logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6: To Make Her Happy

Ilang araw ang lumipas hanggang sa um-okay na ulit ang kundisyon ni Ali. Naging stable na ulit ang platelet count niya pero pinayo ng doktor niya na manatili na lang muna siya sa ospital para na rin sa kaligtasan niya.
Kaya nandito kami ngayon ni Ali sa may garden ng ospital para makalanghap naman siya ng sariwang hangin. Tulak-tulak ko ang wheel chair kung saan naman siya nakaupo.
"Geo."
"Hmm?"
"Hindi ba kita naaabala?" Bahagya niyang inilingon sa'kin ang ulo niya. "I mean, araw-araw kang nandito sa ospital para bantayan ako lalo na kapag nasa opisina si Dad. Baka may trabaho ka at hindi ka na nakakapasok."
Nginitian ko naman siya habang patuloy ang pagtulak ko sa wheel chair niya.
"Nag-aalala ka ba na baka matanggal ako sa trabaho ko?"
Mas lalo niyang inilingon sa'kin ang ulo niya. "So may trabaho ka nga?" Napatigil ako sa pagtulak at napatawa. "Why are you laughing?"
Pumunta ako sa harapan niya at naupo para magkapantay kaming dalawa. And then I smiled at her.
"Wala pa 'kong trabaho at hindi pa rin ako nag-aapply." Tugon ko.
"Why? Ang sabi mo graduate ka na ng Fine Arts, 'di ba?" Tanong niyang muli sa'kin. "Why are you still unemployed?"
I shrugged. "Just because."
Kumunot naman ang noo niya. "Just because? That's the most lame reason for not getting a job. Gusto mo bang manatili na lang habang buhay na jobless."
Napatawa akong muli. "After I graduated, gusto ko sana munang magpahinga kahit dalawang buwan lang." Paliwanag ko. "I don't know why. Bigla ko lang naramdaman na gusto ko munang magkaroon ng time para sa sarili ko bago ako humarap sa mga responsibilidad ko. I'm not going to be jobless forever. Syempre hindi ko naman hahayaang si Mama na lang palagi ang magtrabaho para sa'min ng kapatid ko. Lalo ngayon at malapit na siyang magcollege. Doktor kasi ang kukunin ng kumag eh, kaya magastos."
"May kapatid ka pala?"
Tumango ako. "Bunsong kapatid, lalaki siya. Grade 12 na siya ngayon kaya kailangan nang mag-ipon."
Bahagya kong nakita ang ngiti sa labi niya na lalo namang nakapagpangiti sa'kin.
"I want to meet your family. Pwede ba 'kong pumunta sa inyo?" Tanong niya.
Ngumiti ako saka tumango. "Oo naman. Welcome na welcome ka sa bahay namin. Pero kailangan munang payagan ka ni Doc. Perez na lumabas, hmm? Kaya magpagaling ka na agad para makalabas ka na."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya sa sinabi ko. "He won't let me unless magaling na talaga 'ko." Sagot niya. "Alam mo ba? After I was diagnosed that I have ITP, gusto na niyang manatili ako rito para mamonitor ako at magamot. Hindi na nga ako nakatapos ng college dahil sa nagkasakit ako. Last sem na lang bago ako gumaraduate, pinahinto na 'ko ni Dad sa pag-aaral. He said, I have to stay here. I asked him what for, there's no cure for my illness."
Nakita kong muli ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya. Bumungad na naman sa'kin ang malungkot niyang mga mata.
"Nanatili ako rito for one month." Pagpapatuloy niya kasabay ng paghikbi niya. "Everyday feels like hell. Needles, bloods, nurses, doctor, 'yon palagi ang mga nakikita ko araw-araw." Ramdam ko ang sakit habang sinasabi niya 'yon. "I just want to be normal. Gusto kong maramdaman na normal pa rin ako kahit na may sakit ako. Gusto kong gawin yung mga bagay na nagagawa ng mga kaedad ko. I just wanna live, Geo. Masama ba 'yon? Is it a crime for wanting to live?"
Inangat ko ang kaliwa kong kamay saka marahang pinunasan ang mga luha niya. Marahan din akong umiling bilang sagot sa tanong niya.
"No. It's not a crime, Ali." Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay saka siya tinignan sa mga mata niya. "Gusto mong mabuhay? Go! Mabubuhay ka, Ali. Mahaba pa ang buhay mo. Pwede mo pang ituloy yung pag-aaral mo. Gagaling ka, Ali. You're going to live. At kapag gumaling ka na, hindi pa rin kita iiwan. I'll be right by your side sa labang 'to. Kaya lumaban ka lang ha?" Tumango siya kaya napangiti ako saka may naisip. "Humanda ka. Mamayang gabi, you're going to meet my family."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "R-Really?"
I nodded. "Papasayahin kita, 'di ba? Kung ito ang makakapagpasaya sa'yo, gagawin ko."
"B-But how? Hindi ako papayagan ni Ninong Fernan na lumabas ng ospital."
"May tiwala ka ba sa'kin?" Marahan siyang tumango bilang sagot. "Then trust me with this."
Maya-maya lang ay ipinasok ko na ulit si Ali sa kwarto niya. Makakasama sa kaniya kung mananatili pa siya ng gano'n katagal sa labas.
Lumabas muna ako para sana kausapin yung doktor ni Ali na si Doc. Fernan Perez. Ang sabi ni Ali ay matalik na kaibigan daw 'yon ng Daddy niya kaya siya na rin ang naging doktor nito at siya ring Ninong niya.
Pumunta ako sa nurse's station para magtanong at makausap si Doc. Perez.
"Sir, pasensya na po. May clinic pa po kasi sa baba si Doc. Perez eh. Saka kailangan niyo po muna ng appointment kung gusto niyo po siyang makausap." Sagot sa'kin no'ng nurse na babae na napagtanungan ko.
"Miss, baka naman pwede ko siyang makausap pagkatapos ng clinic niya? May kailangan lang talaga akong itanong sa kaniya, mabilis lang naman eh." Giit ko. "It's about Alison Marquez. Inaanak niya 'yon at kilala niya. I'm sure kapag itinawag mo 'yon sa kaniya, mapagbibigyan niya 'ko. Tell him it's Geo Castillo, Alison's friend."
Napabuga naman ng hangin yung nurse bago lumapit sa telephone. Inangat niya 'yon bago nagdial. Ilang ring lang at mukhang may sumagot na sa kabilang linya.
"Kay Doc. Perez." Sambit no'ng nurse sa kabilang linya bago tumingin sa'kin. "About Alison Marquez. Siya raw si Geo Castillo, kaibigan no'ng patient. Gusto niya raw makausap si Doc. Perez after ng clinic niya, pwede ba?"
Nakatitig lang ako ro'n sa nurse at walang kakurap-kurap. Hinihintay ko kung ano'ng sasabihin niya.
"Okay. Thank you." Pagkasabi niya no'n ay ibinaba na niya yung telepono bago muling tumingin sa'kin. "Sir, mamaya pa raw pong 3pm ang tapos ng clinic ni Doc., maghintay na lang daw po muna kayo."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Okay. Thank you."
Nakangiti akong bumalik sa kwarto ni Ali na mukhang naghihintay rin sa'kin.
"Ano'ng nangyari?"
"3pm pa raw ang tapos ng clinic niya, kaya maghihintay pa 'ko ng dalawang oras para makausap siya." Sagot ko bago naupo sa may tabihan ng hospital bed niya.
"Do you think papayagan niya 'kong lumabas ulit ng ospital kagaya dati no'ng nagrequest si Dad sa kaniya?" Muli niyang tanong sa'kin.
"Oo naman. Magtiwala ka sa'kin."
She smiled at me. "I trust you, Geo."
Napangiti akong muli bago napalingon sa gilid ko. Kinuha ko yung isang mansanas na bagong bili ko sa basket bago tumayo at nagpunta ng lababo para hugasan 'yon. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa pwesto ko kanina at ibinigay sa kaniya yung mansanas na hawak ko.
"An apple a day keeps the doctor away, right?" Sambit ko. Nakangiti naman niya 'yong kinuha sa'kin saka kinagatan kaya mas lalo akong napangiti. "Good girl."
Lumipas ang dalawang oras kaya nagpunta na 'ko sa opisina ni Doc. Perez sa baba. Mabuti na lang at nakatulog na si Ali.
Pagkarating ko ro'n ay pinapasok agad ako ng assistant niya. Naabutan ko sa loob na may sinusulat siya sa isang papel at mukhang busy siya. Itinigil niya ang ginagawa niya saka inangat ang tingin sa'kin.
"Maupo ka." Naupo naman ako agad sa upuang nasa may harapan niya. "Gusto mo raw akong makausap dahil may itatanong ka raw sa'kin?" Tumango naman ako. "Ano ba 'yon?"
"About Ali." Sagot ko. "Gusto po sana niyang lumabas mamayang gabi para—"
"You know she can't." Putol niya agad sa'kin. "Mas makakabuti sa kaniyang manatili rito sa ospital. Mas momonitor siya rito at mas maaalagaan. Isa pa, it's too risky for her to go outside. Nakita mo naman ang nangyari sa kaniya no'ng isang araw, 'di ba? Kung hindi mo siya agad nadala rito sa ospital, baka wala na si Ali ngayon. Kung gusto niyo pa talaga siyang mabuhay, kailangan niyang manatili rito."
Nawalan ako ng lakas ng loob na magsalita. Nakakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa naisip ko nang magsalita ulit.
"Doc., may tanong po ako sa inyo." Sambit ko. "Kapag po ba nagkasugat ka sa tuhod dahil nadapa ka sa pagtakbo mo, hindi ka na babangon kasi nagkasugat ka?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko. "Katulad lang din ng sakit na meron si Ali ngayon. May malubha siyang sakit, oo. Kailangan niyang magpagamot para gumaling siya. Pero kapag ba may sakit ka, kailangang tumigil na rin ang buhay mo?"
Nawala ang kunot sa noo niya matapos ko 'yong sabihin. Para bang naintindihan na niya ang ibig sabihin sa una kong tanong sa kaniya.
"Doktor kayo, I know that. Pero hahayaan niyo bang mawalan ng buhay yung taong pinapagaling niyo?" Muli kong tanong sa kaniya. "Oo, napapahaba niyo ang buhay nila, pero habang ginagawa niyo 'yon, namamatay naman sila sa loob. They just want to feel like they're normal too. Na kagaya rin natin sila. Na kahit may sakit sila, magagawa pa rin nila yung mga bagay na gusto nilang gawin."
Katulad kanina ay hindi pa rin nakaimik si Doc. Perez sa mga sinabi ko.
"Ali...just want to be happy. 'Yon lang yung gusto niya, yung maging masaya. Ipagkakait pa ba natin 'yon sa kaniya?"
Napayuko siya bago napabuga ng hangin. Nang iangat niya ang ulo niya ay nakatingin na siya diretso sa mga mata ko.
"Papayag lang ako on one condition." Aniya. "Kailangang bumalik dito ni Ali tuwing gabi. Ngayong gabi ko lang siya papayagang umalis, pero sa susunod, hindi na. Tuwing umaga lang siya pwedeng lumabas. Hindi rin siya pwedeng mapagod. Are we clear?"
Nakangiti naman akong tumango. "Opo."
"Isang bagay pa pala, kailangan ko muna 'tong i-tawag kay Peter."
"Okay po. Thank you po."
Pagkasabi ko no'n ay nagpaalam na 'ko sa kaniya bago bumalik sa kwarto ni Ali. Nang magising siya ay saka ko lang ibinalita sa kaniya ang pagpayag ni Doc. Perez na lumabas siya. Masayang-masaya naman siya sa ibinalita ko at mukhang excited na.
Tinawagan ko na rin si Mama para sabihin sa kaniyang pupunta si Ali sa bahay namin mamayang gabi at mukhang excited na rin siya.
Sinabi rin ni Doc. Perez na okay naman daw kay Tito Peter basta para kay Ali. Kung para raw naman sa kasiyahan ni Ali ay hindi niya raw 'yon tututulan. Saka may tiwala naman daw siya sa'kin.
Nang dumating si Tito Peter ay saka ko lang iniwan si Ali. Ang sabi rin sa'kin ni Ali ay gusto niya munang umuwi para makapag-ayos. Ayaw daw niyang humarap sa pamilya ko na basta na lang ang itsura. Umuwi na rin muna ako para makapaghanda.
"Ito kaya?" Tanong ko ulit kay Gin.
Umiling ulit siya. "Hindi, ang panget."
Kasalukuyan kasi akong namimili ng isusuot para mamaya at nagpapatulong ako kay Gin. Kanina pa siya umiling nang umiling hanggang sa wala na 'kong maisuot. Sinasadya yata nito eh!
"Tinutulungan mo ba talaga 'ko o inaasar mo lang ako?" Nakasimangot na tanong ko sa kaniya. "Kasi kung oo, naaasar na talaga 'ko."
Sinimangutan niya rin ako. "Alam mo, Kuya? Hindi ko kasalanan kung old-fashioned ka kung manamit at kung wala kang magandang damit. Ikaw na nga 'tong tinutulungan, galit ka pa! Eh kung 'wag na lang kaya kitang tulungan at hayaan na lang kitang magmukhang tanga sa harapan ng Ali na 'yon?"
Lalo naman akong napasimangot sa sinabi niya. "Ate Ali. Tawagin mo siyang Ate Ali dahil mas matanda siya sa'yo."
"Wow! Bakit? Girlfriend mo na ba 'yon?"
Napapikit-pikit naman ako sa sinabi niya. "A-Anong girlfriend!? Ikaw talaga! Kumag ka, puro ka kalokohan! Magkaibigan lang kami! Pahiramin muna na nga lang ako ng mga damit mo!" Sigaw ko sa kaniya.
Tatawa-tawa naman siya habang palabas ng kwarto ko. "Kaibigan daw. Ulol!" Pahabol pa niya.
Naiiling na lang ako saka tumingin sa mga damit kong nakalatag sa higaan ko. Hindi ko alam pero habang nakatingin ako ro'n ay napangiti na lang ako habang iniisip ang sinabi ni Gin.
Girlfriend?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    1d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด