logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5: Her Story

Tulala akong nakaupo sa upuan dito sa may hallway ng ospital. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa'kin ang sinabi ng doktor pala mismo ni Ali na may sakit siya.
"ITP."
Napalingon ako sa nagsalita. Kakarating lang niya rito at kilala rin siya ng doktor ni Ali. Ang sabi niya ay siya raw ang ama ni Ali nang magpakilala siya sa'kin. Tinanong kasi niya sa doktor kung sino raw ang nagdala kay Ali rito. Sinabi ng doktor na ako raw kaya nagpakilala siya sa'kin at gano'n din naman ang ginawa ko.
Naupo siya sa may tabi ko. "A chronic autoimmune disease called Immune Thrombocytopenia." Pagpapatuloy niya. "It's a disorder characterized by a blood abnormality called thrombocytopenia, which is a shortage of blood cells called platelets that are needed for normal blood clotting. Ang sabi ni Fernan, yung doktor ni Ali, inaatake raw ng sarili niyang katawan ang sarili nitong blood cells, her platelets." Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay diretso lang ang tingin sa kawalan. "It can develop red or purple spots on the skin caused by bleeding just under the skin's surface. Minsan naman, yung gilagid niya at ilong niya ay nagdudugo. Kailangan niya palaging salinan ng dugo para lang hindi bumaba ang platelet count niya at mapanatili siyang buhay." Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "There's no cure for this disease. Ang pagsasalin lang ng dugo ang bumubuhay sa kaniya."
Habang nakatingin ako sa kaniya habang patuloy siyang nagsasalita ay kita ko kung gaano 'yon kasakit para sa kaniya. Pinipilit niyang makapagsalita ng maayos sa harap ko. Pinipilit niyang maging matatag at matapang sa harap ng anak niya. Pero ang totoo ay nasasaktan na siya dahil sa pinagdadaanan ng nag-iisa niyang anak.
Nilingon niya ako ng nakangiti. "Thank you for bringing my daughter here. Kung wala ka ro'n, baka kung ano nang nangyari sa anak ko."
"Wala po 'yon." Tugon ko. "I'm sorry po."
Kumunot naman ang noo niya. "Sorry? For what?"
"Hindi ko po alam na may sakit pala si Ali. Kung nalaman ko po 'yon agad, hindi ko na po sana—"
Napatigil ako nang hawakan niya ang kanan kong balikat habang nakangiti sa'kin.
"You didn't do anything wrong, iho." Aniya. "Nagpapasalamat pa nga ako sa'yo dahil simula kahapon ay nakikita ko na ulit ang ngiti ni Ali na matagal kong hindi nakita simula nang mamatay ang Mama niya. Thank you for that, Geo."
Bahagya lang akong ngumiti sa kaniya at hindi na umimik.
"Do you wanna see her?" Tanong niya sa'kin. "Sige na, pumasok ka na sa loob. She's okay now, kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala. Natutulog lang siya ngayon."
Noong una ay nag-alangan pa 'kong pumasok pero nagtuloy na rin ako dahil gusto ko rin naman siyang makita.
Binuksan ko yung pinto saka marahang pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed at mahimbing na natutulog. Maraming nakakabit sa kaniya at may isang bag din ng dugo ang kasalukuyang isinasalin sa kaniya.
Marahan akong naglakad palapit sa kaniya. Tinitigan ko ang mukha niyang maamo na parang walang iniindang sakit. Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Maraming red spots at may mangilan-ngilan ding pasa ro'n.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha niya. "Kaya ba palagi kang nakajacket at pantalon? Ito pala ang dahilan mo."
Ito rin pala ang dahilan kung bakit palaging malungkot ang mga mata mo.
Sumagi sa isip ko ang sinabi niya sa'kin kung bakit napakarami niyang mansanas na binili kanina. At ang sinabi niyang 'an apple a day keeps the doctor away' ay dahil pala may malubha siyang sakit na hindi niya sinasabi sa'kin.
"Ang sabi mo marami kang peklat. Eh hindi naman 'to mga peklat eh." Pagkausap ko sa natutulog na si Ali. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
Napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding nitong kwarto. Alas-siyete na ng gabi at malamang ay kanina pa 'ko hinahanap sa'min. Lowbat ang cellphone ko kaya hindi nila 'ko makokontak. Paniguradong mapapagalitan na 'ko ni Mama dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya.
Tinignan ko muli si Ali. "Gusto ko mang hintayin ang paggising mo, pero kailangan ko nang umuwi. Promise, babalik ako bukas dito. Magpagaling ka ha?"
One last time ay tinitigan ko pa muna siya bago tuluyan nang lumabas ng kwarto niya. Nadatnan kong nakaupo pa rin sa may upuan sa labas si Tito Peter. We smiled at each other.
"Kailangan ko na pong umuwi muna sa'min. Baka hinahanap na po kasi ako, hindi ako nakapagpaalam."
Tumango-tango naman siya. "Gano'n ba? I'm sorry kung hindi na kita maihahatid sa inyo ha? Wala kasing kasama rito si Ali."
"Ah okay lang po." Sagot ko agad. "Sige po, alis na po ako."
"Okay."
Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis.
"Ahh, Geo!" Napalingon agad ako nang tawagin ako ni Tito Peter. "Please comeback." Natulala ako sa sinabi niya. "For my Ali. Simula no'ng makilala ka niya, kahit pa'no ay nakita ko siyang masigla. Kaya please, comeback for my daughter. Sana kahit nalaman mong may sakit siya ay hindi mo siya iwan."
Ilang minuto akong hindi umimik hanggang sa unti-unti akong ngumiti sa kaniya at tumango. Napangiti na rin siya sa'kin.
"Thank you."
Bahagya kong iniyuko ang ulo ko bilang paggalang bago tuluyan nang tumalikod at umalis.
Habang nabiyahe ako sakay ng bus ay nakatingin lang ako sa may bintana. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Hanggang sa makauwi ako ay parang wala ako sa sarili.
"GEO! Sa'n ka na naman galing ha!?" Bungad agad sa'kin ni Mama pagkapasok ko pa lang ng bahay namin. "Kanina ka pa namin kinokontak ng kapatid mo pero nakapatay ang cellphone mo! Hindi porke't graduate ka na at nasa edad ka na ay hindi ka na magpapaalam sa'kin kung sa'n ka pumupunta! Sa'n ka ba galing!?" Sigaw niya sa'kin.
Si Gin naman ay walang nagawa kundi ang tignan lang ako habang pinapagalitan ni Mama.
"O ano!? Ba't hindi ka sumasagot!?" Muling sigaw ni Mama.
"She's sick." Wala sa sariling sambit ko.
"Ano!? Ano bang sinasabi mo, Geo Castillo!?"
"Si Ali...may malubha siyang sakit." Pumiyok ang boses ko nang sabihin ko 'yon.
"Ali?" Singit ni Gin. "Kuya, yung Ali ba na sinasabi mo ay yung babaeng matagal mo nang hinahanap na nakita mo na kahapon? Sa kaniya ka ba nakipagkita kanina?"
Hindi ako umimik. Napatingin din sa kaniya si Mama sa gulat bago muling ibinalik ang tingin sa'kin.
"Ali? Siya ba 'yon, Geo?" Tanong naman sa'kin ni Mama na medyo kumalma na. "M-May sakit siya, anak? A-Ano'ng sakit niya?"
Hindi ulit ako umimik. Nilapitan naman siya ni Gin nang mapansin niyang wala ako sa mood sumagot ng mga tanong nila.
"Ahh...Ma, mukhang pagod na si Kuya eh. Hayaan na muna natin siyang magpahinga. Kumain na po muna tayo kasi malamig na yung niluto niyo."
Hinila na ni Gin si Mama papunta sa lamesa para kumain kahit pa habol ang tingin sa'kin ni Mama at parang marami pang gustong itanong sa'kin.
Ako naman ay nagtuloy na sa pagpunta sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang painting ko ng pangalawa naming pagkikita ni Ali kahapon matapos ang tatlong taon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos.
Tinitigan ko ang mga mata niya at kitang-kita ro'n ang lungkot. Ni hindi ko man lang napansin na may malaki pala siyang pinagdadaanan kaya siya malungkot.
Hinaplos ko ang mga mata niya. "I'll turn that sadness into happiness. I promise you that, Ali. I promise, I'll make you happy."
Sa dulo ng mga paintings na gagawin ko tungkol sa pagkikita natin ay masasayang mga mata na ang mai-guguhit ko gamit ang brush ko. Pangako 'yan.
Naupo ako sa harapan ng painting na 'yon saka inabot ang mga gamit ko sa pagpinta. Sinimulan kong tapusin ang painting na 'yon. Gusto kong madagdagan pa 'to hanggang sa mapasaya ko si Ali. Hanggang sa makita ko ang saya sa mga mata niya. Dahil pakiramdam ko, ngayon lang nagkaroon ng purpose ang buhay ko. 'Yon ang mabigyan ng saya ang malungkot niyang mga mata.
Kinabukasan ay nagpunta na ako agad sa ospital. Nagpaalam na rin ako kay Mama at agad naman niya 'kong pinayagan ng walang tanong-tanong. Bukod daw sa nasa edad na 'ko para pagbawalan ay alam naman niya kung saan at kung bakit ako pupunta ro'n.
Dumaan muna ako sa grocery store para bumili ng isang basket ng mansanas. Nakangiti pa 'ko habang binabayaran ko 'yon sa cashier dahil alam kong paborito niya 'to.
Matapos 'yon ay nagdiretso na 'ko papuntang Southvill Hospital sakay ng taxi. Tanda ko rin naman ang number ng room niya kaya madali para sa'kin ang mahanap 'yon.
Kumatok muna ako sa pinto nang makarating ako ro'n bago tuluyang pumasok sa loob. Naabutan ko si Tito Peter at ang gising nang si Ali.
Nginitian naman agad ako ni Tito Peter. "Geo, iho. Nandito ka na pala. Pasok ka."
Nahihiya naman akong pumasok saka inilagay ang basket ng mansanas sa lamesang nasa may tabi ng hospital bed ni Ali.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa." Sambit ni Tito Peter bago lumabas.
Napatingin naman ako kay Ali na nakaiwas naman ng tingin sa'kin nang kami na lang dalawa rito sa loob.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
"Ano bang ginagawa mo rito?" Mataray na tanong niya habang iwas pa rin ang tingin sa'kin.
Bahagya naman akong nagulat dahil sa inaasta niya pero hindi ko 'yon inintindi at ngumiti lang.
"Ano ka ba naman, Ali? Syempre kasj magkaibigan tayong dalawa, hindi ba?" Hindi siya umimik kaya nasaktan ako. Katulad kanina ay hindi ko ulit 'yon inintindi. "Oo nga pala, may binili akong mga mansanas para sa'yo. Hindi ba paborito mo ang—"
"Hindi ko 'yan paborito!" Pasigaw na sabi niya.
Nang sabihin niya 'yon ay nilingon niya 'ko at kita ko ang inis sa mga mata niya. Nagulat naman ako dahil hindi ko alam kung bakit ganito siya sa'kin ngayon samantalang okay naman kami kahapon bago siya mawalan ng malay.
"S-Sorry, akala ko kasi paborito mo 'yon kasi ang dami mong binili kahapon kaya—"
"Hindi porke't binili ko ay paborito ko na." Putol niya sa'kin. "And what are you doing here anyway? Sino bang nagsabi sa'yong magkaibigan tayong dalawa?"
Mas lalo akong nabigla sa huli niyang sinabi. "A-Ang sabi mo kahapon—"
"Geo, don't assume anything, okay!?" Putol niya muli sa'kin. "We're not friends! Hindi ako makikipagkaibigan sa kagaya mo! Kaya umalis ka na!"
"Pero—"
"Umalis ka na, Geo!" Sigaw niya sa'kin.
Umiling naman ako. "No. I won't leave you, Ali. Nangako ako na papasayahin kita, kaya hindi kita iiwan."
Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya nang sabihin ko 'yon. Gusto ko 'yong punasan. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.
"Bakit? Sinabi ko ba sa'yong pasayahin mo 'ko? Hindi naman, 'di ba? Kaya bakit mo kailangang gawin 'yon!?" Malalakas na hikbi ang pinakawalan niya. "Hindi mo 'ko obligasyon, Geo. Saglit pa lang tayo nagkakakilala, kaya 'wag kang umakto na parang ang tagal na nating kilala ang isa't-isa!"
"Ako...matagal na kitang kilala, Ali. Kilala na kita no'ng 2016 pa." Sagot ko. "At oo, siguro nga wala akong obligasyon sa'yo pero gusto ko pa ring gawin. I want to make you happy. Kaya kahit ipagtabuyan mo pa 'ko ng ilang beses, I won't leave you. I'll hold your hand, kahit ilang beses mo pang tanggalin ang kamay ko sa kamay mo. Ali, just let me...let me be with you."
Patuloy pa rin siyang umiiyak habang nakatingin sa'kin. "Bakit? Kaya mo ba 'kong pagalingin? Kaya mo bang tanggalin 'tong sakit ko? Geo, I'm dying! Mamamatay na 'ko!" Marahan niyang pinunasan ang mga luha niya. "Dapat kasi hindi mo na lang 'yon nakita eh. Dapat iniwan mo na lang ako no'n! I told you to leave! But why did you stay? Hindi mo dapat ako nakita sa gano'ng estado!"
"Hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko lang...gusto kong manatili sa tabi mo. I want to erase that pain and sadness and turn it into happiness." Hinawakan ko ang isa niyang kamay at tinitigan siya sa mga mata niya. "I want to see your smile, Ali."
And I'll make that happen.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    2d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด