logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 3

Tumakbo si Sep palayo sa akin para iwasan kurot ko. Nagpupuyos na ako ng inis ngayon dahil sa kanyang pang-aasar. Kaya tumakbo rin ako para habulin siya. Narinig ko pa siya tumatawa sa malayo.
“Joseph! Humanda ka sa 'kin 'pag naabutan kita!” malakas na sigaw ko.
“Oh, talaga? Sige nga!” pang-aasar niya.
'Aba! Bwisit na tukmol! Iniis ako na masyado! Humanda ka talaga sa 'kin.' I mumbled to my mind.
Tumakbo ako pero alam kong hindi ko na siya kayang abutan pa. Nasa malayo na siya, habang ako nandito pa rin sa manggahan. Tumigil ako saglit nang mapansin kong wala ng punong mangga na masisilungan ko. Tiningnan ko si Sep na nasa malayong taniman na. Taniman ng santol. Nakatayo siya roon habang nakapamaywang nakatingin sa akin. Ngumuso ako sa kanya. Alam niyang ayoko talaga sa mainit kaya napailing na lamang siya habang nakatingin sa akin.
Naglakad na siya palapit sa akin, na ikinangiti ko naman iyon.
“Ano, hindi mo na ako kayang habulin?” pang-aasar niya pa.
“Hindi no. Ayoko talaga sa mainit,“ ani ko.
“Suss! Kaya lumalaki bilbil mo, e!”
Agad ko naman siya sinapak dahil sa sinabi niya. Dumaing siya sa sapak ko. Ngunit, hindi pa rin ako tumigil.
“Aray ko! Tama na, Solaire!” he groaned.
“Ano'ng tama na?” Hindi pa rin ako tumigil sa pagsapak sa kanya.
Paatras na paatras siya hanggang sa napasandal na siya sa puno ng mangga. Hindi pa rin ako tumigil sa ginagawa ko sa kanya. Habang sinusubukan niyang pigilan ang mga kamay ko.
“Solaire, tama na!” Sabay huli niya sa siko ko, pagkatapos ay hinila ako sa kanya.
Napatitig kami sa isa't isa. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit namin dalawa. Naramdaman ko ang matigas niyang katawan sa aking tiyan. Sa pagtama ng aming mga balat, ay may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko lang masabi kung ano ito.
“Señorita Solaire, hinahanap ka na ng ama n'yo!”
Napatingin kaming dalawa sa sumigaw. Mabilis kami lumayo sa isa't isa na parang napapaso. Umiwas ako ng sa kanya dahil sa kahihiyan. Ano ba 'yong nararamdaman ko kanina? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
“Oh, Pareng Sep. Kasama ka pala ni Señorita Solaire?” tanong ng lalaking inutusan ni Daddy.
Nakita ko naman ang pagtango ni Joseph sa kanya. Umiwas agad ako ng tingin nang tumingin din siya sa akin. Bumaling ako sa lalaking na nasa harap namin ngayon.
“Bakit?” tanong ko rito.
“Kakain na raw ho,“ sagot naman niya.
Tumango naman ako sa kanya saka tiningnan ulit si Sep. Tumango siya sa akin. Kaya agad naman kaming naglakad pabalik sa cottage.
Tulad nang sinabi ni Daddy kanina ay pinakilala niya ako sa mga baguhan naming trabahador. Pagkatapos nun ay kumain kami kasama nila. Nag-order si Daddy ng mga pagkaing galing sa sarili naming restaurant dito. Kasali na roon ang lechon baboy na pinaluto ni Daddy para sa mga magsasaka.
Ang kaunting pagsalu-salo na ito'y para sa pasasalamat sa mga biyayang natatanggap namin lahat, sa maayos na ani at maayos na pag-deliver nito. Tuwang-tuwa ang mga magsasaka sa mga pagkain na hinahahain para sa kanila. Napuno ang cottage dahil sa dami ng trabahador ni Daddy kaya lumabas na muna ako kasi masyado nang masikip sa loob.
Dating magsasaka ang ama ni Daddy, ang aking lolo noon. 
Alam ni Daddy kung gaanong kahirap ang trabaho ng mga magsasaka, nakikita niya iyon sa kanyang ama noon. Lagi niya kasi kinukwento sa 'kin ang buhay nila noon, nung hindi pa sila haciendero. Grabing paghihirap ang pagtatanim ng gulay, mais, halaman, at palay noon. Lalong lalo na sa gitna nang matinding sikat ng araw.
Nag-ipon si Lolo para makabili ng lupain para sa kaunting negosyo na bubuohin nila noon. Nagsimula sila sa isang karinderya, dahil mahilig magluto ang asawa ni Lolo. Pinalago nila ito nang pinalago. Hanggang sa nakaipon na naman nang malalaking pera sila lolo, at pinagbili na naman ng lupa. Ang lupa na iyon ay ang pinagtaniman na ngayon ng mga mais at palay. 
Kaya ang kerinderya noon, ay naging restaurant na ngayon.
Parehong nakapagtapos sila Daddy at Tita ng business administration. Kaya nung namayapa na ang parents nila ay sila na ang namahala nito at mas lalong pinalago pa.
Habang nagmumuni-muni ako ay may biglang tumabi sa 'kin sa pag upo na gawa sa kahoy na upuan. Nilagay niya naman ang dala n'yang kanin at ulam na nakabalot sa dahon ng saging sa lamesang nasa harapan namin ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya habang inihahanda niya ang mga pagkain sa harapan ko.
“Kumain kana.” Sabi niya habang patuloy pa rin sa paghahanda ng pagkain.
I pouted. “Busog pa 'ko…” I said.
He immediately looked at me. “Wag mong sabihin sa 'kin na nagda-diet ka na naman.” he hissed.
“Hindi, no! Busog pa talaga ako!” I snorted.
“Hay naku, Solaire…” Sabay kuha ng kanin at ulam, tapos sabay niya itong hinihimay-himay gamit ang kanyang kamay. “Sa tingin mo ba maniniwala ako sa 'yo niyan?” Sabi niya habang hinahalo ang ulam at kanin.
Oh no! Alam kona ang gagawin niya sa 'kin. Kaya dahan-dahan akong umusog paatras sa kanya. I was engulfed in nervousness. Iaangat ko na sana ang mga paa ko para makatakas sa kanya.
“Hindi ako sanay na pumapalya ka na sa pagkain ngayon, Solaire.” He said then looked at me. “At saan ka pupunta, ha?!” Sigaw niya kaya binaba ko agad ang mga paa ko dahil sa takot sa kanya.
He smirked. I instinctively covered my mouth as he took some rice and slowly approached me. I gently pulled away from him as I shook my head like a child.
“'Wag mong takpan ang bibig mo, Solaire.” Pagbabanta niya.
Hindi ko sinunod ang utos niya.
“Solaire!”
Umiling lang ako.
Nang makalapit na siya sa 'kin ay agad niyang pinisil ng sobra ang ilong ko. Dahilan na hindi ako makahinga at agad tinanggal ang kamay ko sa bibig kong nakanganga. Pinasok niya agad ang pagkain sa bibig ko habang ito'y nakanganga. Tsaka niya pinakawalan ang ilong ko. Nginunguya ko na lamang ang pagkain habang sinamaan ko siya ng tingin.
Lagi niya itong ginagawa sa 'kin nung bata pa kami! Nakakainis! At hanggang ngayon ginagawa niya parin sa 'kin iyon!
“Oh ano? Masarap, 'di ba?” Sabi niya at sumubo na rin ng pagkain. “Oh, kain pa!” Sinubuan niya ako ulit.
Ngumanga na lamang ako kaysa ipitin niya pa ang ilong ko tulad kanina.
“Ayan! Ayoko talaga gutomin ka, baka mangangayayat ka pa!” he said.
I rolled my eyes at him as I chewed the food into my mouth.
“Ang amos mo!” Sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng aking labi ng kanyang kamay. “Ay, naku! Mas lalong kumalat pa!” 
“Joseph!” I warned.
He chuckled. “Nakalimutan kong marumi pala 'tong kamay ko…” he says while laughing.
“Ahhh… ang sweet niyo naman…” Megan said. “Isang farmer na panget at isang heredera na sobrang taba! Bagay na bagay talaga kayo!” she said in a sarcastic tone of voice.
Tatayo na sana si Sep nang pigilan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya, nagtataka siyang tumingin sa 'kin. Umiling ako sa kanya, at hinintay kong umalis muna si Megan sa harapan namin.
Umigting ang kanyang panga sa galit. “Hindi ako makakapayag…”
“Sshh! Hayaan mo na, nakaalis na, oh!” Sabay hagod ko sa kanyang likod para pakalmahin siya.
“Hindi! Hindi ako makakapayag na tatawagin ka niyang….. taba.” he said softly.
Parang tinaga ang puso ko sa kanyang sinabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Lagi niya pa rin ako pinagtatanggol. He looked at me. I just smile on him.
“Dapat ako lang… ako lang ang tatawag sa 'yo ng taba.” he said with a smirk.
Nawala ang ngiti ko. “E, walang'ya ka pala! Akala ko pa naman sincere 'yung pagtatanggol mo sa 'kin!” Sabay hampas ko sa braso niya.
“A-aray!” He groaned.
Walang'yang lalaking 'to! Akala totoo na ang malasakit niya sa 'kin. Hindi pala! Gusto niya pala siya lang ang dapat manglait sa 'kin. Nakakainis!
Kinilig pa 'ko roon!
“Aray ko… tama na!” sigaw niya.
Habang ako patuloy pa rin sa paghahampas ko sa kanya. May nakita akong one meter stick na kawayan sa tabi niya. Mukang mas maganda 'yon ihampas sa kanya. Kinuha ko ito agad, kaya lang habang kinukuha ko ito ay nagkaroon siyang pagkakataon na lumayo sa 'kin.
“Woah! Solaire! Ano'ng balak mong gawin diyan?!” Tanong niya habang takot na takot s'yang tinuturo ang kawayan na hawak ko.
I smirked, dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang siya'y umaatras papalayo sa 'kin.
“May tanong ako, at sana sagutin mo ako nang maayos, huh!” Sabi ko habang papalapit sa kanya. “'Pag hindi…” I trailed off. At tinignan ko ang kawayan na hawak ko.
Nakita ko kung paano siya lumunok. “A-ano 'yun?” Tanong niya habang nanginginig ang kanyang boses.
I smiled. “Sexy ba ako?” I asked.
“HA!” Gulat na gulat na tanong niya.
Para s'yang nakarinig ng isang lengwahe na hindi niya alam. Umiwas siya ng tingin sa 'kin at napakamot sa kanyang batok.
Napalunok siya. “Ahh… ehh… ano… maganda ka naman, Solaire.” He managed to speak the words. “'Yan ang totoo…”
Ako pa ba uutuin nito! E, ang layo kaya nang sagot niya sa tanong ko! Sinamaan ko siya ng tingin. Napansin ko naman ang pagkakataranta niya.
“Ahh… ano? Solaire, hindi kasi ako sinungaling, e. P-pero–”
Alam ko na ang sagot niya. Psh! Bakit ko pa kasi naisipan itanong sa kanya iyon. Nakakahiya! Tinabi ko na ang kawayan na hawak ko at bahagyang napayuko.
“Selene… ahmm… hindi naman sa gano'n–” I cutted him off.
“Oo na, mataba na 'ko.” Sabay upo ko sa upuan.
Lumapit si Joseph sa 'kin.
“Solaire!” Tawag sa 'kin ni Dad.
I immediately looked at him. Kalalabas lang niya sa cottage kasama sila Tita Magnolia at Megan, at sina Tito Victor at Tita Amelia.
 “Dad!” Lumapit ako sa kanya.
“Uuwi na tayo,“ sabi niya.
Tumango naman ako at na aglakad na patungo sa sasakyan namin, nauna na ako sumakay sa loob at sumunod naman sa 'kin si Megan na inirapan pa ako bago pumasok ng sasakyan. Nasa likuran ako nakaupo ngayon, sila naman ay nasa harapan ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at mas mabuting ipikit ko muna ang mga mata ko, kaysa patulan ko pa siya. Ayoko ng gulo!
Hanggang sa naramdaman ko ang pagmamaniobra ng makina ng sasakyan. 
Nang makaabot sa mansion ay lumabas kaagad ako sa sasakyan namin at pumasok sa loob ng mansion. Umakyat agad ako sa kwarto ko, hindi ko pinansin ang pagtawag ni Daddy sa 'kin.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama. At tumingin sa celling ng kwarto ko na may series lights nakadikit doon.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. “Solaire! Natutulog ka ba?” It's Mama Ana.
“Hindi po!” I yelled.
“Pwede ba akong pumasok? Kakausapin lang kita anak…” she asked me.
Siguro napansin niya ang pag-uugali ko.
Bumangon ako at umayos nang upo sa aking kama. “Sige po,” I said.
Dahan-dahan naman bumukas ang pinto at pumasok si Mama Ana na may dala-dalang tray, may laman itong lasagna at juice. 
“Dinalhan na kita ng snacks mo rito…” she said with a smile.
Nilagay niya naman iyon sa side table ko. Kumuha siya ng suklay tsaka lumapit sa 'kin at umupo sa tabi ko. Tumalikod naman ako para masuklayan niya ang buhok ko. Ito ang lagi niyang ginagawa nung bata pa ako.
“Hay, namiss ko ang pagsusuklay ng buhok mo.” she said.
My hair is straight and long beyond my shoulder. I smiled when she starts brushing my hair. Tahimik lang ako habang sinusuklayan niya ang aking buhok.
“Kumusta ang pagmamasyal n'yo sa farm?” she asked me, breaking the silence.
“Okay naman po.” I answered.
“Oh, ba't malungkot ka?” she asked again.
Hindi muna ako sumagot at dahan-dahan akong humarap sa kanya. 
“Mama A, I have a question po.” I said.
She frowned. “Ano 'yan?” She asked in curiosity.
I looked down. “Mana po talaga ako kay Mommy?” I managed to speak the words.
Natigilan naman siya sa tanong ko at tinignan ako ng maigi. Tumango siya sa akin. “Oo naman. Ba't mo naman naitanong 'yan?” tanong niya sa 'kin.
 
I shook my head. “Gusto ko lang po marinig ulit…” I said.
“Naku! Namimiss mo lang ang mommy mo,“ sabi niya.
“Everyday po, Mama A.”
Kahit hindi ko siya nakasama, nakita, o nahawakan man lang. Araw-araw ko siyang mamimiss. Gusto ko sa bawat pagkukwento nila tungkol sa kanya, ay maiisip kong nakasama ko na siya nung bata pa ako, kahit imagination lang. Naalagaan niya ako kahit imagination lang. Masayang masaya na ako non. Kaya hindi ako magsasawa makinig sa mga kwentong tungkol sa kanya.
“Nakuha mo sa mommy mo ang mabilog mong pisngi,“ panimula ni Mama A na ikinatawa naming dalawa.
Nakinig lang ako habang siya'y nagkukuwento tungkol kay Mommy. Nakahiga ako sa aking kama, habang banayad niyang sinusuklayan ang aking buhok.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Niko Abastillas

    hahah

    25/06

      0
  • avatar
    Renato Valdez

    nice

    10/04

      1
  • avatar
    Jay Ar Dimalao

    wer and I have will wait until I get home and from to a with other location team not to the police station or at the moment end the we last be able joining the team last be a good bit to for us me join us for to few days drinks from and and friend will have have be further information about the course fee and how I will not be to a for the is the best way to pay for the and is we can do to you your requirements for the rest of the team last be able joining us for and PhD rest of the study week t

    29/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด