logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Pagkababa ko ng jeep ay mabilis akong pumasok sa park para hagilapin ang magaling kong jowa. Halos lahat nga ng taong nadadaanan ko ay napapailag sa akin dahil na rin sa sama ng tingin ko sa daan. Aba'y dapat lang! Baka sila pa ang masipa ko ngayon.
Kung anong itim ng kalangitan, ganoon din kaitim ang mga mata ko habang nililibot ang bawat sulok ng parke. Kahit na natatakot ako sa puwedeng masaksihan, gusto ko pa ring makasigurado. Oo't hindi naman ako patay na patay sa lalaking 'yon. Pero kahit papaano, natutunan ko na siyang gustuhin. Kahit papaano ay naging masaya ako noong magkasama kami.
Alam ko namang marami akong pagkukulang sa kaniya pero hindi ko naman deserve na lokohin, hindi ba? Sa ganda kong 'to, mangangaliwa pa ang jowa ko? Aba'y talagang tanga na siya kung ganoon!
Nang mapagod ako sa kakalakad ay napaupo na lang ako sa bench at napasabunot sa aking mahabang buhok. Hindi ko alam kung anong kagagahan ang pumasok sa isip ko at pumunta pa ako rito.
Pero 'di ba nga, gusto mong malaman ang totoo?
Napabuntong-hininga na lang ako. Hinihiling ko pa rin na sana mali ang mga hinala ko. Na nagbibiro lang talaga sa akin si Raul at may magandang surprise lang siya sa akin kaya't napaka-weirdo nila. Baka naman plano talaga nilang isipin ko na may masama siyang gagawin dito para puntahan ko siya. Baka nga ganoon—
“Baby! Sobrang tagal mo naman!” Naiangat ko ang aking paningin nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa tapat ko. Hindi naman sila ganoon kalayo dahil sapat 'yon para makita at marinig ko siya.
Ganoon na lang ang pagbagsak ng aking balikat nang makita si Raul na humalik sa labi ng babaeng tumawag sa kaniya ng ‘Baby’.
“Sorry, Baby. Kinailangan ko pang lumusot kay Esther eh.” sagot naman ni Raul na parang naiinis pa!
“Tch! Kailan mo ba kasi hihiwalayan 'yon? Itatago mo ba talaga ako?” malandi nitong sabi bago yumakap sa jowa ko at ang lalaking 'yon naman ay yumakap pa pabalik! Napatayo ako kahit nanghihina!
“Naiinis na rin ako sa kaniya, Baby. Kaunting tiis na lang. Hihiwalayan ko na siya.” sagot niya naman bago hinawakan sa pisngi ang babae bago ito hinalikan.
Ang halikan nila ay tumagal ng tatlong segundo, hanggang sa naging lima, hanggang sa naging sampu. Halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko kung hindi ko lang nahawakan ang poste sa gilid ko.
Hayop na 'yan, ipinalit ako sa unggoy.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Masakit pala talagang mapagtaksilan. Pati ang pride ko ay nahiwa dahil sa pesteng pambababae ng Raul na 'yan! Miski ba hindi niya ako mai-kama, iba na ang papasukan niya? Ganoon ba talaga ang mga lalaki? Sa una ka lang iingatan tapos kapag may nakitang iba, iiwan ka na lang bigla?
Naramdaman ko na lang na tumulo na ang luha ko ngunit mabilis ko 'yong pinahid. Agad kong pinalitan ng galit ang puso ko bago lakas-loob na sumugod sa dalawa.
Ang kaninang ngiti nila ay napalitan ng pag-awang ng bibig nang makita nila akong papunta sa kanila. Agad silang napalayo sa isa't isa na ikinatawa ko lang. 'Yong malakas na tawa na para bang mangkukulam.
Oo! Kukulamin ko sila at pagbubuhol-buhulin ko sila hanggang sa magsawa sila sa isa't isa!
“Ah, ikaw pala si Baby ha?” Nanginginig ang aking boses nang sinabi 'yon ngunit pinilit kong ngumiti. Ramdam ko na ang pangggigil ko ngunit ayaw kong sabunutan ang babae dahil halata namang puro rebond ang buhok niya at kaunti na lang ay magiging kemikal na 'yon.
Nakakaawa kung kakalbuhin ko pa siya.
“E-Esther, a-anong ginagawa mo rito?”
“Hayop kang lalaki ka! Hindi mo ba talaga mapatahimik 'yang saging mo kaya gusto mo ay may kumain na? Napakalandi niyong dalawa!” Dinuro ko sila pareho ngunit ang babae ay ngumisi pa na parang nang-aasar.
“Sabihin mo na kasi. Talagang wala ka lang maibibigay sa kaniyang sarap. Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya naghahanap ng perlas sa ibang babae.” wika niya na ikinahalakhak ko. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha ko ngunit buti na lang at madilim na ang paligid.
“Ha? Perlas? Akala ko tahong 'yang sa 'yo. Sabagay, mas mahilig nga pala ang mga low-class sa tahong kaysa sa perlas.” Nakangisi kong wika bago lumapit sa kaniya. Magsasalita na sana siya ngunit agad kong tinakpan ang kaniyang labing punong-puno ng pulang lipstick.
“Huwag kang mag-alala. Sa 'yong sa 'yo na 'yang si Raul. Patuloy mo siyang pakainin ha? Laging gutom eh. Sana lang hindi ka agad malaspag.” bulong ko bago mabilis na humiwalay.
Sasabunutan niya sana ako ngunit agad ko na siyang tinulak at mabilis na pinuntahan si Raul. Halatang gustong-gusto niya akong pigilan ngunit natatakot din siya. Aba'y dapat lang. Kilala niya ako.
Ako si Esther na hindi marunong tumahimik sa isang tabi. Ako si Esther na kahit lalaki, sinasapak.
Nanlaki ang mata niya nang mabilis kong tawirin ang aming distansya at hinalikan siya sa labi. Ramdam na ramdam ko ang gulat sa kaniya ngunit hindi naman siya lumayo. Napangisi ako at lalong idiniin ang labi ko sa kaniya. Humawak pa ako sa pisngi niya at halos matawa ako nang hawakan niya pa ang aking bewang para lalong idiin ang labi ko sa kaniya.
Labi pa lang 'yan, Raul. Labi pa lang 'yan.
Nang matuwa na siya ay walang habas kong kinagat ang pag-ibabang labi niya para maitulak ko siya palayo. Napangiwi siya ngunit hindi naman nagreklamo. Halatang nalasing ang hayop sa halik ko dahil namungay pa ang mata.
“Masarap ba, Raul? Labi pa lang 'yon 'di ba? Paano pa kaya kung buong katawan ko? Siguro sinamba mo na ako.” walang emosyon kong sambit. “Gusto ko sanang itanong kung bakit mo 'to ginawa sa 'kin. Kung bakit mo ako kinayang lokohin. Alam ko namang may pagkukulang ako sa 'yo pero dapat lang bang... mambabae ka? Buti na lang naisip ko na hindi mo ako deserve. Hindi mo 'ko kailanman makakamit dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako mahuhulog sa 'yo.”
“E-Esther, pag-usapan natin 'to. Sorry talaga kasi... kasi nagloko ako.” Kumunot ang noo ko nang bigla siyang humawak sa aking kamay at lumuhod sa harapan ko. “Please, gagawin ko ag lahat para hindi ka na magalit sa akin. Mahal na mahal kita.”
Sarkastiko akong tumawa. “Wow, mahal mo ako? Eh bakit ka humanap ng iba? Pagmamahal ba 'yon ha? Pagmamahal ba 'yon? Ang sabihin mo, gusto mo lang ng babaeng maikakama mo. Kaso sorry ka kasi alam ko kung gaano ako kahalaga.”
Marahas kong tinanggal ang kamay niya at nandidiring dumura sa tabi. Pinahid ko rin ang labi kong nanghalik sa isang hayop.
Buwiset. Kadiri.
Taas-noo akong tumalikod sa dalawang 'yon at hindi na pinansin ang mga matang nakatuon sa akin. Halatang tuwang-tuwa ang mga tao dahil sa palabas na napanood nila. Ganiyan naman sila, nakiki-usyoso sa buhay ng iba.
“Esther, please sorry na!” Humagulgol na si Raul at niyakap ako bigla sa likod. Napapikit ako sa inis bago pumuhit at tinuhod ang kaniyang maselang parte ng katawan. Napahiyaw siya sa sakit at napahawak sa basag niyang itlog.
“Ayan, Raul. Binasag ko na 'yong itlog ng manyak na hayop.” matalim kong sabi bago tumalikod na at umalis sa lugar na 'yon.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nakakainis pa't lumuha talaga ako sa harap ng dalawang 'yon. Kahit pa hindi nila nakita ang pag-iyak ko, naiinis pa rin ako.
Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan na ako rito sa loob ng jeep. Buti na lang talaga at hindi masyadong marami ang pasahero rito kaya keri lang umiyak. Gusto ko pa sanang magdabog pero huwag na lang. Ayaw kong magdabog.
Ngumangawa ako nang may maaninag ako na isang panyong nakatapat sa akin. Pinahid ko ang luha ko bago nag-angat ng tingin.
Nakita ko ang isang lalaking matamang nakatitig sa akin. Halatang naaawa ito ngunit hindi nagsasalita.
Muli akong nagbaba ng tingin sa itim na panyong hawak niya. Inabot ko na lang 'yon at bumulong ng pasasalamat. Hindi na siya tumingin sa akin at sumandal na lang sa inuupuan niya. Nakatingin na siya ngayon sa bintana at halatang malalim ang iniisip.
Hindi ko na lang din siya pinansin at nagsimula na namang magdrama.
***
“Oo na, sobrang kapal na ng mukha ko.” Napakagat ako sa aking labi habang nakatayo sa harapan ng mini-mart na pinagtatrabahuhan ko.
Napabuntong-hininga ako nang hindi ko manlang magalaw ang aking paa papasok. Technically, hindi pa naman ako tanggal sa trabaho kong ito dahil ako lang naman at si Raul ang naghiwalay. Kami ng trabaho ko ay hindi.
Kaya lang, siguradong alam na ni Aling Rena ang nangyari. Sigurado rin akong may hinala na ang matandang 'yon sa kalokohan ng magaling niyang anak kaya pinapunta ako roon sa park. Mukhang gustong-gusto akong nasasaktan.
Kahit na natatakot ay pinilit kong gumalaw at pumasok sa loob ng mart. Tulad ng dati, agad kong naramdaman ang lamig sa paligid ngunit ramdam ko rin ang sama ng awra dito sa loob. At kanino pa ba manggagaling 'yon?
“Aba'y may lakas ng loob ka pa rin talagang bumalik dito, ah?”
Tama, sa kaniya galing ang masamang hangin.
“Bakit naman po? Si Raul naman ang hiniwalayaan ko at hindi kayo.” nakangisi kong sagot bago pupunta na sana sa loob ng counter ngunit hinarangan niya ako.
“Hindi ba't sinabi ko sa 'yon hiwalayan mo na ang anak ko? Tingnan mo ang nangyari. Niloko ka tuloy.” Nanunuya nitong sagot bago umiling. Hindi 'yon nagmukhang nang-aasar.
Hindi ko na lang siya sinagot at umiwas na lang ng tingin. Medyo masama pa rin talaga ang loob ko sa nangyari. Halos buong gabi akong umiyak at hanggang ngayon, alam kong maga ang mata ko. Kaso hindi ako puwedeng mabulok sa kama. Kailangan kong kumayod para sa sarili ko.
Napatingin ako sa loob ng counter at wala roon si Jennifer. Dalawang bagong cashier na ang naroon at alam ko kung anong ibig sabihin no'n.
Tanggal na ako.
“Oh, ito na ang huling bayad mo.” wika ni Aling Rena dahilan para mapatingin ako sa sobreng hawak niya. “Sobra pa 'yan para sa suweldo mo ngayong buwan kaya magpasalamat ka sa akin. Kahit papaano ay mabuti pa rin naman ako.”
“P-Pero, hindi pa naman po ako nagre-resign.” bulong ko habang nakatingin sa sobre.
“Aba'y hindi ko naman kailangan ng resignation paper mo para tanggalin ka sa trabaho. Ako ang may-ari nito kaya't ako ang masusunod.” mayabang nitong sabat.
Napabuntong-hininga ako at tumango. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko namang ako rin ang talo sa huli. Ayaw ko rin namang magmakaawag huwag akong tanggalin sa trabaho dahil siguradong lalo lang lalaki ang ulo nitong babaeng 'to. Baka hindi niya na madala sa sobrang bigat.
“Sige ho, salamat na lang.” Bumuntong-hininga ako. "Ang wish ko lang po sa inyo ay sana lumiit na po ang buntot niyo sa puwet pati na rin ang sungay niyo sa ulo. Pulis pa naman ang asawa niyo pero ang sama ng ugali niyo."
“Napakabalahura talaga ng bunganga mo! Amin na 'yang pera na 'yan!” Umusok ang ilong ni Aling Rena at halos pumutok na ang ugat sa kaniyang leeg. Narinig ko pa ngang matawa 'yong mga trabahante niya rito pero hindi ko na 'yon pinansin.
“Joke lang naman po. Salamat po rito!” natatawa kong sabi bago lumabas na ng mart dala ang sobreng naglalaman ng huling suweldo ko.
Gumilid ako at nanginginig na binuksan ang sobre. Mabagal ko 'yong binilang at totoo ngang sobra ito sa normal kong natatanggap sa kaniya.
Siguro medyo naawa sa akin ang babaeng 'yon.
Umuwi ako ng bahay na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin ngayong wala na akong trabaho. Hindi ko naman kayang magpatuloy sa pag-aaral dahil wala rin naman akong kakayahan upang gawin 'yon.
Isa pa, hindi ko pa rin kaya. Hindi pa rin magaling ang sugat na binigay sa akin ng kahapon.
Nakatitig lang ako sa labas ng bintana nang may kumatok sa pinto ng bahay ko. Napaupo naman ako ng maayos dahil wala naman akong kilalang pupunta sa bahay ko ngayon.
Sino 'yon?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (17)

  • avatar
    ConchasTerso

    she's my love but why did she just me like hell

    9d

      0
  • avatar
    Krisha Serrano

    I love the story

    13/07

      0
  • avatar
    Delacruzjm Delacruz

    salamat pp

    10/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด