logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 I HATE FUMAH EVER

—LUCAS
"Ako si Agatha, ikaw anong pangalan mo?" sasabihin ko sana ngunit tila may pumipigil sa akin at ang tanging nasabi ko ay...
"Khael." napakagat ako sa labi ko at napakunot ng noo.
"Aalis ako ngunit wala akong mapag iwanan nitong bahay, wala rin akong makitang mapagkatiwalan na ibang tao, since andito ka naman i think you're the one who can i trusted for." sambit pa nito at iniabot sa akin ang dalawang susi, napataas naman ang kilay ko.
"Ang kulay blue na susi ay para sa main dorr ng bahay, samantalang ang isa naman ay para sa kotse." Ani nito.
"Babantayan mo lang ang bahay para hindi manakawan, lilinisan mo na rin ito para mapanatiling malinis dahil ayoko ng marumi at mabahong paligid." dugtong pa nito.
Napatango namam ako at sinuri ang paligid.
"May mga damit diyan sa guess room na pwede mong gamitin, yun lang at maiwan na kita." napatingin naman ako sa pintuan na kaniyang tinuro at tinungo ko iyon.
Hindi ganon kalaki ang kwarto kung iyong titingnan sa labas ngunit kung makakapasok ka sa loob ay makikita mong malawak ang silid, may anim na kamang sa pakiwari ko ay lang isang tao at sa isang sulok naman ay ang anim na naglalakihang mga cabinet.
Kung pupunta ka naman sa gitna makikita mo sa dingding ang isang tv na sakto upang makanood ang mga taong hihiga sa anim na higaan na ito, kumpleto na ang lahat ng gamit, may Aircon din kaya naman hindi mainit at higit sa lahat may isang salimin sa isang courner kung saan puno ng gamit na pwedeng gamitin ng lalaki at babae.
Lumabas naman ako sa kwarto at hinanap ang babae ngunit wala na ito kaya naman napa kibit balikat na lamang ako.
Naglakad pa ako ng bahagya, kung magsisimula ako sa pintuan na libutin ang buong bahay ang bubungad sa akin pag pasok ko palamang sa main door ay ang malaking tv at sofa na nakapalibot rito, sa kaliwang bahagi ay naroon ang dining area nito at kusina sa pagitan naman nitong bahay ay hagdan, umakyat naman ako sa hagdan at sinuring mabuti ang second floor nito.
Unang tatambad sayo ang isang maliit na office sa labas palamang ay tanay mo na ang loob nito dahil salamin lamang ang mga pader nito, sa kabilang dako naman ay ang isang pintuan, sa malamang ito na ang pinaka kwarto ng babaeng iyon. May dalawang pinto pa na nakapag pagising ng aking kuryusidad kung ano ang mga nasa loob nito kaya naman aking binuksan ang unang pinto, kulay palamang nito ay alam mo ng pang babae ito, Puno ng mga make-up at maging mga kagamitan sa paglilinis ng kuko o para bang pwede ka ng magtayo ng parlor dito. Sa kabilang sulok ay ang apat na naglalakihang cabinet, binuksan ko naman ito at tumambad sa aking ang mga nag gagandahang mga damit, dress at iba pa, sa kabila naman ay ang mga sandamakmak na mamahalin at magagandang sapatos o high heels.
Napailing na lamang ako at lumabas, can't imagine na hindi ba mabubuhay ang mga tao kung wala ang mga ganitong bagay sa kanilang buhay?
Pumasok naman ako sa kabilang pinto, puro pang exercise equipment lamang ang narito kaya naman sinara ko na.
Bababa na sana ako ng mahagip ng aking mata ang isang pasilyo, tinungo ko iyon at nakita kong may hagdanan pa ito, hindi ko napamsin na meron palang 3rd floor ang bahay na ito, inakyat ko iyon at narating ko ang ROOFTOP? yeah! isa siyang rooftop ngunit may nakaharang na salamin sa paligid nito, a perfect spot to see sunrise and sunset even a moon.
Napangiti naman ako at nagpalinga linga, hindi lang pala siya basta isang Rooftop pwede ka rin makapag pahinga rito dahil may maliit na higaan at presko sa taas.
Matapos ang ilang minuto na pananatili sa taas ay naisipan ko ng bumaba at maglibot sa labas.
Ngunit pagbukas ko palang ng pinto ay rinig ko na ang ingay ng mga kapit bahay kaya naman sinara ko na lamang ito at nahiga sa sofa. Binuksan ko na lamang ang TV at nanood.
Mas mabuti pang narito na lang ako kesa naman sa makita ko ang itsura ng labas.
—IVORY
Nakakapagod, lagi na lang akong napapagalitan sa pinapasukan kong iyon tapos susunod na naman ang opisina ni Mr. Thy parang gusto ko ng sumuko.
"Hoy ikaw." napahinto ako ng makitang may nakaharang na tatlong lalaki sa aking harapan.
"Akina yang bag mo!" sigaw ng nasa gitna ngunit hindi ko pwedeng ibigay dahil narito ang sweldo ko ng dalawang buwan.
Umatras ako ng bahagya at...
"Isa pang atras mo sapilitan naming kukunin iyan saiyo." Saad naman nung isa kaya naman napatakbo ako,
Takbo pa Ivory, Bilisan mo pa, napatingin ako sa aking likuran ngunit andon na sila, ang bilis nila.
TAKBO! BILIS! BILIS PA IVO!
Pumasok ako sa isang iskinita ngunit hindi ko alam na wala na palang ibang labasan roon kaya wala na huli na.
"Wala ka ng tatakbuhan." napatingin ako sa aking likuran at nakita ko sila roon na naka abang na sa akin, pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. Katapusan ko na.
"Ibigay mo na yang pera mo!" sigaw ng isa at sinugod ako sabay hawak sa aking isang kamay samantalang ang isa naman ay hinawakan ang isa ko pang kamay.
"Matapos naming kunin ang pera mo, magsasaya tayo." nakakatakot ang mata niya, nanlilisik at tila may binabalak itong kalaswaan.
Napapikit na lamang ako at napatangis.
"Panginoon iligtas mo po ako!" bulong ko sa aking isipan.
Napadilat na lamang ang aking mga mata ng nawalan ng higpit ang mga nakahawak sa aking kamay.
Tumambad sa akin ang naka puting lalaki na matangkad.
Sinugod nito ang isa at sinuntok, sinunod naman niya ang isa na sinikmuraan nito at ang isa naman ay sinipa sa maselang parte ng katawan, nakatayo pa ang isa kaya naman pinukpok niya ito ng kahoy na nakuha niya sa gilid.
Iniinda ng tatlong lalaki ang sakit ng katawan na kanilang natamo.
Hinila naman ako nung lalaki at nagpadala lamang sa kaniya sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa isang comfort room.
"Hintayin mo ako rito kukuha ako ng pang palit mo." malamig na tinig ang pinamulalas nito at iniabot sa akin ang bag ko tsaka umalis.
Agad ko naman iyon binuksan at nakita kong hindi nabuksan ang wallet upang makasiguro ay tiningnan ko ito at salamat sa panginoon hindi ito nabawasan.
Mga ilang sandali pa lamang ay nariyan na siya at may dala nga siyang paper bag, iniabot niya sa akin iyon na aking kinuha tsaka pumasok sa isang cubicle na narito.
Nag bihis ako ng damit at nag ayos na rin, buong akala ko maaabutan ko pa siya sa labas upang makapag pasalamat ngunit wala na siya roon.
Hinanap ko siya sa paligid ng comfort room ngunit wala talaga kaya naman napatakbo na lamang ako palayo sa lugar na iyon hanggang sa marating ko ang cafeteria.
Napatingin naman ako sa aking relo at nakita kong pasado alas dos na pala, late na ako sa trabaho kaya naman kumaripas ako ng takbo dahil alam ko sermon na naman ang abot ko sa masungit kong boss, araw araw na lang akong nase sermunan at nasisita sa mga bawat kilos ko kahit alam ko namang tama.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (29)

  • avatar
    Bryan Calunsag

    it's good lesson

    18/08

      0
  • avatar
    SingsonJasmine

    nice

    07/08

      0
  • avatar
    Mae Sabate

    wowww

    04/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด