logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

2

Kasalukuyan kaming naghihintay ni kuyang g’wapong attitude rito sa waiting area sa may emergency room ng hospital. Hinihintay naming lumabas ang doctor na tumingin kay kuyang snatcher dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.
Nakaupo kaming dalawa sa panglimahang upuan. Nakayuko lamang siya habang naka-crossed ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.
Hindi kami magkatabi. Hindi naman ako ganoon ka-maharot para magpapansin sa kaniya. Slight lang. Whatever.
Napabuntong hininga ako sa sobrang inip. Kanina pa kami rito. Kaming dalawa lang ang naiwan, kasi may inasikaso pa ang mga pulis. Nang dumating sila kanina ay kinausap lamang nila ang Doctor tungkol sa kaso ni kuyang snatcher. Kinuha na rin nila ang statement ko tungkol sa snatching na naganap kanina para hindi na raw ako ma- hassle sa pagpunta sa presinto. Tinanong nila ako kung magsasampa pa raw ba ako ng kaso kay Manong, ngunit sinabi ko hindi na kailangan. Sila na ang bahala roon.
“Bakit ayaw mong mag-file ng kaso?” tanong sa akin ni kuyang pogi na ma-attitude.
“A-ah…naawa kasi ako kay Manong. Siguro naman nagawa niya lang iyon kasi kailangan nila ng pera para sa pamilya niya,” pangangatwiran ko.
“Tss. Buti naman at nabunggo ko 'yong lalaki kanina, pa’no kung hindi? E di wala kang pera ngayon?” taas kilay na tanong niya sa 'kin.
Ay kuya, kung alam mo lang kung ano’ng laman ng bag kong kinuha ni manong, baka mawindang ka. Hilaw akong natawa sa kaniya.
“Ah. Naku. Wala na 'yon. Wala namang perang laman 'yong bag na nakuha niya.” Hindi ko naiwasang pamulahanan ng mukha.
“Then why did you chase him? Wala naman palang pera 'yon. Sana hinayaan mo nalang. Pa’no kung may kasamahan pala 'yon sa may unahan? E di patay ka?” pabalang na tanong niya.
Concern kuya?
Kinikilig ako! Medyo maharot lang ako kuya, huwag kang ganiyan.
“E…kasi ano…basta ano….” Napakamot ako sa aking ulo. Teka? Ano ba ang isasagot ko? Hinabol ko kasi panty ko 'yong laman ng bag na 'yon? Tangeks! Hindi puwede! Cancel! Delete! “Basta ano… may ano roon...may importanteng gamit ako roon. 'Yon. Tama, tama. Hehe.” Muli ay hilaw akong napatawa. Effective na palusot hindi ba? Sobra!
“Like what?” What? Hindi pa tapos? Hampas ko kaya sa 'yo itong bag na puno ng panty ko kuya?
“A-ano nga…basta importante talaga sa 'kin 'yon. 'Di puweding mawala.” Bumaba ang tingin niya sa paanan ko kung saan nakalagay ang bag ko na kinuha ni Manong snatcher kanina.
Nanlaki ang mata ko nang makitang medyo nakabukas ang zipper nito at klarong nakikita ang tatak ng panty kong So-En.
Yudeeeepuutaaaaaaaa! Kalahuya timo Maria!
“Ah. Importante nga. Sobrang importante na 'di puweding mawala.” Nakakalokong ngumingising saad nito na lalong nagpapula sa aking mukha.
Nang-asar ka pa kuya!
Linte! Kalahuya gid!
Isang hilaw na tawa lang ang nagawa kong isukli sa kaniya.  Tangina. Ang malas ko naman sa araw na 'to. Kotang-kota ka na, Maria!
Hapon na nang nakaalis kami sa hospital. Nagkamalay na rin si Kuyang snatcher. Wala naman daw itong seryosong natamo sa katawan. Nawalan lang daw ito ng malay dahil sa sobrang nerbyos nang nabangga ito ni Kuyang pogi.
Nag-taxi lamang ako papunta sa terminal ng Cavite. Wala pa akong masyadong alam sa lugar na 'to dahil first time ko palang na mapadpad sa Manila at dito sa Cavite kaya sinundo nalang ako ng anak na lalaki ni Auntie Lucy sa may terminal nila.
Pagdating namin sa bahay nila na hindi gaanong kalakihan ay ramdam ko ang buong puso na pagtanggap nila sa akin dito sa pamamahay nila. Mabait ang tatlong anak ni Auntie Lucy. Panganay na anak niya pala iyong sumundo sa akin sa may terminal. 3rd year college na ito sa UP Diliman. Ang nakababatang kapatid naman niya ay kambal na babae. Kasalukuyang nasa grade 6 pa at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan dito sa baranggay nila. Ang asawa ni auntie Lucy ay matagal nang wala, apat na taon na ang nakakalipas, ngunit kahit mag-isa nalang si Auntie na bumubuhay sa mga anak niya ay makikita mong masaya sila rito sa maliit nilang tahanan. Halatang napalaki nang maayos ni Auntie ang kaniyang tatlong anak.
“Kevin. Lumipat ka muna ng kuwarto. Doon ka muna sa kuwarto ng kambal," saad ni Auntie Lucy sa anak niya.
“Sige po 'Nay. Ililipat ko lang muna ang mga gamit ko sa kabilang kwarto,” sagot ng panganay na anak ni Auntie.
Ang daling kausap. Baka kapag ako 'yon, hindi ako papayag kasi kwarto ko 'yon e. Ayokong may ibang humahalo sa kuwarto ko.
Hindi ako maarte. Slight lang.
Wala ang kambal dito dahil nasa kapitbahay daw ito kasama ang mga batang kaibigan at naglalaro. Tinulungan ako ni Kevin at Auntie sa pag-aayos ng aking gamit sa magiging kuwarto ko rito sa bahay nila.
“Pasensya ka na Kev ha. Pansamantala lang naman ito. Lilipat din ako 'pag nakahanap na ako ng trabaho,” saad ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin.
“Ano ka ba, Ate. Okay lang kahit dito ka na manatili. Welcome na welcome ka rito sa amin.”
“Ano’ng trabaho ba ang hinahanap mo, Maria? Baka may kakilala akong hiring sa gusto mong trabaho,” tanong ni Auntie Lucy sa 'kin na kasalukuyang nagwawalis ng sahig dito sa loob ng kuwarto.
“Okay na po ako sa pagiging kasambahay, Auntie. Sanay naman ako sa mga gawaing bahay, kaya okay lang.”
“Naku! Wala e. 'Yong alam ko lang na may hiring ay 'yong sa may malaking building doon sa may unahan. Isang sikat na kompanya rito, naghahanap ng isang Janitress.” Janitress? Okay na 'yon. Marangal din namang trabaho 'yon.
“Okay na po ako r’yan, Auntie. Basta okay 'yong pa-suweldo, okay na sa 'kin.”
“Malaki ang pa-suweldo roon, Hija! Gusto ko sanang mag- apply kaso sayang naman kung iiwan ko ang trabaho ko bilang waitress sa isang sikat din na restaurant dito. Malaki-laki rin ang sahod ko ro’n. Hayaan mo, Hija. Sasamahan kita roon. Ihanda mo lang ang mga kailangan mo sa pag- apply,” magiliw na saad niya.
“Sige po, Auntie. Maraming salamat po. Bukas na bukas po, maga-apply na ako, mahirap na't baka maunahan pa.”
“O siya sige. Magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka sa biyahe.”
“Sige po.”
“Bakit ka nga ba natagalan sa pagpunta rito? Nawala ka ba kanina? Sana pala pinasundo nalang kita sa airport." Biglang tanong niya sa 'kin.
“A-ah! A-ano po kasi… namasyal lang ako saglit.” Pagak akong napatawa. “Alam niyo na po. Medyo ignorante pa sa ganitong lugar,” palusot ko. Ayaw kong ipaalam ang nangyari kanina dahil baka mag-alala lang sila at sila pa ang magsampa ng kaso kay Manong snatcher, kawawa naman.
“Ah gano’n ba? Sige. Sa susunod, ipapasyal ka namin para maging pamilyar ka rito,” nakangiting saad nito sakin.
Tumango lang ako bilang sagot. Lumabas na sila ni Kevin sa silid kaya humiga na ako para makapag pahinga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naunahan ko pa si Auntie Lucy kaya ako na ang naghanda ng agahan namin. Pagkatapos kong magluto ay naligo muna ako. Excited ma akong mag-apply ng trabaho. Sana naman ay matanggap ako.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Simpleng puting fitted v-neck shirt lang ang suot kong pang-itaas at isang faded na maong. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin dito sa kuwarto ni Kevin. Masyadong halata ang malaking dibdib ko dahil sa aking suot. Medyo labas pa ang cleavage kaya inangat ko ito nang kaunti.
Nagalagay na rin ako ng kaunting pulbo sa mukha at lip gloss sa labi para maging presentable naman ang mukha kong ihaharap sa pag- aapply-an ko mamaya. Ayaw ko namang magmukhang manang. Dapat medyo may arti rin. Bisang pobre bala ta haw basta hilas gamay. Ganern dapat!
Paglabas ko ay nakita kong gising na silang lahat. Nakita ko ang kambal na nagsusuklay ng buhok nila. Nakasuot na ito ng kanilang uniporme. Lunes ngayon kaya may pasok sila.
Tumingin silang dalawa sa gawi ko saka ngumiti nang malapad.
“Hi, Ate Maria! Ang ganda niyo po!” sabay na bati nila. Napangiti naman ako saka lumapit sa dalawa.
“Binobola niyo 'ko. Ang aga pa para r’yan. Tara na't kakain na tayo. Mali-late na kayo sa school.”
--
"Eto ang sinasabi ko sayong kompanyang may hiring na Janitress, Hija. Sikat ito, hindi lang dito sa lugar namin. Balita ko buong Pilipinas daw. Maraming branch ang kompanyang ito. Mayroon din daw sa ibang bansa," kuwento ni Auntie Lucy.
Namamanghang tinanaw ko ang sobrang taas at lawak na bulding na nasa harapan namin ngayon. Sobrang yaman siguro ng may-ari nito. China oil talaga.
“Grabe, Auntie. Ang laki pala talaga ng building na 'to. Siguro malaki ang pasahod dito.”
“Malalaman mo 'yan, Hija, kapag pumasok ka na. Maiwan na kita rito. Late na ako sa trabaho ko, Hija. Galingan mo ah. Alis na ako. Mag-ingat ka sa pag-uwi,” daad nito sa 'kin sabay tulak sa 'kin papasok ng building.
Naglakad na ako papasok sa loob. Kung namangha na ako sa labas palang, ay mas triple pa ang pagkamanghang naramdaman ko nang nasa loob na ako ng building. Sobrang ganda nito. Ang mga empleyado sa loob ay puro nakasuot ng corporate attire. Nakakainggit. Sana ako rin nakakapagsuot ng ganiyan.
Lumapit ako sa information desk sa loob para makapagtanong kung saan maga-apply bilang Janitress. May isang empleyado ang nag-guide sa akin papunta sa 3rd floor kung nasaan ang HR ng kompanya.
“Dito na po Ma'am. Goodluck po sa pag-apply niyo.” Nakangiting sabi sa 'kin ng babaeng empleyado rito.
“Sige po. Salamat,” wika ko bago pumasok sa loob.
Saktong wala pang ibang naga-apply dahil kahapon lang daw nagbigay ng memo ang management nila para maghanap bagong Janitress, kaya diretso na ako sa interview.
Bumungad ang isang lalaking nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin nang nakapasok ako. Nakaramdan ako ng takot sa paraan ng pagtitig nito, lalo na nang tiningnan ako nito mula ulo hanggang pa.
“Mag-a-apply ka as Janitress?” Bungad na tanong nito. Hindi man lang ako inalok na umupo. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
Pakiramdam ko'y kasapi ito ng federasyon dahil sa paraan ng pagtaas baba ng kilay nito habang sinusuri ang physical na anyo ko. Hindi naman 'yan gawain ng isang tunay na lalaki.
“O-opo, Sir.” Napahinga ako nang malalim nang nagsimula akong atakihin ng kaba.
“Ghad! Don't call me Sir! Call me, Ma'am! Sa ganda kong 'to?! Sir?! How dare you!” Biglang bulyaw niya sa 'kin.
Sabi na e. Bakla.
“S-sorry po, S-sir—este Ma'am.”
“Anyways, sa top floor kita ia-assign. Kay Sir Kael ang buong floor na iyon. Ayaw ni Sir ng tatamad-tamad kaya ayusin mo ang trabaho mo. Gets? ” Wala sa sariling napatango ako sa sinabe nito.
“Kapag tinanggap ka namin dito, h’wag kang mai-inlove sa kagwapohan ni Sir, ha?” Ma-dramang sabi nito na hindi parin ako nilulubayan ng tingin.
Ano’ng nangyari sa baklang 'to?
“Tanggap ko ng hindi kami ni sir ang para sa isa't- isa. Alagaan mo ang baby Kael ko ha.” Ngumuso ito matapos niyon.
“You’re hired. Hindi na kita i-interview-hin. Mas lalong sumasakit ang puso ko tuwing may nakikita akong magaganda'ng tulad mo.” Pagtataboy niya sa 'kin.
Nanlaki ang mata ko ko sa sinabi nitong tanggap na ako. Wala man lang kahirap-hirap na pag-a-apply 'to. Tamang pakinig lang ng drama ni bakla. Napangisi ako dahil doon.
“Sige po, Ma'am. Salamat po.” Yumuko ako bilang pag-respeto. Mahirap na at baka masigawan niya ulit ako.
“Puwedi ka nang magsimula bukas. Ayusin mo ang trabaho mo. Huwag kang mali-late! H’wag kang ta-tamad-tamad! Bukas balik ka rito para pumirma ng kontrata,” paalala niya sa 'kin. Halatang naiinis pa rin sa presenya ng kagandahan ko. “And wait!” pahabol nito.
“Pag nakita mong naghubad si Baby Kael ko, paki-picture-an 'yong abs niya. Ayusin mo! 'Yong hindi blur ang pagkakuha!” Napamaang ako sa sinabi niya. Paano ko naman kukunan ng litrato 'yon? Paano kapag nahuli ako? Tsk. Idadamay pa ako sa kamanyakan nitong baklang 'to.
“S-sige po.”
“Layas na! Shooo! 'Yung mga paalala ko, ‘wag mo’ng kakapimutan,” sabi nito sabay irap sakin.
Lumabas ako ng opisina na hindi alam kung maiinis ba ako dahil sa mga pinagsasabi niya o matutuwa dahil tanggap na ako at may trabaho na.
Linte nga bakla ay. Imbes mangalipay pa tani ko pai. Panira gid.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (628)

  • avatar
    Maryrose Flores

    Gandaaaa

    1d

      0
  • avatar
    abbacanjanella

    good

    10d

      0
  • avatar
    Rodmar Valderosa

    that is good

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด