logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 5

I love the mornings more than the nights, but I value the moon more than I value the sun. Particularly when the moon is full. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyayari nung bata pa ako kaya nagugustuhan ko ang pagbilog ng buwan kaysa sa pagsikat ng araw o mas naa-appreciate ko lang dahil nagbibigay ito ng liwanag sa madilim na gabi.
And I’ve always loved to see the bright yellow-orange fullmoon in the night sky.
Kung paano ang batang patpatin na si Sep ay nakikipaglaro sa kanyang kalaro sa hardin ng mansion namin dati. Naglalaro sila ng tagu-tagoan habang ako ay nandidito sa aking kwarto, nakatanaw lamang sa kanila.
Gusto kong lumabas sa aking kwarto ngunit pinagbawalan ako ni Dad na lumabas ng mansion na iyon. Nag-away na naman kasi kami ni Megan at ako na naman pinapagalitan ni Dad.
Isa pa, tuwing dapit hapon o mga alas sais ng gabi naglalaro ang mga anak ng trabahador o katulong namin dito. Sa oras din iyon nagsisimula ang pagkakaibigan namin ni Sep.
Megan was bullying me again, so I came out of our mansion crying. Sep approached me. Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak… at sinabi ko naman sa kanya ang totoo, tsaka niya ako pinatahan at pinunasan niya pa ang mga luha ko sa pisngi kahit marumi ang kanyang kamay. Hinayaan ko naman siya na gawin iyon.
Niyaya niya ako sa kanilang laro kahit ang ibang kalaro niya ay hindi papayag na maisali ako dahil isa akong heredera. Pero nagpumilit si Seph na isali ako sa kanilang laro, kaya walang nagawa rin ang kanyang mga kalaro. Nagtagu-tagoan kami sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan. Pagkauwi ko man ay pinagalitan ako ni Tita Magnolia kasi nakikipaglaro raw ako sa mga anak ng trabahador namin. I don't mind it at all. Basta ako masayang-masaya dahil nagkaroon ako ng bagong kaibigan.
Ang sabi ng mga matatanda ay ang pagbilog ang buwan senyales daw iyon sa paglabas ng mga aswang o elemento. Pero sa isang batang tulad ko noon, ang buwan ang nagsisilbing kasiyahan ko sa madilim kong gabi.
“Si Sep, o! Kasama niya na naman uli ang babaeng kasama niya kahapon.” Narinig kong saad ni Chastin mula sa aking likod.
Napatingin naman ako sa itinuro niyang kakapasok lang na dalawang tao rito sa mansion. Nakahawak sa braso ni Sep ang babaeng nakapulang bestida at naka high heels din ito. Kaya naging kasing tangkad na silang dalawa. The girl smiled prettier in front of everyone.
While Sep was wearing a checkered polo shirt and jeans, His hair was perfectly combed upwards, as if he had even put expensive wax on it, para tumigas at maging makintab ito kung titingnan. His piercing eyes were staring at me as they walked towards us. My heart pounded so fast against my chest, and I don't know why.
“Tara, lapitan natin sila.” Chastin said. 
Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya. Marami ng mga bisita rito sa mansion, halos lahat ay mga trabahador namin at mga kamag-anak nila. Nandidito rin ang mga kasamahan ni Daddy sa politika, mga kasapi o kliyente sa negosyo.
Hindi lang fiesta ang sini-celebrate namin ngayon, pati na ang paglago ng negosyo ni Daddy.
“Pareng Sep!” Chastin yelled.
Kaya napatingin naman sa kanya ang iba pa naming mga bisita. Napakamot na lamang ako sa aking noo dahil sa kanya. Kung hindi lang maraming tao rito ay nabatukan ko na talaga siya, kung makasigaw akala niya naman sobrang layo ng tao nang tinawag niya!
Nagfist bump silang dalawa, “Uy! May ka-date ka ngayon, ah!” Chastin said. “Ipakilala mo naman sa amin…”
Hindi ko maiwasang umirap sa kawalan dahil sa kanyang sinabi. I know my cousin. He's a freaking playboy in school. Marami siyang naka-date o pinormahan na babae sa school pero wala ni isa kanila ang sineryoso niya.
Like he always says to me. ‘Hangga't hindi pa dumating ang babaeng sumusungkit sa puso ko. As long as I haven’t seen the right woman twinkle in my eyes, I just enjoy myself dating different women now.'
Sep chuckled. “Siya si Rita, apo ni Mama Ana.” Sep said.
I shocked! Mama Ana's grandchild? Kaya siya nandidito kasi apo siya ni Mama Ana. Pero bakit magkasama sila ni Sep?
May naisip na akong sagot sa sarili kong tanong pero ayoko ko muna iyon komprontahin o kumpirmahin sa sarili ko. At hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman dahil sa mga naiisip ko. I shook my head just to ease my thoughts. 
“Hello!” Rita greeted with a genuine smiled.
“Nice to meet you, binibini. I'm Chastin.” Chastin said in politely.
Nakipag shake hands naman si Rita kay Chastin, pagkatapos ay napatingin siya sa akin.
“By the way, this is Solaire, my cousin.” Chastin introduced me on her.
I managed to smile at her, but when she looked at Sep, her eyebrows met. There was a wide smile on her lips as she turned her gaze back to me. My forehead creased at her reaction.
“So, you are Solaire? Hello!” She asked with a big smile. Tsaka tumingin kay Sep. “So, siya pala…” Then she mumbled something to Sep. 
I can't clearly hear that, so I frowned. “Anong sabi mo?” I asked in curiosity.
“Ha? Wa-wala… naikwento ka lang sa 'kin ni Sep…” she trailed off. Kasi parang pinipigilan siya ni Sep na h'wag magsalita. “Ikaw pala ang magandang anak ni Governor Madrigal.” Nahimigan ang sarkastikong pagkakasabi niya.
“Hi! Nice to meet you!” Sabay abot ng kamay ko para makipag shake hands.
I smiled bitterly. “Nice to meet you too…” I managed to speak the words.
“Rita! Apo! Nandito na pala kayo.” Mama Ana said. Nang makalapit sa amin.
Lumapit siya sa kanyang apo at niyakap ito. “Mamita!” Rita greeted beautifully on her grandmother.
“Mabuti naman at nagkakilala na kayo!” Mama Ana said. “At maraming salamat sa 'yo, Sep, sinamahan mo ang apo ko.” 
“Wala po 'yun, Mama Ana.” Joseph subtly said.
“Oh, halina kayo, kainan na!” Sabi ni Mama Ana. “Solaire! Chastin!” 
I just nodded at her. “Sige po!” Chastin said.
Sumama si Rita sa kanyang lola papuntang kusina. Nakasunod naman kami sa kanila. Nasa gitna ako ng dalawang lalaki habang naglalakad papuntang kusina. Naramdaman ko ang pagsapak ni Chastin sa likod ni Sep kasi tumatama rin ang kanyang braso sa likod ko.
I frowned when I looked at him. He just smirked at me before squinted his eyes on Joseph.
“Ano pre? Nakaiskor ka na kay Rita?” he asked.
I narrowed my eyes on him. Anong nakaiskor pinagsasabi nito?
I heard Joseph chuckled at Chastin's words. I looked at him. Kitang kita ko ang nakaplaster n'yang ngiti sa labi. Siguro nga may nangyari sa kanilang dalawa ni Rita kaya gan'yan siya kung makangiti.
“Aray ko!” Daing ko nang ibinangga ni Chastin ang kanyang braso sa braso ko kaya nakabanggaan din ang mga braso namin ni Sep.
“Sagot ka naman diyan pareng Sep.” Chastin said. 
Pinandidilatan ko na siya ng mga mata. Nakakainis! Parang wala lang ako rito, ah! Binangga rin ni Sep ang braso ko. Nanadya ba ang dalawang 'to!
“Ano ba kayong dalawa? Kung magbanggaan kayo ng mga braso, 'yung wala ako rito sa gitna nin'yo, ha!” Inis kong sabi sa kanila.
“Ay! Andiyan ka pala, Solaire!” Pagkukunwari nito na parang ngayon lang ako nakita.
Wow! Dumating lang ang Rita na 'yon hindi na ako nakita. I narrowed my eyes on him. Shit! Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Nakakatampo!
“Ay, pinsan… akala ko braso ni Sep ang binangga ko kanina. Magkasing lapad lang kasi kayo ng braso, e!” Chastin teased at me.
I glared at my cousin. “Sa laking kong 'to hindi niyo ko nakita? E, mga walang hiya pala kayo!” I hissed then walk away from them.
Uminit na 'yung ulo ko. Nakakainis! Pinag-uusapan nila ang ibang tao tapos ako parang hangin lang sa kanilang tabi. Hindi man lang ako isinali.
Edi kay Rita na lang sila! Doon na lang sila sa Rita na 'yon!
Pagkapasok ko sa kusina ay kumuha agad ako ng plato at pinuno iyon ng maraming pagkain. Pochero, adobo, fried chicken, pancit, lechon baboy, turon at sandwich, pinagkasya ko talaga lahat sa iisang plato. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ibang tao, basta gusto ko lang nang kumain ngayon at magpakabusog!
Lumapit naman sa 'kin si Mama Ana!
“Laire! Ba't ang dami niyan?” Nagtatakang tanong niya. “Akala ko ba nagda-diet ka?” she added.
I looked at her. “Ma, gutom po ako…” I said. “Tsaka narealize ko po na hindi na pala uso ngayon ang diet-diet na 'yan.” I directly said.
“Ha?” Hindi siya makapaniwala tinignan ako ng maigi.
“Sige po, Mama A. Sa kwarto na lang po ako.” As I turned my back on her. “Tawagin n'yo na lang po ako 'pag hinahanap ako ni Dad.” I added.
Ngunit sa pagtalikod ko kay Mama Ana ay nasa harapan ko naman ang kanyang apo. “Oh, andami nyan, a!” sabi niya, nakatingin sa dala kong pagkain.
“Gutom kasi ako…” I shyly said.
Lumitaw naman sa kanyang likuran ang dalawang lalaki.
“Oh, cous! Ba't ang dami niyan?” Chastin asked.
“Gutom ako! Kaya tumabi kayo sa dinaraanan ko.” I snorted.
Tsaka ko sila nilayasan. But before that, I rolled my eyes on Joseph. Pagkatapos ay nilagpasan ko na siya at dumeretso na sa aking kwarto. Nang makarating ako sa aking kwarto ay nilagay ko agad sa side table ang plato na hawak ko. 
Napatingin naman ako sa aking repleksyon sa salamin. Medyo mabilog ang shape ng aking mukha, my eyes is quite chinita, may katangusan din naman ang ilong ko, at ang pisngi ko ay medyo mabilog na nagmana kay Mommy. Ang aking balat naman ay parehas kay Daddy. Hindi masyadong maputi at hindi rin masyadong makayumanggi.
I looked at the door when someone knocking.
Tumayo ako tsaka lumapit para buksan ang pinto. When I opened the door, my eyes widened. I immediately pulled his hand to enter my room, before anyone else could see him here in the mansion. Then I immediately closed the door and locked it.
“Anong ginagawa mo rito?” I directly asked. “At p-paano ka nakapunta rito?” I managed to speak the words.
Nandito siya sa loob ng kwarto ko kaya kinakabahan ako ngayon. Baka mamaya ay may nakapansin na sa kanya.
“Sinundan kita.” he said. Habang nilibot ang kanyang mga mata sa kwarto ko.
“Bakit mo naman ako sinundan? Baka may makakita pa sa 'yo,” I said.
Tinignan niya ko sa aking mga mata, umiwas naman ako kasi hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Naiilang ako! Hindi lang dahil sa nandidito siya sa loob ng kwarto ko kundi dahil naalala ko ang nangyari noon. Naalala ko kung paano ako umamin sa kanya na gusto ko siya. At naalala ko rin kung paano niya ako binasted.
That was the embarrassing moment part of my childhood life. Kaya six years akong hindi na nakabalik dito dahil nahihiya ako sa nagyari noon.
“'Wag kang mag-alala, alam 'to ng pinsan mo,” he said.
My eyes widened in shock. “What?” I asked.
Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Alam 'nj Chastin na nandidito si Sep sa aking kwarto. Ibig sabihin ba nito, 'yung pinsan ko ang tumulong kay Sep para makapunta rito.
“Bakit? A-anong meron?” I managed to speak the words. Kinakabahan ako.
He looked away. “Ah… a-ano kasi…m-may sasabihin ako s-sa 'yo.” He stuttered as he scratching the back of his head.
“A-ano?” I uttered.
“Ano… ahmm…” he trailed off.
Parehas kami napatingin sa pintuan dahil may biglang kumatok dito.
I mentally cussed! Bumaling uli ako kay Sep. Shit! Sino naman kaya 'yan? 
I bit my lower lip. “Dito ka sa likod ng pintuan.” Pabulong kong sabi nang hinila ko siya sa likod ng pintuan. 
Bago ko buksan ang pinto, inayos ko muna ang sarili ko. Baka mahalata pa na kinakabahan ako. Binuksan ko ang pinto tapos bumungad sa 'kin ang isa sa mga katulong namin.
“Miss Solaire, pinapatawag po kayo ni Gov. sa baba.” she said.
I swallowed hard. “Ahh, sige. Sabihin mo papunta na ako,” I said.
“Sige po, basta po bumaba ka po agad sabi ng daddy niyo.” she said.
“Okay!” I smiled.
Sinara ko agad ang pinto at tiningnan si Sep na nagtatago sa likod nito. 
“Okay lang ako rito!” He mouthed.
I just nodded at him before I left the room. Kahit ayaw kong iwan siya roon pero wala akong magawa. Ano ba kasing sasabihin niya?
Hays! Bakit pa kasi ako pinatawag ni Daddy?!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Niko Abastillas

    hahah

    25/06

      0
  • avatar
    Renato Valdez

    nice

    10/04

      1
  • avatar
    Jay Ar Dimalao

    wer and I have will wait until I get home and from to a with other location team not to the police station or at the moment end the we last be able joining the team last be a good bit to for us me join us for to few days drinks from and and friend will have have be further information about the course fee and how I will not be to a for the is the best way to pay for the and is we can do to you your requirements for the rest of the team last be able joining us for and PhD rest of the study week t

    29/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด