logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

"WHERE the hell are you taking me, bastard!" Moriz shouted at the top of her lungs. Kulang na lamang ay magpupumiglas siya na animo’y isang uod na binubudburan ng salt. Kanina pa malakas ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Nags-shopping lang siya kanina, sa pagkakaalala niya, upang bumili sana ng two-piece swim wear para sa outing nila ng dalawa niyang kaibigan na sina Therese at Faye ngunit may humarang sa minamaneho niyang kotse. 
Hanggang ngayon ay hindi malinaw kay Mauriz ang nangyayari dahil nawalan ito ng malay kanina. Ni hindi niya nakita ang mukha ng kidnappers dahil nakablind fold ang kaniyang mga mata. 
If this is a kind of prank, this is the most stupid one! 
Ngayon ay pilit na siyang nagpupumiglas sa isang matipunong braso na may bitbit sa kaniya, ngunit ang pagpupumiglas ni Mauriz ay napalitan ng tili nang ibagsak siya ng kidnapper sa isang – malambot na kama? 
Kahit may takip ang mga mata ay napataaas ito ng kilay. 
'Why did my kidnapper throw me in a soft bed? Ang inaasahan ko ay sa isang luma at mabahong warehouse ako nito dadalhin at sa isang sirang upuan pauupuin gaya ng mga napapanood ko sa TV.'
Sa kabila ng pagtataka ay narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto. Muntik pa siyang malaglag sa kaniyang kinahihigaan, but even if she tried to remove this bullshit blindfold, hindi niya iyon magawa dahil nakatali ang mga kamay niya. 
"Where the hell am I? Ibalik niyo na ako sa Manila, damn it!" sigaw ni Moriz sa pagitan ng kaba. This is the first time in a while that she felt her heart burst and thumping like crazy. She wanna go out in that damn suffocating place. 
Naramdaman niyang may lumapit sa kinaroroonan niya at agad na tinanggal ang blindfold sa kaniyang mga mata. Nang maalis ang blindfold ay napapikit siya nang mariin dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa glass window. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at halos manlaki ang mga iyon dahil sa isang scenery sa kaniyang harapan. 
A sea! 
Kitang-kita niya ang kulay asul na karagatan mula sa glass window. Moriz was distracted by the cool waves in the blue sea. She can't even take her eyes off the beautiful scenery. 
"Where am I?" mahina niyang tanong. Tila naghugis puso ang mga mata nito dahil sa ganda ng view ngunit nanlaki ang mga mata niya nang maalala na nasa kuta nga pala siya ng mga kidnapper. 
"Baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo, brat." 
Narinig ni Moriz ang isang mahinang tinig. Nagmula ito sa isang lalaking nasa tapat ng pinto. Nang lingunin niya ito ay kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam kung matatakot pa ba siya o maiinis dahil sa hitsura ng binatang iyon. 
He's a freaking good-looking man! He doesn't even look like a kidnapper. 
Nakacap ng itim ang binata at nakasabit ang facemask sa kaliwang tenga. Kaunti lamang ang tangkad nito kaysa sa kaniya. Manipis ang kilay nito at may kasingkitan rin ang mga mata. In short, the man in a black hoodie is as cute as a baby. 
Unti-unting lumapit ang nakablack na hoodie sa kaniyang kinaroroonan habang nakalagay sa likuran ang dalawa nitong kamay. Nanlaki ang mga mata ni Mauriz nang marealize niya na baka may gawing hindi maganda sa kaniya ang binata. Oo nga't guwapo ito, pero kidnapper pa rin. 
Nang malapit na sa kaniya ang binata at papaupo na sa kama ay nanginginig siyang nag-ipon ng lakas. Huminga muna siya nang malalim at inihanda ang kanang paa. 
"DON'T RAPE ME!" sigaw ni Moriz sa pinakamataas na tono at agad sinipa ang binata sa maselang bahagi ng katawan nito. 
"W-what the f*ck did you do to me?! Oh, sh*t! Hindi ko na mabibigyan ng anak ang future wife ko!" sunod-sunod na mura ng binata sa pagitan ng pagdaing sa tinamong sipa mula kay Moriz. He's in excruciating pain. Nangunot ang noo ni Moriz at hindi mawari kung hihingi ba siya ng tawad dito. But because she is a girl with a worst attitude, she wouldn't dare apologizing to strangers. 
"I'm not doing anything to you, brat!" singhal muli ng binata habang hawak ang nasipang parte ng katawan. Awkward fills the air when he realized he's grabbing his own manhood infront of a woman. Dali-daling tinanggal ng binata ang pagkakahawak nito sa kaniyang – whatever. 
"But you kidnapped me!" sigaw pabalik ni Moriz sa pagitan ng mailap niyang tingin dito. Hindi niya alintana ang paghihirap na nararanasan ng binata. 
"Can you please lower down your voice? And excuse me, I'm not the one who brought you here." Sagot nito habang nakapikit at iniinda ang natamong sipa. Nagtatakang bumaling dito ang dalaga. Kung hindi ito ang nagdala sa kaniya rito, who would it be? 
"Who brought me here?" muling tanong ni Moriz sa mataray na tono. Sasagot na sana ang binata nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isa pang lalaki. 
"What are you doing, Warren?" saad ng lalaking may dimples sa cute na binatang sinipa niya kanina. Nakaupo na ito sa itim na couch at namimilipit pa rin sa sakit. 
"That woman!" Turo sa kaniya ng nagngangalang Warren. "Tinanggalan niya ako ng karapatang maging ama." 
Inirapan niya ito at binalingan ng tingin ang lalaking may dimples. Ni wala siyang maalalang ginawan niya ang mga ito ng masama. Dahan-dahang lumapit ang lalaking may dimples sa kaniya. Napapalunok na lamang si Moriz habang tinititigan ang mga hitsura ng kaniyang kidnapper. She's not even in the right mind to think about their looks. 
Moriz closed her eyes as she began to imagine worst things at the moment. 
No. She can't die early. 
Nang buksan ang mga mata ay saglit siyang napaisip. Could it be… 
“Is Brienne Aviona behind this?” 
Tama! Ito lamang ang huling taong makagagawa sa kaniya ng ganoon. She even threatened her the last time they met a week ago.
The guys didn’t answer her qestion. Napapitlag siya nang ihagis ng lalaking may dimples ang isang cellphone sa tabi niya. Nagtataka niya itong tiningnan at tinaasan ng kilay. 
“I’ll call your father and tell him to bring back the ring he stole from the person he knew very well.” 
'What? Stole what?' 
"Are you kidding me? My dad stole a ring from you?!" Agad siyang napatahimik ngunit maya-maya’y nagpakawala ng isang malakas na halakhak. “That’s the best joke I’ve ever heard in my life.” 
Agad tumawa nang mahina ang kidnapper at kinuha ang cellphone sa tabi niya at pagkatapos ay agad itong tumalikod at dumiretso sa may pinto. Inaninag ni Moriz ang lalaki habang nasa labas ng pinto, tila mayroon itong kinakausap. Muli itong humarap at nagbitaw ng mga salitang nagpainit ng ulo ni Moriz. 
"Seems like you'll be having a quiet vacation here," sambit ng lalaking may dimples bago iwagayway ang cell phone at ilagay sa bulsa ng suot na pantalon.  
"What? Nababaliw ka na ba?" Pagmamaktol ni Moriz. She desperately wants to punch that guy in the face. 
"Get me out of here, hey! You two!" 
Nagkatinginan sina Lans at Warren dahil sa mga pagdadabog ni Moriz. In this kind of situation, the normal victim should definitely cry because of fear or beg for the kidnappers to return them in their home. But the attitudesa woman is just hissing, shouting, and ordering them around like a boss. 
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ang dalawa at tinungo ang pinto. Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay napatigil si Lans at muling humarap sa dalaga. 
“Do you want to call your father now?” he said in between smiles. Moriz just rolled her eyes and went beside the glass window. She’s not going to participate in this stupid prank. 
"Okay, hindi na kita pipilitin. I'm going to untie you, Ms. Attitude, so don't you dare kick me." Paniniguro ni Lans. Hindi niya nais na maranasan ang pighating naramdaman ni Warren kanina. Gusto pa niyang magkaroon ng sariling supling. 
Dahan-dahang pumwesto si Lans sa likuran ni Moriz at kinalas ang mahabang panyo na nakatali sa mga kamay nito. Sa bawat segundo ay sinusulyapan niya ang mga paa ng dalaga. Mabuti na ang nag-iingat. 
Nang makalas ang tali ay mabilis na umalis si Lans sa likuran ni Moriz. Naiiritang tinitigan ng dalaga ang namumula niyang pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali kanina ng panyo. She won't let it pass. 
"Wait," 
Natigil sa paglabas ng pinto sina Lans at Warren dahil sa pagtawag ng dalaga. Maarte itong tumayo sa pagkakaupo mula sa kama at dahan-dahang naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalawang magkaibigan. Warren grab Lans' white shirt and hide behind his friends' body. He wouldn't want another pain coming from the attitudesa ill-mannered brat. 
"I just need something," ngiti ni Moriz nang makaharap si Lans habang patuloy pa ring nagtatago sa likuran nito ang kaibigang si Warren. 
"What do you need, Ms. Attitude?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lans. This cunning woman will demand something for sure. 
"Uhm," inilibot ni Moriz ang kaniyang paningin sa loob ng malaking silid bago muling humarap kay Lans. "This-" 
Isang malakas na sampal ang nakapagpatigil kay Lans at Warren. The ill-mannered brat hardly slapped Lans' right cheek that made his eyes widened. Never in his life a person did this to him, especially a woman. 
"That is for what you did to my precious wrist,” mataray na sambit ni Moriz habang iwinawagayway ang kaniyang dalawang namumulang pulsuhan. Lans couldn’t help but feel his blood boil at what he heard, but he restrained himself from retaliating against the young woman. Well, she had every right to be angry, but please—not at his perfectly handsome face. 
"I told you, she's a witch!" bulong ni Warren sa kaibigan ngunit napaiwas siya ng tingin nang tingnan siya ni Moriz ng masama. 
Dahan-dahang lumapit si Lans sa dalaga habang hawak ang namumulang pisngi. Napaurong si Moriz nang makita ang iritadong mukha ng kaharap.  
"Are you going to slap me? Slap me, go on!" matapang na ani Moriz. Tumawa nang mahina ang binata at itinaas ang kaniyang malapad na kamay. Nang makita iyon ni Moriz ay nanlaki ang kaniyang mga mata. He will definitely slap her on the face! What a gentleman. 
Napapikit na lamang siya at inintay ang pagdampi ng malapad na kamay ni Lans sa kaniyang pisngi ngunit sa halip na malakas na sampal ang igawad nito ay naramdaman ni Moriz ang pagpingot nito sa kaniyang tenga. 
"What did you do?!" angil niya nang bitiwan ni Lans ang kaniyang tenga. Akma sana niyang sasampalin muli ang lalaking iyon ngunit mabilis na nahila ni Warren ang kaniyang kaibigan palabas ng pinto at inilock ito. 
Napapadyak si Moriz dahil sa inis. She wants to go back. She wants to party. She wants to go fancy all day. But look at her now, she's locked up to this errr — a more like private hotel room with full of expensive furnitures. 
Hindi na niya sinubukan pang katukin ang pinto at magmakaawang pakawalan na siya ng mga ito sapagkat wala rin namang mangyayari. She just needs to think wisely on how to escape and survive from this kidnapping scheme. 
Sa kaniyang pag-iisip ay sumagi sa utak niya ang misteryosong nasa labas ng pinto kanina. She didn’t see his face of heard his voice but she’s intrigued. That person might be the mastermind of this abduction, if it’s not Brienne Aviona. 
"What do they mean by my father stole a ring? Psh, that's a funny thought." 
Napatawa nang mahina si Moriz. Napakaimposible ng ibinibintang ng binatang iyon sa Daddy niya. She knew for sure that he's up to something but it has nothing to do with her dad. They could be mistaken for sure. 
"How can I escape here?" mahinang tanong ni Mauriz habang umiikot sa loob ng marangyang silid. Tinungo niya ang glass window at binuksan iyon... ngunit napanganga siya nang makitang nasa mataas na parte siya ng lugar na kinaroroonan. 
"Am I on the third floor?" Nakadungaw na ani Mauriz. Tinangay ng malamig na hangin ang maikli niyang buhok habang nakatanaw siya sa ibaba. Napatulala na lamang siya sa malakas na agos mula sa dalampasigan. It was peaceful. Hindi niya namalayang napapangiti siya ng tanawing iyon... at saglit niyang nakalimutan na nasa gitna siya ng isang trahedya. 
"I should thank my kidnapper for bringing me here," she said while her eyes were stuck on the clear blue ocean. 
Ilang minuto ang nakalipas, papalubog na ang araw ngunit hindi pa rin nais na umalis ni Moriz sa kinatatayuan. The sea is her medicine whenever she's in pain. Napakaraming ala-ala ang namumutawi sa kaniyang isip sa tuwing nakikita ang dagat. It was her escape from the cruel world, and even her comfort zone whenever she cries and doesn't want to show people. 
The sea is her diary... because it knows everything in her from then up to now. Kung mayroon mang bagay na hindi manghuhusga sa kaniya, iyon ay ang karagatan. 
"Are you having fun?" 
Moriz regained her senses upon hearing a familiar voice. It was powerful enough to send shivers down her spine. It was cold and deep. She didn’t turn to look at the man behind her because of the strange feeling it stirred within her. That voice was different from the two she had encountered earlier. 
"Who are you?" mahinang tanong ni Mauriz. She doesn't even know what questions she would ask her kidnapper. Ang unang bagay na nais niyang malaman ay kung sino ang lalaking iyon sapagkat maging ang hanging dulot nito ay pamilyar sa kaniya. 
"Sino ka?" muling tanong ni Mauriz nang hindi umimik ang lalaki. Napapikit siya ng dahan-dahan nang umihip ang malakas na hangin. Sa pagitan ng payapang paglubog ng araw at ng malakas na pag-alon ng karagatan, naramdaman ni Mauriz ang presensya ng lalaki sa kaniyang likuran na unti-unting lumalapit sa kaniyang kinaroroonan. 
"I," mahinang bulong ng binata mula sa kaniyang likuran. "I am Draco.” 
"Don't you ever forget... that name." He said in his calm yet powerful cold voice. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (48)

  • avatar
    Pierce John Karl

    thank you

    13/10

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    I'm interested

    12/10

      0
  • avatar
    Myles Panis

    i love this

    08/02/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด