logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

UNHEARD VOICES 7

PANLILIGAW, iyan ang isang bagay na hindi talaga nagawa ni Davine sa buong buhay niya. Why? That is because hindi niya naisip na dadaan pa rin siya sa ganoong proseso. Ang akala niya ay makukuha na niya sa pagkanta ang mga bagay na nais niya. Masasabi niya na lugi siya kay Evangelion lalo na at hindi naman siya sanay manuyo ng babae. Ang alam lang niya ay mabilis siyang nagugustuhan ng mga babae dahil sa siya ay may magandang boses.
“Wala namang masama kung susubukan mong haranahin si Evangelion, hindi ba?” tanong kaagad ni Symoun sa binata. “I mean, we know your capacity na kaya mo siyang pakiligin kung sakaling kakantahan mo siya.”
Isang iling na lamang angnaibigay ni Davine sa binata, “Mabuti sana kung ganoon nga lang ang mangyayari.”
“What do you mean?” tanong naman ni Symoun with matching pangungunot ng noo.
“I can’t use my own voice as an idol,” sabi ni Davine na mas ikinakunot ng noo ni Symoun.
“Bakit, sinabi ko ba na kailangan mong maging idol para lang kantahan siya?” tanong na naman ni Symoun sa binata.
Napakamot na lamang ng ulo si Davine, “Alam mo naman na lagi akong nakukulangan sa performances ko.”
“Ahh, I see. Iyan talaga ang inaalala mo?” natatawang tanong ni Symoun sa binata. “Come on, hindi mo naman kailangang gawing fan si Evangelion para lang marinig niya ang boses mo.”
Napapikit na lamang si Davine sa narinig niya sa kaibigan. Seriously, hindi talaga nakukuha ni Symoun ang ibig niyang sabihin. Hindi rin naman niya maisatinig ang takot niya na baka sumablay lang siya sa pagkanta lalo na at maaaring isipin ni Evangelion na wala lang sa kanya ang pinagsasamahan nilang dalawa. Isang mahinang bahala na lamang ang naibigay ni Davine sa kanyang sarili nang oras na iyon.
“SIGURADO ka ba talaga na hindi pa kayo totohanan ni Papa Davine?” gulat na tanong ni Abegail sa kaibigan nang nagkwento na sa kanya ang dalaga. “Eh halos magkapalitan na nga kayong dalawa ng mukha kapag nagkakatabi kayo. Hindi ka ba kinikilig sa mga ginagawa niya para sa iyo?”
Hindi kaagad nakasagot si Evangelion sa tanong na iyon sa kanya ni Abegail. Bakit? Dahil iyon sa katotohanang mas higit pa yata sa pagkakilig ang nararamdaman niya sa binata. Hindi nga lang niya alam kung ganoon din ba ang nararamdaman ni Davine sa kanya lalo na at isa siyang ordinaryong tao. Sikat si Davine, alam niya na mas maraming magagandang babae na nagkakagusto sa binata. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang kinawayan ni Abegail nang oras na iyon.
“Hindi ka na nagsalita riyan, ang dali lang naman ng tanong ko ah!” sabi kaagad ni Abegail. “Mukhang hindi na lang yata basta kilig ang nararamdaman mo sa kanya eh.”
“Magtigil ka nga riyan,” nakangusong sabi ni Evangelion. “Hindi ako kinikilig sa kumag na iyon.”
“Kung hindi ka kinikilig sa kanya eh bakit pumapayag kang magpahalik sa kanya?” tanong na naman ni Abegail na hindi nasagot ni Evangelion.
Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Abegail nang nakita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi ng dalaga. She is sure na signs na iyon na nagsasabing may umuusbong na ring damdamin sa puso ng dalaga na hindi nito basta – basta mapagtatakpan. Ginulat na lamang niya ulit si Evangelion sa pamamagitan ng pagyakap sa dalaga.
“Ano na naman ba ang problema mo at nangyayakap ka riyan?” tanong kaagad ni Evangelion habang pilit na humihiwalay sa pagkakayakap ng kaibigan.
“Wala lang,” nakayakap na sagot ni Abegail. “Masaya lang ako dahil may lovelife na rin ang kaibigan ko!”
“Heh! Hindi uso sa akin ang bagay na iyon!” pagtanggi naman ni Evangelion sa mga panunuksong ibinibigay sa kanya ng kaibigan.
MABILIS na lumipas ang mga oras at hindi na namalayan pa ni Evangelion na dumating na ang hapon. Iyon nga lang, masama na talaga ang pakiramdam niya nang oras na iyon dahil na rin sa nanghawa ang boss niya ng sipon. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng ulo niya at sa tingin niya ay hindi na niya mahihintay pa ang pag – out sa bakeshop. Gusto na talaga niyang umuwi sa bahay upang mkapagpahinga nang hapong iyon.
“Sigurado ka bang kaya mo pa?” nag – aalalang tanong ni Abegail sa kaibigan. “Namumutla ka na oh! Hindi mo na yata kakayanin pa ang mag – commute mag – isa eh.”
Isang bahing ang pinakawalan ni Evangelion bago pa man siya sumagot, “Kaya ko pa ang sarili ko. Hindi naman ako makakatulog sa jeep eh.”
“Kahit na! Tatawagan ko si Davine para lang bilisan niya ang pagpunta rito,” sabi kaagad ni Abegail. “Baka nga papunta na siya rito eh!”
“Hindi na, ayoko namang maistorbo lang ang isang iyon dahil sa akin,” sagot naman ni Evangelion. “Hindi rin ako sanay na dependent ako sa isang lalaki. Simpleng sipon lang naman ito.”
“Evangelion naman, please, ‘wag namang matigas ang ulo mo oh!” pagmamakaawa ni Abegail sa dalaga.
Sasagot pa sana si Evangelion nang naramdaman na lamang niya ang biglang pag – ikot ng paningin niya. Sa tingin niya ay hindi na siya tatagal nang oras na iyon lalo na at nararamdaman na rin niya ang pag – init ng katawan niya. It seems like dumiretso kaagad sa lagnat ang simpleng sipon na nakuha niya sa kanilang boss. Pasalamat na lamang siya at mabilis naman siyang nasalo ni Abegail nang oras na iyon.
“Ang tigas kasi ng ulo mo eh,” panenermon kaagad ni Abegail sa kanya. “’Wag ka nang magkulit pa dahil tatawagan ko na talaga si Davine para lang sunduin ka.”
Wala na ngang nagawa si Evangelion nang oras na iyon dahil sa hilong nararamdaman niya. Hinayaan na lamang niya si Abegail sa gusto nitong gawin lalo na at wala na rin naman siyang lakas upang makipagtalo pa sa dalaga.
HALATANG nagulat si Davine nang nakita niya ang pagrehistro ng number ni Abegail sa cellphone niya. Hindi niya alam kung bakit napatawag sa kanya ang dalaga ngunit sigurado siyang may kinalaman kay Evangelion ang pagtawag nito. Nagpaalam lang siya sa mga kasamahan niya bago pa man niya sinagot ang tawag na iyon.
“Hello, napatawag ka?” tanong kaagad niya sa dalagang nasa kabilang linya.
“May time ka ba para sumaglit dito sa bakeshop ngayong hapon?” tanong kaagad ni Abegail sa binata. “Kung hindi ka free, okay lang rin, naiintindihan naman namin ni Eve.”
“Hindi ka naman siguro tatawag sa akin para lang magtanong ng ganyang bagay,” sabi kaagad Davine sa dalaga. “Tell me, nasaan si Evangelion?”
“May sakit si Eve ngayon, eh hindi na rin niya mahihintay pa ang labas namin dito kasi gusto na talaga niyang magpahinga,” pagtatapat ni Abegail sa binata. “Gusto na nga niyang umuwi pero hindi ko naman siya masamahan kasi hindi pa tapos ang oras namin pareho.”
“May sakit si Evangelion?!” ang gulat na tanong ni Davine. “Bakit hindi mo kaagad itinawag sa akin?”
“Makulit si Eve eh. Kung hindi pa siya muntikang bumagsak kanina ay sigurado akong mangungulit lang siyang lalo na mag – commute na lamang pauwi,” sabi ni Abegail na nagpaakunot sa noo ng binata.
“Buti at hindi mo siya pinayagang mag – commute mag – isa,” sabi ni Davine. “So nasa bakeshop lang kayo ngayon?”
“Oo.”
“Sige, bantayan mo muna siya at pupunta na rin ako kaagad,” sabi ni Davine.
“Sigurado ka ba? Baka naman may schedule kaming masasagasaan ni Eve ngayon,” ang alanganing sabi ni Abegail sa binata.
“Wala, tapos na rin naman ang practice namin ngayong araw eh,” sagot naman ni Davine. “Basta bantayan mo lang siya at ‘wag na ‘wag mo siyang paalisin kahit na ano ang mangyari, okay?”
GUMUHIT kaagad ang pag – aalala sa mukha ni Davine nang nakita niyang namumutla ang dalagang maysakit. Hindi na siya nagdalawang – isip pa na buhatin ang girlfriend niya upang ialis sa bakeshop na iyon. He does not give a damn care kung may nakakakita man sa kanilang dalawa nang oras na iyon. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang masigurong maiiuwi niya si Evangelion sa condo unit niya upang maalagaan. Tinawagan na rin niya si Sylvia upang may makatulong siya sa pagbibihis sa dalagang basang – basa na rin ng pawis.
“Seriously, hindi mo dapat dinala rito sa unit mo si Evangelion dahil lang sa may sakit siya,” panenermon kaagad ni Sylvia sa binata. “Paano na lang kung bigla niyang isipin na pinagsamantalahan mo siya?”
“Kaya nga tinawagan kita eh,” sagot naman ni Davine. “Mas lalo lang siyang maghihinala na pinagsamantalahan ko siya kung hindi ikaw ang magbibihis sa kanya.”
Napahinga nang malalim si Sylvia, “Pasalamat ka at babae rin ako. Alam ko kung paano ang mag – alaga ng taong maysakit.”
“Alam ko,” maikling sagot ni Davine.
Dahil na rin sa naging tulong ni Sylvia ay mas napadali ang pag – aalaga ni Davine kay Evangelion. Iyon nga lang, hindi rin naman nagtagal doon ang manager ng Comeback dahil hinahanap na ito ng kapatid nito. Umalis ang dalaga nang natapos na nito ang pagluluto sa lugaw na ipapakain kay Evangelion.
“Alam mo na ang gagawin mo, tumawag ka na lamang kapag hindi pa bumaba ang lagnat niya,” paalala ni Sylvia sa binata bago pa man siya umalis.
Napahinga na lamang nang malalim si Davine nang naalala niyang kailangan niyang pakainin ng lugaw si Evangelion. Hindi siya sigurado kung mapapakain nga ba niya ang dalaga lalo na at nakikita niya ang panghihina sa mukha nito. Iyon nga lang, wala naman na siyang ibang choice lalo na at mas manghihina ang dalaga kung sakaling hindi pa niya ito pakakainin.
“Evangelion, wake up, kailangan mong kumain,” ang malumanay na sabi ni Davine sa dalaga.
Isang ungol lang ang naisagot ni Evangelion sa binata nang oras na iyon. Sa palagay ng binata ay mas mahihirapan siyang alagaan ang dalaga kung magiging matigas ang ulo nito sa kanya. Pasalamat na lamang siya dahil hindi naging pasaway sa kanya si Evangelion nang oras na iyon.
“Good girl,” sabi ni Davine nang napainom na rin niya ng gamot ang dalaga. “Magpahinga ka na at babantayan na lamang kita sa pagtulog mo,” dagdag pa niya habang inaayos ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ng dalaga.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Atthel S Chezsan

    nice apps

    22/01

      0
  • avatar
    SantiagoMarcelino

    maganda sya

    11/11

      0
  • avatar
    Jillian Hemio

    nakakakilig

    04/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด