logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

MEETING Karl’s mother was a breeze. Malugod siyang tinanggap na parang kaibigan na matagal na nitong hindi nakita. Hindi nga eksaherado ang sinabi ni Karl sa kanya noong nasa klinika pa lang sila. Niyakap siya nito at hinagkan sa pisngi. Gusto niya ito kaagad ang ginang.
Obviously, nasabihan na yata ni Karl kaya hindi na ito nagtanong ng kung anu-ano tungkol sa aksidente.
“I’m just curious. Taga-saan ka nga pala, iha?”
Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob.
“Oo nga naman, Mayora. I didn’t get the chance to asked that myself.” Namimilyo na naman ang lalake. Kumindat pa sa kanya.
Nanlaki tuloy bigla ang mga mata ng ginang. “M-mayora…You mean—“
“Ay, hindi po,” agad niyang tugon. Inirapan niya naman ang binata. “Hoy, tigilan mo ako, ha? Plano pa lang iyon. Puwede pang mag-iba ang isip ko sa bandang huli.” Saka siya humarap sa ginang. “Taga-Calanasan, Apayao po ako.”
“Oh. Wala ka nang magulang, iha?”
Bigla siyang nag-atubili. Achilles’ heel sa kanya ang usapin tungkol sa kanyang mga magulang. Masakit isipin ang alaalang iyon ng kanyang kabataan. Kinakailangan niya lang tiisin. Napabuntong-hininga siya nang malalim. “Meron po. Pero hiwalay na po sila at may kanya-kanya nang pamilya. Nasa Amerika si Mama, sa Davao naman si Papa along with their new families,” sagot niya nang walang kalatoy-latoy.
Natuto na siyang ilayo ang kanyang sarili sa usapin tungkol sa kanyang mga magulang. Pero hindi nangangahulugan na hindi siya nasasaktan sa tuwing maaalala niya ang mapapait na karugtong ng mga iyon. Walang batang nagnanais na mapabilang sa isang wasak na pamilya lalo pa kung ito ang dahilan ng court battle sa pagitan ng ama at ina. Na-trauma siya sa pangyayaring iyon. Lalo pa nang mabigyan ng equal rights ang  mga ito. Ngunit sa gitna ng bagong pami-pamilya ng mga ito, ramdam niyang hindi siya kabilang. Nasasaktan siya roon.
Doon nagsimula ang pag-ayaw na niya sa kanyang mga magulang. Kaya nakiusap siyang iwan na lang siya sa kanyang Lola Matilda at Lolo Gervacio, ang magulang ng kanyang Mama. At sinabi niya na kapag hindi siya pinagbigyan, maglalayas siya. Pumayag ang mga ito. At dahil nag-iisang anak naman nina Lola Matilda at Lolo Gervacio ang mama niya, sa kanya nauwi ang atensiyon ng mga ito. Idol niya ang kanyang lolo. Kaya nangarap din siyang maging kagaya nito balang-araw—ang magkaroon ng tsansa’ng magsilbi sa bayan. At abot-kamay na niya iyon, God’s will.
 Humantong sila sa salas at doon naupo.
“I never knew. I’m sorry.” Ramdam niya ang pag-aalanganin ng ginang. Pero nang gagapin na nito ang kamay niya, she was cheerful enough. “Come on, hija. I let you know this man you are with inside and out at nang mabitay mo na kung mapagkakatiwalaan ba o hindi. Aba, kahit anak ko iyan kung loko-loko nang walang patawad, sasabunin ko nang walang banlawan.”
“Mom…!” angal ni Karl.
“Go away. Sa library muna kami.”
“Pero, mom, huwag niyo ako’ng i-character assassination, ha? Baka ipako na ako sa krus niyan. Next year pa kaya ang Semana Santa.”
“Hump!” ingos nito saka siya binalingan. “I trust you are a fair judge, hija?” Kumindat ito sa kanya nang nakangiti. Ngiting maldita.
Natawa na rin siya. “Wala po’ng problema.”
 
PAGKAHABA-HABANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Mutia habang nakasandig siya sa likod ng pinto matapos niyang ipinid iyon. Si Karl ang naghatid sa kanya sa guest room. Maraming nakatatawang kuwento sa kanya ng ina nito. Pero iisa lang ang agad niyang naisip paukol dito pagkatapos: he was a loving, caring man. Pero hindi iyon nakatulong sa kanya. Nag-pretend na siya at lahat na walang namagitang halikan sa kanila lalo at first kiss niya iyon, wa epek pa rin.  Mas lalo nitong napasok ang kanyang kamalayan.
            “I should not be here. I should not really be here…” Para siyang loka-loka na nagpaikot-ikot ng lakad mayamaya.    
            Humantong siya sa pinto ng balcony at doon sumandig. Humalukipkip siya patanaw sa Claveria Beach. Muling bumalik ang isip niya kay Karl. So, ganu’n ang first kiss—may kuryente, may kilig. At may tamis. Bakit niya itatanggi?  Iyon ang na-feel niya. Pero kung fire alert ito, baka umiilaw na iyon.
            Napanguso siya. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Pero kailangan niya muna ng matatawagan.
 Sa naisip, dagli niyang tinungo ang pinto. Tama namang papadaan ang kasambahay nina Karl na may dala-dalang walis at dustpan. Natatandaan niya na ito din ang nag-serve ng merienda kanina sa library. Agad niyang sinabi ang pakay. Pagbalik nito, may dala na itong cellphone.
            “Salamat po. Ibabalik ko din po agad mamaya.” Nang tumango ito, pumasok na rin siya sa loob. Agad niyang idinayal ang numero ng cellphone niya.
Nakinig.
 Out of coverage area.
Tinignan ang oras. Quarter to two pa lang. Nagkuwenta siya. May isang oras pa bago makarating sa pinakasentro ng Calanasan sina Lola Matilda. Doon lang kasi mas maayos ang signal. Ipinanalangin na lang niya na hindi nito pinatay ang kanyang cellphone.
Biglang tumunog ang aparato. Sir Karl—iyon ang nakaregister sa screen. Kumaba kaagad ang dibdib niya. Napakagat-labi siya. Ang lakas ng temptation na nagtutulak sa kanya na sagutin iyon.
Against her right judgment, pinindot nga niya ang receive button nu’n. Nagsalita kaagad ang malagom na boses nito sa kabilang linya.
“Aling Lydia, pakisabi kay Mom na huwag na niya kamo abalahin ang bisita natin. Let her rest. Ako na lang ang mamimili ng mga gagamitin niya. I think I know her size. Basta asikasuhin niyo siyang mabuti, okey?” At nawala na ito sa linya.
            Pero nanlaki ang mga mata niya nang may maisip. He think he know her size daw.
            Pwede ang damit but not her undies!
            Napahawak siya sa noo. Napangiwi siya nang masagi ang tinahing sugat niya na natatakpan na ng gasa. Will he really purchase some undies for her? Namula ang pisngi niya roon. Hindi nga imposible kung ganoon ang sinabi. Pero nang pindutin niya ang cellphone para tawagan sana ito, drained na ang baterya nu’n.
            Napapadyak siya sa inis.
 
“DIYOS ko, kuya. Maghunos-dili ka. You can’t give her that. Baka masapak ka nu’n!”
 Nanlalaki ang mga mata ng bunsong kapatid niyang si Erlyn sa itinuro niyang bilhin nito.
 It was a T-back.
“Ano’ng mali dito? Underwear pa rin naman, ah,” angal niya.
 Na-e-eskandalong pumagitna kaagad sa line of vision niya ito at hinarangan ang tinitignan. “Underwear nga. Pero base sa kuwento mo, I concluded na iba itong bisita mo. Kaya umalis ka na diyan, dali. Ako na’ng bahala. These things are woman’s intimate bestfriends. Hindi mo ito dapat basta na lang binubutingting. Tsupi!”
“But I want to—“
“No!” putol nito sa sasabihin niya. Itinulak na siya nito sa isang tabi. Binalingan ang personal driver nito. “’Uy, Tacio, bantayan mo iyan, ha? Doon kayo sa labas,” anito at dagli nang tumalikod.
Tatawa-tawa siyang sumunod sa nais ng kapatid. Niyakag niya ito mula sa opisina ng una sa Alcantara Commercial and Agricultural Supply. Ito ang nagpapatakbo sa commercial part ng naturang establishment habang ang asawa naman nito ang humahawak sa agricultural side. Kahit may clue naman siya, iba pa rin ‘yong may kasama siyang may legitimate na kaalaman sa kasuotang pambabae. Fashionable ang kapatid niya. Inilarawan niya si Mutia rito—ang taas at ang naiisip na body sizes nang mahawakan niya ito. Napapantastikuhan tuloy sa kanya ang kapatid niya. Kinulit-kulit niya ito until she gave up kahit marami pa itong dapat gawin. Na-curious na din marahil kaya sumama na rin ito para ito ang mamimili ng gagamitin ng very important visitor niya. Kinantiyawan pa nga siya nito na baka mahuhulog na ang puso niya.
 Tinawanan lang niya iyon.
Sumilip-silip siya sa dingding na salamin ng boutique shop. Busy na ulit ang kanyang kapatid sa pamimili. Napailing siya. Ano ba ang problema ngayon sa kanya? Hindi naman diyosa ng kagubatan ang ibinibilhan niya ng gamit pero gusto niya itong paluguran.
Pero napangiti siya nang maalala ang ginawa niyang paghalik dito. Magwewelga na lahat ang babaeng nahalikan niya at ang mga hindi nakatiis na halikan siya minsan, pero idedeklara pa rin niyang ito ang may pinakamatamis na labing nahalikan niya. Labi ng isang birhen base na rin sa response nito. At kinikilig siya roon. Tumiim lalo ang pagkapukaw niya rito. Inosenteng-inosente at hihiya-hiya pa naman. But being feisty, a little prodding and she might become a witch.
Yeah, a lovely bewitching witch…
            “Kuya…?” Tumatawag na pala ang kapatid niya. Pero hindi niya pansin ito habang nakasandal siya sa hood ng sasakyan. Naka-krus ang dalawang paa niya habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Mukha siyang engot na ngingiti-ngiti roon nang hindi niya napapansin, still engrossed sa iniisip niya.
            Napansin na lamang niya na taas-kilay na pala si Erlyn na nakapamaywang sa pinto ng boutique shop habang tinatagtag siya ni Tacio para kunin ang atensiyon niya.
            “O-oh…sorry.” Para siyang namamalik-mata na napatayo ng maayos. “Tapos na ba?” patay-malisyang tanong sa kapatid.
            Umingos ito. “Nakita mo iyon, Tacio?” baling nito sa driver bago siya ulit tinignan. “Tsk. You have that dangling-tounge-puppy look. So, I’m sure, babae na naman ang iniisip mo, Kuya. Para kang sinapian ni Sisa kanina. Geez!”
            “Oo na.” Natawa na siya nang tuluyan.
            “Ang bayad mo? I want your gold credit card.”
 
“LOLA, I can’t come home for maybe a couple of weeks. May problema, eh. Okey lang po ba sa inyo? Don’t worry, okey lang po ako. I’m staying at a friend’s house dito din sa Claveria,” bungad kaagad ni Mutia matapos mag-hello ang Lola Matilda niya sa kabilang linya. Nasa kalagitnaan ng pagtsa-charge ang cellphone kaya pa-Indian seat siyang nakaupo sa lapag malapit sa saksakan.
            “Two weeks? Bakit, ano ang problema, apo? Okey ka lang ba talaga?” Tumatawid sa linya ang pag-aalala ng lola niya.
            “A-ano kasi, Lola…” Napaisip siya. Nahawakan ang tila kumirot na sugat. Ayaw niya munang sabihin dito na naaksidente siya. Saka na lang. Baka mamaya, bababa ang buong angkan nila at mga kabarangay mula sa Calanasan at humiling ng hustisya laban dito, LOPA style. Local peace and arbitration ang ibig sabihin nu’n na isang alternatibong justice system na umiiral sa bayan nila. “Aahh…basta.” Hindi niya kayang magsinungaling. “I will explain everything when I get back. Sa ngayon, pagbigyan niyo na muna ako, please. Promise, I’m really okey. Wala po ako’ng ginagawang labag sa batas. Parang bakasyon pa nga. If ever, kaya ko nang harapin ang anumang challenges sa akin after this, I assure you.”  
            Patlang.
            Napigil niya ang paghinga. Alam niyang nag-iisip ang lola niya. Narinig niya mayamaya ang mahabang paghinga nito.
            “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, apo? Just stay put at pababain ko kaagad si Ricky ora mismo para sunduin ka,” tukoy nito sa driver niya. “Let’s put behind this challenge for once.”
            “Lola naman. Huwag na sabi, eh. I’m okey. I really do. Ang hinihingi ko lang po ay kunting panahon para dito. Please, Lola.”
            “At sino naman ang kaibigan mo’ng iyan, aber? You know what? May naaamoy ako.”
            Napasimangot na siya. Really, kung surot ang lola niya, ito na ang reyna. “Lola, tumutok ka na lang muna kay Kris Aquino,” iwas niya.
            “Hump. All right, what’s the catch again?”
            Napahinga siya nang maluwag. “Thank’s, Lola. I love you. Gaya na ng sinabi ko, sasabihin ko lahat-lahat sa’yo pagbalik ko. Okey na po ba iyon sa inyo?” Saka siya napamata. Yeah, right. Edited version. Hindi dapat mag-exist sa istoryang ikukuwento niya sa kanyang abuwela ang namagitang halik sa kanila ng lalakeng iyon. At least, not now. Naisip pa nga lang, something primal in her react. Nagsisimula na yatang matuto na mag-tango at cha-cha ang puso niya roon.
            “Alright. I love you, too. Pero mag-iingat ka, ha? Anu’t anuman, I am just a call away.”
            “Opo, Lola.”
            “Bago ko pala makalimutan, lumabas na ang pulse survey. Sa kasamaang-palad, mas mainam daw na mamuno ang may asawa na sa bayan natin. Kailangan mo na agad ang mag-asawa, apo.”
            Bomba!
            “No!” tili niya. “Lola, wala nga akong boyfriend, asawa na agad!”
            Na-imagine niya bigla na nagkalabugan sa sahig ang bantayog ng women’s liberation.
 
 
 
 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    Gianna Sta Maria

    Must read

    17/07

      0
  • avatar
    r Yn

    Kakdjvjdjskdkfkfkffkfkfkfkfkfjfjfjfjfjfjfjfjvvmcmcmcmcmcmcmcncncncc sndjfjcj jsjfjcv jsjdjf

    21/06

      0
  • avatar
    JoevedJoeven

    nice

    27/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด