logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7 - Tears of blood.

[Jow Ylliard Hayle]
"Ano? Multo? Nasisira ka na ba? Lately you seemed very down tapos ngayon bigla kang magsasabing may nagmumulto dito sa campus?" Salubong ang kilay at kalaunan ay napagitgit sa ngipin niya si Clay.
Nandito kami ngayon sa clubroom. 
Kami lang ngayon ang tumambay dito.
"Like I said, I saw it. A girl wearing a white dress. I happened to see her pass by the hallway. Para anong tinamaan ng freeze spell sa clash of clans nang magkasalubong kami. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko siyang umakyat papunta sa hagdanan patungong rooftop." Ipinilit ko ang sinabi ko sa kaniya. 
Sinabunutan niya ako. "The break up is getting into you so much...you need to take a break bro." Malumanay na payo nito sa akin. 
"I don't need that. I'm done with that. I'm no longer going to be interested." 
"Weh?"
Inalis ko ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko.
"Anyway, what I saw was real. May babae talagang gumala. This is the supernatural club, we have abilities why don't we try to solve it? Maybe we can ask for help from that ghost towards that mysterious old man? Right?"
Nagpalitan ng pag-angat ang kaniyang mga kilay. 
Wow talent, wasted.
"Abat ikaw na lang. Baka may makakita sa atin pagkamalan pa tayong mga baliw." Padabog siyang umupo sa upuan. "Isa pa, are you sure? The fanboys will kill you if they found out that we're together. Lyndon barely survives being a member of this club because Maryam is with him."
Tumayo naman ako mula sa aking pagkakasandal sa pader at nakaupo sa tiles na sahig.
Damn that popularity shit!
Lumakad ako palabas sa clubroom.
"Fine. Ako na lang mag-isa ang magiimbistiga." 
Lumingon ako sa kaniya. 
Nagulat ako sa ekspresyon ng kaniyang mukha na nakatingin sa akin. Tila nag-aalala, nababahala sa aking ikinikilos?
Napakamot ako sa aking ulo. 
"Isa lang ang masasabi ko Clay. Totoo ang nakita ko. Siguro, bukod sa mga strings, kaya ko ding makakita ng mga multo." 
Umalis ako nang tuluyan sa clubroom. 
Nagtungo ako sa rooftop.
Embrace yourself you stupid ghost, nag-cutting ako para lang abangan kang hayop ka!
*****
I've waited, waited and waited... tumunog na ang bell. Tapos na ang morning class, lunch break na.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-online sa Facebook. 
Nakita ko na mayroong message sa akin. 
Surprisingly it was from Clay.
>What? Magkasama pa lang kami sa club room kanina.< 
I read the message and it gave me annoyance. 
(Hays nako Jow, kulang ka ba sa tulog? I can't believe you've ruin the competition I set up for the of us. The competition of who will send the first message. Now I lost my own competition and this is my first message. It's infuriating.)
>Same here! You're a total clowner!<
Nag-reply ako sa kaniya at sinabi sa kaniya na nandito ako sa rooftop. Hindi ko inaasahan na online pa pala siya at nag-reply agad. 
(Good luck finding that ghost.)
I didn't reply back. I left her seen.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako nabagot dito sa rooftop.
Kinuha ko sa bag ko ang lunchbox ko at nagsimula na akong kumain. 
Ilang subo palang ang ginagawa ko, nakarinig ako ng mabibigat at malakas na pagtapak. Galing ito sa hagdanan, mayroong paakyat rito sa rooftop. 
Napabitaw ako sa aking hawak na kutsara nang makita ko kung sino ang pumasok. 
Yung parehong babaeng nakasuot ng white dress. 
Yung multo sa campus na nakita ko.
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. 
Hindi ako naghahallucinate. Nakikita ko nga siya. 
Sumandal ito sa railing ng rooftop. Mukhang nainis pa nga ito at tinadyakan ito.
"Nakakainis naman! Ang panget ka-bonding ng Sandugo na iyon!!" Sigaw nito.
Sandugo? 
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa kaniya. 
That was the name that is similar to the guy that I encounter before on the bridge.
"Hoy, sinong Sandugo ang tinutukoy mo? Student kaba dito? Bakit hindi ka nagsusuot ng uniform?" 
Lumingon ang babae sa akin. Ngunit bakas ng pagkagulat ang kaniyang mukha. Napanganga pa nga ito at talagang napakalaki ng mga mata nito.
"N-Nakikita mo ako?" Nanginginig ang boses na tanong nito sa akin.
"Malamang. Multo kaba? O ano?" 
Dahan dahan siyang umatras.
"Imposible..." 
Nang akmang tatakbo na ito ay napahawak ako sa kaniyang kamay. 
Sa sandaling hawakan ko ang kamay nito, tumambad sa akin ang tali ng kapalaran nitong kulay itim kapareho nung lalaki noon. 
"You...your string of destiny is black."
Sinampal ako ng babae at nang hindi ko parin siya nagawang bitawan ay tinandayakan niya ako sa tiyan. 
Napahawak ako at napaluhod sa sahig dahil sa sakit.
"You..." 
Tumakbo ito paalis sa rooftop habang ako naman ay namilipit ang tiyan sa sakit. 
Sino ang babaeng iyon? 
Ang kaniyang tali ng kapalaran...dalawa ang tali ng kaniyang kapalaran. Isang nakatali sa kanang hinliliit at isa naman sa kaliwang hinliliit ng dalire. Parehong kulay itim na tali!
Sumakit ng husto ang ulo ko. Dinagdagan pa ito ng napaka-hapding pamamasa na nangyari sa mga mata ko. Unti-unting naglabo ang aking paningin. 
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero ka-agad akong nagbukas ng fb at nag chat kay Clay. 
Pinapunta ko ito sa rooftop. 
Hindi ko nakita ang kaniyang naging reply dahil natuluan na ng luha na dugo ang screen ng cellphone ko.
Nawala na ang aking paningin at sobrang sakit ng aking mga mata. Sinubukan ko itong ipikit at idilat para subukang pigilan ang pagluluha ko ng mata ngunit mas lalo itong sumakit, parang ang mga mata ko ay pilit na hinihila pa ng mas malalim sa aking eye socket.
*****
Kinapa ko ang aking face towel sa bulsa at ang cellphone ko sa sahig. Sinubukan kong punasan ang dugo na pumatak sa screen. 
Ang init. 
Ang sakit ng mga mata ko. 
Ang dilim ng paligid. 
Bumilis ang aking pag-hinga. Nahirapan kong habulin ito...siguro ay nagpa-panic na ako. 
Hindi ako sanay. 
Nakakatakot. Nakakatakot mabulag. Nakakatakot mawalan ng pagkakataong masilayan ang pangit na mundong ginagalawan ko na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Ang mundong...makulay...
"Jow... gosh... it's real!!" 
Isang boses na balisa ang narinig ko. Ramdam ng aking mga binti ang pagkalampag ng sahig sa pagtakbo na ginagawa ng naka-suot ng school shoes na may takong na si Clay. 
"Okay ka lang?" Tanong nito sa akin. Hinawakan niya ang aking cellphone at kinuha ito sa akin pati ang aking face towel. "Ako na..."
"You came?" 
"I did. Are you okay? Grabeng dugo ang iniluluha mo..."
"Madami ba? Told you, this is exactly what happened before."
I can hear her heavy breathing and her noisy shoe hill. 
"What's up? Anong ginagawa mo sa sapatos mo?"
"Hindi mo nakikita, pero naka-upo ako ngayon ng squatting style at patuloy kong sinasampal ang paa ko sa sahig. I'm trying to calm myself... this is the first time I saw something like this. Gusto mo bang pumunta sa clinic?"
Umiling ako. 
"Huhupa din ito." Tumawa ako pagkatapos kong magsalita. 
"Bakit ka tumatawa?" 
"Siguro mas tatawa pa ako kapag nakita ko ngayong ang itsura ng mukha mo!" 
Kinutusan niya ako. 
"Hoy! Masakit!"
"Sorry. Pero siraulo ka talaga! Nagaalala ako sa mata no tol, bro!"
"Huhupa din ito. Makakakita ulit ako." Inihiga ko ang katawan ko. 
"Hoy huwag kang mag-sun bathing baka mas lalong dumugo...tara doon tayo sa may lilim na mga bench...alalayan kita."
"Ayoko! Nga pala, may pasok 'diba? Hindi ka ba papasok?"
"At bakit kita iiwan dito? Cutting na ako..."
"Sorry..."
"Dapat lang! Kapag nagpunta ka sa club room sunod, magdala ka ng minatamis na dilis." 
"Huh? Ano yun?" 
"Basta dilis yun na binalutan yata ng matamis na cheese tapos kulay pula?"
"Bakit 'yun ang gusto mong bilhin ko? Teka hindi minatamis na dilis ang tawag 'don tsaka saan ko bibilhin 'yun?"
"Then, let's buy it together. Let's look for it?" 
"Okay."
Inalalayan ako ni Clay na sumilong. 
"Yuck, hindi mo tinapos ang pagkain mo tapos iniwan mo lang dito?" 
I chuckled. 
"Ililigpit ko mamaya." 
Inalalayan niya akong humiga sa bench. 
"Clay...pumasok kana... magiging ayos lang ako dito."
"Hindi!"
"Go! I'll tell you the details later about what kind of shit happened!"
Pinunasan niya ang aking mukha gamit ang towel ko. Inilagay niya din sa bulsa ko ang aking cellphone. 
"Let me stay here for a while..."
"But..."
>What's this? This is not the usual playful abnormal Clay...<
"Sige...take your time, miss president." 
"Thanks." 
>This woman is just sitting next beside the bench! Tumalsik ang laway niya sa mukha ko!!<
I suddenly felt sleepy and began yawning.
Itutuloy.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    MarkJune Pinuela

    it's so good ❤️❤️❤️

    06/05/2025

      0
  • avatar
    Lance Matthew Sumbillo

    its so fun

    23/02/2025

      0
  • avatar
    FloresEvangielyn

    sobrang Ganda

    23/01/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด