logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

"Ava?" Naalimpungatan ako sa boses na nadidinig ko at marahang pagtapik sa balikat ko.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad ang mukha ni Ethan. Agad itong ngumiti sa akin pero pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ang isip ko sa kaantukan.
Naramdaman ko na lang ang pagyugyog ng kama, naupo na pala ang boss.
"I am sorry. Hindi ko alam na nandyan ka pa pala. If I have known, sana we didn't do it sa sofa." Mahinang sabi nito.
Nagising akong bigla ng maalala ko ang nasaksihan kanina at agad na napabangon.
"Oh, easy." Saway nito sa akin.
Naupo ako sa kama at kaharap ko na si Ethan ngayon. Mukhang bagong shower ito at nakapagpalit na ng damit. Nakashorts ito at puting t-shirt lang. Pero hapit na hapit iyon sa bandang braso.
"Anong oras na?” Tanong ko na lang habang hinahanap ng mga mata ang cellphone.
"Hmm. I think it's 2am.” Sagot nito na nakamasid lang sa akin.
"2am na?! U-umalis na ba yung babae?” Bigla kong naalala. Baka naman kasi nasa kwarto lang iyon at nagpapahinga.
"Yes. Her name is Sachna.” Tumango ito at gumuhit ang pilyong ngiti sa labi. Mukhang inaalala pa nito ang ginawa nila kanina at sa akin naman ay rumehistro ang posisyon ng dalawa sa sofa kanina.
Nag-iwas ako ng tingin at pilit ko na lang na binalewala ang naalala.
"Ah. Okay." Ayun na lang ang nasabi ko. Atleast ngayon ay alam ko na ang pangalan ng babae.
Tumingin akong muli kay Ethan na maaliwas ang awra ng mukha. Ganito ito kasaya kapag may bago siyang babae. Kabisado ko na ata ang boss ko.
Tumayo na ako ng maalalang hindi ako nakapagpaalam sa nanay ko ng umalis ako kanina. Kailangan ko ng umuwi ng makapagpahinga na din.
"You can do that tomorrow. There is no need to hurry." Sabi nito na nakamasid pala sakin ng dinampot ko ang garbage bag.
Ibabalik ko na sana ang mga gamit ni Selene para naman makauwi na ako pagkatapos. Antok na antok pa kasi talaga ang pakiramdam ko.
"Nako, baka biglang dumating si Selene at magtaka yun.”
"She won't come. Flight niya kanina and she will stay in Singapore for a week." Natigilan ako sa sinabi nito. Kaya naman pala malayang malaya ito ngayon na mag-uwi ng ibang babae.
Binuksan ko ang cabinet sa kwarto at ipinasok doon ang plastik. Kukunin ko na sana ang cellphone na naiwan pala sa nightstand. Kanina ko pa iyon hinahanap.
"Sige, edi uuwi na lang muna ko. Bukas ko na lang aayusin ito.” Sabi ko.
"No, wait. Dito kana matulog. You can stay here sa guest room." Aya ng boss pero sa totoo lang ay ayoko. Hindi pa ako nakakatulog sa condo nito kahit kelan dahil hindi naman magandang tignan lalo na at may boyfriend ako. Hindi naman sa may malisya ako sa lalaki, kaya lang ay umiiwas ako sa mga chismis.
Naalala ko tuloy bigla si Ian. Ni hindi pala ako nakapaggoodnight sa kanya kagabi.  Nagmamadali ko ng kinuha ang cellphone. Hindi nga ako nagkamali at may 10 missed calls at 5 text messages sa akin ang boyfriend ko. 
Hindi ko muna yun binuksan para basahin dahil kinakabahan ako. Hindi pa naman namin pinag-awayan ang tungkol sa trabaho ko lalong lalo na ang tungkol sa boss ko pero ayokong humantong yun sa ganun. 
"H-hindi na. Uuwi na ako." Agad ko na lang na tanggi.
"What? It's 2am. You can just stay here for the night or do you want me to drop you home?” Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama.
"Ha? Nako hindi na. Matulog kana dyan." Tanggi kong muli bago nagmamadaling lumabas sa kwarto. Pero nakasunod pala ang boss sa akin. 
"Hey, I will go with you.” Habol nito na mabilis na palang nakuha ang susi ng kotse nito.
"Hindi na nga." Pagmamatigas ko at tatalikod na sanang muli.
"Come on. Look at you. Gusto mo bang marape sa daan? Stay here or I will drive you home, okay?” Natigilan ako sa sinabi nito at muling humarap. Nahuli ko ang mata nito na hinahagod ng tingin ang legs ko na litaw na litaw dahil sa suot na maikling shorts.
Napangiwi ako sa nakitang ginagawa nito. Mukhang mas delikado pa ang buhay ko pag nagstay ako sa unit nito. 
"Kaya ko ang sarili ko." Masungit kong iwas dito. Pero wala naman na akong nagawa ng sumunod naman ito sa paglalakad ko. Hinatid na ako nito sa bahay na hindi din naman din kalayuan.
"Thanks, Ethan." 
"You're welcome. Goodnight." Sagot nito bago ko isara ang pinto ng kotse nito. 
Halos mapatakbo ako sa loob ng bahay pero tahimik ang paligid, mukhang hindi nga nila napansin na umalis ako kanina at nakabalik na ngayon. Nang mailock na ang pinto ay pumasok na akong agad sa kwarto ko.
Binuksan ang cellphone para basahin ang mga text messages ni Ian sa akin.
Kanina pa akong tumatawag sayo. Nasaan ka ba? 
Please, Ava. Can you answer the phone? Nagaalala na ako sayo. 
I am starting to fall asleep. Please message me as soon as you can. 
I love you and I miss you so much. 
Goodnight, love. 
Yun na ang huling message ni Ian sa akin. Naguilty ako sa ginawa ko. Hindi ko din kasi namalayan na nakatulog na pala ako kanina at nakasilent ang cellphone ko. Nag-alala tuloy si Ian ito ng husto. Ayoko namang tawagan o imessage ito ngayon dahil ayokong maistorbo ang tulog nito. Maaga kasi itong pumapasok sa restaurant na pinatatrabahuhan.
Buti pa ay gumising na lang ako ng maaga para matawagan ito.
Ian is calling you…
"Love, bakit gising ka pa?" Agad kong sagot sa tawag nito.
"Love, hindi ako makatulog. Nasan ka ba? Nag-aalala ako sayo.” Sunod sunod na tanong nito. Halata ko naman sa boses nito ang pag-aalala sa akin. Natouch naman ako na may halong guilt.
"I'm sorry. Bigla kasi akong pinatawag ng boss ko.” Sabi ko na lang pero ramdam kong natigilan ito sa sinabi ko. Yun na nga lang ang sinagot ko eh, paano pa kung malaman nito ang nangyari kanina?
"Anong iniuutos niya sayo ng ganitong oras?” Nakakaduda nga naman yun.
Hindi ko alam kung dapat kung sabihin at nagtalo ang isip ko. Parang hindi magandang pakinggan kaya naisip ko na lang na magpalusot. Kahit kailan naman ay hindi nagselos si Ian kaya ayokong bigyan siya ng dahilan na makaramdam ng ganoon.
"Nagkaroon kasi ng emergency dun, love. Pero okay na ngayon. Don't worry.” Sabi ko na lang sa boyfriend para mapanatag ang loob nito.
"Ah, okay. So, can we sleep now?" Aya nito sa akin at halata ang antok sa boses. Siguradong pagod na pagod ito mula sa trabaho at ngayon naman ay napuyat pa ng dahil sa akin.
“Oo, pero I’m sorry ulit. Goodnight, love." Naiintindihan naman daw nito at pagkababa ng tawag ay agad na akong nakatulog.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (101)

  • avatar
    Princess Chrielle B. Bisnar

    I can't understand

    21d

      0
  • avatar
    Abu Maher

    Ganda sobra

    17/08

      0
  • avatar
    Markian Miro

    Hellos you

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด