logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Chapter 7: Bonding
Mark Limuel Reverente.
Pangalan pa lang masasabi ko talagang galing siya sa mayamang pamilya. I am aware of the reputations of rich kids. Brats and bully. Kaya sa school hindi ako nakikipagkaibigan sa kanila. Alam ko naman na hindi lahat, yes, but I just want to be careful not to be a subject of bullying.
Pero nandito naman kami sa probinsiya kaya okay lang naman siguro na makisalamuha ako kahit dito lang. And I know when the summer ends hindi na kami magkikita pa.
“Pasok na tayo sa loob? Malamig na ang hangin,” pag-aaya niya sa akin.
Nanatili ako sa swing. I smiled at him politely, “mamaya na ako papasok, mauna ka na.”
Tumango siya, “alright.”
Nauna na siyang pumasok sa loob but a minute later muli siyang lumabas na may dalang jacket. Nakangiti siyang lumapit sa likuran ko at ipinatong sa balikat ko ang jacket na mukhang sinadya niya sa loob ng rest house kaya siya pumasok.
“What are you doing?”
“Lending you my jacket para hindi ka ginawin.” Aniya saka muling umupo sa katabing swing.
“Thanks.”
Ilang minuto kaming naging tahimik. Pina-pakiramdaman ang isa’t-isa.
Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko at ikinakalat ang mahaba kong buhok na sumasabay sa sayaw ng hangin. But I immediately open my eyes when I felt someone is staring at me, and I’m right. The man next to me is staring at me intently. May munting ngiti pa na nakaukit sa kaniyang mga labi.
“Bakit?” naiilang kong tanong sa kaniya.
Bahagya siyang umiling, hindi nabubura ang ngiti sa labi. “Wala naman,”
“Totoo?”
He nodded. “Hmm.”
“Okay, if you say so.”
“Hoy! Magdi-dilim na! Pumasok na kayo ditong dalawa.”
Sabay kaming napalingon ni Limuel sa pinto kung saan naroon ang sumigaw. James. Malawak ang ngisi niya sa aming dalawa.
Nilingon ako ni Limuel saka inilahad ang kamay. Nangingiti ko iyong inabot na inani ng mapanuksong sipol sa nasa pintuan.
Magkapanabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Papasok na kami sa sala ay inagaw ko na ang kamay ko sa binata dahil pag nakita iyon nang mga pinsan ko ay katakot-takot na panunukso ang aabutin ko.
Umupo ako sa tabi ni Luna.
“Saan ka galing?”
“Parang hindi mo naman nakita, Luna.” Sabi ni Cynthia na nakangisi.
Inirapan ko sila. “Sa swing lang sa labas,”
“With?”
“Ano ba Luna, nakita mo na nga.” Sikmat ni Cynthia.
“Ewan sa inyo.”
Nagkayayaan na mag-bonfire sa tabing-dagat. Naunang nagpunta doon si James na napag-alaman namin na anak pala ng gobernador ng probinsiya. Hindi siya kasali sa basketball team ng tagum, cheerer lamang raw siya, aniya.
Ang isa ay anak ng Mayor ng Santa Cruz, na cheerer lang rin daw at ang iba ay residente ng barangay Tagum. Si Limuel naman ay anak nga raw ng mayamang negosyante sa Manila at nagba-bakasyon din. Pinsan siya ni James.
“Close kayo?” bulong sa akin ni Selena habang naglalakad kami patungo sa tabing-dagat. Hinila pa niya ang jacket nang lalaki na suot ko.
“Hindi.” Ismid ko.
“Eh, bakit suot mo ‘to? Nakita kong suot niya ‘yan kanina.”
Hinarap ko siya at mariing pinisil ang magkabila niyang matambok na pisngi. “Ang kulit mo,”
“Aray! A-aray...”
Nang ma-satisfy sa ginawa ay iniwan ko siya doon na maluha-luha habang hinihimas ang pisngi niya.
Nakapaikot na sila lahat sa bonfire na maliit pa lamang ang apoy. Nagsi-sing along at nagtatawanan. Iyong isa sa kaibigan nila ang naggi-guitar at si Mark Limuel naman ang kumakanta.
Maganda ang boses niya. Humahalo iyon sa mahinang tawanan, sa tugtog ng gitara at sa mabining hampas ng alon.
Nagtungo ako sa tabing-dagat, rinig pa rin naman doon ang malambing niyang boses. Hinubad ko ang tsinelas na suot ko saka umapak sa buhangin na inaabot ng tubig-dagat.
The water is cold yet it brings calmness to my senses, so is the cold breeze of wind. Hindi ko alam ngunit tila ba may bumabagabag sa akin na hindi ko alam. If it comes to my health naman I think I am healthy dahil wala naman akong nararamdaman.
“Gustong-gusto mo talaga ang lamig, ‘no?”
“Hey,” bati ko kay Limuel na tumayo sa tabi ko but he has enough space para hindi maabot ng tubig ang paa niya. “Hmm, pinapa-kalma ako ng malamig na pakiramdam ng dagat.”
He chuckled. “Sirena ka siguro,”
“Siguro,” natatawang sang-ayon ko sa kabaliwang sinabi niya.
“Nagso-solo na naman itong dalawang ito, oh!”
“Manahimik ka diyan, James Russel.” Masungit na saway ni Limuel sa pinsang lumapit na rin. “Bitter ka lang,”
“Bakit ako magiging bitter? Hahabulin ako no’n, sinasabi ko sa’yo.”
Naiiling na lamang ako sa sagutan nilang dalawa. Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila.
May finger foods na inilabas mula sa basket ang isa sa nasa team, may inilabas rin siyang mga beer in can sa cooler na color blue.
Una niyang inabutan ang mga pinsan kong lalaki. Kaniya-kaniya naman ng kuha ang mga ka-team niya. Nanatili ako sa kinatatayuan ko, nag-iisa. Tinawag na kasi ang dalawa kong kasama dito kanina.
“Paano kami?” narinig kong reklamo ni Luna.
Sinimangutan siya ni Lester, “bawal kayo,”
“Paanong bawal? Gusto rin naming uminom!” hiyaw ni Cynthia saka inaagaw ang beer na hawak ni Aerol.
“Bigyan niyo na.” utos ni James.
“Oo, at kapag nalasing ang mga ‘yan—”
Mabilis na pinutol ni Limuel ang sasabihin ni Denmark. “Maraming kwarto sa rest house. Pwede kayong magpalipas ng gabi.”
“Feel free, guys!” wika noong anak ng Mayor. “Wala kaming gagawing masama sa mga kasama niyo. We have images to protect.”
Yeah! I rolled my eyes habang nakikinig sa sagutan nila. At kapag may nangyari naman kasi talaga sa amin dito sila ang mapapasama, una sila ang nag-aya at pangalwa anak sila ng public servants wherein makakasama sa images nang mga ito kapag gumawa ng kalokohan ang mga anak.
Tuwang-tuwa si Luna at Cynthia nang abutan sila ng beer in can. Maging sina Amaris, Selena at Levy ay inabutan na rin.
“Eula, ikaw?” tanong ni James.
Umiling ako. “Hindi ako,”
Nakita ko nang may ibulong si Limuel kay James. Nalukot ang mukha nang huli saka sinapak na tila diring-diri sa kaibigan.
Ano na naman kaya iyon?
Ang totoo sumasakit ang ulo ko kaya hindi ako nakikipag-huntahan sa kanila. At ayaw kong umalis sa tubig-dagat dahil tila pinapakalma nito ang sakit na nararamdaman ko. Ganoon din ang malamig na simoy ng hangin. At nakakatulong kanina ang boses ni Limuel habang kumakanta siya.
Noong bata pa ako natatandaan ko noon kapag magbi-beach kami, laging sinasabi sa akin ni Mama, ‘Ang malamig na simoy ng hangin mula sa malawak na karagatan ay nakakapawi ng sakit na nararamdaman.’
Kaya paniwalang-paniwala ako noon hanggang ngayon dahil totoo ngang kahit papaano ay naiibsan ang sakit ng ulo ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (119)

  • avatar
    Maravic Petilla

    ganda

    26/05

      0
  • avatar
    Irish Mustera

    ganda ah

    16/05

      0
  • avatar
    Lyn Fuerzas

    maganda ang kuwinto i like it

    28/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด