logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Misfortunes In Love

Misfortunes In Love

Luminescence


CHAPTER 1

“Ayan na siya, look at her.”
“Parang multo, tapos tignan mo yung mukha puro tigyawat.”
Hindi ko na pinansin lahat ng sinasabi nila habang naglalakad ako, It's normal for me. Pero pag bukas ko ng pinto, ay may lumaglag sa'kin na tubig at harina, at binato nila ako ng itlog.
“HAHAHAHA BULLSEYE!” they all laughed at me, not even a single soul was worrying about me, but ‘di ko na sila pinansin at agad na tumakbo sa ladies room.
Yes, base on what you're thinking right now, I'm bullied. Not because I'm ugly, maybe it's because I'm more smart than them. I'm Lumina Raven, great name for a plain girl right? I'm on first year college, pero sanay na akong nabubully, dahil simula highschool ako ganyan na sila.
“Nakabalik na siya guys.” agad nila akong nilapitan.
“Okay ka lang ba? HAHAHAHA.” nilapit ng isang lalaki kong kaklase ang mukha niya sa mukha ko at agad na lumayo.
“Ow sh-- muntik na ko mapamura HAHAHA grabe kahit close up ampangit mo talaga!”
Agad silang nagtawanan at bumalik sa upuan, kasabay nito ang pagdating ng teacher namin.
“Good morning class, 'wag niyo na ako batiin dahil mahaba ang discussion ngayon so kailangan natin magmadali, so go on page 25.”
Another day another normal life, ako na nakikinig ng mabuti at habang nagdidiscuss ay binabato nila ng papel. Pero hindi ko sila pinapansin. Isang oras ang nakalipas na puro bato sila sa'kin at puro sulat ang notebook ko para 'di ko makalimutan ang aaralin mamayang gabi. The bell has rang and it's lunch time, and again, I will spend my lunch time alone. Only me, myself and my lunch box.
“Grabe loner talaga oh.”
“Wtf dude she's uglier than I expected..”
I actually don't care what they say to me or what they do to me, I'm here to learn not to start a fight with these immatures. They just envy my genius brain and how the teachers favor me, kaya naghahanap sila ng butas para siraan ako at isa na doon ang mukha ko. Kakain pa lang ako pero narinig ko na may tumawag sa'kin.
“Lumina!” agad akong napatingin sa tumawag sa'kin, siya ang tahimik kong kaklase na si Shane. She just gestured her hand as if she wants me to come, so I packed my lunch again and come towards her. Naglakad agad siya ng hindi nagsasalita kung sino ang nagpatawag sa'kin, pero alam ko naman na may iuutos nanaman ang isang teacher sa faculty. Pero habang naglalakad kami, napansin ko na iba ang na dinaanan namin. As I realized, I was standing on the storage room's door.
“Teka, why are we here?”
“Sabi ni Sir Paul kumuha daw tayo ng mga sirang upuan d'yan na ipaparecycle.” I just sighed, but as she opens the door, napaisip lang ako na ba't kaming babae pa pinakukuha niya e may mga lalaki naman and may mga guards na pwede magbuhat? Pero 'di ko na 'to pinansin at sumunod sa kaniya sa loob.
Bago kami pumasok ay hinarangan niya ng isang bato ang pinto para 'di masarado, pag kasi inilalapat o isinasarang mabuti ito ay malalock kami sa loob. Ilang taon nang ganyan yan pero 'di pinagagawa.
Habang sinusubukan kong buhatin ang isang sirang upuan, nakatayo lang siya at 'di ako tinutulungan. Grabe talaga.
“Hindi mo man lang ba ako tutulungan?” hindi siya sumagot kaya ako na lang nagbuhat, medyo mabigat ito. Pero habang binubuhat ko ito, nakikita ko ang anino niya na lumalakad patalikod. Bigla niyang tinanggal ang bato na nakaharang at sinara ang pinto. Nabitawan ko agad ang hawak ko at napatakbo sa pinto.
“Hoy! Buksan mo 'to!”
“P-Pasensya ka na Lumina.. Pag 'di ko sila sinunod, a-ako ang pag iinitan nila.” mahina man ang boses niya pero malinaw na malinaw ang bawat salitang narinig ko.
“Please buksan mo 'to!”
“Sorry.” narinig ko ang nagmamadaling yapak niya papalayo, isa isa ng nagtuluan ang luha ko at nagsisisigaw sa loob.
“Please! Buksan niyo 'to!” I kept trying to open the door but it was completely locked, napaupo na lang ako habang umiiyak. I was crying loudly, because I'm scared. But may biglang nagsalita.
“Sheesh why are you so freaking loud lady?!”
Nagulat ako sa narinig ko, pero hindi ako humarap sa takot na baka magnanakaw ito, kumuha agad ako ng piraso ng kahoy at tumayo ng dahan-dahan.
“W-Who are you?” nakita ko ang anino niya, he stands up.
“Me? The one who's sleeping in here.” s-sleeping? natutulog siya dito? nakalock kanina ang pinto, baka.. magnanakaw talaga siya.
“Why are you so loud by the way?” papalapit siya sa'kin na siya namang ikinakaba ko, bigla niya kong hinawakan sa balikat kaya agad akong sumigaw at hinampas siya ng kahoy sa ulo. Narinig ko siya umaray.
I saw the blood dripping on the floor.
“WHY DID YOU HIT ME?!” dumudugo ang ulo niya habang sinisigawan ako, bigla kong napansin ang suot niya.
“Black suit? Impossible naman na magsuot ng fancy clothes ang magnanakaw.”
“IT'S BECAUSE I'M NOT A THIEF!!” nang maranig ko yon ay nabitawan ko ang hawak ko at agad na nagmadali sa kaniya.
“Omg are you okay?! I'm sorry!”
“Am I look okay to you?!” kinuha ko ang panyo ko at nilagay sa sugat niya upang mapatigil ang pagdurugo, bigla siyang may kinuha sa bulsa niya at inabot sa'kin, ito ay susi.
“Para sa'n 'to?”
“Are you stupid?! IT'S FOR THE DOOR!”
“Oh, okay.” agad kong ginamit ang susi at binuksan ang pinto, papunta na sana kami sa clinic ng school pero bumungad sa'min ang principal.
“Oh my god what happened Mr. Fierre?!”
“Sir I-I'm so—”
“It's okay, I was just tripped inside because of lack of light.”
“Let's go to the hospital, I'll get my car!”
“No, I'll just go with my car. Let's go.”
Agad niya akong hinatak na kaniya namang kinagulat ko, at sa labas pala ng gate ay may naghihintay ng kotse at chauffeur sa loob. Pinapasok niya ako sa loob at inutusan ang driver niyang mag drive sa hospital.
Buti na lang may malapit lang na hospital at agad kaming pumasok at pumunta sa ER.
“Just a minor cut sir, no worries. You will just get 3 stitch.” A sigh left my mouth, I was relieved when I heard that. Pero iniisip ko din na wala akong pambayad para sa kaniya. Matapos siyang gamutin ay naglakad kami papunta sa bayaran ng hospital.
“B-By the way sir.. I must say na wala akong pera sa ngayon para bayaran ang pagpapagamot mo. P-Pwede po bang bayaran ko na lang sa susunod?” iniwas niya ang tingin niya sa'kin at naglabas ng black card na ikinalaki ng mata ko.
I mean, who is this man? Now that I'm in my sense, I guess he's a powerful and rich man. Omg-- I just hit a rich man with a wood.. Lagot mukhang sagarang bayad 'to.
“Do not worry, 'di mo na kailangang magbayad. It's my body and I will spend money on it.” ang bait naman nito, anghel ba 'to o ano?
“T-Then thank you..” Bigla niya akong tinignan mula ulo hanggang paa na para bang iniiscan buong pagkatao ko, at napatitig siya sa name tag ko.
“Lumina.. Raven?”
“Y-Yes?”
“See you around.” he smirked and left.
After what happened, 'di ko na siya nakita ulit. Two days had passed since that incident, but nasa isip ko pa din siya. Ang weird niya naman, May black card siya so I guess mayaman siya. Hindi siya normal na tao lang, at ang iniisip ko pa, ay baka nagpanggap lang siyang mabait at baka balikan ako tas pagbayarin ako ng malaking halaga. Pero mas mahirap pa 'ko sa daga, sana naman hindi niya 'ko balikan.
“Ms. Raven. Ms. Raven?”
“Y-Yes sir?”
“Lalim iniisip ah? Sino kaya yan?” napatawa sila pero kakaibang tawa, at nagbigay ng comment isa-isa.
“Sir impossible magka boyfriend yan, sa pangit ba naman e.” sabay sabay silang tumawa. Hinayaan ko na lang sila. Well, totoo naman e.
“Who said that she doesn't have a boyfriend?” lahat kami ay napatingin sa pintuan, at kinagulat ang nakita.
“She has one, and that's me.”
“I-Ikaw yung—” agad siyang lumapit sa'kin.
“Can you stop bullying my girl? It's hurting me.” biglang nagsalita ang si Julia ang isa pang nambubully sa'kin.
“Who are you?”
“Me? Guess.” he smirked and kissed me on the forehead.
Nanlaki lahat ang mata nila at napatingin sa'kin, ang lalaking nasaktan ko nung nakaraan ay nandito ngayon at gumawa ng ikakasira ko at rason para lalo nila akong pagtulungan.
“Mr. Fierre andyan ka lang pala, our meeting will start na.” biglang nagsalita ang principal na nasa pintuan.
“See you later m'love.” he suddenly winked at me at inayos ang buttons ng suit niya at umalis, na nag-iwan ng isang kabaliwan na kasinungalingan dito sa classroom.
Bago ko pa mamalayan ay nakapalibot na pala sila sa'kin at karamihan ay babae.
“Hoy Lumina sino yon?! Anong boyfriend ang pinagsasasabi niya?!”
“You have a boyfriend?! And he's hot?!” sunod-sunod na tanong ang nakahanda para sa'kin, mga chismosa.
“Oh, Ms. Raven. I didn't know that you and Mr. Fierre is in a relationship. You guys don't know him? Siya ang sumusuporta sa university natin.”
What?! Sumusuporta?! Sabi na nga ba mayaman siya, sinaktan ko pa naman yun nung nakaraan, sana walang bayarang mangyari.
Habang papalabas ako ng classroom, agad akong hinarangan ng mga babae kong classmate. Ayan nanaman sila.
“Hoy Lumina, ano yung sinasabi ni Mr. Fierre kaninang boyfriend mo daw siya? Prank lang ba yon?”
“Oo nga, impossible naman na magka boyfriend pa at talagang iba ang level.”
“Oo nga sumagot ka!!” ayan nanaman mga kaartehan nito sa buhay sa'kin nilalabas, iniwanan ba naman ako ng problema ng lalaking yon, haist sana pala pinatay ko na siya hindi lang hampas.
“Are you still questioning her after what I said kanina?” biglang may umakbay sa'kin, hindi ko na kailangang hulaan dahil alam kong siya yon. Napatingin ako sa mukha niya dahil sa gulat.
“Besides, ano ngayon kung boyfriend niya ko? Is she not allowed to date someone? Or may nanliligaw ba sa kaniya?” napatingin ako sa mga babaeng nasa harap ko at napatahimik sila.
“Let's go.” hinatak niya agad ako at hinawakan ang kamay ko, ang malala pa don, lahat ng students nakakakita sa'min.
Habang nasa hagdan kami, binitawan ko agad ang kamay niya.
“What do you think you're doing?! Ba't ka nagsinungaling at nagpanggap na boyfriend ko?! You just created more problems!”
“Oh, sorry about that. I just hated how they laugh at you, don't let them make a fool of you Lumina.”
“It's my life and you don't have to care about it, by the way tell me now who you really are.”
“Me? I'm Thyrone Fierre.”
“Not your name, why are you here? What is your role here? I know na mayaman ka pero, ba't hanggang dito—”
“You will know soon, see yah later!” agad nanaman siyang umalis, napaka pa-mysterious talaga.
Habang nasa klase kami, biglang may inannounce ang professor namin.
“Class, gather on our open-gym. There's an introduction or something.”
Una-unahan naman ang mga kaklase kong maglakad papunta sa gym at kaniya-kaniyang upo sa mga upuan, ilang minutes pa at lumabas na ang principal.
“Afternoon, I want to introduce to you the supporter of our school. Mr. Thyrone Fierre.”
Whaaaat?!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (77)

  • avatar
    Mayoraeyri

    the introduction looks interesting. I will add this to my library. 💛💛

    26/05/2022

      0
  • avatar
    David Ruiz

    maganda liget

    21h

      0
  • avatar
    MortilKarl Nigel

    jsjhdjdjjdhjdjdjdjfjfjfjhfhfhfhfhfhhfhffjhfhhfhfhghhjfjdjdjjdjdjdjjdjdjdjdjhdbfjfbbfnjddnndbjdhdbdkdjr jdndbndjdbdnjdhdj. jejejejjendbdjndnrjejjejejejjejjejejdjjdhdjhdhdhdhdhhdhdhhdhdhdhhdbdbxhbrdubdbbdjdhrjbrjrhrhhbdhdhdbbdhhbbhhuguguvuvhchvhglgkfkgfjgcicigicitxkfockg ltickgckcifxjduxjfxjfdudisitdisjsuufdfidifdigxifxjfxixjfxgifogdotdigfkgfkgdgifofofoflclhclclpy JC vohhochkckhcoc you want to do that to naluha ako s I think we need a box 🥰 really want to get it done in a few minutes to chat this

    18/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด