unti-unting nagpatahan sa kanya. Nakagapos ang kanyang mga kamay at nakapiring ang kanyang mga mata kaya hinayaan niyang matuyo ang kanyang luha na dumadaloy. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at minabuting matulog na lang. Baka sakaling paggising niya ay isang masamang panaginip lang itong nangyayari.
"Hoy, bata! Gising na!" naalimpungatan siya sa sigaw ni Waldo.
Wala na siyang piring kaya nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya pagmulat niya. Muli siyang pumikit at dahan-dahang inimulat ang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung nasaan sila.
Tanging nakikita lang niya ay isang malawak na lupain na may mga punong kahoy sa paligid. May mga bahay siyang nakikita sa isang bahagi. May namataan siyang mga batang halos kaedaran niya. Halos sampung mga bata pa lang ang nandoon. Maya-maya ay may nakita siyang dumating na isang magarang sasakyan. May lumabas doon na dalawang batang babae na hindi nalalayo sa kanyang edad.
"Halika na, Cathlyn," yaya sa kanya ni Jayson.
"C-cathy, na lang po, k-kuya," wika niya. Nakita niyang nagulat si Jayson sa pagtawag niyang kuya rito. Pero malimit din itong ngumiti sa kanya. Nauna nang labas ang dalawa nilang kasama sa sasakyan.
"Huwag kang mag-alala poprotektahan kita sa abot nang aking makakaya. Basta ipangako mong lalabas ka rito ng buhay. At sundin ang lahat ng utos. Sumusunod lang din ako sa utos, Cathy. Kaya sana pilitin mong mabuhay habang naririto ka," seryosong wika nito sa kanya.
Naghatid ng kilabot sa kanya ang sinabi nito. Wala siyang naintindihan sa sinabi nito pero natakot siya sa mga binitiwang salita nito. Gayunpaman ay medyo napanatag siya sa sinabi nitong poprotektahan siya nito hanga't kaya nito.
Lumipas ang mga araw at naintindihan na ni Cathy kung bakit nagbilin sa kanya si Jayson na pilitin niyang mabuhay habang nandoon sa lugar na iyon. Dahil sa lugar na iyon ay tuluyang nagbago ang kanyang pagkatao. Kung sa murang edad na sampu ay pinilit niyang maging mature, sa lugar na kinaroroonan niya ngayon ay pinilit niyang maging matatag. Sa murang edad lubusan niyang nakilala ang tunay na mundo. Ang mundo na puno ng karahasan at kasamaan. Napagtanto niya na mas matimbang ang masama kaysa kabutihan.
Sa edad na labingdalawa ay natuto siyang magbanat ng buto para makakain. Natuto siyang kumain ng gulay na labis niyang inaayawan. Kung dati ay hindi niya kilala ang kamote at kamoteng kahoy ngayon ay paborito na niya. Noong kasama niya ang kanyang ama kahit langaw ay hindi niya kayang saktan, ngayon ay kayang-kaya na niyang pumatay ng tao sa loob lang ng ilang minuto. Ang dating lalampa-lampang si Cathlyn ay naging isa sa mga napakadelikadong teenager sa loob lang nang anim na buwan.
Parang kailan lang nang dumating siya sa lugar na ito. Naalala niyang halos dalawampu silang kabataan na dumating sa parehong araw. Ngunit ngayon ay pito na lang sila. Pitong kabataan na sinanay at hinubog ang galing sa paghawak ng lahat ng klase ng armas at pakikipaglaban. Pati ang pagkontrol ng kanilang mga emosyon ay natutunan din nila. Sa maikling panahon ay nabago ang kanilang pananaw sa buhay.
Naging malapit sila sa isa't isa at itinuring na kapatid ang bawat isa. Wala silang ideya kung bakit sila sinanay. Ni minsan ay hindi rin nila nakita ang tao sa likod ng pagsasanay nila. Ang tanging kilala lang nila ay ang tiyuhin ng magkapatid na Kate at Lanie. Naging malapit din sa kanila si Jayson. Nalaman nilang biktima rin ito katulad nila.
Alam niyang tulad niya ay may galit din ang mga kaibigan niya sa mga taong nagdala sa kanila sa kasumpa-sumpang lugar na ito. Ang mga taong ginawa silang mamamatay tao! Nawala ang kainosentehan ng kanilang pag-iisip. Nabura ang kanilang mga masayang alaala at napalitan ng nakakasukang karanasan.
Alam niyang hindi na mabubura sa kanilang isipan ang bangungot na ito habang sila ay nabubuhay. Araw-araw ay nagigising silang nasa isip kung paano at bakit sila nasadlak sa impyernong lugar na iyon.
Sa loob lamang ng anim na buwan ay ilan na ang napatay nila sa loob ng ring. Tama! Sa loob ng ring. Dahil noong nasa ikalimang bwan na sila sa pagsasanay ay isinabak sila sa isang ilegal na street fighting. Para silang manok na sinasabong. Iisa lang ang palatuntunan sa loob ng ring!
KILL THY OPPONENT!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Mauie Zyne Sanico

    hi 🥁🎸🎸🥁🤧🎸😦👍🏻🫥🫥🤖👍🏻🫨🎀🥴😫😫🎀😦😆👍🏻🫥🤧👍🏻😆👋🏻🥴😫😫😦👍🏻😐😐 rdftgjjyygffswrhhugrr?

    20/07

      0
  • avatar
    Mj Josef Mangubat

    good

    10/07

      0
  • avatar
    Arnel Dumaan

    I like this story very much

    25/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด