logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

After dinner ay dumerecho na nga silang lahat sa may pool area. Mga naka-ready to swim na kasi sila. Pero ako ay pumunta muna sa room ko para makapagbihis nang damit pang-langoy.
Paglapit ko sa pool area ay nagkakasiyahan na sila. Ang lahat ay nakalublob na sa malawak na infinity pool. Ultimo si Baby Michael na buhat-buhat ni Marlon ay nag-eenjoy rin at masayang pumipisik-pisik sa tubig. Nilalaro siya nila Ruth at Liza.
Habang ang mga ‘lovers’ ay may kanya-kanyang pwesto. Si Ken naman ay parang may sariling mundo na mataman lang na nakatingin sa iba naming mga kabarkada pero pag may humihirit ng mga jokes ay nakikitawa naman siya. Tamang madama mo lang ang presence niya. Tama lang din ang init ng tubig para sa malamig na gabi kagaya ngayon.
Masasaya nilang mga boses ang tanging pumupuno sa buong isla.
Well, maliban sa mga kuliglig at mga tuko sa paligid.
Syempre papahuli ba ako? Para saan pa’t ako ang may-ari ng buong isla na ito kung hindi ako makikisawsaw. Kagagawa lamang ng pool na ito. Noong itinurn-over sa akin ang resort, naging problema ko ang mga guests na nagrereklamo kapag low tide at gusto daw nilang mag-swimming. Alam kong hindi ko na kasalanan yun dahil by nature na ang pagtaas at pagbaba ng tubig dagat. Pero para hindi madismaya ang mga guests ko na wala sa hulog ay naisipan ko na lamang na magpagawa ng infinity pool na ilang hakbang lamang ang layo mula sa dagat o sea shore. 5-7 feet ang lalim nito at 20 feet naman ang haba nito. Pa-number 8 ang shape niya kaya nga tinawag na infinity pool. He-he. Hindi man ako naniniwala ako sa salitang forever o infinity ay ipagkaloob na natin ang prebelehiyong iyon para sa pool na ito. Sa tuwing walang guest na gumagamit nito ay tsaka lamang ako nagsi-swimming dito. Mas gusto ko kasing nasosolo ito dahil pakiramdam ko ay hawak ko ang buong mundo sa pamamagitan ng paglalangoy mag-isa. Weird, right? Wala eh, ganyan talaga ang nagagawa ng pagiging broken hearted. Pero okay na okay na ako ngayon. Kaya nga eto at sasabay na ako sa pagsi-swimming sa mga kaibigan ko.
“Wuhow. Magbigay pugay sa Diyosa ng Isla,” ani Liza at tinignan pa talaga ako mula ulo hanggang paa nung akmang tinatanggal ko na ang bath robe ko.
“Palakpakan!” sabay palakpak naman ni Ruth na sinundan pa siya nila Martin, Vangie, Mary, Rich at pati ni Liza.
Aish! Mga baliw. Para namang ngayon lang sila nakakita ng naka-two piece.
“Yebah!” sabi naman ni Marlon at ginaya rin siya ni Baby Michael. Tawanan ang barkada.
“Woah, FHM!” Komento naman ni baklang Rich.
“Mga sira! FHM kaagad? Bigla naman daw tuloy akong nahiya senyo.” Naiiling kong sabi sa kanila at lumublob na ako sa pool.
Simula kasi ng matira ako dito sa Palawan ay nasanay na akong mag-two piece kapag nagsi-swimming. Ano bang masama sa suot kong pink polda dots na bikini? O hindi lang talaga sila sanay na makita akong naka ganito.
“Oh, shot mo!” Inabutan ako ni Rich ng isang shot glass na may laman na tequila paglapit ko sa kanya. Nasa may bandang gutter lang siya dahil siya ang tanggero. Inabutan din niya ako ng asin at isang slice ng lemon. Tinungga ko naman yun then sumipsip ng lemon na may asin. Straight heads up! Sarap! Humahagod sa lalamunan ang init na hatid ng alak.
“Wuhh, lakas!” nagulat talaga ako at nag-react siya. Promise! Si Miguel lang naman ang nagsabi niyan.
“Okay na ba yung gastritis mo?” Dagdag tanong pa niya at mas ito ang hindi ko inasahan. Tanda pa pala niya ang pesteng sakit ng tiyan ko.
Pero syempre hindi ko pinahalata na nagulat ako, “Yupp!” tumango pa ako pagkasagot ko sa tanong niya, nag thumbs up at ngumiti pa ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na minsan ay inaatake pa rin ako. Pero minsan na lang talaga, promise!
“Uy, concern….” Side comment naman ng intrimitida kong best friend.
Parang may dumaan na anghel dahil natahimik ang lahat. Nakaka-awkward naman kasi. Naku ka, Liza. Ang sarap mong sabunutan. Mamaya ka sa akin.
Dineadma ko ang mahadera kong kaibigan dahil baka humaba lang ang usapan at nakakahiya naman kay Mirasol kung mapagtampulan na naman kami ng asaran ni Miguel…tulad noon sa bundok nila Rich.
Hey, stop reminiscing Jane! Napailing na lang ako sa isip.
“Mirasol, wala lang yun ah. Ganun lang talaga kami ‘magmahalan’ na magkakaibigan dito.” Basag ni Rich sa namuong katahimikan, Talagang binigyang diin pa niya yung word na ‘magmahalan’. Isa pang abnormal. Tsk!
Na-ngi-ngiting tumango lang si Mirasol at inihilig ang ulo sa dibdib ni Miguel. Hinawakan naman ni Miguel ang ulo ni Mirasol at hinalikan pa ito sa noo.
Oh, edi kayo na ang sweet. (Sounds like bitter, eh?)
Gusto ko ng tusukin ang mata ko dahil kita ko pa rin sila on my peripheral version. Pati ang dibdib ni Miguel na nakalitaw sa ibabaw ng tubig ay nahahagip pa rin ng mga mata kong may sarili yatang utak. Parang mas lumaki yata ang mga muscles niya sa katawan.
Muli akong napailing mentally, ‘Tama na ang pagnanasa, Jane!’ Sinita ko na ang sarili ko at itinuon na lamang sa iba ang paningin.
May iba-iba ng topic ulit ang barkada.
Nahagip ng tingin ko ang nangingiting si Ken. Kumunot ang noo ko dahil mabilis siyang lumingon sa gawing kanan at parang gulat na gulat pa siya.
Mukhang walang nakapansin kay Ken dahil abala pa rin sa pagdadaldalan at tawanan ang iba pa naming mga kaibigan. Napatingin din tuloy ako bigla sa direksyon ng tinitignan niya. Nakakapagtaka lang dahil yung parte ng isla na tinitignan ni Ken ay madilim. Doon na kasi ang papunta sa magubat na area ng Isla at doon din nagsisimula ang trail paakyat ng bundok. Hindi ko na pinalagyan ng ilaw sa banda roon dahil pinapatakbo lamang ng gen set ang kuryente sa buong isla. Hindi kakayanin ng budget kung buong isla sa gabi ay maliwanag. Tanging yung mga lugar lamang na importante ang pinalagyan ko ng ilaw.
Ngayong gabi, dito muna sa infinity pool ang sinindihan ko ng ilaw at pinatay ko muna ang sa club house at sa mga labas ng cottages since wala namang ibang tao na nandito ngayon kundi kami kami lang.
Ganun talaga ang negosyante, kailangang magkuripot.
Lumangoy si Ken papunta sa akin at may binulong, “Jane, sigurado ka bang walang ibang tao dito maliban sa ating magbabarkada?” tanong niya.
Tumango ako, “Uhm. Tayo lang talaga ang nandito. Kung meron mang ibang tao ay makikita o maririnig naman natin” Imporma ko sa kanya.
“Eh yung sa likod ng isla? Paano mo malalaman kung may nakapasok na dito mula doon?”
“May electric circuit sa likod. If ever na may nangahas na pumasok ay mag-iingay yun and at the same time ay ma-ga-ground sila. Pero ever since, wala pa namang ibang tao ang nan-tresspass dito. Mababait ang mga tao dito sa Palawan. At isa pa, maririnig pa rin natin ang mga motor ng bangka kung meron mang palapit dito. As of now, wala naman akong naririnig.” Paliwanag ko sa kanya.
“Ahh. Ganun ba?” Aniya na tila nag-iisip pa siya ng malalim.
“Bakit Ken? May problema ba?”
“Wa-wala naman. Para kasing may nakita akong dumaan sa gilid ng mata ko eh. Pero siguro guni-guni ko lang yon since sabi mo nga ay wala namang ibang tao dito maliban sa atin.”
Napaisip ako sa sinabi ni Ken. Wala talaga akong idea na may ibang makakapasok dito sa isla nang hindi namin maririnig. Malabong mangyari yon eh. Sobrang labo.
“Huy!” Untag niya sa akin. “Huwag mo ng isipin yon baka dala lang ng alak yun.” Sabi pa niya at sinundan pa ng marahan na pagtawa. “Lasing na yata ako. Hindi ako sanay sa hard drinks. Wala bang beer?” Pinilit nitong pasayahin ang tono niya.
“Gusto mo? Kukuha kita.” Alok ko. Meron namang beer, yun nga lang ay nasa refrigerator.
“Haha. Huwag na. Joke lang. Okay lang ako.” Tumanggi pa ang loko, nag-vo-volunteer na nga ako.
“Hindi nga? Kukuha talaga ako.”
“Joke nga lang. Huwag na. Ano ka ba at baka mas dumami pa ang mga makita ko? Hahaha!”
“Hay naku ka, Ken!” Tinapik ko siya sa balikat. He’s acting really weird. “Sige, ikaw ang bahala.” Nasabi ko na lang.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kurutin sa ilong ko. Napapikit pa ako. “Cute mo.” Natatawa pa nitong wika.
“Aray. Baliw ka talaga.” Reklamo ko.
“Ay, moment ulit? Kanina pa yan sa kusina ah.” Ani Vangie.
“Nakakaselos naman yan. Parang wala na yata akong chance.” Paghihinampo ni Ruth pero nasa tono pa rin naman niya ang pagbibiro.
“Moment your face, Vang.” Sagot ko kay Vangie at inirapan pa siya. “Ruth, waley. Huwag mo ng i-push ang selos mo.” Tugon ko naman kay Ruth.
Wala na talaga, promise. Pure friendship na lang talaga ang nararamdaman ko para kay Ken.
Maya-maya lang ay umahon na sina Mary at Marlon dahil hindi raw pwedeng magtagal sa tubig si Baby Michael. Matapos magpaalam ay dumerecho na sila sa Cottage B.
“Huwag niyo munang susundan si Baby Michael ah! Mahirap na ang buhay ngayon!” biro pa ni Richard sa mag-asawa.
“Bakla ka! Marunong kaming mag-family planning. Mahal ang gatas,” natatawang sagot naman ni Mary sa kanya.
Tuloy ang kwentuhan at asaran ng barkada. Pero maya-maya lang din ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Pesteng gastritis ‘to at ngayon pa yata niya balak umatake. “Ahm, guys, una na ako senyo ha,” paalam ko sa kanila dahil kailangan ko na itong ihiga nang nakapilipit para mawala ang sakit.
“Oh bakit? Lasing ka na?” tanong ni Liza.
“Nope. I just have to take my meds.” Sagot ko naman sa kanya.
“Sira ka! Hindi ka tatalaban ng gamot ngayon, nakainom ka eh. Sumasakit tiyan mo?” sabi naman ni Vangie.
Tinanguan ko siya habang nakangiti.
“Yan kasi, alak pa!” komento naman ni Miguel na hindi ko nagustuhan dahil mababakas sa tono niya ang paninisi.
“Shut-up! Wala kang pakelam.” Sagot ko sa kanya and at the same time, flashing my sarcastic smile.
“I have to go first. Suit yourself. Enjoy lang kayo dito. Pag may kailangan kayo, katukin niyo lang ako sa room ko ha.” Sabi ko sa iba.
“Okay ka lang ba, Jane?” nag-aalalang tanong sa akin ni Ken.
“Magsisinungaling ako pag sinabi kong oo,” Mahina kong tugon sa kanya. Siya lang ang nakarinig. Nakakahiya naman sa iba.
“Hatid na kita sa room mo,” Prisinta niya.
At mariin naman akong tumanggi. “No. You don’t have to. Enjoy lang kayo. I can manage myself. Don’t worry. Sanay na akong nag-iisa.” Parang natauhan ako sa huli kong sinabi? Is it necessary to say it pa? Gosh! Tinamaan na yata ako ng alak. “I mean in times like this, I already know what to do.” Bawi ko nalang at sincere siyang nginitian.
Umahon na ako sa pool at sinuot na ang robe ko. “Good night guys, see you tomorrow. Hiking tayo bukas!” Paalam ko sa kanila at dumerecho na nga ako sa kuwarto ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (70)

  • avatar
    Jed Cabalida

    wow nice

    3d

      0
  • avatar
    Matias Talleres Toto

    ididkd

    10d

      0
  • avatar
    Rica Calzado

    super happy and beautiful for me

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด