logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso series 1)

Kinagabihan ay sabay sabay din silang lahat kumain maging ang mga katulong nila ay kasabay nila dahil na rin sa kagustuhan ni Andrew.
Nagmukha tuloy isang munting celebration ang kanilang hapunan dahil sa dami nilang nasa hapag.
Masaya silang nagsalo salong lahat ng gabing yun at nagkasiyahan ng kunti bago nagpasyang matulog.
Nagtaka ang tito ni Jane ng makitang hindi sya sa kanyang silid pupunta para matulog kundi doon sa silid ng mga katulong.
"Jane, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Matutulog na po tito." aniya.
"Silid yan ng mga katulong hindi ba? Andoon ang kwarto mo, bakit dyan ang punta mo?" nagtatakang tanong ng kanyang tiyohin.
"Ah, eh, minsan po kasi tito, nakikitulog talaga ako, kina yaya medeng." aniya.
"Ah, ganon ba? Dyan ka ba matutulog ngayon?"
"H-hindi po tito, kwarto po ako matutulog ngayon, may kukunin lang po ako."
* * *
Kinaumagahan ay maagang kinatok ng tiyohin ni Jane ang kanyang kwarto habang payapa syang natutulog.
Pupungas pungas naman syang nagising ng marinig ang mga katok na yun na tila sya kinakabahan.
"S-Sino yan?" tila natatakot na sigaw nya.
"Its me, your tito Andrew, sweety." malambing na anang tito nya.
Pinagbuksan nya naman ito ng pinto.
"Goodmorning po tito." bati nya sa tiyohin.
"Goodmorning baby, You’re becoming different now than before, young lady."
Napakunot naman ang kanyang noo sa sinabi ng kanyang tiyohin.
"Bakit po tito?"
"Kasi noon, kapag gumigising ka, sa kwarto ka kaagad pupunta and e gegreat ako ng magandang umaga, ngayon hindi na, nagdadalaga ka na talaga." anito.
"Sorry po tito, na late po kasi ako ng gising." napayukong aniya.
Natawa naman ang kanyang tiyohin sa reaksyon nya.
"Haha, dont worry young lady, i'm not angry with you, anyway pumunta lang ako dito, to tell you na, fix yourself, may pupuntahan tayo."
"Saan po?" takang tanong nya.
"Saan pa ba? Di sa mga paborito mong lugar." masayang anito.
"Really?" masayang tanong nya.
"Yes, Sabi ko na nga ba, yan ang magiging reaksyon mo eh, ofcourse." natatawang saad ng kanyang tiyohin.
"Okay tito, wait maliligo po ako."
"Okay, hurry up okay? Before bonding magpapacheck up muna tayo."
"May sakit po kayo tito?" takang tanong nya.
"Wala, ikaw ang magpapatingin."
"Eh, tito wala naman po akong sakit." aniya.
"Wala nga, vitamins lang kukunin natin." anito.
"P-pero.."
"Wala ng pero pero, maligo at magbihis ka na para marami tayong mapuntahan sa bonding mamaya." putol ng kanyang tiyohin sa pagtatanggi nya pa sana.
Walang nagawa na dinala si Jane ng tiyohin sa doktor upang ipa check up.
Tumatanggi nga sana syang huwag na lamang dalhin sa doktor dahil wala naman sya talagang sakit at natural talaga ang pagpayat nya dahil yun ay may dahilan.
Ngunit mapilit talaga ang tito Andrew nya kung kaya wala na syang nagawa sa gusto nito, alam nya kasing wala din syang magagawa kahit anung sabihin nya kapag ito na ang nagpumilit.
Binigyan sya ng doktor ng mga gamot na pampaganang kumain at iba't ibang vitamins na kailangan nyang inumim daw araw araw.
Pagkatapos ng check up na yun, ay inatupag naman nila ang pamamasyal sa kung saan saan.
At lingid sa kaalaman nya na nakakuha ng impormasyon ang tito nya kung bakit talaga ito nangangayayat lang ng normal. Binigyan din ng impormasyon ng doctor si Andrew na sya daw ay hindi na regular na nagpapacheck up rito samantalang ito ang personal na doctor nya na syang ikinapagtataka ng tiyuhin dahil kabilin bilinan nit okay Tanya na ipa regular check up sya ngunit hindi na muna nito masyadong binigyan ng mahabang pansin ang naiisip.
* * *
Araw araw namamasyal si Jane kasama ng tito Andrew nya at ang pamilya nito simula ng umuwi ito at magbakasyon.
Walang araw na hindi sya dinadala nito sa mga palaruan at kung saan saang kasiyahan.
Sinusulit nito ang bakasyon na kasa kasama silang lahat.
Wala itong kapaguran at hindi nakakaramdam ng pagkasawa sa pagpapasyal sa kanila kung saan saan.
Unti unti na din syang lumulusog dahil sa mga vitamins at tamang pagkain na rin na kinakain.
"Hon, hindi kaya masyado mo ng ini spoiled ang mga bata?" ani tanya sa kanya maya mayang matahimik sila.
"Hindi naman, siguro hon, pa minsan minsan lang din naman ako kung umuwi," aniya.
"At saka, tingnan mo sila oh, hindi ka ba masayang nakikita silang nag eenjoy, ng ganyan?" dugtong nya pa.
"M-masaya din syempre." anito.
* * *
Masaya namang naglalaro si Jane, ngunit ng mapagod ay malungkot din syang naupo sa tabi.
Matagal din bago sya nakapag enjoy at nakapaglaro ng ganoon ulit at matagal din bago sya nakalabas ng mansyon ulit.
Kumunot ang kanyang noo sa isang dirty ice cream vendor na dumaan dahil natatakam syang kumain.
Paborito nila itong kainin ng tito nya ngunit nahihiya naman syang lumapit at magsabi sa tito Andrew nya dahil nandoon si Tanya na asawa nito.
Yumuko na lamang sya at nagmuni muni sana ngunit nagulat sya ng may lumapit at mag abot sa kanya ng dirty ice cream.
"Paborito natin ito diba, kaya bumili ako." nakangiti na anang tito nya ng umangat ang kanyang mukha rito.
"Wow, thankyou po tito." aniya.
"Your welcome princess." anito.
"Sila tita Tanya po ba, ayaw kumain nito?" nagtatakang tanong nya ng mamataang walang hawak na dirty ice cream ang mga ito.
Nagkibit balikat naman ang tiyohin nya bago sya sinagot.
"Ayaw nila eh, baka akala nila madumi dahil ang pangalan ay dirty ice cream." biro ng tito nya.
Natawa naman sya sa biro ng tiyohin maya maya pa ay natawa na din ang tiyuhin at napuno ng ingay ng halakhakan nila ang paligid na syang lihim na kinaiirita naman ng pekeng tiyahin, ngunit alam nya talaga ang dahilan kung bakit ayaw ni Tanya ang ice cream na yun.
Maarte talaga ang mga ito at ayaw talaga ng mga pagkaing kalye kahit na sa totoo lang ay pinulot din naman ang mga ito ng tito nya sa putikan.
"Ah, tito, can we buy fishball? Mukhang masarap na po yung amoy." paglalambing nya sa tiyohin.
"Sure, wait! I'll buy for you." anito.
Gusto nyang sulitin ang pagkain ng mga pagkaing matagal nya ng hindi natitikman.
At hindi nya natitikman kapag wala ang kanyang tiyohin.
Maging ang paglabas at paggala ay gusto nya ring sulitin kasama ito.
* * *
Malungkot na malungkot ang mukha ni Jane na nakatanaw sa tiyohing nag eempake ng mga gamit nito.
Tapos na kasi ang bakasyon nito at kailangan ng bumalik doon sa kumpanya upang asikasohin ulit.
"Tito, pwede po bang wag na lang kayong bumalik don? Namimiss ko po kayo dito." aniyang umiiyak sa harap ng tiyohin.
"Alam mo namang hindi pwede Jane, diba? Pag hindi ko aasikasuhin ang kumpanya, anung mangyayari sa atin? At saka alam mo namang para sayo, itong ginagawa ko eh, kumpanya ni kuya na daddy mo ito." pagpapaliwanag nito sa kanya.
"But, I will gonna miss you everyday tito, I want your presence always kasi natatakot po akong wala kayo." umiiyak pa ring aniya.
"Princess, bakit ka naman matatakot, hindi ka naman pinapabayaan ni tita Tanya mo, hindi ba? And besides, umuuwi naman ako eh, ilang buwan lang naman ako don, baka nga this time, every month, uuwi na ako." anito.
Umiiyak pa rin sya, ayaw nya talagang umalis ang tiyohin nya at pumunta sa kompanya upang magtrabaho.
Mas gusto nya pang palagi na lamang itong kasama.
Natatakot sya, hindi lamang dahil sa wala ito, kundi sa isa pang napakalalim na dahilan.
* * *
Malungkot ang mukhang sinundan ng tanaw ni Jane ang tiyohing papalayo at nawawala na sa kanyang paningin.
"Ingat po lagi tito." sigaw nya rito.
"Oh! Wala na ang tito Andrew mo, kaya alam mo na kung anung gagawin mo! Dating gawi." maya maya pa ay narinig nyang saad ng tita tanya nya bago sya nito binigyan ng pamunas ng sahig.
"Linisin mo ng mabuti ang bahay at walang pwedeng tumulong sayo, kundi mananagot kayong lahat sa akin."anito pa.
"O-opo." aniya.
Alam nyang mag uumpisa na ulit ang kanyang kalbaryo sa malaparaisong bahay na yun.
Bahay na sinabi ng kanyang tiyohin na sya ang may ari.
Na naging saksi ng mga pagpapahirap nya sa tuwing wala sa kanyang tabi ang tito Andrew at tanging si Tanya at si Shine lang ang naroon.
Takot namang magsumbong ang mga katulong kay Andrew dahil pinagbantaan ni Tanya ang mga itong ipapatanggal sa trabaho dahil sinabi din ni Tanyang walang maniniwala sa mga ito sapagkat sya ang asawa, kaya sya ang papaniwalaan ng lalaki.
Malungkot na tiningnan na lamang sya ni Yaya Medeng sa kanyang mga mata at tila sila nag uusap na sinasabi nitong ‘Kaya mo yan anak, hayaan mo at mamaya don ka sa kwarto papasayahin kita.’ Nginitian nya na lamang ito. Alam nyang mahal sya ni Yaya Medeng at tinuturing na anak kaya hindi rin sya pababayaan nito.
ITUTULOY...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (20)

  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    20/06

      0
  • avatar
    CalaroChristalene Mae M.

    beautiful

    10/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด