logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Unexpected

The Unexpected

Antoine


KABANATA 1

Ang buhay ay maiksi lamang. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala dito sa mundong ibabaw. Hindi madali ang mabuhay dito, kaya naman ang tanging masasabi ko lang para sa sarili ko ay, "Ang buhay ay dapat na ine-enjoy."
I've been trying to find my place on Earth. Sometimes I'm in the verge of giving up. Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko, soon enough everything will be alright, everything will fall to it's right places.
And this is where my story begins.
"Hello po! I'm Vannshiella Mojar Valente, 19 years old po. I'm from Ilocos Sur, pero nakatira po ako sa San Isidro, sa bahay ng tita ko. Level 1, nursing student din po! Sana ay makasundo ko kayong lahat, at magtulungan tayo. Thank you!" masiglang bati at pagpapakilala ko sa aking mga bagong kasama sa dorm. Sabay bow ng 360 degrees. Shala!
Tatlong araw na ang nakakalipas sa pagsisimula ng pag-aaral namin bilang student nurse. Kaya naman kami ay nagtipon-tipon sa pangunguna ng aming landlord, para kami ay makapag pakilala sa isa't-isa. Aba naman! Sila ang makakasama ko sa buong nursing journey ko kaya dapat lang na maging maganda ang kalalabasan nitong meet and greet namin.
"Excuse me, saang room ka? I'm Danileigh, call me Dani." sabi ng katabi ko sabay abot ng kamay.
"Sa room 4 ako, 3rd floor, ikaw ba? Call me Vann!" sagot ko naman, with my friendly tone. Excited lang.
"Hala room 3 lang ako! 3rd floor din!" sagot nya na parang kinikiliti sya sa tuwa.
"Hi, I'm Adianna Luna De Gracias, 20, level 1 nursing student din po, nice to meet you all." ani ng babaeng naka tayo sa gilid ko, singkit siya, may katangusan din ang ilong, akala mong may lahi. Itong mukha niya, akala mong naghahamon ng away ang taray tignan.
As usual, dahil ako ay ipinanganak na friendly naglakas loob akong kausapin din siya pagkatapos niyang magpakilala.
"Hi! I'm Vann, 3rd floor, room 4. Saang room ka?" tanong ko. Itinagilid lang nya ang kanyang ulo, sapat na upang makita ko ang mukha niya.
"Third floor, room 5" sagot nito at mabilisan nyang ibinalik sa harap ang kanyang atensyon, na akala mong boring na boring sa buhay. Hindi man lang ako nakapag salitang muli!
Grabe! Mukang mahirap hirap kabonding itong isang to. Mukang tigasin e, akala mong pinagsakluban ng langit at lupa.
"Okay! Since magkakakilala na tayong lahat, nais kong sabihin sa inyo na kung may kailangan kayo, wag kayong mahihiyang magsabi sa akin ha! And yoong mga rules natin, wag kakalimutan ha!" huling paalala ng aming landlord na si Inang Venus.
"Okay po, Tita Venus!" sagot namin ng sabay sabay. Saka kami nagsipaglakad papunta sa aming mga kwarto.
Habang kami ay naglalakad, nagkanya-kanya na kami. At sa aking pagakyat, naka sabay ko si Dani. Nagkukwento siya tungkol sa mga instructors at professors namin, like tinatanong niya kung magkaparehas ba kami ng professor sa isang subject, at kung ano ba ang schedule ko for tomorrow at sabay daw sana kaming pumasok. Madaldal siya, magaan siyang kausap. Yoon bang mararamdaman mo na parang ang tagal niyo nang magkakilala kahit ang totoo ay hindi.
Sigurado ako, magkakasundo kami ng husto ni Dani, I told my self.
After  ng kaonting kwentoha namin ni Dani, we decided to part our ways para naman makapag pahinga at shower na.
***
Katatapos ko lang mag shower, amoy baby na naman ako. Shala! Puri ko sa aking sarili habang naglalakad ako pabalik ng room. Maya-maya  may narinig akong nagsasalita nang pabulong, na akala mong may kaaway sa may terrace. Gusto ko sana matakot, kasi anong oras na, it's already past 10pm, mag eleven na nga e.
Umandar ang pagiging observer ko! Tama, I'm an observant person, para may class pakinggan kumpara sa chismosa. Kaya naman paunti-onti at dahan-dahan akong lumapit sa may terrace, at nagtago sa likod ng white curtain.
"Hindi nga ako uuwi! Ayoko! Magkaka problema lang tayo pag uuwi ako jan, Ma. They don't like me, I know. And I'm tired of it!" sabi noong babaeng nasa labas ng terrace.
Aalis na sana ako ng bigla siyang lumingon sa pinagtataguan ko! Lintik ka Vann, napaka observant mo kasi!
"Stop hiding. Show me your face. Maalikabok iyang curtain. I'm not gonna bite you" ani pa niya.
Dahan-dahan akong naglakad at umalis sa pinagtataguan ko habang naka yuko.
"I'm sorry, na curious kasi ako, at gabi na may nakikipag away pa sa labas" sabi ko.
"It's you, the girl earlier." sabi nya.
Nag angat ako ng tingin, and to my surprise, it's Adianna! Yoong babaeng kala mong pasan pasan ang buong mundo kanina. Pero sa tingin ko nga, pasan nya ang mundo sa mga balikat nya.
"Yoong mga narinig mo kanina, kalimutan mo na. Act like you heard nothing." sabi nya at aambang aalis na. She looks sad at the same time cold.
"If you have a problem, you can talk to me. Kung gusto mo lang na may makikinig sayo, I'm free." sabi ko with full of sincerity. I know, kakikilala lang namin ang isa't-isa, hindi pa nga kami nakakapag establish ng rapport e.
Adianna look at me, her face emotionless, but with her eyes full of sadness. I can also notice her watering eyes because of the light reflecting to it.
"Vann..." she said. She walk towards me, and started to talk about her problems.
Sa gabing ito, nakilala ko si Adi. Hindi man lahat nalaman ko, ang mahalaga nagkaintindihan kaming dalawa.
Our friendship bloomed unexpectedly tonight.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (178)

  • avatar
    MatudioNico

    it's so good

    17d

      0
  • avatar
    AcilarEduardo

    wonderful

    19d

      0
  • avatar
    lariosalorraine

    nice

    13/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด