Chapter 6 - Stomach so upset. Finally request accepted!
[Jow Ylliard Hayle] Matapos akong kumain ng tanghalian sa rooftop, kaagad akong bumalik sa classroom para gumawa ng activity. Sa pagpasok ko sa classroom namin, abala na si Rain na katabi ko ng desk sa paggawa ng kaniyang activity. Paupo pa lang ako ay hinarang na agad ako ni Nova. I forgot to watch out from her. "Jow! Are you free later-" "I'm not! I have an important clan war, believe me. Tapos ko naman na ang rrl ko napasa ko na sayo." Pagbara ko sa kaniya. Nawala ang ngite sa mukha nito at napalitan ng pagka-inis. Hinawakan niya ng napaka-higpit ang aking braso. "Jow, I'm inviting you to join us in karate club. We're short in members who can actually fight without worrying about getting hurt. You are a punk during junior high, you are an infamous delinquent that even punch his math teacher for giving you a grade of 69." Malamig na boses na sabi nito. "Do not bring up the past so casually to me." Napalunok ako at tumingin sa kaniya ng may blangkong ekspresyon. "Be careful about what you are saying...I may take it as a serious offense on my part and may have enough." Pagbigay ko ng babala sa kaniya. Bumitaw siya sa akin at masamang tumingin. "Do you wanna try me?" Panghahamon niya sa akin. Mukhang napansin naman kami ni Rain na siyang agad pumagitna sa amin. "Nag-aaway ba kayo?" Tanong nito. Tumingin ito ng masama sa akin. "I heard what you've said. Jow, you can't break your promise to lola!" Pagpapaalala nito sa akin. Nagbitiw naman ako ng buntong hininga at napakamot sa may kilikili ko. "Kadire." Sabay na sabi nina Rain at Nova. "Okay fine. Mabilis lang ako na bibisita sa karate club pero sparring lang ang maibibigay ko doon. I'm a member of Supernatural Club so I can't join you...wait a second! You are a member of the Supernatural Club too! How come you have two active club memberships?" Ngumite ito ng nakakaloko. "Because it is allowed. Supernatural Club is a academic club and karate is sports." "Yeah that's why you're not coming to the supernatural club often?" "So? Anyways I would say good. Sparring is enough then." Sabi nito. "Mukhang hindi kapa nagsisimula sa activity mo. Baka wala kang maipasa mamamaya. Sorry for bothering you." Hinawakan niya ng dahan-dahan ang ulo ni Rain bago ito naglakad palayo. Sa paglapit ng kaniyang ulo sa gilid ko, bumulong uli ito. "Akala ko muli kitang magigising, sleeping monster..." Bulong nito na sinundan ng mahinang pagtawa. Weirdo. Umupo ako sa desk ko at nagsimula ng gawin ang activity ko. "Rain, patingin ng sayo kukuha lang ako ng ideya." "Ayan ka na naman, boy kopya." Umangal kaagad ito sa akin. "May cellphone ka kuya mag search ka na lang." "Walang load. Pa-connect." "Kaka-ml at coc mo 'yan, imbis na gamiting pang-data surfing ang load nire-register sa coc at ml." Her expression looked really irritated. Kulang na lang ay tumirik ang mata nitong nagtataray. "Pa-connect na lang ako ang dami mo pang sinasabi para kang si mama." She pouted and I could see she's starting to turn red with irritation. I can even hear her breathing become really heavy. "Hoy kuya...magpapa-connect ako basta ngumiti ka." Nginitian ko agad siya gaya ng sinabi niya. "Yuck ang peke talaga." >Shut up you dwarf.< ***** Matapos ang klase ngayong araw, nagmadali akong maglakad papunta sa karate club. Dumaan muna ako sa Supernatural Club para tignan ang mga ka-member ko doon. Sa pagbukas ko ng pinto, si Clay lamang ang nakita ko na nandito. Nagbabasa ito ng libro. Nang makita niya ako ay isinara niya kaagad ito at kumaway ng naka-ngite. "Friend! Anong atin? Ako may balita sa'yo tol." Ano ba talagang gusto nitong itawag sa akin? "Dumaan kanina dito si Jovenyl... ay oo nga pala pati noong isang araw din, nag-chikahan kami." Nakangiting anunsyo nito. Napatigil ako sa paglalakad. "Tsk." "Ay, sorry...bad mood kaagad?" "Oo, nawalan agad ako ng gana." Tumalikod agad ako sa kaniya at naglakad palabas. Tumawa naman ito sa ginawa ko. "Sinungaling talaga si Nova. Sabi niya nakakatakot ka daw makita na magalit. Hindi naman." Liningon ko siya. "Pinagti-tripan niyo akong dalawa 'no? Clay, hindi muna ako bibisita dito sa Supernatural Club..." "Bakit naman? Kailangan ko ng katulad kong abnormal dito." Nag-pout pa ito pero inirapan ko siya. "Wow ang cute mo!" "Ikaw lang ang abnormal Clay. I can't believe you are a popular student in this university." "Shut it! I'm just that adorable!" "Yeah...yeah, yuck!" "Bastos ka talagang bata ka! Kalbo." "Hindi ako kalbo, anyare sa mata mo?" I took a deep breath. "Kailangan ko ng umalis." I raise my right hand to her as a sign of goodbye. "Ay grabe naman..." Lumungkot ang kaniyang tono ng pagsasalita. "Sasabihin ko na nga ang sinabi kanina ni Jovenyl sa pagpunta niya dito." I paused for a little while. "Speak." "Ay wow, nagtaas kana ng kamay mo. Shoo-shoo!" "Ginagago mo naman ako eh!" Tumawa na naman si Clay at hinampas pa ang hawak na libro sa pader. "Oo na sabihin ko na final na hays. Happy pill talaga ang mantrip!" "You just admitted your idiocy, Clay." Umigham siya at tumawa pa ng kaunti pero pilit. "She was asking about you. Kamusta ka daw?" "Sinungaling. Hindi niya yun gagawin." "Hala ayaw maniwala ni mister broken hearted." "Whatever." Tuluyan na akong naglakad palayo sa kaniya. Naiinis ako, naguguluhan, nalulungkot at nasasaktan. Naghahalo ang emosyon kong naramdam sa aking paglakad papunta sa karate club. Nakakuyom ang aking mga kamao. Naririnig ko ang pagpitik na nangyayari sa may sintido ko at ang pag-hapdi ng kaunti at pamamasa na nangyayari sa aking mga mata. >I won't cry right now. I won't.< Sa pagdating ko sa Karate clubroom, kaagad akong pinasuot ng uniform na pang-karate ni Nova at hinamon ng sparring. I lost the match but Nova is upset. She even looked at me with disappointmet. Pinayagan agad ako ng president ng karate club na umalis dahil napansin din nito ang kinikilos ni Nova kaya bilang pagligtas sa akin ay siya na ang humarap para makipag-sparring. Nagtungo muna ako sa wash area malapit sa math garden. Naghilamos ako ng aking mukha, pagkatapos ay uminom na din ng tubig. The water was cold somehow and it was refreshing. But suddenly, I felt something painful near my belly. I tried to pin it using my hand to somehow null the pain but it didn't stop. Napaluhod ako at namilipit sa sakit. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at wala ng tigil sa pagpatak ang aking mga luha. "What's going on with me?" Nagtataka na tanong ko. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin. This pain that I'm experiencing, gives me an extreme sense of fear. The pain didn't settled down. Umuwi ako sa bahay na ramdam parin ang pagsakit nito. Naabutan ko si mama at si papa na magkasama na nakaupo sa may sala. Mukhang hinihintay nila ang paguwi ko. Seryoso ang mga mukha nila. "Anak. Mabuti naman at nandito kana. May kailangan kaming sabihin sa iyo." Hinimas himas ko ang sumasakit na bahagi ng katawan ko sa may tiyan ko. "Ano yun papa?" Tanong ko sa kaniya. Nagtinginan sila ni mama bago muling magsalita si papa. "Kailangan ng lolo mo ng kasama sa villa." Sabi ni papa sa akin. "Nagka-ayos na ang papa at lolo mo anak. Kailangan ka ng lolo mo ngayon doon sa villa. Isa pa, maaalagaan ka doon." "Paano yung kapatid ko?" "Huwag mo siyang alalahanin, nagbo-boarding house 'yun. Ikaw yung inaalala ko. Magta-trabaho si mama mo sa abroad, tutulungan siya ng lolo mo na makapag-apply sa kompanyang pinapalakad ng tito mo sa Hong Kong." "Hindi niyo man lang ako hinayaan na ibalibag ang bag ko sa kwarto ko?" Sabi ko. Dama ko parin ang sakit na siyang patuloy sa pagbibigay sa akin ng pahirap. "'Yun lang po ba? Walang problema sa akin pa, ma. Naiintindihan ko kayo, isa pa, mas malapit ang villa ni lolo sa university kung doon ako titira, paminsan-minsan bibisatahin ko itong bahay para malinisan. Kung nagaalala kayo na baka magalit ako sa nais niyong gawin na dalawa, hindi po. Kung gusto niyong guminhawa ang buhay natin, bakit ko hahadlangan 'yun? Isa pa, kung sa villa ni lolo ako titira habang nag-aaral ako, mas maaatupag ko ang pagaaral ko ng walang po-problemahin na pinansiyal. Natutuwa akong nagkaayos kayo ng mga kapamilya mo Pa." "Halika nga dito anak." Tumayo bigla si papa sa kinauupuan niya. Niyakap niya ako. Cheesy. Pagkatapos ng isang maladrama na madaling paguusap ay nagtungo agad ako sa aking kwarto. Bago ako humiga sa higaan ko ay pinagmasdan ko muna ito. Mami-miss kong pagmasdan ang lugar na kung saan naging sakski sa lahat ng galit at pag-iyak na naramdaman ng katawan ko. Nagbukas ako ng Facebook at tumingin agad sa chat box. I saw her name and the message she sent to me. After many days have passed by since the message I've send to her, she just replied to it now. Napahawak ako sa aking mga mata. Tumawa ng mahina hanggang sa naging medyo malakas. Kalaunan, napalitan ng malungkot na tinig at dumiretso sa pagiyak. What the hell? How can you be this cruel? Tama na. Without hesitation, I put her account in my message archive. Hindi ko na binuksan pa ang convo namin para alamin ang kabuuan ng message na isinent niya, dahil alam ko naman na ang 'hello' na iyon na nabasa ko ay ang kabuuan na ng mensahe niyang tipid at napipilitan. Natulog akong may mabigat na nararamdaman sa aking dibdib dahil dito. ***** [Clayrin Aisfine Ezz] "I'm home mother earth!" Binati ko agad si mama nang maka-pasok ako sa loob ng bahay. Na-amoy ko na ang bangong dulot ng kaniyang niluluto sa kusina. "Mukhang masarap ang ulam ngayon mama." Sa pagtungo ko sa kusina, pumatong sa upo ko ang chopping board. "Kailan pa ako nagluto ng hindi masarap ha? Babaita ka?" Nanlilisik ang mga mata ni mama. "Sorry po." Inalis agad ni mama ang chopping board sa ulo ko at ipinatong ito sa mesa. Nilapitan niya ang kaniyang niluluto sa may kalan. "Kamusta ka anak?" "Hmm me? I'm fine. Abnormal pa din?" Patanong na tugon ko sa kaniya. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha mula doon ang gatas na nasa isang kahon. "Ma, okay pa bang inumin 'to? Expired na 'to bukas." "Kapag hindi okay edi sa hospital ka pupulutin?" "You have a point!" Ininom ko parin ang gatas at inubos ko ito. Hindi pa ako nakuntento at naghanap pa ng ibang makakain sa loob ng refrigerator. "Clay, kapag tumaba ka mahihirapan kang magpapayat." "Mama naman body shamer." Tumawa si mama sa sinabi ko. Ngumuso naman ako at dinampot na lang ang isang piraso ng pipino. Hinugasan ko ito sa may lababo ng maigi at hindi na ito binalatan. Diretso ko na itong kinain. "Magbihis kana Clay. Naka-uniform kapa nagmumukbang kana." "Opo!" Umakyat ako papunta sa kwarto ko at ka-agad na nagbihis. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at lumabas sa bubungan ng terrace namin sa first floor. "Wow it's still 5 in the afternoon but the roof is already freezing cold." Umupo ako pinagmasdan ang malungkot na kulay ng palubog na araw. Ang mga ulap na malapit sa sinag nito ay kulay dilaw ang iba naman ay kulay orange. May ilang pigura ng ulap akong nakikita na parang hugis bastos. >My green mind is green minding.< Akmang hihiga ako sa bubungan namin ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko na iniwan ko sa ibabaw ng study table ko. Nakakatamad...pero napilitan akong tumayo at kinuha ito. Ka-agad din akong bumalik sa bubungan. Isang notification sa Facebook. Nang makita ko kung ano ito, napangite ako. Ilang araw na siyang miyembro ng Supernatural Club tapos ngayon lang siya nag sent ng friend request. Iba din talaga 'tong lalaki na ito. Different compared to those angelic gentle wanna be with secret lust agendas men. >Looking at the profile picture of the account of him that sent me a friend request, it's a different one compared to the one that I've sent my own friend request huh...here I am wondering if maybe he's really annoyed by me but I guess... I'm worrying for nothing.< Ngumite ako ng napakatamis. Napapikit pa ako na parang tanga at idinikit sa dibdib ang cellphone ko. Itutuloy.
it's so good ❤️❤️❤️
06/05/2025
0its so fun
23/02/2025
0sobrang Ganda
23/01/2025
0ดูทั้งหมด