logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 7 Seven

Grabe! Parang mas lalo yatang lumala ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Kahapon ko pa iniinda 'to sa totoo lang. Pero hangga't makakaya ko ay papasok talaga ako, ayaw ko naman may ma-miss na kahit isang subject lang.
"Grabe! Ang ganda talaga niya 'no?" Isa lang 'yan sa bulungang narinig ko pagpasok ng university. At dahil may lahi akong tsismosa, kahit masakit ang ulo ko ay naki-usyoso ako.
Tiningnan ko kung ano ang pinagtitinginan nila, at ngayon ko napagtanto na ang fiber pala. Oo recent ko lang din naman nalaman na Fiber pala ang pangalan ng grupo nila. May kasama rin silang isang babae na kanina pa pinagbubulungan. Sino kaya 'yun? Ngayon ko lang kasi siya nakita. Pero ang ganda niya.

I checked my wristwatch. I still have 20 minutes, pero papasok na ako.
"Avs!" Come on, Dy!
Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanila. Ramdam ko ang tingin ng ibang students na nandito. Kainis talaga itong si Dylan, talagang dito pa nagtawag. Kumaway pa sila sa akin tapos nagsilapitan na.
"Hello, Avy!" bati ni Gavin sa akin at binati rin naman ako ng iba, muli maliban kay Raven. Paki ko? Ginantihan ko lang sila ng kaway at ngiti.
"Oo nga pala. Clarice, si Avlyn 'yung bestfriend ko na kinukuwento ko sa inyo." Nagulat ako nang lumapit ito sa akin upang bumeso.
Men! Ang bango niya. Nakakahiya naman sa akin na naka-cologne lang na nabibili sa tindahan sa labas ng bahay.

"Hello! Finally, na-meet na rin kita. I heard a lot of things about you from Dylan." Napatingin ako kay Dylan at pinaningkitan siya ng mata. Agad naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako, ginulo pa ang buhok ko.

Badtrip! Ang hirap kayang mag-ayos ng buhok lalo na kung mahaba.
"Anong tinginan 'yan, Avs? Wala naman akong masamang sinabi tungkol sa kaniya 'di ba? Puro magaganda nga sinabi ko." Natawa naman ang mga kasama namin tapos kunwari ay napaisip pa.
"Naalala ko may sinabi siya na napaka-iyakin mo raw, sobra," sabi ni Calvin na ginatungan naman ni Gavin nang, "Tsaka ano, chubby ka raw pero cute naman. Pero kinuwento pa rin niya na ang chubby raw ng bestfriend niya."
Binalingan ko si Dylan muli na ngayon ay pinagkrus ang dalawa niyang kamay habang sinasabi na, "They're just kidding, Avs. I never said those... I mean... Oo sinabi ko 'yun, pero hindi para siraan ka. I just missed my bestfriend and tell those things that I remember about you."
"Iba ka rin talaga umisip ng palusot 'no? Sapakin kaya kita r'yan!" Nag-peace sign lang siya sa akin at niyakap ako.
Walang malisya 'yan, mag-bestfriend kami at para na rin magkapatid.
"Now I can say how really close you are. Napaka-genuine na kasi ng smile and laugh ni Dylan,” nakangiting sambit ni Clarice.
"Naku, Clarice! May pagka-plastic lang talaga 'yan si Dylan."
Natawa na lang ako nang biglang nagsi-sang-ayon sila sa akin. Kaya ang ending si Dylan ang napagtulungan.
"Teka, Avs. Ang init mo," sabi ni Dylan nang bigla siyang mapahinto sa pagyakap sa akin. Muli niyang hinawakan ang noo at leeg ko upang siguraduhin.
Iyon din naman ang ginawa ko. Totoo namang medyo masama ang pakiramdam ko kanina pa.
"May sakit ka? H'wag ka nang pumasok." Agad naman akong umiling bilang hindi pagsang-ayon.
"Hindi pwede, Dy. Kilala mo 'ko, hangga't kaya ko ay papasok ako." Bumuntong-hininga naman si Dylan sa sinabi ko.
"Hanggang ngayon pasaway ka pa rin."
"Take this, Avlyn. Inumin mo para bumaba ang lagnat mo. Kumain ka na ba?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Clarice. Hindi kasi ako kumain sa bahay, napagpasyahan ko na rito na lang sa school kakain.
Nagulat ako nang may nag-abot ng sandwich sa akin. Lahat kami napatingin sa kaniya.
Sino? Si Raven lang naman.
"Kunin mo na lang." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ro'n ang sandwich.
"Salamat, Bro. Ayan na, Avs, kumain ka na tapos uminom ng gamot."
Tiningnan ko ang relos ko. Hala! Ten minutes na kaagad ang nakalipas.
"Hala! Kakainin at iinumin ko na lang sa room. Malapit na mag-start ang klase ko." Aalis na sana ako nang umakbay sa akin si Dylan tapos inaya na ang lahat maglakad.
"Hoy, Dylan! Nakakahiya kung isasabay niyo ako." All eyes are still on us.
Gosh!
"Bakit naman nakakahiya? Bestfriend naman kita. Tsaka hindi pwedeng mag-isa kang maglakad, baka kung ano mangyari sa'yo." Ang oa naman, Dylan Cabrera! Hindi naman malala ang sakit ko.
"Oo nga naman, Avlyn. Tsaka there's nothing to be ashamed of! Besides, mabuti nga 'yun kasi at least hindi na ako nag-iisang babae kapag kasama sila. Sawang-sawa na kaya akong kasama ang limang 'to. Lalo na 'to!" Agad niyang tinuro si Payton, pero ang ginawa nito ay kinuha ang kamay niya tapos gamit ang hintuturo niya ay tinulak ni Payton ang noo niya. Kaya naman napasimangot na lang si Clarice.
Mukha namang close na close rin itong si Clarice at Payton.
Nang makarating na kami sa labas ng building ng department namin ay magpupumilit pa sana si Dylan na ihatid ako. Pero agad na rin akong tumanggi.
"Ako nang bahala kay Avlyn, Bro. I'll contact you right away if something happens." Grabe ang ka-oa-han ng mga ito.
"Hindi naman malala ang nararamdaman ko. Ang oa niyo."
"Hayaan mo na, Avlyn. Nag-aalala lang ang bestfriend mo sa'yo. Sige na, pasok na kayo." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Clarice tapos tuloy na kaming naglakad ni Payton.
"Mag-stay ka na lang sa clinic. Ako na bahala sa mga Professor natin." Ayan na naman!
Ayaw kong may ma-miss kaya ako pumasok kahit masama pakiramdam ko tapos ipapa-stay lang nila ako sa clinic.
"Ayaw ko um-absent." May binulong pa siya pero hindi ko talaga iyon narinig.
Hindi ko na nainom ang gamot dahil saktong pagdating namin sa room ay kasunod kaagad namin si Sir Hamilton. Nagsimula na rin siya kaagad sa lesson. Pero habang tumatagal ang lesson, para bang mas lumalala ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko nga nanlalamig ang katawan ko lalo na at aircon dito sa room.
Shit!
"Yes, Miss Pilapil?" tanong ni Sir nang magtaas ako ng kamay.
"M-may I go…out, Sir?" tumango naman si Sir bilang pagpayag. Kaya naman agad akong tumayo at naglakad.
Pero bakas ang panghihina ko.
"Are you okay, Miss Pilapil?" Ngumiti lang ako at tumango saka tuluyan nang lumabas ng room.
Tinungo ko ang daan papunta sa restroom. Walang tao ngayon sa hallway dahil class hours, at kung may mag-cutting man ay paniguradong hindi iyon gagala sa hallway.
Pumasok na ako sa restroom at agad na pumasok sa isang cubicle. Ibinaba ko ang cover ng toilet at saka naupo. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sobrang sakit talaga. Parang anytime mahahati na ang ulo ko.
Takte!
"Oo sigurado ako. Siya 'yun." Teka! Bakit parang familar ang mga boses na 'yun?
Saglit silang nanahimik hanggang sa may mag-salita ulit.
"Akin na 'yan." Mukhang kilala ko na. Ano na naman ba ang plano nila?
Pero nagulat ako nang wala pang isang minuto ay isang sobrang lamig na likido ang bumuhos sa akin. May mga butil pa ng yelo.
Shit! Ang lamig.
"Let's go!" Huli kong narinig ang pagsara ng pinto.
Yakap-yakap ang sarili akong lumabas ng cubicle. Nabungaran ko ang sarili sa salamin na sobrang basa at hinang-hina. Parang mas lalo akong nanghina sa malamig na likidong bumuhos sa akin.
Tinungo ko ang pinto ngunit sa kasamaang palad ay naka-lock na ito. Bwisit talaga ang mga bully na 'yun! Kinalampag ko ang pinto, nagbabakasakali na may mabuting loob na tumulong sa akin.
"B-buksan niyo…to!"
Nananakit na ang kamay ko sa kakakalampag ngunit wala pa rin. Mukhang hihintayin ko na lang na may mag-cr at buksan ang restroom.
Grabe sobrang lamig.
Mas lumala ang sakit ng ulo ko at mas sumama ang pakiramdam ko. Putek! Ngayon ay unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko, nakita ko pa na may pulang likido na tumulo sa suot kong pantalon na nagmula sa ilong ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na unti-unti na akong bumabagsak.
"T-tulon—"
****
"Nurse, pwede na po ba namin siya iuwi?" Nagising ako dahil sa narinig ko at dahil nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko kaya naman napabangon ako.
Napagtanto ko na nasa clinic pala ako.
"Avs! Ano nang nararamdaman mo?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Dylan habang tinatanong ako.
"Medyo kumikirot lang ang ulo ko. Pero ano ba ang nangyari? Bakit nandito ako?"
"Nadatnan ka ni Clarice na walang malay sa restroom. May naaalala ka ba? Kasi nadatnan ka raw niya na basang-basa." Pilit kong inalala ang nangyari kanina hanggang sa unti-unting naging malinaw ang alaala ko.
Oo naalala ko na ngayon. Bwisit talaga ang mga bully na 'yun. Pasalamat sila takot akong magkaroon ng violation. Kung hindi ay malamang sa malamang ginantihan ko na sila.
"Sila na naman ba, Avs?" napatingin ako kay Dylan na hinihintay ang sagot ko.
"Let's talk about this later. Papasok muna ako sa class ko." Pero imbes na pababa na ako ay pinigilan niya ako.
"No, Avs. You're not going to attend your remaining classes. Iuuwi kita para makapagpagaling ka. No buts, and besides, naipalam ka na ni Payton sa mga Professor niyo." Nagulat ako nang buhatin ako ni Dylan.
Kailangan ba talagang buhatin? Kaya ko naman maglakad.
"Dy, ibaba mo na ako. Pinagtitinginan na nila tayo." Napatingin din siya sa paligid pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy hanggang sa marating namin ang parking lot.
Ano ba naman 'yan! May mami-miss akong subject, nakakainis.
"Matulog ka na muna at gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa bahay niyo. " Pero hindi ko siya sinunod, bagkus ay nag-cellphone na lang ako.
"Tama ba ako, Avs? May kinalaman sila?" tanong niya habang ang tingin ay nakatuon lang sa daanan.
Nagkibit-balikat ako at tumango.
"Yeah sino pa ba? Tsaka nag-passed out ako kasi na trigger ng cold water with ice ang fever ko. Pero kung wala naman akong fever, hindi naman ako mahihimatay." Totoo naman ang sinabi ko.
Huminga nang malalim si Dylan at gamit ang rear-view mirror, kita ko ang mariin niyang pagpikit na tila pinapakalma ang sarili. Mabait si Dylan, pero kapag nagalit 'yan? Iba. May pagka-oa rin kasi talagang magalit 'yan, siguro pinipigilan lang niya ang sariling mag-explode ngayon dahil nandito ako.
Naihatid na niya ako sa bahay. Sinabi niya ang rason ng pag-uwi ko kay Mama, pero gladly hindi niya sinabi ang nangyaring bullying. Warfreak pa naman minsan 'to si Mama. Hindi ko na pina-stay pa si Dylan ng matagal at pinabalik ko na sa school.
Ako naman nakapagpasya na matulog. Nakaramdam kasi ako ng antok. Mainam na rin talaga siguro na magpahinga na lang ako. Saglit lang dahil may pasok pa ako mamaya sa Café.
Nagising ako sa katok ni Mama. Teka anong oras na ba?
"Shit! Alas-sais na? Late na ako!" Agad akong bumangon kahit medyo mabigat pa ang ulo tapos nagtungo sa damitan ko upang kumuha ng damit.
"Avlyn!" Ano ba 'yan.
Dala-dala ang damit na nakuha ko sa damitan ay nagtungo muna ako sa pinto upang pagbuksan si Mama.
"Bakit may hawak kang damit? Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Sa trabaho, Ma. Late na nga ako—Aray naman, Ma!" Paano, binatukan ba naman ako.
Masakit 'yun ha!
"Anong trabaho? Magpahinga ka! Hindi ka papasok."
"Ma, naman!" napasimangot na lang ako nang aambahan niya na naman ako ng batok.
Kainis!
"May bisita ka nga pala. Papasukin ko ba rito sa kwarto mo?" Napakunot naman ang noo ko. Sinong bisita?
"Hindi na po." Binato ko ang damit sa kama at lumabas na ng kwarto.
Napatingin ako sa sala at nagulat sa nakita. Ano'ng ginagawa ng unggoy na 'to rito?
"Bakit ka nandito?" agad naman akong pinagalitan ni Mama nang sungitan ko ang bwisita ko.
"Avlyn Pilapil! Ganiyan ba ang tinuro namin sa'yo kung paano tratuhin ang bisita? Umayos ka!" Badtrip talaga itong si Mama.
Umupo ako sa upuan na kaharap ng inuupuan niya. Hinintay ko lang na maka-alis si Mama bago ko kausapin ang bwisita.
"So, what brought you here? tanong ko sa kaniya.
Pero hindi niya ako sinagot bagkus ay lumapit siya sa akin. Kaya naman agad akong napalayo.
"Hoy! Ano'ng binabalak mo?" muli ay hindi siya nagsalita kaya naman mas napaatras ako.
"Don't move, I'm just going to check you." Ha?
Nilapat niya ng kamay sa leeg at noo ko upang i-check kung mainit pa ako.
"Sila Kayecee ba?" Umayos na siya ng upo at muling nagsalita.
"Narinig kong nadatnan ka sa restroom na basang-basa. Imposible namang ginawa mo 'yun sa sarili mo. So, sila Kayecee ba?" Sumandal ako sa inuupuan ko, gusto ko kasi i-relax ang ulo ko. Medyo mabigat pa rin kasi.
Tumango naman ako bilang tugon.
"Yeah sino pa ba? Tsaka kayo naman ang rason nila kung bakit nila ginawa 'yun." I don't want to blame anyone. Pero 'yun naman din kasi ang katotohanan.
"Don't worry, we'll make it up for you. Anyways, sumama ka na sa party." Napakunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.
Tama ba ang rinig ko?
"Did I hear it right? You want me to join the party? Wow ha! Parang no'ng isang araw lang ay ayaw na ayaw mo ako pasamahin." Nagkibit-balikat naman siya saka tumugon na, "They all want you to be there. So, who am I to disagree?"
Minsan talaga napakagulo ng utak nitong lalaking 'to. May inabot siyang paper bag sa akin.
"Gagawin ko rito?" tanong ko.
"Tingnan mo ang laman para malaman mo kung ano 'yan. Basta inumin mo lang para mabilis kang maka-recover." Napaangat ang tingin ko nang bigla siyang tumayo at inayos ang damit niya.
"Bilisan mong magpagaling. Aawayin pa kita," sabi niya tapos biglang may nag-flash na ngiti sa labi niya. Lumapit rin siya sa akin tapos ginulo ang buhok ko.
Shit! Bakit ba ako na-touch sa ginagawa niya? Obvious namang pakitang tao lang.
"Hijo, uuwi ka na?" Ngumiti siya kay Mama saka tumango.
"Opo, Tita. Dumaan lang po talaga ako para kamustahin si Avlyn."
Inihatid na ni Mama si Raven sa labas ng bahay. Tiningnan ko ang laman ng paper bag na ibinigay niya. Puro herbal drinks lang naman ito.
"Infairness naman, ang gwapo ng Raven na 'yun at mukha pang mabait." Ano na naman ba ang gustong iparating ng mama ko?
"Avlyn, kung wala talagang chance sa inyo ni Dylan. Pwedeng-pwede na si Raven." Napatampal na lang ako sa noo ko saka tumayo na at nagtungo na lang sa kwarto.
Diyos ko! Bakit ba ang hilig akong ibenta ng magulang ko? Ay ewan!
****
Third Person P.O.V
Kasalukuyang nasa cafeteria ang Fiber maliban kay Dylan na hinatid si Avlyn sa kanilang bahay.
"What's up, Guys! Nasaan si Dylan?" tanong ni Gavin nang mabungaran na wala ang kaibigan.
"Hinatid si Av—ayan na pala siya. Bro!" Seryoso lang ang mukha nito na naglalakad patungo sa kanila.
"Teka ano ba'ng nangyari? Narinig ko lang kasi habang naglalakad ako papunta rito na nakulong daw si Avy sa restroom kanina." Dahil siya ang huling dumating ay wala pa siyang nalalaman tungkol buong pangyayari.
Walang sumagot sa tanong niya bagkus ay si Dylan ang tinanong nila.
"How's Avlyn? Sinabi ba niya kung naalala niya ang gumawa no'n sa kaniya?" tanong ni Calvin na nalaman lang din dahil napag-usapan nila sa cafeteria habang hinihintay ang ibang kaibigan.
"As usual," tanging tugon ni Dylan.
Napakuyom ang kamay nito nang mapadaan ang bullies sa table nila. Akma na rin sana siyang tatayo nang pigilan siya kaagad ni Raven na katabi niya.
"Bro, calm down. This is not the right place. Nangako rin tayo kay Avlyn na, hindi against sa rules ng school ang action natin."
Nagugulumihanan pa rin si Clarice sa nangyayari, kaya naman napatanong na siya.
"Pwede niyo ba i-explain ang nangyayari? Bakit galit na galit ka sa kanila Kayecee, Dylan? Anong kinalaman nila sa nangyari kay Avlyn?" sunod-sunod na tanong nito.
Ipinaliwanag ni Payton ang nangyayari kay Clarice na mabilis din nitong nakuha.
"So, ibig sabihin ang grupo nila Kayecee ay pinag-iinitan si Avlyn? Dahil sa inyo?" Tumango-tango naman sila bilang pagkumpirma.
"Oo, gets mo na?" sambit ni Payton.
Pero tila may naalala si Clarice.
"Teka! In-invite niyo ba si Avlyn sa party?" Lahat naman sila ay tumango, maliban lang kay Dylan.
"Now I know." Napatingin sila rito na para bang may iba itong ipinaparating.
"Kayecee called me last night. Nagpapa-invite sa party. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang siya ka-eager na makasama." Nagtinginan ang Fiber na ngayon ay naiintindihan ang sinabi ni Clarice.
Kaya naman kani-kaniya na sila ng isip kung ano ang gagawin.
"Pero hindi pa sure kung sasama ba si Avlyn 'di ba?" pagkumpirma ni Calvin.
"May be it's better kung hindi na muna natin siya isama. Knowing na may black agenda ang grupo nila Kayecee," suhestyon naman ni Gavin na sinang-ayunan naman nila Dylan.
Gustuhin man niyang isama ang kaibigan pero sa posibleng mangyari ay mas ginusto na lang niya itong hayaang hindi na sumama.
"There's no need to do that, Guys. Let Avlyn attend the party." Nagtaka naman ang Fiber sa bigla nitong sinabi. Nakangiti pa ito na tila may kung anong tumatakbong kalokohan sa utak.
"I have an amazing plan."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (74)

  • avatar
    Romel Arquisola

    ♥️♥️♥️♥️♥️♥️

    10d

      0
  • avatar
    Josef Patryk Mandac

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Lykamae Yu

    love the friend

    28/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด