logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Hindi ko mapigilan ang kakaisip sa kaniya ngayon at kahapon. Masyado rin akong naguguluhan sa sinasabi niya. Hindi raw siya si Caldence at hindi niya kilala kung sino si Caldence.
Arrgghhh bullshit!
"Adelise! Bumaba ka rito, nandito ang mga kaibigan mo" bigla akong tinawag ni mama habang nakahiga ako sa kama. Agad naman akong lumabas sa kwarto at pagkababa ko ay bumungad sa akin ang malungkot na mukha nila Ryan, Laurene at Jerlyn habang nakaupo sa sofa.
"Oh? Bakit ganyan ang mukha niyo?" tanong ko at umupo sa harap nila. Nakayuko pa rin sila hanggang sa dumating si mama at dinalhan sila ng juice.
"Eto, juice at cake, ubusin niyo iyan" si mama.
"Thankyou po tita Ledesma" tumango naman si mama at umalis na sa harapan namin. Saka ko sila tinanong ulit.
"Uy, bakit? Anong bang nangyari?"
"Hindi tayo nakapasa" natigilan ako sa sagot ni Laurene. Nawala ang ngiti ko kanina sa narinig ko.
"Yes, Malaki naman ang score natin sa examination doon. Pero hinila lang lahat ng 'yon sa parent's occupation natin." malungkot ang mukha ni Ryan.
Ang taas ng expectation ko na makapasok sa Martel University pero nagkamali pala ako. Natatakot ako na baka hindi ko na maibabalik ang pinaghirapan ng pamilya ko noon.
"Hindi kaya ng teacher, Construction worker, Caregiver at OFW lang mga magulang natin. Haayysss nakakalungkot." yumuko si Jerlyn na parang binagsakan ng mundo. I sighed.
"So parang hindi talaga para sa atin ang Unibersidad na iyon. Tama ka nga Ryan" hindi pa rin maalis ang lungkot sa mukha ko.
Natapos ang pag uusap namin at gaya ng araw na ito ay madali rin itong natapos. Nalungkot din sila mama, papa at agnes tungkol sa balita, at wala na akong magagawa.
Kinabukasan, gumising ako ng maaga para pumasok. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bigla namang nag ring ang cellphone ko.
Taka kong kinuha iyon at isang unknown number ang tumawag sa akin. Wala sa sariling sinagot ko naman iyon.
"Hello?"
["Bumaba kana rito, I'm here waiting for you"] nagulat ako nang marinig ang isang pamilyar na boses ng lalaki.
"Teka, sino ka?" tanong ko pero tahimik lang ang linya.
"Helllooww? Uulitin ko, sino 'to?" ulit ko.
["Basta bumaba ka nalang"] turan nito at saka pinatay ang linya.
Nagtaka naman ako at agad na bumaba. Wala sila Mama at Papa dito, pumunta sila sa meeting ni Agnes kaya ako lang mag isa naiwan dito.
Pagbaba ko ay nakita ko ang isang itim na kotse sa harap ng bahay. Nagulat naman ako kung sino ang may ari niyon. Wala sa sariling lumabas ako para tignan kung sino iyon at ganoon nalang ang gulat sa pagbukas nito ng bintana.
"Caldence?!" nanlaki ang mga mata ko at hindi ko inaasahang makita siya. Naka oversized T-shirt lang siya at tumingin sa akin ng naka kunot ang noo.
"How many times do I told you, Hindi ako si Caldence. Mahirap ba intindihin iyon?" aniya habang nasa loob pa rin ng kotse.
Kamukha naman talaga niya si Caldence eh. Mas lalo siyang gumwapo, mas lalong tumangkad at nakaka inlo---wala jk.
"Pumasok kana sa kotse" walang emosyong anito.
"Teka, sino kaba? Ikaw ba iyong may ari ng wallet na nakita ko kahapon? Iyong bente pesos lang ang laman? Xandrei Right??"
"Wrong." napatikom ako ng bibig. "Hindi lang bente ang laman n'on-"
"Ano?" diretso kong tanong at umismid naman ito.
"It's none of your business, I'm not here for nonsense. Get inside" itinuro niya ang passenger's seat gamit ang mukha at agad ko namang sinunod iyon. Pero medyo may problema ako
"Paano buksan 'to? Naka locked ata" pilit kong buksan ang pinto, pero siya na ang gumawa sa akin n'on at pumasok na ako.
"Ihahatid mo ba ako sa school? Kung Oo-"
"Hindi" hindi pa nga ako tapos eh sumabat na naman 'tong lalaking ito.
"Okey, may I know kung bakit at para saan 'to?" tanong ko habang nakatingin sa kanya na nagmamaneho. Kita ko ang napaka tangos ng kanyang ilong at ng kanyang adams apple, ang ganda ng kanyang mga pilik mata at ang gwapo niyang tignan kahit saang anggulo. May nakita rin ako sa kanya na hindi ko ma explain kung ano iyon.
"Stop looking at me" he said in a very calm voice. Nag iwas naman ako ng tingin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at instead na may mararamdaman akong masama, safe ang nararamdaman ko.
Para talaga siyang si Caldence, nakikita ko ang mukha ni Caldence kapag nakatingin ako sa kaniya. Confusing, pero impossible naman na siya iyon, patay na si Caldence at nakita ko iyon sa dalawa kong mata.
Biglang huminto ang kotse dahilan para mauntog ako sa windsheild. Sinamaan ko naman si Calde--este si Xandrei ng tingin.
"Lutang ka kase" walang emosyong sabi niya at hindi ko maiwasang mapanguso. Tinignan ko naman ang labas kung nasaan kami, pero nagulat naman ako nang dinala niya ako sa isang mamahaling coffee shop.
"1 espresso only" sabi niya sa waiter nang makapasok na kami. Kumunot naman ang noo ko dahil sa order niya. Wala man lang treat? Damot?
"Oh, I forgot!" bigla niyang tinawag ang waiter at saka dinagdagan ang order. Nakahinga naman ako ng maluwag, siya ang nagyaya kaya siya din ang mag treat.
Nang umalis na ang waiter, tumingin siya sa'kin at seryoso ang mukha nito. "Thankyou" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Thankyou? Saan?" then I saw him rolling his eyes. Damned.
"Aish! Kung hindi mo nakita iyong wallet ko, Dad would kill me." asik niya at nag cross arm. Siya pa nagpasalamat, siya pa galit. Ayos. Biglang dumating ang order namin at sinimulan ko namang inumin iyon.
Uminom ako saglit at nilapag ang cup sa mesa, saka ako nagsalita. "So iyon lang? Sana hindi mo nalang ako dinala dito at nasa klase na sana ako ngayon. Sana sinabi mo nalang sa tawag."
"Not only that," biglang sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. "Listen, I know you need this more than ever." lumitaw ang kyuryosidad ko nang marinig ang dugtong niya.
"Then, ano 'yon?" nagtama ang paningin namin dahilan para may maramdaman akong kakaiba, hindi ko ma explain.
"I will let you enter Martel University" seryosong aniya dahilan para mapatayo ako sa saya at hindi makapaniwala.
Abot tenga ang mga ngiti ko at lalapit na sana ako sa kanya para yakapin siya, pero hindi ko natuloy iyon nang matauhan ako.
"T-Thankyou, Salamat, thanks!" patalon talong sabi ko. "P-Pero bakit? Kayo ba may ari ng Martel?" tanong ko ulit at nagulat naman ako dahil tumango siya.
Napatingin siya sa relos niya at biglang tumayo. "Ok, that's enough. You should be ready for tomorrow, susunduin ka ng staffs namin around 9 pm" Imporma niya.
Madaling natapos ang usapan namin at andito na ako sa bahay ngayon. Kausap ko sila Mama at Papa, gaya ni Agnes ay sobrang saya nila.
"Hindi kami makapaniwala anak, swerte nga naman" masayang si Mama. Napangiti naman ako.
"Ate, mag aral ka po ng mabuti doon ah? Para kung ma successful ka, papaaralin moko dun!" Nakangising ani Agnes at masaya naman akong napatango.
"Anak, mag ingat kang mabuti doon ah? Alam mo naman kahit saang lugar, maaaring may mangyaring masama." pangangaral ang tono ni papa habang nagsalita.
"Opo pa, mag iingat ako" sagot ko at tumango naman siya.
Iniwan ko sila sa salas at habang nasa kwarto na ako, bigla kong naalala ang binigay ni Caldence sa akin noon.
Kinuha ko ang bagay na iyon sa drawer ko at pinagmasdan. Isang bracelet na binigay ni Caldence sa'kin noong naaksidente kami. Hanggang ngayon, dala ko pa rin ito at iniingatan. Ito na lang ang ala ala ni Caldence sa akin, maiiisip ko rin ang pagkakaibigan namin sa tuwing pagmasdan ko ito.
Bumuntong hininga ako, "Miss na kita Caldence. Sana may mahanap akong tao na katulad mo." sabi ko sa sarili ko. Unti unti kong pinikit ang aking mga mata at natulog na...
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil sa sinabi ni Xandrei sa'kin kahapon. Dumiretso ako sa cr para maligo.
Eto na talaga, hindi talaga ako makapaniwala na makakapasok ako sa Martel University.
Pero may part sa akin na nagtatanong kung bakit sila Xandrei. Mas lalo lang ata akong ma istress kung iisipin ko pa iyon.
"Adelise! Nakahanda na lahat ng mga gamit mo dito. Nag aantay na sila sayo!" sigaw ni mama kaya pagkatapos kong mag ayos ay agad na akong bumaba.
Nakita kong unti unting dinala ng isang guard (?) ang maleta ko papasok sa kotse. May logo ng Martel University ang kotse kaya sigurado akong eto na nga iyon.
Napatingin ako kay mama at Agnes saka ko sila niyakap.
"Teka, sali ako" niyakap din kami ni at sabay tumawa.
"Mamimis ka namin anak" ani mama at ngumiti naman ako. Iyong masaya kana sana sa paglalakbay mo, pero hindi mo naman sila makasama.
"Mamimiss ko rin po kayo. Lalo kana Agnes" saka ko nakita ang namamasa niyang pisngi. Pinunasan ko naman iyon,
"Ate, hindi ko kaya na wala ka" malungkot niyang sabi. Lumuhod naman ako para maging pantay kami.
"Shhh, you don't have to warry Agnes. Hindi rin kita makakalimutan, promise iyan. Balang araw, makukuha rin ni Ate ang gusto niya, makakapag aral ka din sa Martel University." ngumiti ako sa kanya at lumiwanag naman ang mukha nito.
"Uhum. Ms. Adelise Zhen, it's almost 10 pm" biglang sabat ng guard. Naka itim ito at ang suot ay may similarity sa suot ng guard kaya ganoon na rin ang tawag ko sa kanya. Umayos naman ako at muling ngumiti sa kila mana, papa at lalo na si Agnes.
"Mr. and Mrs. Zhen, your daughter's safety is our responsibility, and Martel will do everything to make them disciplined." anang guard kila Papa at nakita ko naman silang tumango.
Sumakay na ako sa kotse, pag alis ng kotse ay napatingin ako sa likuran. Kitang kita ko na nakatingin sila sa akin habang papalayo na at bigla silang ngumiti. Binigyan ko sila ng panghuling kaway hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
Huminga ako ng malalim.
Kapag mabawi ko na ang pinaghirapan nila Dad at Lolo Francisco noon, hinding hindi ako magdadalawang isip na tulungan sila.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (2)

  • avatar
    Fhil Binaluga

    thx

    09/12

      0
  • avatar
    Kyla Cabalida

    nice novela

    11/04/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด