logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

“Hi, are you Miss Esther Malarie Arzelas?” bungad ng isang guwapong lalaki sa harap ko.
Napaawang ang aking bibig at hindi agad nakapagsalita dahil sa gulat. Ganito ba talaga ako kaganda? Talagang mga guwapo na ang lalapit sa akin kapag malungkot ako?
Grabe, dapat pala naglupasay na ako sa harap ni Raul kahapon para dalawa ang pumunta ritong guwapong lalaki.
“Miss?” untag nito sa akin para mabalik ako sa reyalidad.
“H-Ha?” Mabilis akong napatango nang ma-alala ko ang tanong niya. “Ah, oo ako nga. Bakit nga pala? Mag-aapply ka bilang boyfriend ko?”
Halos mapatili ako nang marinig ko kung paano siya tumawa! Malalim at lalaking-lalaki.
“I'm afraid not. I'm actually gonna ask if your property is still available for a deal.” Ang kaninang ngiti ko ay mabilis na naglaho dahil sa sinabi niya.
Masungit ko siyang tinignan bago walang alinlangan na umiling. “Hindi ko ibebenta ang lupa.”
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Huh? Why not?”
“Bakit? Kailangan ba ng rason para hindi ko ipagbili ang lupa? Eh sa akin 'yon eh! Ako ang may-ari kaya ako ang masusunod.” mayabang kong wika bago umirap. “Sige na. Kahit saksakan ka ng pogi, hindi ko ibebenta ang lupa ko sa 'yo.”
“W-Wait!—” Hindi ko na siya pinatapos at sinarhan na ng pinto ang lalaking 'yon.
Napangisi ako at muling umupo sa aking upuan. Easy! Wala na ang makulit na poging 'yon.
Hindi pala.
“Esther! Where are you going?” tanong ng bubuyog sa akin kanina pa.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. “P'wede ba, Allister, tumigil ka na sa pagsunod sa akin? Alam ko namang maganda ako pero huwag namang ganiyan!”
“Huh? I'm only doing this for the property.”
Buwiset. Sinampal sa akin ang katotohanan.
Halos isang linggo niya na akong sinusundan! Pambihira, hindi tuloy ako makapaghanap ng trabaho dahil sa taong 'to. Minsan, alas-sais pa lang ng umaga naroon na sa tapat ng pinto ko! May dalang almusal at mga kung ano-ano eh hindi naman ako kumakain ng almusal dahil nalulungkot lang ako.
Naaalala ko lang si Lola kapag kumakain ako ng almusal.
“Alam ko! Pero puwede bang pagpahingahin mo muna ako? Alam mong naghahanap ako ng trabaho tapos bubulabugin mo naman ako.” masungit kong sabi sa kaniya bago binilisan ang paglalakad.
“I can take you to your work! Kahit saan! I have a car.” wika niya bago ko narinig ang pagtunog ng isang kotse sa gilid.
Pa-sekreto ko naman 'yong tiningnan at pinilit kong hindi mamangha. Kulay puti 'yong sedan at halatang mahal. Sa kintab ba naman niyon ay mukhang mas mahal pa 'yan kaysa sa tinitirhan kong bahay.
Edi siya na may koste.
“I can take you there. Para rin masigurado ko ang safety mo.” wika niya sa gilid ko.
Napataas naman ang aking kilay bago tumingin sa kaniya. “Pa-fall ka na niyan?”
“Huh?” Kumunot ang noo niya.
“Wala.” Napaka-slow naman nito.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya at mabilis niya naman itong pinaandar. Sa harapan lang ako nakatingin at paminsan-minsang sumusulyap sa kaniya.
“May tanong ako,” Pinalobo ko ang aking bibig bago ibinuga ang hangin mula roon. “Bakit ba gustong-gusto mong bilhin 'yong lupa ko? Tinatanong ko 'to dahil curious ako, ha. Pero hindi ko pa rin ibebenta ang lupa sa 'yo.”
Nakita ko siyang ngumisi sa may rear-mirror sa itaas bago siya nagsalita. “It's not me who wants to buy the property. It's our company.”
“Ay, wow. Bongga naman pala,” komento ko. “Eh bakit ba 'yong lupa ko? Marami pa namang iba diyan.”
“I don't know. The boss was the one who decide the place. Ewan ko rin do'n,” tugon niya.
Tumango-tango ako. “Siguro ang stubborn ng boss mo 'no?”
Natawa siya bago tumango. “Yep, so much.”
Na-imagine ko tuloy 'yong boss ni Allister. 'Yong puti ang buhok tapos matabang lalaki na masungit. Kahit hindi pogi, nagmamasungit. Gano'n naman ang mga typical boss sa mga company. Sure akong gano'n din 'yon.
Natawa ako sa naisip.
Pagdating namin sa bayan ay ipinahinto ko na kay Allister ang sasakyan para makababa na ako. May nag-alok kasi sa akin na trabaho. Call center daw kaya tinanggap ko na. Kahit pa mukhang pokpok 'yong si Theresse, mabait naman siya at maaasahan. Sinabi niya pang malaki ang kita roon kaya todo payag ako sa kaniya.
“Are you sure na dito na 'yon?” tanong ni Allister sa akin habang tinitignan ang building sa gilid ko.
Nag-aalinlangan akong tumango bago muling tumingin sa address na ipinadala ni Resse. “Oo. Dito tayo dinala, eh.”
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “I don't feel good about that building, Esther. May mali sa loob niyan. Look around,” Inilibot ko ang paningin ko. “May nakikita ka bang ibang establishment bukod sa building na 'yan? Besides, it looks like an abandoned building kahit na may mga sasakyang naka-park.”
Napalunok naman ako dahil tama siya. Pakiramdam ko rin ay may mali sa lugar na 'to. Pero magsisinungaling ba sa akin si Theresse? Napakabait noong kapitbahay ko na 'yon kahit mukhang pokpok.
“Baka naman ganiyan lang talaga 'yan. Malay mo nadaanan ng bagyo.” masigla kong wika para maibsan ang kaba. “Don't judge the book by its cover nga, 'di ba? Ang judgemental mo naman.”
“But—”
Nag-hiss ako bago siya mahinang pinalo sa braso. “Okay nga lang ako! Isa pa, marunong akong manapak ng tao. Superhero ako sa school namin dati kaya promise ko sa 'yo, uuwi ako ng ligtas mamaya. Kahit bukas, sabay pa tayong mag-breakfast.”
Nakita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mukha. “A-Are you sure? Kakain ka ng breakfast bukas?”
Natatawa akong tumango. “Oo nga. Promise!”
Pagkatapos magpaalam ay lumabas na ako at kumaway sa kaniya. Hinihingi pa nga niya ang number ko kaso baka bulabugin lang ako niyan sa mga susunod na araw kung sakali. Akala mo jowa ko kung magpaalala na mag-ingat ako.
Tss, alam ko namang ginagawa niya lang 'yan para sa lupa.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago naglakad patungo sa building. May nakita naman akong guard sa harapan ng entrance kaya't mukha namang totoo itong establishment na 'to.
Kaya lang, mukha talaga siyang abandonado dahil naghalo-halo ang kulay ng pintura ng pader sa harapan.
'Yong kaliwang parte, naging kulay dirty yellow, tapos 'yong kanan naman ay kulay red. Mataas ang establishment at sa tingin ko ay may apat na palapag ito. Wala ring ibang taong dumadaan kaya medyo natatakot ako. Kung... kung sakali kasing may mangyaring masama, hindi ako makakatawag ng tulong.
Ipiniling ko ang aking ulo bago tinampal ang aking pisngi.
“Huwag kang pessimist, Esther.” 'Yon ang nasabi ko sa aking sarili bago pumasok sa loob. Hindi naman ako tinignan ng guard dahil nanonood lang ito sa kaniyang telepono.
Napatigil ako sa may harap ng counter at ngumiti. “Hello, mag-aapply sana ako rito para maging call center agent.”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki bago muling bumaling sa akin. “May nag-alok sa inyo?”
Tumango naman ako. “Hmm. Si Theresse Cruz.”
Ngumisi sila pareho bago tumango. Nagbulungan pa sila at parehong tumawa kaya't medyo na-awkward ako. “Saglit lang. Tatawagan lang namin ang nasa taas.”
Napahawak ako sa aking palda at pinagkuskos 'yon doon. Medyo nanlalamig kasi dahil sa kaba. Sana lang ay matanggap ako dahil kailangan ko talaga ng trabaho.
“Halika, samahan na raw kita sa taas.” wika ng lalaking nagsalita kanina. Nakipag-fist bump pa siya sa kasama niya kanina sa counter bago ako sumunod sa kaniya sa elevator.
Tumitingin ako sa kaniya, inililibot ko ang paningin sa paligid. Ganoon lang ang ginawa ko habang naglalakad kami papunta sa elevator. Talagang nawiwirduhan talaga ako sa lugar. Napakarami kasing kuwarto rito. Hindi 'yon mukhang office room dahil... mukha 'yong kuwarto talaga na tinutulugan.
Ganito ba talaga sa call center?
Napailing ako. Huwag kang tanga, Esther. Alam mong hindi ganito ang building ng isang call center company.
“Kuya, p-puwede po ba munang maki-CR? Naiiihi po ako sa kaba, eh.” tanong ko nang nasa harap na kami ng elevator.
Tumingin naman ito sa akin bago ngumisi. “May CR sa loob ng kuwarto ni Boss. Maki-CR ka na lang doon.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May mali talaga sa lugar na 'to at gusto ko na lang umalis.
“Dito na lang, oh! Mukhang mas malapit pa.” Pinasigla ko ang aking boses bago hinanap ng aking mata ang signage ng comfort room pero wala. Wala akong makita.
“Tara na,” aya niya bago ako hinawakan sa braso! Agad naman akong napapiksi at sinamaan siya ng tingin.
“Huwag mo nga akong hawakan,” saway ko bago nauna nang pumasok sa loob ng elevator.
Echosero 'to, kapal ng mukha na hawakan ako sa braso.
Pumasok na rin naman ito at nanahimik na lang. Pinindot niya ang button na may number four saka sumara na ang pinto ng elevator. Hindi ko na rin siya pinansin at tinignan na lang ang repleksyon ko sa pinto ng elevator.
Paglabas namin ay agad kong nakita ang isang pinto. Nagulat pa ako nang may lumabas na babaeng nakasuot ng hapit na dress at pinupunasan ang kaniyang bibig. Lalo tuloy nagkalat ang pulang lipstick niya roon.
“Pambihira, nakaka-ilang beses na 'yang matandang 'yan ha! Hindi naman nagdadagdag ng bayad.” asik niya bago napatingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay bago siya nag-cross arm at ngumisi. “Bagong laruan?”
“Tumahimik ka, Lene.” seryosong saway ng lalakig kasama ko bago umuna nang lumabas sa elevator. Sumunod naman ako sa kaniya. Pero nagulat ako nang biglang hawakan ng babae ang braso ko at bumulong sa akin.
“Sure ka na ba diyan? Puwede pa kitang itakas,” bulong nito.
Kumunot ang noo ko. “Paanong takas?”
“Wala kang alam 'no?” pang-aasar nito at magsasalita na sanang muli nang hilahin na ako ng lalaking kasama ko kanina pa.
“Tumigil ka, Lene. Kaunti na lang at mawawala ka na talaga rito.” seryosong sabi ng lalaki ngunit parang wala lang ito sa babaeng kaharap namin.
Tumawa siya nang malakas bago nagsalita. “Mas gusto ko 'yon!” Hinawi niya ang kaniyang buhok bago saglit na tumingin sa akin at umalis na.
“Huwag kang makinig do'n. Baliw 'yon.” sambit ng kasama ko at hihilahin na sanang muli ang braso ko nang mapa-atras ako at naiinis na tumingin sa kaniya.
“Sabihin mo nga, call center agent ba talaga 'to o bentahan ng mga pokpok? Bakit gano'n ang suot no'n, ha?” naiinip kong saad bago itinuro pa ang daan kung saan tumungo ang babae kanina. “Mukha ba akong pokpok sa paningin mo?” Pagbibiro kong wika.
Tumawa ang lalaki bago sumama ang kaniyang tingin sa akin. “Hindi ka mukhang pokpok pero gagawin ka naming katulad no'n.”
Nanlaki ang mata ko at doon kumabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa takot.
Hayop, niloko ba ako ni Theresse? Saka nagjo-joke lang naman ako sa pokpok part!
“T-Teka muna!” Hinila niya ako papasok sa loob ng kuwarto kahit na pilit kong hinihila ang sarili ko paatras. Ngunit wala akong nagawa nang bigla niya akong buhatin kaya't napasigaw na lang ako!
Naramdaman ko na lang ang sakit nang ihulog niya ako sa sahig nang makapasok kami sa office ng walang'ya niyang boss.
“Oh, feisty na agad?” Rinig kong sabi ng isang matandang lalaki sa harapan namin.
Mabilis akong tumayo at sinamaan silang dalawa ng tingin. Halatang-halata na mga siraulo at baliw ang kasama ko rito dahil sa mga tingin nila. 'Yong tinging walang hiya at mga uhaw sa katawan at pera.
“Si Theresse daw nag-alok. Kaso tulad ng dati, hindi na naman sinabi ang totoong trabaho rito.” Humalakhak ang lalaking kanina ko pa kasama bago nanunuyang tumingin sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin kahit pa napakabilis na ng tibok ng aking puso.
Pusang gala naman! Paano ako makakatakas dito?
Tahimik at pa-sekreto kong inilibot ang aking tingin sa buong kuwarto ngunit iisa lang talaga ang pinto rito at iyon ang pinasukan namin kanina. Ang kaso ay naroon na ang hayop na lalaking 'yon at nasa harapan ko naman ang matanda. Kung ihahambalos ko naman itong bag ko, mawawalan ako ng bag. Bagong bili ko pa naman 'to tapos ihahambalos ko lang sa mga walang kuwenta nilang mga mukha?
“Ayaw ko nito! Aalis na ako! Ayaw ko na pala magtrabaho sa inyo!” sigaw ko at mabilis na pumihit patalikod ngunit naroon na naman ang lalaki at maloko akong tinitignan!
Ano ba naman kasi ang pangalan ng hayop na 'to?
Bigla na lang itong lumapt sa akin at niyakap ang katawan ko! Sinubulan kong alisin ang braso niyang nakapulupot sa akin ngunit lalo niya lang 'yong hinihigpitan!
“Bawal ka nang umalis dito.” bulong niya sa mismong tainga ko dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Kahit nagbigay 'yon ng kung anong lamig sa pakiramdam at hindi 'yon nakakatuwa.
Nakakatakot. Sobra.
“B-Bakit, ha? Wala naman akong alam tungkol sa mga pinaggagagawa niyo! Wala rin akong pake sa mga kahayupan niyo kaya pakawalan n'yo na ako!” pagmamakaawa ko at nagpupumiglas pa rin.
Nainis ata ang lalaki kaya't muli niya akong itinulak sa sahig dahilan para mabitawan ko ang bag ko. Nagkalat ang mga gamit ko roon pati na ang cellphone ko! Kukuhanin ko na sana 'yon nang apakan ng lalaki ang telepono ko at walang habas 'yong ibinato sa pader!
Naiiyak kong tinignan ang wasak kong telepono.
“Jester, tama na muna 'yan. Tignan muna natin 'tong babaeng 'to kung gagamitin natin o itatapon. Tapusin na natin 'tong isyung 'to ngayong araw at may gig pa mamayang gabi. Marami tayong bisita.” wika ng boss bago lumuhod sa harapan ko.
Napapiksi ako nang hawakan niya ang aking mukha hanggang sa hawakan niya ang binti ko! Naiiyak akong lumayo sa kaniya dahil sa takot at kaba!
Gusto ko mang manlaban, hindi ko rin kaya. Hindi kaya ng katawan kong naninigas na at hindi na ata kayang tumayo man lang. Panlalamig at takot ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung kaya ko pang makatakas sa kanila. Lumabas sa katawan ko ang lakas ng loob ko. Nawala... nawala lahat ng 'yon.
“Maganda ka sana, kaso para kang leon. Halatang hindi mapapasunod.” nakangisi nitong wika.
“Siyempre, hampaslupa ka at may kuwenta ako. Hinding-hindi ako susunod sa 'yo.” madiin kong sambit sa kaniya.
Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko sa mata. Salita lang ang kaya ko ngayon pero ang pagkilos? Hindi ko na kaya.
Ngumisi siya bago muling tumayo. “Jester, itapon niyo na 'yan.”
Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko na lang ang isang matigas na bagay sa aking batok dahilan para mawalan ako ng malay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (17)

  • avatar
    ConchasTerso

    she's my love but why did she just me like hell

    9d

      0
  • avatar
    Krisha Serrano

    I love the story

    13/07

      0
  • avatar
    Delacruzjm Delacruz

    salamat pp

    10/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด