logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

"H-hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para sa'yo?"
Natigil ang tawanan naming magkakaibigan pagpasok namin sa cafeteria iyon kaagad ang narinig namin. Nakakabingi ang katahimikan sa loob para bang takot gumawa ng ingay ang mga tao. Break time namin ngayon kaya nasa cafeteria ang karamihan ng studyante pero dahil sa katamikan hindi ko aakalaing nandito silang lahat.
Naglakad kami sa lagi naming upuan.  Mabuti nga dahil walang umuupo sa pwesto namin. Makalat ang mga kaibigan ko kaya kilala sila ng karamihan sa school.
Tulad ng iba walang ingay naming pinagmamasdan ang pwesto nina Joziah Kyro Villanueva, ang hari ng mga playboy.
Ang dahilan kung bakit kumalat ang virus ng pagiging palikero.
"Ano bang pinagsasabi mo? Are you hallucinating or what? Sa itsura mong 'yan hindi ka papatulan ni Joziah." lait ni Hazel sa nakatayong babae sa harap nila.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Hazel. Napailing ako. Wala akong masabi sa kamalditahan ng grupo niya. Swerte talaga ako sa mga kaibigan ko. Oo, maingay, minsan makalat at maldita pero nilulugar nila ang sarili. Alam nila kung kailan sasabak sa gera at kung kailan titigil.
Pero pagdating sa lalaki medyo pumalya at nagiging tanga. Tsk.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha ng babae. Siya 'yong laging nasa library ah? Anong ginagawa niya d'yan? Ipinilig ko ang ulo. Imposible. Siguro hindi naman siya nandiyan para magmakaawa. Malabong maghabol siya kay Joziah Kyro. Palagi ko siya nakikitang nasa library, tutok lagi sa pag-aaral kaya balita ko top 1 siya sa klase nila.
"A-ano ba ang dapat kong gawin, Joziah?" sunod-sunod na nagsilabasan ang luha sa mata ni Andrea.
Napasinghap ako sa narinig. Don't tell me.. Ano bang nangyayare sa mga babae?
"Pati si Andrea!" sambit ni Danica habang nakanganga.
"What the hell?" sikmat naman ni Farrah.
Kumurap kurap ako at tumingin sa mga kaibigan ko. Tumikhim ako bago inayos ang upo upang makaharap sila ng maayos.
"Siya ba 'yong laging nasa library?" pagkumpirma ko.
"Oo." simpleng sagot ni Harper. Nakatingin lang sa malayo.. sa taong malayong maging sa kanya. Hinayaan ko na lang siya. At least, nakakaya na niyang tumingin sa lalaking nanakit sa puso niya.
"'Di ba siya 'yong nerd na ilag sa lalaki? Mas ilag pa nga 'yan kaysa kay Leigh."
"Hindi ako ilag sa lalaki." mariing wika ko.
Ngumisi siya."Allergy lang pala sa palikero." bawi ni Farrah sa sinabi.
Pinaikot ko ang mata at nang-aasar binelatan siya na parang bata. Akmang may sasabihin ako nang nagsinghapan ang mga tao sa paligid namin kaya naagaw no'n ang atensyon ko.
Nagsimulang magbulungan ang studyante at halos hindi makagalaw ang ilan sa gulat. Kahit ako ay nagulat sa pagluhod ni Andrea sa harap ni Joziah Kyro. Magkasiklop ang kamay ni Andre na nakapatong sa tuhod ng Joziah Kyro. Nakatingala si Andrea kay Joziah Kyro habang nag-mamakaawa kung ano dapat ang gawin niya. Nag-iwas ako ng tingin nang makita kung gaano karaming  luha ang sinayang nya dahil lang sa lalaking 'yon.
Bumigat ang paghinga ko. Parang ako 'yong nasakalagayan ni Andrea. Hindi ko alam kung bakit nanikip ang dibdib ko. Ako 'yong nasasaktan para sa kanya.
Hindi ako makapaniwalang pati ang mailap at nakapokus sa pag-aaral ay kaya niyang paikutin. Ano bang meron sa lalaking 'yon at bakit nagiging tanga sila na hindi ko makita?
Kung magiging ganito lang din ako sa isang lalaki.. mas gugustuhin ko pang maging single kaysa makita ang sarili ko na nag-mamakaawa sa isang lalaki.
Namuo ang galit sa puso ko nang makitang wala siyang ginawa para patayuhin ang babae. Sumusobra na siya. Wala siyang puso! Mas nainis ako lalo pati sa mga kaibigan nya na playboy na wala man lang ginawa kundi ang umupo lang at panoorin ang kakawang babae.
"Kainis na Luke!" biglang ani Heather.
"Dahil hindi nya tinulungan 'yong babae?" ring kong usal ni Farrah.
Marahas na umiling si Heather."Sa lahat ng papatulan nya 'yong kasapi pa ng kulto." Tukoy niya sa isang kaibigan ni Hazel.
Hindi ko na lang pinakinggan ang mga pinagsasabi nila dahil mariing nakatuon ang mata ko kay Joziah Kyro.
Hindi na bago ang ganitong senaryo dito sa school. Para nga lang akong nanonood ng k-drama o nagbabasa ng wattpad. Kada buwan yata ay may nagaganap na ganito sa campus, hindi lang sa loob ng school pati sa labas. May dumating nga sa puntong sinabing nakabuntis si Joziah Kyro pero hindi naman naniwala ang mga tao tapos sa huli ay nagsisi 'yong babae dahil hindi alam ang pinasok dahil desperadang mapansin siya.
Alam kong hindi basta papasok si Joziah Kyro sa bagay na alam niyang ikapapahamak niya, maliban sa wala siyang balak sirain ang reputasyon niya ay maimpluwensya at mayaman din ang pamilya nila. Karamihan nga ng shares dito school ay sa magulang nya.
"You're just a bet." Sa wakas nagsalita na ang kumag.
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng gagong si Joziah Kyro. Mas nanuot ang galit sa puso ko para sa kanya.
Lalong napahagulgol si Andrea. Napaupo na siya sa sahig.
"Ikalma mo. Tandaan mo 'yong plano natin hindi pwedeng masira." bulong ni Farrah sa tabi ko, nakita siguro ang nakayukom kong kamao at matalim kong tingin kay Joziah Kyro.
Pumikit ako at huminga ng mamalim. Ilang beses kong pinakalma ang sarili. Hindi dapat ako makialam. Ayokong madamay sa gulong dala ni Joziah Kyro. Wala naman talaga akong pakialam simula nung una pa lang pero sumusobra na siya!
Walang sabi sabing tumayo si Joziah Kyro na sinundan ng mga kasama nya. Nakatayo lang si Joziah Kyro sa harap ni Andrea. Nakapamulsa ang kamay nito habang walang mababakasan ng kahit anong awa sa mata niya. Nakangisi siya na parang natutuwa sa nangyrari.
"Get up. You just proved how deperate you are. Katulad ka rin pala ng iba."
Isang kang gago Joziah Kyro! Wala kang karapatang manakit ng babae!
"Did you hear Joziah said? Tumayo ka na diyan! Pasalamat ka at hindi ka iniwan ng ganyan." maarteng ani Hazel.
Tanga! Nakakagigil 'yong ibang Tao minsan, walang sense. Siya pa ang kailangan magpasalamat? Anong ginawa nya para magpasalamat siya?
Tumayo naman si Andrea. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa amin, taas baba ang balikat nya dahil sa pag-iyak. Nagulat kami nang umangat ang kamay nya para sana sampalin si Joziah Kyro pero agad nagsalita ang lalaki kaya agad natigil ang kamay ni Andrea sa ere.
"Are you sure you're going to slap me?"
Taimtim akong nanalangin. Ang mga kamay ay mas lalong kumuyom at pinikit ang mga mata.
Ginago ka at sinaktan ka niya kaya nararapat lang sampalin siya! Please sa huling pagkakataon ipagtanggol mo ang sarili.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at nagbabakasakaling pagmulat ko ay nakabawi na siya. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang unti-unting ibinaba ni Andrea ang kamay n'ya. Bumagsak ang balikat ko. Nadismaya ako sa ginawa niya pero wala akong magawa. Hindi ko hawak ang desisyon niya.
Nakita ko ang matagumpay na pagngisi ni Joziah Kyro na pinaka-ayaw ko sa lahat. Para bang kontrolado niya ang lahat ng nasa paligid niya tuwing gagawin niya 'yon.
Dahil hindi na ako nakapagtimpi mabilis ang lakad kong nagpunta sa pwesto nila. Muntik pang nahawakan ni Farrah ang kamay ko para pigilan pero mas mabilis ako. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa pangalan ko.
Wala na akong pakialam sa plano namin. Ang gusto ko lang ngayon ay makaganti sa gagong Joziah Kyro na 'yon. Napuno na ako. Nandidilim ang mata ko habang mabilis ang lakad palapit sa kanya. Kailangan ko ilabas lahat ng galit at pagkamuhi na mararamdam ko at si Joziah Kyro Villanueva lang ang makakaalis nito. Hindi ako matatahimik kung kikimkimin ko ito.
Wala akong pakialam sa mga matang nakamasid sa akin. Ang mahalaga ay makaganti ako kahit papaano para maibsan ang bigat ng loob ko.
Huminto ako saglit nang nasa tapat ko si Andrea. Tulala siya habang nakatanaw kay Joziah Kyro. Gusto ko din siyang pagsabihan pero hindi ngayon ang oras para ro'n.
"Upo ka muna.." Pinaupo ko si Andrea sa dating pinagupuan ni Joziah Kyro.  Tingnan ko ang mga kaibigan ko at alam na nila ang ibig sabihin ng mga tingin ko.
Huminga ako ng malalim bago muling humarap sa plano ko talagang puntahan. Palabas na sila ng cafeteria kaya mas binilisan ko ang lakad.
"Joziah Kyro?" Ginawa ko ang lahat para palambingin ang boses ko. Halos hindi ko nga nakilala ang sarili kong boses.
Gusto kong masuka at basta na lang siyang sugudin pero naisip ko sarap muna bago hirap? Jusko, ano ba 'tong iniisip ko?
Unang huminto sa kanila si Joziah Kyro kaya napahinto din ang ilan. Umayos ako ng tayo nang unti-unti silang humarap sa gawi ko.
Nagtama ang mga mata namin at sa hindi ko malamang kadahilanan bilang nanlamig ang sikmura ko sa klase ng tingin n'ya. Seryoso ang mukha niya at wala na ang mapaglarong ngiti. Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Parang nanghina ang tuhod ko habang nakatitig sa lang sa mukha niya . Gusto kong iiwas ang mata pero hindi ko kaya.
Palihim akong lumunok. Siguro naninibago lang ako sa tingin niya.
Dalawang taon na ako dito sa school pero never kaming nagkausap at lalong never kaming nagkatitigan ng ganito. Wala naman akong pakialam sa pinaggagawa nya.. dati.
"Anong kailangan mo?" nakasimangot na tanong ni Hazel.
Kumurap-kurap ako ng marinig ang boses ni Hazel. Bumalik ako sa reyalidad na galit ako sa katabi niya.
Kilala ako ni Hazel kaya gan'yan siya umasta. Tuwing nagsasalubong ang kaibigan ko at grupo ni Hazel ay mumuntik magkaroon ng gulo.
Sa huling beses huminga ako ng malalim at taas noong tumingin sa kanila.
"Si Joziah Kyro ka ba? Hmm?" Pinanatili ko ang boses na kalmado. Tuwing binabanggit ko ang pangalan nya ay sinisiguro kong malambing iyon.
Natawa ang mga kaibigan ni Joziah Kyro na lalaki. Kahit gusto kong pag iirapan ang mga lalaking nasa harap ko ay pinigilan ko. Natahimik si Hazel at inirapan na lang ako. Ang mga kaibigan nya ay sing talim ng kutsilyo kung makatingin sa akin. Nginisihan ko lang sila.
"Tara na babe! Don't mind her na lang. Papansin lang siya." ani Hazel.
Matalim kong sinundan ang paghawak ni Hazel sa braso ng lalaki at nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Joziah Kyro.
Kusang tumaas ang kilay ko sa kanya.
Iniisip siguro niya nagseselos ako. In your dreams!
Dahil isa siyang Joziah Kyro Villanueva hindi siya sumusinod sa kahit anong utos. Inalis nya ang kamay ng babae sa braso nya at naglakad palapit sa akin.
Kumabog ng mabilis ang puso ko. Hindi naman ako kinakabahan kanina. Ilang hakbang lang ay nakalapit na siya sa akin. Natahimik muli ang mga tao nang yumukod siya ng kaunti para pantayan ang mukha ko. Nasa bulsa pa rin ang dalawang kamay nya.
Pilit kong pinapakalma ang buong sistema ko. Hindi dapat ako maapektuhan ng ganito.
"What do you want woman?"
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko ng muli siyang magsalita.
"Are you just like them who will create scenes para mapansin ko?' nakangising saad nya.
Aba! Ang yabang nito ah!
Biglang nawalan ng emosyon ang mukha ko sa sinabi niya. Bumalik lahat ng galit na kanina ko pa tinitiis.
Ngumiti lang ako. Inangat ko ang kamay para hawakan ang pisngi nya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi agad siya nakakilos. Marahan kong hinaplos 'yon. Umangal si Hazel pero ang kinagulat ko, naming lahat, nang tinaas ni Joziah Kyro ang kamay hudyat na tumahik sila. Hiyaan pa rin ako sa paghaplos sa makinis niyang mukha.
Hmm.. sarap sampalin!
Nanghihiyanang ako dahil masasampal ko ang makinis at gwapo niyang mukha. Hindi ko ikakaila na gwapo talaga siya sa lahat ng narito. Pero tuwing naiisip ko na siya si Joziah Kyro Villanueva, isang playboy nawawala ang panghihinayang ko.
"Bakit ba hindi nila magawang masampal itong gwapo mong mukha?"
Dahan dahan nawala ang ngiti sa labi nya. Tumayo siya ng maayos kaya hindi ko na naabot ang pisngi niya. Nagkomentuhan ang mga kaibigan nya sa likod.
"You have the audacity to say that to me, huh?" Nakita kong dumaan na pagkamangha sa mata nya na kaagad nawala.
Ngumisi ako. Kalmado pa rin at tanging gusto ko ay mailabas ang mga saloobin ko
"Hindi lang 'yon Joziah Kyro. Gusto mo pa bang malaman ang iba?"
Umigting ang panga niya pero hindi siya nagsalita. Binasa n'ya ang manipis at mapulang labi. Salubong naman na ngayon ang kilay n'ya habang mariing nakatitig sa akin.
"Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero may bago agad? Tapos ngayon may dumating pang isa at sasabihin mong bet lang siya?!" Sa puntong 'to sumigaw na ako. Wala akong pakialam sa magiging kahihinatnan nito mamaya.
"Do you think I care?" walang emosyong aniya.
"Tanga ka ba o ano? Hindi sila laruan para pagpustahan gago!"
"Is this even real?" anang isa sa mga kaibigan ni Joziah Kyro.
"Pre, pasapak nga ako baka nanaginip lang ako." bulong ng isa.
"H-how there you to call him that bitch!" madramang sigaw ni Hazel.
Kusang umangat ang kamay ko at hindi ko namalayang sinampal ko siya sa kabilang pisngi niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (138)

  • avatar
    Geiancris Canonigo

    I love your story… it’s sooooooo cute🥰🥰🥰

    31/05/2022

      0
  • avatar
    darmariel

    ang ganda ng story, nakakakilig masyado!!!! pogi mo joziah!!!!

    25/04/2022

      0
  • avatar
    DapidapMeriam

    ........

    06/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด