logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Mountain Echoes: A Duology

Mountain Echoes: A Duology

Ireland Forsythe


LOVING MUTIA Chapter 1

“DIYOS ko, tulungan Niyo ako! Kailangan ko ba talagang gawin pa ito?”
            Gustong pumadyak si Mutia sa pagkadismaya nang makita ang mga inilululan sa dyip. Bukod sa mga samu’t saring kargamento, may mga nakakahon pa’ng buhay na mga hayop. Gusto na niyang magback-out sa nais na gawin. Nasaan naman ang hustisya roon kung lululan siyang kumakaldag sa loob sabay langhap at ligo ng alikabok sa buong biyahe, makikipagpatintero pa siya sa tae?
            Kasalanan mo. Sobra ka kasing ambisyosa. Pinatulan mo iyan. Magtiyaga ka! Parang may naninisi sa kanya.
            Ang lola kasi. Uubra namang malaman kung paano maging mahirap nang hindi ko na kailangang gawin ito, himutok niya sa isip.
            Para siyang nawawala roon. Iniwan na nga siya ng kanyang Lola Matilda kasama ang kanyang assistant at driver-bodyguard niya pauwi, wala pa siyang means of communication. One thousand pesos lang din ang nasa bulsa niya. At ang photographer na isa pang dahilan kaya sinadya na niyang isabay ang challenge sa lakad niyang iyon ay hindi niya mahagilap. Ito kasi ang kukuha sana sa gagamiting larawan para sa kanyang campaign posters. Reschedule tuloy. Pero tiniyak niyang siya ang uunahin nitong asikasuhin pagbalik. Sa bilis ng takbo ng mga araw, ayaw niyang kapusin ng oras kaya sa aga’ng iyon, gusto niyang nakahanda na siya.
            Inayos niya ang bandana at antipara’ng suot na peke rin at umupo sa bangko’ng inuupuan ng ale’ng dalawa ang bungal.
            “Excuse me po, Manang. Ano’ng oras po ang alis ng dyip?”
            Tinigilan ng ale ang pinaghihirapang kagatin na mais at tumingin sa kanya. “Mamaya pa raw bandang alas-diyes, ‘Neng. Iyon kung makumpuni kaagad ang gulong,” nguso nito sa kabilang side ng dyip.
            Napabuntong-hininga siyang nilinga ang inginuso nito. Inaalis pa lang ang isa sa dalawang gulong sa panghuling bahagi ng sasakyan.
            Patience, Mutia.  Patience. “Sige po. Salamat.” Tumayo siya, buong katapatang inamin sa sarili na ambisyosa nga siya. Sa edad na beinte-sais, nais niyang maging alkalde ng Calanasan, isang first class mountain town iyon na nasa probinsiya ng Apayao. Ang totoo pa, may kopya na siya ng certificate of candidacy. Hinihintay na lang niya ang go-signal ng COMELEC para mai-file na niya iyon nang tuluyan. Multi-awarded na siyang barangay official—captain and councilwoman—kaya kailangan level up na siya. Oras na para sundan niya ang yapak ng kanyang Lolo Gervacio. Ito ang mayor sa bayan nila until his untimely death. Ito ang idol niya. Kaya ayon, naka-backseat muna ang degree niya sa BSBA kasi pulitika na kaagad ang hinarap niya pagka-graduate pa lang ng college.
Sa bandang huli, si Lola Matilda pa ang nangunang magtulak sa kanya para harapin ang challenge na iyon. Todo-bigay ang suporta. Kailangan daw niyang makisama. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang malaman kung ano ang dapat niyang gawin sakaling mananalo siya. Ang pakikisimpatiya at pakikiramay ay laging magkasama.
            Go naman siya agad sa ideya nito. ‘Yon lang, mainit ang suot niyang peluka, masakit sa mata ang shade niya, pati damit niya ngayon, wala sa uso. Gustong mangurong ang balat niya sa suot na balatkayo. Pero wala na siyang magagawa. Kailangan din niya iyon para huwag siyang basta-basta makikilala. Kailangan niyang matutunan ang pasikot-sikot na takbo ng mundo ng serbisyo-publiko nang wala nang dagdag aberya.Kailangan. Pakiramdam niya’y doon nakasalalay ang kanyang buhay.
            Sinulyapan ang relo. May dalawang oras pa bago mag-alas diyes.
            Dahil nagugutom na rin lang lalo pa at sinabayan na rin iyon ng pagsakit ng ulo niya sa init at alinsangan ng panahon kahit umagang-umaga pa lang, minabuti niyang maghanap na lang ng makakainan. She’ll take some Alaxan later kung hindi pa umayos-ayos ang pakiramdam niya.
            Tumawid siya ng kalsada na diretso ang tingin sa kabila. Nang biglang may nagtilian. Pagtingin niya sa kaliwa base sa inihihimatong ng tili ng mga tao at sa itinuturo ng mga ito, isang pulang SUV ang rumaragasa nang tumumbok sa kanya. Pero huli na para umiwas siya. Kasabay nu’n ang tila pagdaklot sa kanya ng pangingilabot at takot na karelyebo pa ng pinaghalong sakit ng ulo at gutom, nagdilim ang paningin niya. At bago pa siya tuluyang nawalan ng ulirat, ramdam niyang bumagok ang kanyang noo sa isang matigas na bagay bago siya tuluyang tumilapon sa konkreto. Doon tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.
 
“N-NO! Shit!”
            Awtomatiko’ng natapakan kaagad ni Karl Richard Alcantara ang preno ng minamaneho niyang sasakyan. Walang kalatoy-latoy na dahilan kung sasabihin niyang nagmamadali siya para sa kanyang miting kaya mabilis ang patakbo niya sa mataong lansangan. Pero hindi man lang ba marunong tumingin sa kaliwa at kanan ang babae nang tumawid na lang bigla ng kalsada?
            Dagli siyang lumabas. Kabang-kaba na kaagad niyang dinaluhan ang babaeng nabundol niya. Napuruhan niya yata. Pinulsuhan niya. Malakas naman. Kaagad na niya tuloy itong binuhat at isinakay sa backseat. Bumusina siya pagkatapos para mahawi ang kalumpunan ng mga miron para makadaan siya nang wala na namang mabubundol at baka kung ano na ang mangyayari. Nagsipaglayuan naman ang mga tao. Nagtaka pa siya kung nasaan ang mga gagala-galang pulis ngayon doon dahil walang sumita sa kanya o kaya’y tulungan siya sa anupamang paraan.
            Saka na niya haharapin ang mga ito. Kailangan niya munang harapin ang lukaret na ito. Tumawag siya sa kanyang pinsan na may-ari ng private medical clinic sa bayan nila. Agad niyang sinabi ang nangyari. Limang minutes lang, nasa harap na siya ng klinika ni Dr. Frances Pascua. Inasistihan siya kaagad ng dalawang nurses.
            Sumalubong naman si Dr. Pascua sa bungad ng klinika. “’Insan, please do your best. Hindi puwedeng mamatay ang babaeng iyan.”
            Sinimangutan siya ng dalagang doktora na kamukha ni Jackie Lou Blanco. “’Andiyan ka na naman. Doon ka nga sa waiting area at hayaan mo’ng gawin ko ang trabaho ko. Tsupi!”
            “Pero—“
            “Guard, pigilan niyo muna ang isang ito. Hindi puwedeng makalapit sa ER iyan at baka sa mental pulutin.” At nawala na ito.
            Nagkatinginan tuloy sila ng guwardiyang inutusan ni Dr. Pascua. Napakibit-balikat na lang siyang tinungo ang waiting area. Pero nang mapatingin siya sa pambisig na relo, bigla na lang din siyang napatayo at patakbong tinungo ang kanyang sasakyan. His meeting, damn it!       
Inabot niya sa dashboard ang cellphone niya. Idinayal kaagad ang numero ng isa pang pinsan niyang si Derrick. Bukod sa bestfriend niya ito, business partner din sila.
“Dick, paki-handle naman sandali ang meeting ko sa mga taga-DPWH, please. Alam mo na ang gagawin. May emergency ako.” Agad niyang ipinaliwanag ang sitwasyon.
“Uhuh…uhuh. Okey. Nandito na nga sila. No problem.”
“Thank’s, ‘Insan. I owe you.”
 
“A-ANG sakit!”
            Awtomatikong dumapo ang isang palad ni Mutia sa pang-upo niya sabay hilot doon. Lalong kumirot.
            Agad ang dating ng realisasyon kaya bigla siyang napadilat. Hindi nga siya nananaginip lang!
“H-huwag!” tili siya sa pagkagulat nang makitang tila siya tutusukin ng gunting ang isang babaeng doktora.
            “Everybody, hold her!” agad ay sabi nito.         
            “N-no! Pakawalan niyo ako. What are you doing?” Agad siyang nanlaban. Tinatahi ang kanyang mukha sabihin nang sa gilid pa ng noo niya. ‘Yong  campaign poster niya! “Bitiwan niyo ako!”
            “Please, Miss. Huminahon ka. May kalahating dangkal na sugat sa noo mo and we needed to stitch it back. Idemanda mo later ang pinsan ko sa ginawang pambubundol sa’yo. Napingasan tuloy ang magandang mukha mo sa nangyari, eh,” anang doktora sa kanya.
            “Exactly! What’s more, hindi pa ako nakukunan ng latest picture na gagamitin ko for my campaign poster. Oh, my God!” Gusto na niyang umiyak. Nanlulumo siyang napahiga na lang ulit at hinayaan na lang ito. Hindi naman iyon masakit dahil sa itinurok sa kanyang anaesthesia. “Kailangan ko din ba ng CT scan?”
            “No need. Sabi naman ni Karl, ‘yong pinsan ko’ng nakabundol sa’yo, tamang bundol lang naman daw ang nangyari. Nakapagpreno daw agad. Iyon nga lang, tumama din daw muna ang noo mo sa may katalimang gilid ng nakakabit na car accessories sa harap ng SUV na siyang dahilan ng sugat mo bago ka tuluyang bumulagta sa kalsada. At least, that’s his brief nang tumawag kaagad.” Sinenyasan ng doctor ang dalawang assistant nito na puwede nang lumabas kaya naiwan silang dalawa. “Maliban na lang po kung nais niyo, Miss—“
            “—Mutia Leilanie Aliga,” sambot niya agad na bahagyang ngumiti. Gusto niya kaagad ito.
            “Dr. Frances Pascua po, Miss Aliga.” Nakangiting nakipagkamay ito sa kanya. “Welcome to Healing Hands Clinic.”
            “Salamat. Pero tatapatin na kita: wala ako’ng ibabayad kaagad ngayon. Kung okey lang sa inyo, I will issue a promissory note, instead. Babayaran ko pagbaba ko ulit. I’m on a mission kasi kaya hindi ako nakahanda. Ganito marahil ang mga nangyayari sa mga ambisyosa. Gusto ko’ng maging mayor, eh.”
            “Ah…” Napatango-tango ito. “Huwag mo na lang babayaran. Ang pinsan ko na ang bahala.”
            Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil sa biglang naisip. “Ano’ng oras na?”
            Pero dagli na siyang napatingin sa pambisig na orasan at halos sabay pa silang nagsabi ng: “It’s ten!”
            “Kailangan ko nang umalis. Baka maiwanan ako ng jeep,” agarang saad ni Mutia.
            “No, you can’t,” bigla ay sabi ng isang malagom na boses mula sa pinto.
            Dagli siyang napatingin sa nagsalita. Subalit agad na inaresto ng lalake ang kanyang tingin. Iglap, may kung ano’ng ginising sa kaloob-looban niya. Tila siya tuloy naliyo sa sargo ng emosyong nagpailaw ng pula sa ere.
            Kinabahan siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    Gianna Sta Maria

    Must read

    17/07

      0
  • avatar
    r Yn

    Kakdjvjdjskdkfkfkffkfkfkfkfkfjfjfjfjfjfjfjfjvvmcmcmcmcmcmcmcncncncc sndjfjcj jsjfjcv jsjdjf

    21/06

      0
  • avatar
    JoevedJoeven

    nice

    27/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด