logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Ninja Moves

"HALA! Sino'ng nagnakaw ng tumbler ni Sofia? Ikaw ba?" biro ni Louigie at tinuro-turo pa si Judy.
Naasar naman si Judy sabay hampas sa crush niya. Nagtuturo-turo na ang iba ‘tsaka nagkakatuwaan na para bang joke lang 'yong pagkawala ng tumbler ko habang ako nag-aalala dahil baka pagalitan ako ni mama pag-uwi.
"Okay class, I will conduct an inspection. Please put your things on the armchair," Miss announced and the class murmured.
Sinimulan naman ni Miss ang inspection at binukas lahat ng mga classmates ko ang mga bag nila. Malapit ng matapos ang inspection pero wala talaga 'yong tumbler ko. I bit my lower lip to stop myself from tearing up. Kinakabahan na talaga ako kasi last person na pero wala talaga.
First time ko tong manakawan ng gamit sa school, tumbler pa talaga. Alam niyo 'yong feeling na parang mas mahal pa ni mama ang tumbler kaysa sa 'kin. Tupperware kasi ang brand. Kainis!
"Okay ka lang?" Queenly asked a very obvious question but I just nodded.
"I will contact the lost and found in-charge Ms. Engracia and you can check it after class," Miss assured me. Natapos nga ang klase at pumunta ako sa lost and found pero wala talaga. I started getting anxious.
Bumalik nalang ako sa classroom at binaon ang mukha sa armchair. Iiyak na sana ako nang magvibrate na naman ulit ang phone ko.
From: 0912678****
Pumunta ka ng library. I think I found your tumbler.
Umatras ang mga luha ko sabay lumiwanag ang mukha ko pagkabasa ng text. Dali-dali akong nag-excuse sa teacher sabay dumiretso sa library. Pagpasok ko, walang tao so I roamed around to check if there is anyone but only the librarian was there reading on her table. I heaved a frustrating sigh and walked around the last shelves. I raised a brow when I saw Christian holding a book about Arts.
Hindi ko pa nakakalimutan na siya ang dahilan kung bakit naiinis ako sa araw nato. I chuckled when I realized that he was really not reading. Eh kasi naman, paano siya nagbabasa na baliktad naman 'yong hinahawakan niyang libro. He cleared his throat when he noticed my presence and returned the book back at the shelf.
"Ahm... nga pala tumbler mo." Inabot naman niya sa 'kin 'yong tumbler.
I was surprised to see it again at agad kong kinuha 'yon sa kamay niya. Magpapasalamat na sana ako sa kaniya nang mapagtanto kong wala pala siya sa inspection kanina. On second thought, don't tell me he's the one who stole my tumbler and the unknown number? Pero parang mali naman atang sabihin 'yon.
"Where did you find this?" I calmly asked trying to cover my suspecting tone.
"Hindi ako nagnakaw niyan oi! 'Wag kang mangbintang." Aba-aba! Kung makapagsalita parang ako pa 'tong bintangera.
"I haven't said anything like that," bawi ko naman but there's really something off about it. Nag-iba kasi ang timpla ng mukha niya.
"Basta 'wag ka ng magtanong, ang importante naibalik sayo."
Tama nga naman siya kaysa naman uuwi ako tapos sisermonan ako ni mama. He smirked then walked passed over me then suddenly stopped that surprised me. I can only see his back and was about to ask him about the unknown number.
I stepped back when he walked towards me until my back felt the wall as he leaned towards me. I looked away trying to avoid his face because he's really close that only the tumbler separating us. He leaned closer to my ears and whispered softly.
"Please reply." He left me stunned right on the spot.
-------------------------------------------------------------------------------------
"HA?! SI CHRISTIAN?" Napaatras ako sa malakas na sigaw nilang apat akala ko nabasag na ang eardrums ko but I think it's fine.
"Hoy! Ano ba baka may makarinig sa inyo." Sabay pa silang napatakip sa bibig at nagpeace sign. Nandito kasi kami sa tapat ng comfort room.
"Oi! Infairness sayo nagtatagalog ka na ha! Congrats!" pambasag eksena naman nitong si Gale. So far, natuto na rin akong magTagalog kahit papa'no, alangan namang sila pa ang mag-adjust sa akin tapos ako 'yong bago, 'di ba?
"So ano textmate na kayo?!" sabi ni Jonnah sabay hampas sa'kin, halatang kilig na kilig.
"Not exactly because I'm still not replying to his text."
Napasapo naman sa noo si Judy dahil nag-english na naman ako ng hindi sinasadya. I mouthed sorry and nagpeace sign ako sa kanila. Ang hirap talagang mag-adjust lalo na kapag nakasanayan mo na.
"'Di ba sabi ko sa inyo, crush ni Christian si Sofia. Halatang-halata kaya sa pasulyap-sulyap niya lalo na kapag oral recitation. Minsan nga nakanganga pa siya habang nakatitig sa kaibigan na--" Naputol ang sasabihin ni Judy nang takpan ni Queenly ang bibig niya pagkakita naming paparating 'yong girlfriend ni Christian.
Nagulat kami nang makitang namamaga ang mga mata niya at sabay naman kaming nagtinginan.
"Umiyak ba siya?" mahinang tanong ni Queenly sa 'kin. She really loves to state the obvious.
I shrugged at umalis na kami sa pwesto namin at bumalik na sa practice. Dahil nga ako ang class president ako na ang naglead sa practice kasi sina Queenly naman ang nagcompose ng jingle namin.
Ako na raw bahala sa dance steps and action since forte ko naman daw 'yon. Ang hindi nila alam madali akong mairita especially sa mga taong hindi ginagawa ng maayos ang gusto kong ipagawa.
Sino ba namang leader ang hindi maubosan ng pasensya lalo na kapag napakatigas ng ulo ng mga members 'di ba? Kahit sinong leader may gano'ng attitude.
Walang klase the whole afternoon dahil binigay ng mga subject teachers namin ang time for practice. Naglundagan ang lahat sa saya dahil walang klase at bago kami nagpractice, nagroll-call muna ako for attendance. Nag-instruct kasi ang aming adviser na dapat lahat kasali sa jingle, present naman lahat except for one.
"Adrian Martinez?" I gave a wondering look to everyone. Nagsimula naman silang magtinginan, 'yong iba walang pakialam.
"Kuya Kevin, can you call Adrian for the practice?" pakiusap ko kay Kuya at lumabas din naman siya agad sa room para pumunta sa AVR. Ewan ko bakit do'n siya palagi tumatambay.
"Before we start our practice guys, I want to ask for your cooperation. Please lang 'yon lang ang hinihingi ko para naman mas madali tayong matapos at makauwi. Okay ba 'yon?!" I carefully controlled my facial expression because I'm getting temperamental and I don't want to burst out of frustration.
"Boys! Umayos nga kayo! Hindi madali maging class President ha! Puro kayo reklamo, ayusin niyo kasi 'yong part niyo!" inis na sabi ni Judy dahil ayaw niya talaga ng paulit-ulit.
"Hoy! Sa tingin mo ba ang galing-galing mo sumayaw? Para ka ngang robot na ewan eh!" inasar na naman ni Louigie si Judy.
Akmang susugorin na sana ni Judy ng suntok si Louigie dahil sa inis. Buti nalang pinigilan agad nila Gale.
"'Di ba ang daling mapikon? Blehh!" patuloy na inasar ni Louigie si Judy kaya naman nagpagitna na ko para harangin si Judy nang makawala siya sa kamay nina Gale.
Ewan ko sa dalawang 'to, araw-araw parang aso't pusa magbangayan. Walang araw na wala silang pinagtatalunang bagay. Sila nga 'yong highlight sa debate namin sa History class kaninang umaga eh.
"Louigie, Judy pwede ba kahit ngayong week lang 'wag kayong magtalo! Malapit na ang nutrition month hindi pa tayo nakakalahati sa jingle natin." Napalakas 'yong boses ko kaya napatahimik sila na para bang ngayon pa nila ako nakitang gano'n.
"WOW! NAGTAGALOG NA SI PRES! YEY!!" Napatingin kaming lahat sa nagsalita at lahat sila ay nagpalakpakan.
Lumakad si Christian palapit sa pwesto namin at nagulat ako ng inakbayan niya ko. I swat his hands away and immediately go back to the front to start the practice.
At first, I found it problematic while watching their performance yet after the third repetition they executed better except for Shaira, the playboy's gf. I let her be as long as she participated. Perhaps, she has a problem so I understand.
Nakabalik na si Kuya Kevin pero ayaw daw sumali ni Adrian sa jingle practice and that concerned me. Pinilit na raw niya and kinumbinsi pero ayaw talaga so it's my turn to approach him. Ang arte niya ha! Hindi siya artista para magrefuse nu, hindi bagay sa kanya.
"Guys! 10 minutes break muna," I announced bago lumabas ng classroom.
Napadaan ako sa ibang sections na nagpapractice rin ng jingle. Pagdating ko sa AVR, kapag minamalas ka nga naman wala si Adrian do'n. Napasapo ako sa noo ko nang makitang wala namang tao sa AVR at saan ko naman 'yon hahanapin?
"Sabi ni Kuya Kevin nasa AVR lang daw siya eh." I tilted my head while having a sneak peek at the AVR again.
Pumasok ako sa AVR para maghintay since 10 minutes naman ang binigay kong break. I'll just extend it for 5 more minutes.
"Baka lumabas lang 'yong tao, may binili or he ran for an errand." I scoffed when I realized I was convincing myself hoping he will come any minute from now.
Sa pagkakaalam ko kasi close siya sa mga teachers. Minsan siya 'yong inuutosan magprint ng mga certificates or mag edit ng tarp. Kumuha ako ng white chair at umupo habang nagtitingin sa mga paintings and awards ng school. Napahinto ako sa pagtingin nang magvibrate na naman ang phone ko. Nagtext na naman si Christian na-aannoy na nga ako eh.
Hindi pa rin siya nakakatanggap ng response mula sa'kin since that library scene. Wala talaga akong planong replyan siya and I don't know why. I'm grateful that he found and return my tumbler that day but he's really not my type. I just hope he'll get tired of what he's doing.
My thoughts were interrupted when I heard my phone ringing. Muntik ko pang mabitawan ang phone ko nang makita sa screen kung sinong tumatawag. Just as I hope na tigilan niya na ang kakatext dahil wala naman siyang natatanggap na reply sa 'kin tsaka naman niya ko tatawagan.
"Aish! Nakakainis!" I tap the end button and turn off my phone.
Baka sakaling magising siya sa katotohanang ayaw ko ng ka-textmate at nagsasayang lang siya ng load.
Dahil malapit ng maubos ang 10 minutes break at wala naman 'yong hinihintay ko, napagdesisyunan kong lumabas na ng AVR. Hindi pa ko nakakatapak sa labas ng AVR nang makita ko si Christian heading his way to the AVR.
Ayoko talagang makaencounter siya sa hallway kaya imbes na babalik na ko ng classroom ay bumalik ako sa silid at dumiretso sa comfort room para hintaying lumagpas siya sa AVR at hindi kami magpang-abot sa daan.
Nagmadali akong pumasok sa comfort room at dahil akala ko walang tao ay binuksan ko na agad ang pinto na walang katok-katok sabay lock. Natigilan ako sabay napabitaw sa doorknob nang mapagtantong may tao pala akong kasama. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakitang nagbibihis ng uniform si Adrian.
Napaawang ang labi ko at hindi ako nakagalaw lalo na no'ng natapos siyang magbihis at humarap sa akin, gulat na gulat. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Fudge! I can't read what's on his mind. Ano ba 'to? 'Wag naman sana siyang mag-isip ng kung anu-ano sa 'kin. Gusto kong sampalin ang sarili ko bakit kasi hindi ako kumatok. Kanina lang pala siya nandito. I muttered a curse to my stupidity. Before he could say something, I quickly raised my hands in front of my face to defend myself with my eyes closed.
"Wala akong intensiyong silipan ka o manyakin ka at kung anumang tumatakbo diyan sa isip mo. I-Im sorry. Hindi ko si-nasadya ‘tsaka hindi ko alam na may tao," utal-utal kong depensa sabay isa-isang idinilat ang mga mata ko at tumingin sa ceiling para umiwas sa mga mata niya. Lalabas na sana ako ng comfort room nang marinig ko si Christian na tinatawag ang pangalan ko.
Nagtinginan kaming dalawa sa loob sabay iwas. Nakakailang sobra at sigurado akong naiilang rin siya at hindi alam kung ano'ng gagawin. Akmang hahawakan ko na ang doorknob para lumabas sa comfort room nang maunahan niya ko kaya ang kinalabasan nakahawak ako sa kamay niya. Binawi ko agad ang kamay ko nang may kuryenteng dumaloy sa akin nang mahawakan ko ang kamay niya.
‘Nakakahiya ka Sofia,’ I cursed myself in my head.
"Stay here," malamig niyang sabi bago binuksan ang pinto.
Wow ha! Sa dami ng nasabi ko, 'yon lang ang response niya sa 'kin. Ang tipid naman nitong magsalita parang ang mahal mahal ng laway niya.
"Wala siya dito," rinig kong sabi ni Adrian mula sa labas.
Ganyan ba talaga siya magsalita? Parang yelo. Swear! Parang mapermafrost ang tenga niyo everytime na magsasalita siya.
"Gano'n ba? Baka bumalik na siya sa classroom. Hinahanap ka pala ni Miss Beautiful este ni President." I rolled my eyes with the last phrase coming from Christian.
Style kasi niya bulok. Ah basta, it's disgusting. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig na paalis na si Christian. I really don't know how to approach him kaya iniiwasan ko siya since that library scene.
Pwede na kaya akong lumabas? Pinihit ko ang pinto at nagpanic ng hindi ito gumana. Nagdalawang-isip ako kung kakatok ba ko o hindi. Baka kasi hindi pa talaga nakaalis si Christian ng tuloyan at mabisto pa niyang tinataguan ko siya. Napabuntong hininga ako nang may kumatok at pinagbuksan ako.
"Bakit mo ko hinahanap? 'Wag mo na akong kumbinsihin hindi ako sasali sa jingle," diretsong bungad ni Adrian sa 'kin with that cold tone.
"And why is that?" I scowled my brow and passed over him trying to get away from the comfort room and forget that embarrassment of mine. Baka mainterrogate pa ko ng todo nito.
Gladly, hindi naman siya nagtanong but he didn't respond. He sat instead and faced the laptop typing something. Nacurious naman ako kaya lumapit ako at tinignan kung ano'ng ginagawa niya. Naglalay-out siya ng certificates para sa nutrition month. Wala ata 'tong plano sagutin ang mga tanong ko.
"Hey! I'm asking a question, don't you hear me?" I crossed my arms in front of my chest sabay nakasimangot.
"Ang hirap pala nitong kausapin parang bingi." I whispered to myself pero sakto lang din para marinig niya.
"Adrian! Are you deaf? I'm talking to you!" I blinked twice but he's completely ignoring me.
"Ano ba 'to, para naman siyang pipi ngayon. Napakamahal ba ng laway mo at ayaw mong sayangin para sagutin 'yong tanong ko?" He stopped typing to look at me but he just smirked and go back typing again.
Nang-aasar ba siya? Naku-naku! 'Wag niya talagang ubosin pasensya ko.
"Adrian? Are you listening? Bakit ayaw mong sumali? Kahit props men ka nalang, okay na 'yon."
Napakamot siya sa ulo at akala ko sasagutin na niya ko pero wala. Bumalik lang siya sa ginagawa niya. Akala ko pa naman pinag-iisipan niya 'yong offer ko.
I dragged the white chair and sat adjacent to him. Ayaw niya pala akong sagutin ha. Tignan natin kung hindi ba siya madidistract sa titig ko. I think ayaw niya sa lahat ang titigan siya kaya 'yon ang naisipan kong gawin. Surprisingly, tumigil nga siya sa ginagawa niya and closed the laptop.
"Busy ako."
Here we go again. The cold tone of his, parang gustong-gusto ko siyang magsalita tuloy. Kulitin ko nga nachachallenge ako eh.
"Ano bang pwede kong gawin para sumali ka?" He stopped and looked at me seriously.
Napatakip ako sa bibig ko when I realized na nasabi ko pala 'yong nasa isip ko. Wrong move Sofia! I pursed my lips sabay tumalikod sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil hiyang-hiya na talaga ako. Before I could step out of the room, my brows furrowed when I heard him answered.
"Reject Christian." 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (115)

  • avatar
    SantosXia

    thank you so much

    2d

      0
  • avatar
    Earl Yohann Kyle Alday

    it's a nice story life of after breakeup

    27d

      0
  • avatar
    Henry Malbacias

    okayy

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด