logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

THAT GAY IS MINE

THAT GAY IS MINE

ImVictorique


CHAPTER 1: The Escape

YEAR 2016
LUCIANA's POV
KASALUKUYAN akong naglalagay ng face mask sa mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller at agad umarko ang kilay ko nang makitang pangalan ni Papa iyon.
"Bakit naman kaya tumatawag ito si Papa?" Tanong ko sa sarili ko.
Hindi kasi ugali ni Papa ang unang tumawag sa amin. Usually si Mama lang kaya talagang nakakapagtaka. Paniguradong importante ang sasabihin nito. Anyways, sinagot ko na iyong tawag at mabilis na bumungad sa akin ang seryosong boses ni Papa.
"Come to the mansion, A.S.A.P" Wika nito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
Napanguso na lang ako sa tinuran ni papa. Hindi man lang ako hinintay na makapag-hello. Tch...Ano pa nga bang bago. Palagi namang ganyan si Papa kapag Business ang usapan. He's very serious and strict, but when it comes to our family he seems very childish.
That's why I have a hunch na kaya niya ako pinapapunta sa mansion ay related sa business. Ang pinagtataka ko lang ay kung anong Business iyon at talagang nadamay pa ako.
By the way, kung hindi niyo pa po ako kilala. My name is Luciana Villareal,  younger sister of Lucas Villareal and oldest sister of Lucia and Luca. I'm already 25 years old and currently owning AV Beauty products. Bago lang ako sa business world at hindi pa ganon ka bihasa kaya patuloy pa rin akong nag-aaral kung paano magma-manage.
I like someon-no! scratch that...
I love Rudy James Ramirez a.k.a Ruffa.  He is a certified gay like my brother but that doesn't affect me to pursue him. He is actually 28 years old and obviously 3 years older than me. Due to my undying love to him, I oath to myself that I will definitely do everything just to convert him into a man again.
No matter what it takes.
Believe me.
THAT GAY IS MINE ONLY!
That's it. I'm done
So back to reality...
Natatamad na bumangon ako sa kama ko para makapag-ayos. Ayaw ko mang umalis dahil kagagaling ko lang sa trabaho kaso kailangan. Alas-syete pa lang naman ng gabi at balak ko pa sanang mag-movie marathon kaso epal tong si papa.
Mabilis rin akong natapos sa pag-aayos kaya pumunta na ako sa parking lot ng aking condo. I don't know if ever na nasabi na sa inyo ni kuya na may kanya-kanya kaming condo, bale magkakahiwalay lang kami ng Condo building.
Why?
Trip lang.
Sawa na kasi kami makita ang pagmumukha ng bawat isa kaya unti-unti kaming umalis kapag feeling  namin na kaya na naming tumayo mag-isa. Wala namang kaso iyon kanila Papa dahil gusto rin nilang maging independent kami basta lang umuwi kami tuwing weekend para bonding ng pamilya. Nang marating ko na ang kotse ko ay agad ko na itong pinaandar papunta sa bahay kung saan ako lumaki. Walang iba kung hindi sa Villareal Mansion.
Makalipas ang mahigit sampung minuto ay nakarating din ako sa bahay. Ang nakakapagtaka lang ay maraming mga sasakyan ang nakaparada sa labas kaya nahirapan akong pumarada. Sa pagkaka-alala ko, mga limang sasakyan iyon, kaya nahirapan talaga ako makahanap ng parking.
Imposible namang nandito iyong mga kapatid ko dahil hindi pa naman weekend. Atsaka, iyong mga sasakyan namin ay may kanya-kanyang kulay pero iyong mga nakaparada dito puro itim.
"Sino kaya iyong bisita?" I uttered habang naglalakad papasok.
"Ay ma'am, buti po nandito na kayo. Pinapatawag po kayo kaagad ng Daddy niyo sa hapag-kainan." Pagbibigay-alam sa akin ni Manang Linda na siyang mayor-doma namin.
Tumango naman ako at akmang paalis na sana nang may mapansin ako sa kanya kaya napahinto ulit ako sa aking pwesto.
"Ano pong meron, manang?" Pag-usisa ko sa kanya. 
"May bisita po kasi ang daddy niyo hindi ko rin po kilala. Pero sa tingin ko po, isa rin sa mga kasosyo niya galing sa Japan."
Japan?
"Sila Kuya ho? Nandyan din  ba?"
"Ay wala po." Iling nito bago magpatuloy, "Hindi ko nga po alam kung bakit kayo lang ang pinapapunta. Sige ho, ma'am. Mauna na po muna ako kay marami pa po kaming aasikasuhin paki puntahan na lang po sila sa hapag-kainan." Nagmamadaling paliwanag nito na ikinatango ko na lang. Pagkaraan ay umalis rin ito kaagad habang ako naman ay dumiretso ako sa dining room.
Doon natagpuan ko ang mga magulang ko na kasalukuyang kumakain habang kausap ang isang lalaki at babae na sa tingin ko ay mag-asawa rin. May binata rin silang kasama na sa tantya ko ay ka-edad ko lang din.
Tumikhim ako para kuhanin ang kanilang atensyon at hindi naman ako nabigo. Tumayo si Mama at lumapit sa akin.
"Ciana! Good thing you're here, Let's eat. There's something we want to say to you." Anya ni Mama at hinila ako paupo sa isa sa mga upuan.
Nang makaupo rin naman ako ay bumalik ito sa sariling upuan. Ako naman nakatingin lang sa kanila at nalilito sa mga nangyayari.
"What is this?" tanong ko.
"Okay, Ciana meet Mr. Kenji Yamazaki and his wife Yumiko, their son Kento." Pakilala ni Mama.
Nakipagkamay naman sa akin ang mag-asawa habang ang anak nila ay nakatingin lang sa akin. I don't know but it gives me creeps kaya umiwas na lang ako sa kanya at sinimulan ang pagkain.
"So when will be the preparation?" Tanong nang matandang lalaki.
"The sooner the better." Sagot naman ni dad.
"Preparation for what?" Hindi ko mapigilang saad.
I have a bad hunch about this but I'm controlling myself.
"For your wedding with my son, Kento. Don't you know about this?" Sabi naman ni Mrs. Yamazaki saka tiningnan sila Mama.
Napatayo naman ako sa sinabi niya at matalim na pinagmasdan sila Mama at Papa.
"What the hell is this?" Sigaw ko sa kanila.
I don't care kung masabihan pa nila akong bastos or whatever but in this kind of situation I can't help to be furious. This was so sudden.
I don't want someone controlling me especially when it comes to my marriage.
I want to marry someone I love.
"LUCIANA! LANGUAGE!" Seryosong saway ni Papa.
"I dont f*cking care! Hindi ko siya papakasalan. I don't even love him nor like him! Why would I marry someone who I just met?" Nangigigil kong wika.
Ang mag-asawang hapon naman ay nakatingin lang sa amin na tila isa kaming palabas sa TV.
"You'll marry him and that's final." Ma-awtoridad na wika ni Papa at tila wala akong balak pakinggan.
Napabaling naman ako sa ibang direksyon dahil sa inis. Doon bigla kaming nagkatinginan nung anak nila na si Kento.
He then smirked at me na talagang nagpa-irita sa akin ng todo. The h*ll! Pumapayag ba siya sa set-up na 'to?
"No! I won't." Matigas kong wika kay Papa dahilan para mas lalong nanungkit ang mata niya.
"You'll marry him sweety, whether you like it or not." Segunda naman  ni Mama na literal na ikinanganga ko.
"Ma, pati ba naman ikaw?" Hindi makapaniwalang tugon ko sa kanya at napailing. "Akala ko kakampi kita but no...Hindi ako papayag. I don't care. I hate you both!" Sigaw ko bago maglakad paalis pero hindi pa ako gaanong nakakalayo nang magsalita muli si Mama.
"Marry him or else mawawala lahat ng kayamanan mo. You will be grounded. You know me, Luciana." Pahabol pa nitong babala na hindi ko na lang pinansin. Anong akala nila? matatakot ako? No way! Hindi ko sila hahayaang kontrolin ako.
Tinungo ko ang daan papunta sa kwarto ko at nilabas ang aking backpack. Hindi pwede ang maleta dahil masyadong malaki at baka mahuli ako. Napag-desisyunan kong umalis na lang. Hindi ako pwedeng mag-stay dito o kahit pumunta sa condo ko dahil paniguradong hahanapin nila ako at pwersahan na papauwiin.
•••••
Lumipas ang ilang oras, mga alas-onse y media nang gabi ay lumabas ako gamit ang bintana. Pinabantayan kasi ni Papa ang kwarto ko dahil baka raw tumakas ako which is totoong gagawin ko nga.
Madali lang naman akong nakababa kahit sa third floor pa ang room ko dahil isa akong gymnast. Pagkababa ko ay tahimik at palihim kong tinahak ang daan palapit sa gate. Wala kasi akong choice, masyadong matataas ang bakod namin at may tusok-tusok sa taas. Imposible talagang makadaan ako doon maliban na lang kung balak kong sugatan ang sarili ko.
Sh*t!
Hindi ko mapigilanv mapanura nang mapansing may guard na nakabantay sa gate. Saglit akong nag-isip ng ideya kung paano siya pwersahan na mapapa-alis. Nang may maisip ako ay kumuha ako ng bato tapos binato ko doon banda sa malayo sapat na para magbigay ng isang ingay. Hindi naman ako nagkamali. Tumayo iyong guard at mabilis pa sa alas-kwatro itong pinuntahan. Nang tuluyan siyang makaalis ay dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay.
Pagkalabas ko ay nakahinga na ko nang maluwag pero naglaho rin iyon kaagad nang balutin ako ng malamig na simoy ng hangin. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Hindi na ako nag-abala pang hanapin ang kotse ko dahil paniguradong itinago iyon ni Papa kanina para hindi ako makaalis. Pinalitan ko na rin ang sim card ko para sure. Sakto namang nakakita ako ng taxi kaya pinara ko agad at nagpahatid sa bahay ng taong alam kong tutulungan ako.
•••••
Mabilis akong nakarating dahil wala namang gaanong traffic tuwing hating-gabi. Pagkatapos makapagbayad sa driver ay pinindot ko iyong door bell ng bahay niya. Habang naghihintay sumagot, nilibot ko muna ang mata ko sa paligid. Kahit kailan talaga ang yaman ng taong ito, kaya bagay talaga kami.
Wala akong natanggap na response kaya sinunod-sunod ko na ang pagpindot. Marahil nakulitan na sa akin kaya ayon, napilitan siyang buksan iyong pintuan at puntahan ako sa gate. Inayos ko naman agad ang itsura ko at hindi nagtagal ay tumambad sa akin ang papungay-pungay niyang itsura.
"Sino ba iyan? Bwisit naman oh! Istorbo sa beauty sleep ko." Maarteng reklamo niya habang kusot-kusot ang mata.
Shems, ang gwapo ng darling ko kahit naalimpungatan.
"Hi Ruffa darling!" Masayang bati ko na ikinanlaki ng mata niya. 
"Anong ginagawa mo ditey (dito)? Sa oras na ito?" Masungit niyang irap sa akin halatang hindi natuwang nakita ako.
Malambing na ngumiti ako lang ako kanya saka pinakita ang bag ko sa likod.
"Simula ngayon, dito muna ako titira." Pagbibigay-alam ko sa kanya. Yes po, ma-desisyon ako at wala siyang laban doon.
"WHAT?" Gulat niyang saad.
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa bahay niya. And as usual, ganoon pa rin ang itsura ng loob, walang pinagbago. To be honest, pangatlong beses palang akong nakapunta dito, tuwing may party. Kaya simula ngayon lulubusin ko na.
Sumunod naman siya sa akin at sinubukan akong hilain palabas pero hindi ako nagpatinag.
"No, get out!" Turo niya sa pinto pero umiling ako.
"Bakit ka ba nandito babae? Doon ka na lang sa Condo mo o di kaya sa mansion niyo. Lumayas ka! Layas!"
"I won't." Matigas na saad ko."Atsaka may kasalanan ka pa sa akin, remember?" Makahulugang pagpapa-alala ko sa kanya. Ito kasi iyong alas ko kaya alam kong wala siyang magagawa kundi tanggapin ako.
Bintiwan niya ako pagkasabi ko noon, "A-anong k-kasalanan ko?" Nauutal niyang tanong dahilan para mapangiti ako.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin dati noong birthday mo? Hapon noon-" Hindi ko na natapos ang kwento ko nang takpan niya ang labi ko gamit ang palad niya.
"Okay, Okay, FINE! Huwag mo lang ipaalala pretty please, hindi ko kasi masikmura eh! Doon ka na lang sa guest room." Pikit-matang saad niya bago nagmamadaling sinirado ang gate.
Hmph...I won.
****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    Julia Andrea

    I've read this before and I'm rereading it because I missed reading Filipino book

    27d

      0
  • avatar
    VillaRyanreiner

    Magan apps simple lang

    01/08

      0
  • avatar
    Elma Arellano

    Nice story

    10/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด