logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

“Anong bibilhin mo, Eish?” tanong ni Kuya habang nasa loob kami ng Mac Store.
“Nothing” sagot ko dahil hindi ko naman kailangan bumili ng gadgets. Siya yung may kailangan ng bagong phone dahil nabasag niya kagabi yung sa kanya.
“Sure ka?” nakangising tanong niya at inirapan ko. He's so annoying!
“Punta lang akong National Book Store” paalam ko at iniwan sila roon.
Pumasok ako ng stall at hinanap agad ang Wattpad books section. Hinanap ko yung libro na hindi ko pa nabibili, unfortunately, wala din doon. I sighed. Maybe I can buy it online.
Humanap na lang ako ng mga highlighters at ballpen saka mga art materials, iyon na lang ang binili ko.
Medyo natagalan ako sa counter dahil sa dami ng namimili. Nasa pila pa ako ng may biglang tumabi sa akin kaya naman napatingala ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Fynlae sa tabi ko.
“Ginagawa mo dito?” medyo masungit na tanong ko.
“Here...pasabay” inirapan ko siya ng makita ang mga dala niyang mga pencil, I don't know the exact term for those pencils, e. Basta pang- Engineering!
Kinuha ko ang mga iyon pero di pa rin niya binibitawan kaya nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya.
“Ako na, baka mabigat na iyang dala mo” aniya saka kinuha na din yung dala ako at lumapit na siya sa bakanteng counter. Sumunod lang ako sa likod niya.
Nakarinig ako ng mga bulungan sa likod ko.
“Jowa ba niya yan? Bagay sila.”
“Tanga, baka kapatid niya. Tingnan mo mukhang bata yung girl”
“Malay mo naman hindi...baka jowa niya o kaya nililigawan, tingnan mo parehong art materials yung hawak nung lalaki”
“Ay! Hindi sila bagay, ang gwapo ni boy, e”
Napa-irap na lang ako sa hangin at nanlaki ang mata ko nang makitang diretso ang tingin sa akin ni Fynlae na tapos na palang magbayad.
“Hala...magkano yung akin?” gulat na tanong ko at umiling siya saka hinawakan ang siko at hinarap niya ako sa daanan.
“Save it. Tara na” aya niya saka kami naglakad palabas ng Store at nadatnan namin si Kuya na naghihintay sa tapat.
“Nakabili ka na?” tanong niya sa'kin at tumango ako. “Kain muna kaya tayo?” pag-aaya niya at umiling ako.
Wala ako sa mood para kumain.
“Uuwi na ako” paalam ko na ikinagulat niya.
“Bakit?” tanong niya.
“Pagod na ako. Mag-ta-taxi na lang ako pauwi p kaya maglalakad na lang” tugon ko at humarap kay Fynlae. “Yung art materials ko?” tanong ko at inabot naman niya yung paper bag.
Kumaway na ako sa kanila at tumalikod paalis ng mall. Kaya nawala ako sa mood dahil doon sa mga nagbubulungan. Kaya ayokong sumasama kina Kuya dahil nga madalas ay ganu'n ang tingin sa akin ng mga tao. Na jowa ko daw si Kuya tapos hindi kami bagay kasi ganito ako at ganyan siya. I don't understand some of girls who's promoting women empowerment then they'll bash the other girls because of physical appearance or because of their body ganu'n.
Mabibigat ang yabag ko na naglakad pauwi, hindi ko namalayan ay nasa tapat na pala ako ng bahay. Tamad kong binuksan ang gate at pumasok. Nadatnan ko si Nanay Edna na nanonood ng TV sa sala at si Kuya Bong iyong driver namin na  kumakain sa tabi ni Nanay.
“Oh, nakauwi na pala kayo, nasaan ang kuya mo?” bungad niya sa'kin.
“Nasa mall pa po” tamad kong sagot at tumungo na sa kwarto ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama at umayos din kalaunan, binuksan ko ang paper bag at nilabas ang mga laman niyon.
Bakit parang sobra yata–ay shet! Hindi niya kinuha yung mga pencils niya! Paano ko naman ito ibabalik sa kanya, pisteng lalaki na iyon. Bakit ko ba kasi nakalimutan na may binili rin pala siya?
Imbes na ako'y magpahinga ngayong weekends ay ma-i-stress pa yata ako dahil sa mga lapis na ito.
Bigla kong naalala na may number pala siya sa'kin kaya naman tinext ko agad siya baka hindi pa sila nakakaalis ng Mall at daanan na lang niya ulit dito samin mamaya.
To: Fynlae Gyllan Cezar
-hi? Yung mga pencil mo nasama dito sa mga art materials ko. If di ka pa nakakauwi, pakidaanan na lang here?
Nanlaki ang mata ko ng agad din siyang nagreply!
From: Fynlae Gyllan Cezar
- Hi? Thank you! Pakitago na lang muna, nasa biyahe na kami papuntang BGC, e.
Napa-irap ako ng wala sa oras. Punyeta, bakit naman kasi hindi niya kinuha kanina? Nakakainis!
To: Fynlae Gyllan Cezar
- Okay, ibibigay ko na lang kay Kuya pag-uwi niya para maibalik niya sa'yo.
Napa-buntong hininga ako at tumitig na lang sa kisame. Tumayo ako agad ako at kinuha ko naman ang laptop ko upang malibang. I opened that Google Chrome and search the Omegle.
Madalas akong mag-Omegle dahil sa inip, minsan naiinis din ako sa mga kausap ko dito dahil ang iba ay puro horny lang naman at puro kabastusan na ang mga topic, kaya madalas akong maglagay ng tags na Filipino, Decent Talk at K-pop Stan or wattpader.
Mga ilang segundo din ako naghintay bago magkaroon ng kausap.
Stranger:
Hi?
Me:
Hello.
Stranger:
How's life?
Me:
Fine.
Stranger:
Do you have a snap?
Me:
I don't have.
Stranger:
Oh, so how can we communicate then?
Me:
Idk. I'm just bored.
After that, I click the STOP sign. Madalas ganu'n naman kaya lalo akong nabuburyo, yung iba naman ay nagpapakita ng kung ano-ano kaya nag-stop na ako at kinuha ko naman ang cellphone ko sa tabi at nagulat nang makatanggap ako ng tatlong sunod-sunod na text mula kay Fynlae.
From: Fynlae Gyllan Cezar
- No, h'wag mong ibigay, kukunin ko na lang sa'yo.
From: Fynlae Gyllan Cezar
- Baka next week na. We're kinda busy with ACADs, e.
From: Fynlae Gyllan Cezar
- Basta text na lang kita kapag kukunin ko na, baka hindi na ako makapunta sa inyo.
Hindi ko naman tinatanong kaya naman hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mukhang may sariling utak ang mga daliri ko at agad na nagtipa.
To: Fynlae Gyllan Cezar
- Hindi ko naman tinatanong. btw, hindi mo ba gagamitin yung mga pencil? Para saan pa at binili mo iyon.
Five minutes before siya nagreply!
From: Fynlae Gyllan Cezar
- Gagamitin ko. Pero hindi pa ngayon, keep them. Bye.
At hindi na ako nagreply, baka magmukha naman talaga akong chismosa!
Tinago ko sa cabinet ko na lalagyan ng art materials ang mga pencils niya at yung iba ko pang pinamili, kapag nakalimutan ko to, bahala siya.
Nahiga ulit ako sa kama at namili na lang ng movie na papanoorin, I picked the “Barcelona” ewan ko ba sa sarili ko, paulit-ulit ko na din namang napanood iyon pero hindi ako nagsasawa na panoorin, maybe because it's realistic.
Nasa kalagitnaan na ako ng bigla bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa niyon si Daddy, mabilis ang pagpapalit ng emosyon ko.
Blankong ekspresyon ko siyang tinitigan habang siya naman ay tinitimbang pa ang magiging emosyon niya. Lumapit siya sa akin at ako naman ay umirap saka lumayo.
“A-anak, let me explain” nagmamakaawa na wika niya pero inirapan ko lang.
“Wala ka namang dapat i-explain, I saw what I saw! And you can't just explain it, hindi mo na kailangan pang ipaliwanag kung gaano ka nasarapan habang nasa ibabaw ng babaeng iyon! Napakadumi mo, ang baboy mo! Nakakadiri ka!” tinitingnan ko siya na para akong nandidiri at puno ng galit. Isang malakas ng sampal ang sinukli niya sa akin na ikinagulat ko.
Maski siya ay nagulat sa kanyang nagawa. Sinubukan niya akong hawakan ngunit lumayo ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Ang sakit! Hindi ko naisip na kakayanin niya akong pagbuhatan ng kamay!
“How dare you to slap me! Wala kang kwentang ama!” sigaw ko habang umiiyak at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Nagulat pa sina Nanay Edna nang tuluyan akong lumabas ng bahay.
Pinahid ko ang luha sa patuloy pa rin sa pag-agos, chineck ko ang itsura ko sa cellphone ko at kita kong namumula ang kanang pisngi ko dahil sa sampal ni Daddy.
Naglalakad lakad ako habang pinipigilan ko ang sarili ko na tawagan si Kuya. I want to tell him but I think it'll be a disaster. Baka kapag sinabi ko ay umuwi siya at mag-away silang dalawa ni Daddy. I know that it's also my fault because of the bad things I told him.
Nagulat ako ng may biglang humawak sa siko at muntik pa akong mapatili ng makita ang mukha ang kaklase ko–it's Sean!
“Okay ka lang ba?” tanong niya at tinitigan niya akong maigi. “Sorry. You don't need to answer it if you're uncomfortable” mahinang sabi niya.
“Mapagkakatiwalaan ba kita?” tanong ko sa kanya medyo paos ako kaya sigurado akong hindi niya ako maiintindihan ng maigi.
“Of course, your secrets are safe with me. You can always count on me, don't be shy... We're friends in Facebook, if you're uncomfortable to talk to me in person, you can chat me anytime, I promise, I'll read them” sagot niya na kinangiti ko.
Minsan ko lang marinig na magsalita si Sean, sa group of friends niya madalas ay ngumingiti lang siya pero hindi talaga siya madaldal. Matalino siya pero chill lang sa pag-aaral, gwapo, pero hindi friendly.
He got a braces last year, kaya lalong gumanda yung ngipin niya, bagsak ang tuwid na tuwid niyang buhok, makapal ang kilay, matangos ang ilong, maganda ang pilikmata at black na black ang kanyang mga mata, clear skin din siya, actually ang ganda siguro nito kung magiging babae siya. His lips are well formed.
“Sure ka ba?” nahihiyang tanong ko sa kanya, naiilang kasi ako sa mga titig niya.
“Yeah?” parang nalilito na din sagot niya kaya natawa kami pareho.
“Saan ka pala galing?” tanong ko at binalikan ang daan na pinanggalingan namin.
“I visited my dentist, nagpa-adjust ako” sagot niya at ngumiti sa'kin at nakita ko ang puting-puti niyang ngipin na may bagong rubber, kulay black iyon.
“Sana all” wala sa sariling sabi ko at natawa siya.
“Your teeth are very fine, you don't need to get braces” seryosong sabi niya at tumango naman ako.
“Saan ang clinic ng Dentist mo?” curious na tanong, madami kasing clinic dito sa street namin!
“Dra. Jimenez” sagot niya at tumango ako, pareho pala kami ng dentista, bakit hindi kami nagkakaabot kapag nagpapalinis ako ng ngipin?
“Ah, same” wika ko at napatitig siya sa'kin. “Share ko lang” dagdag ko baka isipin niya mema lang ako.
“Talaga?” di makapaniwalang tanong niya kaya napa-irap ako sa kanya.
“Anong tingin mo sa'kin? Hindi bumibisita sa dentista?” offended na tanong ko at natawa siya saka naupo sa bench na naroon lang sa tabi namin, sinundan ko siya at naupo na din dahil sa nangawit ako kakatayo.
“Hindi! Di lang ako makapaniwala na sa dinami-dami ng dentista dito sa street niyo ay kay Dra. Jimenez ka bumibisita” tugon niya.
Tumango ako at saka muling nanaig ang katahimikan sa aming dalawa.
“Anong oras ka uuwi?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa papalubog ng araw.
Nagkibit balikat ako sa kanya at tumingin na lang din sa gawi na kanyang tinitignan.
“Kung ayaw mo munang umuwi, h'wag ka dito magtambay, maraming mga batang humihithit ng rugby na nagkalat d'yan tuwing gabi” seryosong paalala niya sa'kin at napakunot noo ako.
Aware naman ako na madaming ganu'n dito sa amin, pero ang pinagtataka ko ay uuwi na ba siya?
“Hindi pa ako uuwi, masasamahan kita rito pero hanggang alas otso lang” tila ay nababasa niya ang laman ng utak ko kaya bigla siyang nagsalita.
“Okay...hanggang eight lang tayo dito” wala sa sariling sabi ko at yumuko saka ko pinaglapat ang kamay ko dahil nilalamig na ako, yung suot ko pa kanina mula sa Mall ang suot ko ngayon.
“Here” abot niya sa'kin ng hoodie niya na kinagulat ko! Umiling ako sa kanya. “Don't worry, hindi iyan mabaho” parang na-offend na dagdag niya.
“Hindi na, baka lamigin ka din” pagtanggi ko at umiling siya.
“Ibalik mo nalang sa'kin sa Lunes” aniya at wala akong nagawa kundi kunin iyon at sinuot, infairness, ang bango!
“Anong pabango mo?” curious na tanong ko at napabaling siya sa'kin.
Tila nagtataka siya kaya naman matagal ang pagtitig niya sa'kin at nailang naman ako, ako ang unang pumutol ng titigan namin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Ben Gie

    good

    27/04

      0
  • avatar
    HueMaggie

    Catching title... Nice story line

    29/02

      0
  • avatar
    Jilie Jean L. Cawa

    500

    14/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด