logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Ghosting

"BRO! Abot tenga ngiti natin ha. Bagong babae na naman?" barumbadong tanong ni Louigie.
For the first time in history, nagreply na ko sa message niya. Wala naman sigurong masama if magreply 'di ba? He drew an obvious smile on his face at lumabas ang dimples niya. Napangiti rin ako na parang ewan. I fake coughed to interrupt him since he's like daydreaming tapos kanina pa siya tinatawag ni Louigie to serve the fruit salad.
"Hindi nu. Bagong buhay na ko. Alis ka na nga!" maagap na sabi ni Christian sabay pinaalis ang kaibigan.
Pagkatapos naming magserve, inalis na namin ang suot naming apron at kumuha na ng makakain. Nagkasalubong naman kami ni Christian sa gitna ng long table para kumuha ng pagkain. I walked to the right but he went the same way, so I turned to the left but then he did the same. Napakamot naman siya sa ulo and smile shyly. Napatingin ako sa paligid buti nalang at hindi naman kami nakaagaw pansin.
I really hate it when the class teased us. Uhh! Very disgusting! He gestured me na ako na ang umuna para hindi kami mag-abot at malito.
"Mauna ka na Miss Beautiful este President," bawi niya sa sinabi and I walked past him.
"Sofia, dito tayo!" tawag sa 'kin ni Queenly kaya dumiretso na ko kung saan nakaupo ang mga friends ko.
"Sofia, tikman mo 'tong avocado shake. Promise magugustuhan mo," alok ni Gale sa 'kin.
Hindi naman ako masyadong mahilig sa shake but I accepted it as respect sa gumawa, sayang naman. Inamoy ko muna bago ininom ang shake and yeah masarap nga siya.
"Who made this? It's awesome!" I exclaimed while wiping the liquid dripping on my lips.
"Mommy ko."
Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod at napalunok ng wala sa oras nang makita si Christian dala-dala ang isang birthday cake. Everyone was surprised especially me. Alam niyo 'yong ano'ng-meron-look? That reaction was written on their faces while their mouth forming an o. Everyone started to sing "Happy Birthday" including the other sections. 'Yong iba napilitang sumabay, nakakatawa nga silang tignan eh kasi napakaclueless ng mga reaction nila.
"Everyone louder and faster!" sigaw ni Christian at nagsilabasan ang mga kalokohan ng mga kaklase ko.
Ang circle of friends ni Christian ay nagtwetwerk na sa gitna samantalang 'yong mga babae naman nagrorock in roll as if may hawak na gitara. Ang mga friends ko naman ay pinapalo-palo pa 'yong utensils para mag ingay habang kumakanta. Swear ang gulo at ingay nila kasama pero sobra akong napasaya.
"Make a wish." Nilapit sa 'kin ni Christian ang cake while my lips still parted in awe.
I closed my eyes and make a wish then blew all the candles. Niyakap naman ako agad ng mga friends ko at binati rin ako ng iba ko pang kaklase. Kumalas na ko sa yakap at kinausap si Christian.
"Pa'no mo pala nalaman na birthday ko ngayon? As far as I remember, wala talaga akong pinagsabihan do'n." I asked him out of curiosity. Mali rin kasi ang nilagay sa FB account ko eh.
"Ah ano... Nakita ko kasi 'yong baby sister mo na gumagawa ng birthday card kahapon," he replied na parang nahihiya pa.
"Gano'n ba? Thank you, Christian ha. I really appreciate it." I plastered a wide sweet smile.
Umiwas ako ng tingin the moment he started to stare at me. Natagalan pa ang titig niya so I cleared my throat.
"Ah nga pala, for you."
Buti naman at natauhan siya. Inabot niya sa 'kin ang isang boquet of roses na mas ikinagulat ko. Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi kasi baka may ibang ibig sabihin 'yon, ayoko naman ng gano'n. Napatingin naman ako sa paligid when I heard the crowd teasing us which was really embarrassing.
"AYIE! NANGANGAMOY BAGONG LOVETEAM!"
"Girl! Tanggapin mo na, mangangalay na 'yong tao oh," bulong naman ni Queenly sa 'kin sa likod kaya napangiwi ako.
Fudge! Nakakahiya feel ko namumula 'yong pisngi ko sa hiya. Nakakairita 'yong mga tingin nila, sarap nilang sapakin isa-isa. Tatanggapin ko ba? Wala naman sigurong masama kung kunin ko tutal birthday ko naman.
"Kung ayaw mong tanggapin edi sa akin nalang." Queenly mocked me at akmang aagawin na ang bulaklak pero naunahan ko na siya.
"Thank you sa flowers." Alanganin akong ngumiti dahil sa pressure.
Ano bang meron sa araw na 'to? May paganito pa? Ramdam na ramdam ko ang titig at ngiti ni Christian sa akin. Hindi naman ako naiinis or what but for sure ayoko talaga ng mga ganitong eksena.
"Boys! Please return the table at the library," utos ng adviser namin.
Buti nalang at dumating si Miss para maputol na ang eksena. Nagkaniya-kaniyang balik na rin ang mga students ready for go home na.
"Girl, feel ko talaga seryoso talaga siya sayo." Judy giggled at sinabayan pa nila ng tili mabibingi na talaga ako sa ingay nila.
Si Jonnah, parang okay lang naman siya. Bilib din naman ako sa kaibigan kong 'to, kahit na may gusto pa rin siya sa ex-bestfriend niya sumasabay pa rin naman siya sa amin. Parang hindi siya nagseselos or should I say naimmune na siguro siya na makitang gano'n si Christian sa ibang babae.
Palabas na kami ng school nang biglang tawagin ang pangalan ko. Napatingin kami kung saan nanggaling ang boses at pinaghahampas na naman ako ng mga nakakalokang kaibigan ko. Hingal na hingal na humabol sa amin si Christian dala ang tupperware na nakalimutan ko dahil sa mga pasurprisa niya kanina.
"Nakalimutan mo 'yong tupperware ni Tita este ng Mama mo," hirit ni Christian at kinilig naman ang mga kasama kong bruha.
Hayst! Ewan ko talaga sa kanila.
"Thank you ha." Napangiti na naman siya ng nakakaloko.
Natural ba talagang nagkakaganyan siya kapag kinausap ko?
"Pwedeng sumabay na ko sa inyo pauwi? Pupuntahan ko kasi ang Tita ko, nakatira rin siya sa Mira Village. If okay lang?" sabi ni Christian sabay hawak sa strap ng backpack niya. Nagkatinginan kaming apat naghihintay kung sinong sasagot.
"Oo naman." All eyes drifted on Jonnah's direction when she answered Christian with that emotionless face.
Nagtagpo naman ang mga kilay namin suot ang seryoso-ba-siya look. Pero parang wala naman siyang paki kaya go nalang din kami.
"Let's go?" ani ni Christian na hindi nakatingin kay Jonnah.
Sinimulan na nga naming maglakad sa nakasanayang shortcut pero nakakailang sobra kasi nga kasama namin si Christian. Parang walang gustong magsalita at nagtutulakan pa sila Judy para mag open up ng topic. Nakakabingi 'yong katahimikan, ingay lang ng mga maya ata naririnig namin eh.
‘Magsalita kayo please lang. I prayed at the back of my mind.’
"Nga pala, punta kayo sa birthday ko bukas ha." Sa wakas nabasag rin ang katahimikan nang mag-aya si Christian.
"Hala, magkasunod pala kayo ng birthday ni Sofia?" ani ni Judy.
"Oi meant to be!" The girls giggled except for Jonnah and Gale. Natigilan naman sila nang sikohin sila ni Gale saka nakanguso sa direksiyon ni Jonnah.
"Sana nga," Christian whispered just enough for me to hear it.
"Sorry hindi ako makakapunta, may pupuntahan kami ni mama bukas," ani ni Jonnah na nakayuko.
"Gano'n ba?" ani naman ni Christian na hindi pa rin makatingin kay Jonnah.
"Nga pala Christian, hindi ako sure na makakapunta ako bukas baka kasi hindi ako payagan ni mama." Pagpaalam ko para hindi naman siya mag-expect na present ako bukas.
Natahimik ulit kami at hindi namin namalayan nasa tapat na pala kami ng malaking gate ng guardhouse. Kakilala ni Christian ang guard kaya pinapasok na rin siya. Dahil nasa Block 1 ang pupuntahan ni Christian ay nauna na siyang humiwalay samin. He waved goodbye and we all waved back.
"Ano na girl? 1 week ka nang nag-iisip oi, magdecide ka na habang mas maaga pa," ani ni Queenly sa 'kin wearing that ano-na-desisyon-mo look.
Napatingin ako sa kanilang lahat na naghihintay ng sagot. Nagbuntong-hininga muna ako at pati 'yon inabangan talaga nila.
"Oo na! Sasagot na! Napag-isipan ko naman, gusto ko--" Naputol ang sasabihin ko nang may umepal.
"Gusto mo siya?" sabat ni Judy.
"Wag ka ngang epal Judy, patapusin mo muna," ani ni Gale.
"Epal ka talaga kahit kailan nuh!" inis na sabi ni Queenly kulang nalang kukutusan na niya sa ulo si Judy.
"Gusto ko siyang maging--" Naputol ulit ang sasabihin ko kaya mas nainis sila kay Judy.
"Gusto mo bang masabunotan ha?" inis na sabi ni Queenly at umakto pang susugorin na niya si Judy na agad namang pinigilan ni Gale.
"Girl, kalma." Nagpagitna na si Gale sa kanilang dalawa kasi nangangamoy rambol na 'tong dalawa.
"Eh! Sa gusto ko na siyang kalbuhin kanina pa siya epal ng epal eh! Para bang ikinaganda niya," inis na inis sa sabi ni Queenly at halatang gigil na gigil nang sabunotan si Judy.
"Gusto ko siyang maging kaibigan! Okay na? JUST FRIENDS! Pwede na tayong maglakad ulit?" bulyaw ko sa kanila para matapos na at makauwi na kami.
"ANO?! PAGKATAPOS NG PINAPAKITA NIYANG MOTIVE SAYO FRIENDS LANG? SERYOSO KA?!" walang prenong protesta ni Jonnah sa 'kin na duda ko ang lalim ng pinaghuhugotan niya.
"Love is not my priority as of now and besides this matter should not be rushed." Natameme silang lahat sa biglaang pag-english ko kaya hindi na sila umangal at hindi na sila naging pressure cooker.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
A week passed at hindi na ko nakatanggap ng mga messages mula kay Christian. Hindi na rin siya masyadong dumidikit sa 'kin. Hindi ko na rin siya masyadong nakikita sa klase. Para bang iniiwasan niya ko.
After class, bigla siyang nawawala sa seat niya at babalik lang kapag nandiyan na ang teacher. Nakakapanibago lang kasi, dati siya naman 'tong parang sunod ng sunod tapos nagpapansin sa 'kin. Dati rati siya 'tong lapit ng lapit, bakit parang nagbago ata ang ihip ng hangin? Siguro namulat na siya sa katotohanan na nabigla lang siya at hindi niya talaga ako gusto.
Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Nagtatampo kaya siya dahil hindi ako nakapunta sa birthday niya? Hindi naman siguro. I told him ahead of time na hindi ako sure kaya siguradong insufficient reason 'yon para iwasan niya ko. Nagtawagan pa nga kami sa birthday niya at nagmessage rin ako.
"May nasabi kaya akong nakakaoffend? Ah! Ewan! Bakit ko ba siya iniisip? Malapit na ang first quarter exam kaya kailangan kong magstudy at 'yon lang dapat ang iniisip ko wala ng iba." I unconsciously talked to myself then I looked around if someone noticed me.
"Hay naku! Ang gulo ng mundo. May iba diyan ang gusto ay kaibigan lang pero naghihintay ng message," pagpaparinig ni Queenly sa 'kin pero nagpatay-malisya lang ako at patuloy na nagsulat sa notebook.
Para naman akong nabuhayan ng loob nang mangvibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ng uniform ko. Dismayado kong tinago ang cp nang mapagkaalamang ang kaibigan kong si TM lang pala ang nagmessage ng advisories.
"Disappointed ka na niyan?" parinig ulit sa akin ni Queenly pero hindi ko ulit 'yon pinansin at nagself study ulit.
Nagtagal ang hindi pagpaparamdam ni Christian sa akin. I received nothing at all from him. Mas mabuti na rin 'yon kasi walang dumidisturbo sa review ko for the exam. And my first quarter exam here in public school eventually came.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"FINISHED or not finished, pass your papers! 10, 9, 8, ... All papers in? Late papers will not be accepted." A stingy high-pitched voice thundered the classroom as the proctor collected the papers by column.
Here we go again, sa mga rituals every quarter exam. After the cheating arrangement settled, nagsisilabasan ang mga technique ng mga estudyante. Kopyahan dito, diskarte doon, hingi answer sa katabi, hand signal sa multiple choice at eto pa ang matindi, exchange testpaper kapag nakatalikod ang proctor.
Kanina nga kinalabit pa ko ng classmate ko sa likod pero matatakutin kasi ako sa mga gano'ng galawan. Hindi ako marunong magpakopya kaya walang kiber nalang ako sa mga pinaggagawa nila. Ayoko ring mahuli ng proctor like duh! Kung nag-aral ka makakasagot ka talaga sa exam pero kung pinag-aralan mo pero wala kang masagot, edi ‘wag mo ng pilitin. Simple as that, grades don't matter when you go to the real world outside the school anyway. The important thing is you did your best and you passed the subject.
Dahil tapos na ang first quarter exam ay naisipan kong puntahan si Adrian para magpractice ng guitar. Palagi ko naman siyang nireremind na magpapractice kami pero siya naman 'tong ayaw at marami daw siyang ginagawa. Tinanong lang niya ko sa messenger kung ano'ng kanta kakantahin namin at siya na raw bahala magpractice sa bahay.
Hindi naman sa wala akong bilib sa kanya pero mabuti na 'yong sigurado 'di ba? Mas maganda pa rin 'yong nagpapractice kaming dalawa para naman hindi ako mashock if ever may changes. Most of all, mas matatrack namin ang progress naming dalawa for the practicum.
"Class Dismiss!"
And the class went wild, the boys tossed their reviewers in the air kaya nagkalat ang mga papel sa classroom. Ang mga girls chill lang kasi nga easy lang daw ang exam. Honestly, easy lang naman talaga kapag first quarter exam ika nga nila wala dawng challenge. Char. Masyadong confident sila nuh.
Anyway, third and fourth quarter talaga 'yong mahirap like pagpapawisan ka talaga kakaretrieve sa mga pinag-aralan mo both short-term and long-term memory. Alam mo 'yong feeling na parang nagsteam na ang batok mo kakaisip kasi ‘di mo maalala ang sagot. Promise nakakastress talaga basta third and fourth quarter.
Isa pa sa kaibahan ng public school from private school is ang number of exams. Sa dati ko kasing school ikawalo kami mag-iexam samantalang dito sa public school ay ikaapat lang. One-half lengthwise or 1 whole sheet of intermediate paper ang answer sheet sa exam sa public school kaya nagulat talaga ako kanina kasi sa LSU sa test paper mismo ilalagay ang answer by item. Sa test types naman, same lang pero mas maikli sa public school like 50-70 points ang exam, sa previous school ko kasi 100 points tapos ikawalo kami mag-iexam ha.
"Girls! Palamig tayo since tapos na ang exam," aya ni Judy.
"Kayo nalang muna, magpapractice pa kami ni Adrian," agad kong tanggi.
"Hoy! Baka iba na 'yan ha!" pabirong sabi ni Judy at nakangiti pa ng nakakaloko.
"Sira! Practicum sa Music ang papractisan namin oi," ani ko sabay pisil sa pisngi niya .
"Hala! Oo nga pala, hindi pa kami nakapagpractice ni Louigie," ani ni Judy sabay napasabunot sa makulot niyang buhok.
"Pa'no 'yan? Next Friday na 'yong presentation," alalang sabi naman ni Gale.
"Everytime kasi na bibigyan tayo ng time para magpractice, palagi kayong nag-aaway. Magkalinawan nga kayong dalawa, wala kayong mapapala kung palagi kayong nagtatalo."
Napanganga kaming lahat sa sinabi ni Jonnah still wearing that serious face na para bang siya 'tong Ate namin. Jonnah is our youngest but when she talks, it really makes sense.
"Sumabay nalang tayo kina Sofia para mas makaprepare tayo. Samahan nalang din kita Judy para hindi kayo magbangayan ni Louigie," kalmang sabi ni Gale.
Si Jonnah at Judy ang magbestfried, kami naman ni Queenly tapos si Gale ang neutral. Siya 'tong palaging pumipigil at nagpapagitna sa aming apat para iwas pikonan. Kung wala siya ewan ko talaga lalo na sina Queenly at Judy na ang magkainitan, wasak talaga.
"Ayan tayo eh. Ikaw pa 'tong nag-aaya na magpalamig, hindi ka pa pala nakapagpractice para sa practicum," maarteng komento ni Queenly then rolled her eyes.
Heto na naman sila. Nagsisimula na naman po silang magkainitan.
"Hay naku! Mga babae talaga, sakit sa ulo minsan." I uttered deep down my breath, but I made sure that they won't hear it.
Mas madalas 'yong pikonan nila simula no'ng nalaman ni Judy na may gusto rin si Queenly kay Louigie na crush niya since Grade 6. Eh itong si Louigie parang crush rin si Queenly kaya nagselos ang bruha.
"Ewan ko sa inyo! Madaming isda sa tubig ba't nag-uunahan kayong bingwitin 'yong isa lang? Logic please," pagpaparinig ko sa kanila at nilakasan ko talaga para matamaan silang dalawa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (115)

  • avatar
    SantosXia

    thank you so much

    2d

      0
  • avatar
    Earl Yohann Kyle Alday

    it's a nice story life of after breakeup

    27d

      0
  • avatar
    Henry Malbacias

    okayy

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด