logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Aidan Ethan Sanchez Shallei Herrera De Leon Ayecka Faye De Leon Sanchez

Still Shallei PoV
Chapter 5
Kumuha ako ng hangin pagkalabas ko ng elevator at bumuntong hininga muli.
Naglakad na ako papunta sa desfenser.
Hindi ko maiwasan mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko maiwasan na mag-isip na kung ano ang mangyayari sa akin ngayon dahil kasama ko siya. Hindi ninyo ako masisisi kung ganito ang mindset ko.
Sino bang hindi mag-iisip ng sobra kung kasama mo lang 'yung ex mo sa iisang lugar at ang malala pa ay boss ko siya. Hindi naman na p'wedeng magback out ako dahil kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho para sa anak ko kaya naman kakayanin ko ito.
Hindi ako magpapa-apekto basta sa presensya niya, kahit na anong mangyayari magtutuloy ako sa trabaho na ito. Mahirap pero kailangan kayanin.
Naaawa na ako sa anak ko, at kahit papaano gusto kong makuha at mabili niya ang mga gusto niya, kahit na papaano ay gusto ko siyang mabigyan ng magandang buhay kaya kahit na mahirap na makasama ang ex mo ay kakayanin.
Nalagpasan ko na lahat, ito pa kaya? Makakayanan ko din na lampasan ito, kailangan ko lang nang tiwala sa sarili ko. Alam kung kaya ko ito, ako pa.
Pero hanggang saan at kailan ko kakayanin? Naman!
Bakit ba kasi sa lahat nang tao ay siya pa ang maaring maging boss ko? Bakit hindi ko man lang naisip 'yun?
Nakakaloka ah.
Pakiramdam ko hindi ko kakayanin na makasama siya sa kung saan.
Pakiramdam ko hindi ko kakayanin na makasama siya araw-araw.
Alangan naman na magresign ako agad? Hindi maari dahil mahihirapan na naman ako sa paghahanap ng trabaho lalo na ngayon at hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman hirap na hirap akong makahanap ng trabaho. At nagpapasalamat ako, dahil nakahanap ako ng trabaho, kaso kasama ko ang ex ko, boss ko pa.
Bakit pakiramdam ko ang malas kong tao?
Una, andaming nawala sa akin. Hindi lang pagkatao ko ang nawala, kundi lahat, ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko, ang taong mahal ko at ang malala ay ang mga pangarap ko na unti-unti ko ng natutupad noon ay bigla na lang nawala sa isang iglap at hindi inaasahan.
Dream came true na sana 'yun e, kaso nawala pa.
"Miss," nagulat ako at muntik pang matapon ang kapeng hawak ko, mabuti na lang at hindi naman.
"Bakit po?" inosenteng tanong ko sa babaeng ito na kaharap ko.
"You are ThatGirl, I am right?" ngiting tanong niya at nagtaka naman ako.
Hah? Hanudaw? ThatGirl? Ako? Hah? Shallei ang pangalan ko at hindi ThatGirl.
"Nagkakamali ka po ata." mahinahon na sagot ko naman para siya naman ang magtaka.
"Are you sure?"
"Yeah, hindi po ako ang sinasabi ninyo, pasensya na po." ngiting sagot ko naman at bastos na kung bastos kung talikuran ko siya.
Hindi ko naman kasi siya kilala, atsaka sino bang ThatGirl? Bakit niya ako tinatawag na ThatGirl? Dzaiii, kailan pa naging ThatGirl ang name ko? Anlayo naman no'n sa Shallei na tunay kong pangalan.
Kalurky.
Kahit na naiinitan ako sa hawak ko ay tiniis ko pa din, bakit ba kasi styro lang ang meron sila? Naghihirap na ba sila? Ang judgemental ko naman.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa kape, pero bago 'yun ay kinuha ko muna ang panyo ko sa aking bag at tiniklop nang maliit atsaka inilagay sa aking palad bago ilagay ang kape.
Oh, di'ba, gagawa ng paraan para hindi mainitan.
Minsan kailangan din natin gamitin ang ating utak at isip. Hindi 'yung basta na lang tayo tao, depende na lang kung wala kang utak at isip. Hindi ko na kasalanan 'yun.
Mabilis na naman akong nakarating sa floor na 45 at nagsimula na naman mamuo ang kaba sa aking dibdib ngunit pinakalma ko ang aking sarili dahil wala naman patutunguhan ang kabang ito.
At isa pa ay wala naman dapat akong ikakaba. Paulit-ulit ko ng sinabi ngunit hindi ko talaga maiwasan na kabahan.
Kalma, Shallei. Relax ka lang....
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko agad siya na tutok sa mga papel na hawak niya, ni hindi man lang nag-angat nang tingin sa akin, o kaya naman lingunin ako.
Snob ka? Attitude ka? Edi okay.
"Sir, here's your coffee." mahinang saad ko atsaka dahan-dahan na inilapag ang kape sa kanyang lamesa kahit na nanginginig pa ang aking mga kamay.
Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na ko na lang 'yun nabitawan at napasapo pa ang aking mga kamay.
Shit.
"Sorry, Sir, hindi ko po sinasadya." agad na paumanhin ko ng matapunan ang mga papel na nasa ibabaw ng lamesa niya.
Ano bang katangahan 'yan, Shallei? Bakit hindi ka man lang nag-iingat. Alam kong napaka-importante nang mga papel na ito at sobrang hiyang-hiya ako sa sarili ko lalo na sa katangahang ginawa ko.
Unang araw ko pa lang mawawalan na ata ako ng trabaho.
'Wag naman sana.
"Fuck." nanginginig ang aking mga kamay habang inaayos at pinupunasan ang mga papel na aking natapunan at kahit na nararamdaman ko na ang hapdi sa aking kamay ay hindi ko na pinansin dahil mas importante ito lalo na at narinig ko pa siyang nagmura. "Leave." madiin na utos niya para mapahinto ako sa aking ginagawa at mapatingin sa kaniya.
"Sir," pagtawag ko sa kanya at kita ko ang pagdilim nang kanyang mukha.
"Leave."
"Sir, hindi ko po talaga sinasadya. Sir, patawarin ninyo po-"
"Just fucking. Leave." mas madiin at madilim na saad niya, para kilabutan ako at manginig ang buong katawan ko.
"Sir,"
"Did you hear me, right? Leave." saad niya pa at kahit na gusto kong mangulit at humingi nang paulit-ulit na paumahin ay sinunod ko na lang ang kaniyang utos.
Kilala ko pa naman ang ugali niya, alam kong nagtitimpi lang siya ng galit niya. Gano'n naman siya e.
Nanginginig ang aking katawan ng lumabas ako at pumunta sa banyo.
Hinugasan ko ang aking kamay na napaso at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa kanyang harapan dahil ayaw kong makita niya.
Bakit ansakit?
Bakit nasasaktan ako? Dapat wala na akong karapatan na masaktan.
Hindi ko mapigilan e.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (9)

  • avatar
    NudaloYulanda

    500

    13/04

      0
  • avatar
    Anna Dela Cruz

    sobrang ganda

    18/01

      0
  • avatar
    MacaspacSarah Jane

    thank u

    22/10

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด