logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER FOUR

FREEDOM
****
"Princess! Please don't run!"
Tawag ni Clara saakin.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Kasunod nito sina Helen at Carmen na natataranta. Patungo ako ngayon sa hardin because of one reason.
FREEDOM!
Atlas! I've been stock inside the castle for seven long years. Akala ko kapag nakalakad na ako ay makakagala na ako. Pero hindi iyon nangyari! Kasi palaging nakabuntot si Shaji! That freakin royal guard of mine. Kahit wala sa tabi ko ay palaging nasa paligid nakabantay. Bwesit! Kaya minsan ay namumura ko siya, mabuti na lamang at hindi niya iyon naiintindihan.
Bihira lang din akong payagan na maglaro sa hardin. Palagi akong nakakulong sa kwarto o di kaya ay nag-aaral.
Also for the past seven years never akong binisita ng pamilya ko. Well, maliban sa tatay kong binibisita ako minsan sa gabi. Habang iyong dalawang kapatid ko ni anino ay wala, ibang klase.
Mabuti na lamang at inaalagaan ako ng maayos ng tatlo kong maids. Sila lang ang naging kausap ko simula nong matuto ako magsalita. Syempre, idagdag natin si Shaji na palaging may presentation kapag hindi ako makatulog.
Nabalitaan kong nakapasok na sa akademya ang aking kapatid na panganay. Habang naiwan naman ang isa dito sa palasyo. Gusto ko sana silang bisitahin kung hindi lang ako ipinagbabawal na lumabas.
Kwarto at library ang palagi kong pinupuntahan. Iyon ang utos ng magaling kong ama, de bale na. May dyamante naman ako eh, madami akong damit at masasarap na pagkain. Atleast, hindi ako naghihirap.
I don't need to struggle to survive. But of course, hindi ko kinakalimutan ang mga natutunan ko noon. Now that I'm freed. I can do whatever I want! Including my past hobbies.
"A big tree!" Masayang sabi ko sabay turo sa puno.
Malaki ito at mataas, parang ang sarap magpahangin doon. Mabilis kong inalis ang suot na sapatos at walang pag-aalinlangang lumapit sa puno.
Nang makita ng tatlo ang ginawa ko ay mabilis nila akong pinuntahan.
"Princess! Oh my! Please, don't take off your shoes." Helen
"Princess Hera, ano pong gagawin niyo? Wag mong sabihin na–" Clara
"Princess! Hindi ka dapat tumatakbo! Mas lalong hindi ka pwedeng umakyat." Striktong sita ni Carmen
Sa kanilang tatlo si Carmen lang yata ang nakakakilala saakin. Kung si Clara pwede kong mauto at si Helen na mabilis bumigay, ibahin niyo si Carmen. Sa kanilang tatlo siya ang may pagkapikunin. Siya na rin kasi ang tinuturing kong nanay. Pareho sila ng ugali ni Tita (in my past life.) strikto pero maalalahanin.
Ready na sana akong hawakan ang puno ng biglang sumulpot si Shaji. Mabilis nitong pinigilan ang aking kamay. Like the old times, Shaji is wearing his cloak but this time nakikita ko ang asul nitong buhok at berde nitong mga mata. I smiled sheepishly. He got me again!
"Princess Hera, you're not allowed to climb the trees." Umiiling nitong sambit.
I pouted and crossed my arms.
"And who said that I'm not allowed! Fuck this life!" Naiinis na bulalas ko.
Hinawakan naman ako sa braso ni Carmen at hinaplos ang likod ko.
"Princesa, masyadong delekado para sa iyo ang umakyat. Maaring may masamang mangyari sa iyo. Isa pa, kapag nalaman ito ng hari ay baka hindi ka na muling payagang bumisita sa hardin." Istriktang pagpapaalala ni Carmen.
Umirap ako. Nakakagigil naman! Wala na ba akong karapatang maging malaya? Akala ko masarap mamuhay bilang princesa mukhang kabaliktaran pa yata! Ang daming BAWAL!
"Sige na princesa, isuot mo na po ang iyong pang paa." This time si Helen naman ang lumapit bitbit ang aking sapatos.
Yumuko ito at inabot ang aking maliit na talampakan para maisuot ang sapatos. Nakasimangot ko naman itong sinuot.
"What are you doing here, Shaji? Your not suppose to be here dapat nasa Academy ka. Wag mong sabihin na tinanggihan mo na naman si papa!" Nakataas ang kilay kong sabi.
Napatingin din ang tatlong babae kay Shaji, kaya napa-iwas na lamang ito ng tingin.
"Hmf, sayang lang ang pamimilit ko. Kung alam ko lang na hindi mo tatanggapin edi sana hindi ko na ito hiniling kay ama." Pangongonsensya ko sabay lakad papalayo sa puno.
It's true. Hiniling ko talaga sa hari para lamang maalis siya sa landas ko. Joke! Narinig ko din kasi sa ibang maids na pili lang ang mga estudyanteng pumapasok dito. Mostly, people with high positions, commoners with money and blessed by the King.(scholar kung baga)
Naisipan kong ipa-aral si Shaji doon para mas lalong lumawak at lumakas ang kapangyarihang meron siya. Sayang lang ang talento nito kung buong buhay niya ay saakin lang ipapakita. He mentioned to me before when I was 1 year old that he wish to study in that prestigious Academy.
Pero hindi kaya ng pamilya niya. Kaya mgayon nandito siya sa palasyo upang ako ay pagsilbihan. Wala namang problema, maasahan naman si Shaji. Pero kasi ang bata pa niya para maranasan ang ganitong diskriminasyon. Nagulat nga ako ng malaman kong 12 years old ito ng mag trabaho bilang royal guard ko. And now he's 19, usually kapag tumuntong kang 18 years old ay dapat nasa Akademya kana para mag-aral.
I'm planning that when he started studying there. Wala nang eepal sa mga gusto kong gawin. At least, si Carmen lang ang dapat kong iwasan. And Shaji will study and live his life in that Academy.
Umupo ako sa isang silya na nandito sa tea house. Nasa gitna ito nakapwesto at napapalibutan ng maraming bulaklak. Sa pagkaka-alam ko hindi lang ito ang garden sa palace. Nagsimula nang magsalin si Carmen ng tsaa sa maliit na baso.
I don't like tea's because in my past life, I prefer coffee. Pero dahil bihira lamang ang kape dito ay sinanay ko na ang sarili sa pag-inom ng tsaa.
"Prinsesa matanong ko lang. Bakit gusto mong pumasok sa Academy si Shaji?" Nagtatakang tanong ni Clara. I smirked.
"Alam niyo naman na bibihira lang ang mga taong nakakapasok sa academia hindi ba? Gusto kong makitang lumakas si Shaji at kapag nangyari 'yun magkakaroon ako ng malakas na knight." Lumingon ako kay Shaji.
"Dahil si Shaji lang ang gusto kong maging royal knight habang buhay." Madamdamin kong sabi sabay iwas pa ng tingin.
Hehe, did my acting works? In my past life, easy lang saakin ang magpanggap. Acting is one of my skills. I can play innocent and evil at the same time. Akalain mo 'yun hanggang sa second life ko ay magagamit ko din.
"Mahal na prinsesa.." naluluhang sambit ni Helen.
Lihim akong napangiwi, ang iyakin talaga ni Helen. Dapat si Shaji ang umiiyak sa galak hindi s'ya.
"Kung ganon ay dapat mo itong tanggapin Shaji. Isang karangalan ang paglikuran ang royal family lalong-lalo na ang anak ng princesa ng Asgard." Malumanay na sabi ni Carmen. Grabe mabuti nalang at matured mag-isip itong si Carmen.
Mabilis namang yumuko si Shaji at nagsimulang magsalita.
"Patawarin ako ng mahal na prinsesa sa pagtutol sakaniyang kahilingan." Nasa tono nito ang pagkabigla at saya.
"Tinatanggap mo na, Shaji?!" Masayang bulalas ko.
Napasulyap naman ito saakin. Inayos ko naman bigla ang aking ngiti. Masyado yata akong nagalak.
"Kung iyon ang nagpapasaya sa princesa." Pagkatapos ay tumayo ito ng tuwid.
"Oo! Pinasaya mo ako, Shaji!"
Kinuha ko ang kamay niya at ngumiti.
"Kapag nasa academia kana huwag mong kalimutang magsulat. Ikuwento mo saakin kung gaano kaganda roon. Magpalakas ka rin, malay mo kapag nasa tamang edad na ako pwede na tayong maglaban." Nagulat naman ito.
"Ngunit prinsesa, isang kalapastanganan ang kalabanin ka." Umiling ako.
"Huwag ka ng maraming rason. Tapat ka saakin hindi ba? Ako ang masusunod. Hindi kalapastanganan ang gagawin mo sapagkat utos iyon mula saakin." I looked at them one by one.
"Magmula ng isilang ako ay nanumpa kayo bilang tapat na tagapalingkod ko." I sighed and continued "Sana ay hindi niyo ako bibiguin." Umiwas ako ng tingin at napatingala sa langit.
Because the last time I create alliance...it end me.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (64)

  • avatar
    ValeJayvee chester

    thank you

    1d

      0
  • avatar
    Ce ELa Shi

    🤙🤙

    21d

      0
  • avatar
    Moncatar Jhayrun

    cool

    22/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด