logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2 : Wedding

                        Cia POV 
Nagising ako ng dahil sa naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.
" Mabuti at gising ka na anak!" bungad ni nanay sa akin ng binuksan niya pala ang bintana ng room ko.
" Good morning po. Nasan po si mama at papa?" tanong ko dito.
"  Nasa labas. Siyangapala muntik ko ng makalimutan. Sabi ng mama mo dadating daw ngayon ang magiging wedding organizer niyo. Kaya maghanda ka na daw sa mga gusto mo sa kasal mo" paalala nito sa akin.
Gustuhin ko mang matuwa kasi lahat ay plano nina mama. Ngunit di mawala sa isip ko ang maaaring kahihinatnan nito. Tama pa ba na ipagpatuloy ko?
" Anak tulala ka na naman? Ano na naman ang inaaalala mo?" tanong nito na nakaupo na pala sa harap ko.
" Ahm wala po nay. Ahm sige po bababa na ako ngayon" nakangite na wika ko.
Ngunit alam ko na ini examine ako nito. Hayss, knowing nanay ganyan talaga yan.
" Basta kung may problema ka? Sabihin mo lang sa akin" nakangite na wika nito.
" Opo sasabihin ko po sa inyo" saad ko dito.
Nakita ko na lang ito na tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng room ko. Akala ko aalis na siya ng bigla na naman siyang dumungaw at sinabi ang katagang.
" Kung ano man ang disesiyon mo anak ay nandito lang ako" saad nito kaya napangite na lang ako saka na ito umalis.
Napabuntunghininga na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Susubukan ko kapag sa oras na di niya talaga ako kayang mahalin ay doon na ako bibitaw. Naisip ko na lang na tumayo na sa kama at inayos ang higaan ko.
                     Drex POV 
Wala akong ganang bumaba sa hagdan dahil nakikita ko ang abala ng mga tao sa magaganap na kasal bukas. Hanggang ngayon. Di pa rin ako tinatawagan ni Alana. miss na miss ko na siya.
" Drex anak. May gusto ka bang kainin?" tanong sa akin ni manang ang nagpalaki sa akin.
" Wala po manang. Wala po akong gana na kumain dito" saad ko dito.
" Walang gana? Anak. Di naman yata tama na maging ganyan na lang ang pakikitungo mo kay Cia. Mabait siyang bata. At isa pa magiging asawa mo na siya!" wika nito sa akin.
" Isa pa yan sa nagpapainit ng ulo ko manang. Wala akong gana na magpakasal sa babae na yun! Siya lang naman ang may gusto sa kasal na ito kaya for sure siya lang ang nagsasaya. Nagawa na niya ang plano niya eh. Sinira na niya ang buhay at pangarap ko na makasama ang babaeng mahal ko! " saad ko dito.
" Anak. Ako ang nagpalaki sayo. Kahit kailan di ko itinuro sayo ang maging ganyan ka sa ibang tao. Lalo na kung sa isang babae pa! Anak. Bat di mo bigyan ng pagkakataon na tanggapin si Cia? Wala namang mawawala sayo na kahit tanggapin mo na lang siya bilang isang kaibigan " wika niya sa akin.
" Wala ring saysay manang dahil siya ang ugat ng lahat ng ito. Kasalanan niya ang lahat. Dahil sa makasarili siya! I am sorry manang ngunit di ko magagawa ang gusto mo" saad ko dito at saka na iniwan na ito.
Naisipan ko na magpakalayo layo muna sa lugar na yun dahil nasisira lang ang araw ko sa tuwing nakikita siya.
                      Cia POV 
Ng marinig ko ang sinabi ni Drex ay napayuko na lang ako. Tama naman siya eh. Walang saysay ang pakikipaglapit niya sa akin. Kasi ako ang hadlang sa relasiyon nila.
" Cia kanina ka pa ba diyan?" tanong ni manang Belen sa akin.
" Ahm hindi po. Ngayon lang apo ako" pagsisinunggaling ko dito, kahit na kanina pa ako dito at sariwa sa akin ang lahat lahat ng sinabi ni Drex.
" Baka nagugutom ka na. Umalis muna si Sonya kasi may inutos lang ang mama mo. Ikaw? Baka nagugutom ka na?" tanong nito.
" Ahm mamaya na lang po siguro manang. Maglalakad lakad lang muna ako sa resort" saad ko dito.
" O siya pag nagugutom ka ay magtungo lang sa kusina ok? May inihanda na ako doon" saad nito.
" Opo. Salamat po" tugon ko dito.
Kaya nagsimula na akong maglakad palabas. Ng makalabas na ako ay naisipan ko naman na magtungo sa dagat. Sabi kasi ni papa na maganda daw ang simoy ng hangin at ang ganda tingnan ng alon dito sa resort.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad papunta sa dalampasigan ng bigla na lang akong nakarinig ng isang iyak ng bata dahilan para mapalingon ako sa pinanggalingan nito. At nakumperma ko ang isang bata na malapit nang malunod. Kaya walang pag alinlangan na sinuong ko ang dagat upang maligtas ang bata. Nakikita ko na malapit na itong mawalang ng hangin ng maabot ko ito kaya agad ko siyang hinila patungo sa gawi ko.
" Kapit ka lang sa akin baby ok? Ililigtas ka ni ate" saad ko dito.
Kumapit naman ito sa akin ng mahigpit kahit na umiiyak. Ng makaahon na kami ay agad ko na siyang pinaupo sa dalampasigan. Nakahinga naman ako ng mabuti ng masiguro ko na naligtas ko ito agad.
" Ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo huh?" tanong ko.
" Wala po. Salamat po ate sa pagligtas sa akin" wika nito sa akin kaya napangite na lang ako.
" Ano ba kasi ang ginagawa mo doon?" tanong ko dito.
" Naisipan ko kasi na lumapit sa dagat. Wala kasi si kuya iniwan ako. Kaya naaliw po ako sa isang shell kaya sinundan ko ito hanggang sa mapadpad na pala ako sa malalim na parte ng dagat" nakayuko na wika nito.
Nakikita ko pa rin ang takot nito kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya.
" Ano nga pala ang pangalan mo? Baka hinahanap ka na sa inyo?" tanong ko.
" Ako nga pala si Nerelline. Ikaw ate anong pangalan mo?" tanong nito kaya ngumite naman ako bago sumagot.
" Ako si Cia. Ate Cia. Next time Nere ok? Mag iingat ka na!" paalala ko dito.
" Opo ate. Salamat po sa pagsagip sa akin. Utang ko sayo ang buhay ko" nakangite na wika nito.
Kinurot ko na lang ito sa pisnge ang cute na bata eh. Magsasalita na sana ito ng bigla na lang kaming nakarinig ng isang pagtawag. At nakita ang isang lalaki na palapit sa amin.
" Kuya" tawag no Nere dito kaya nakumperma ko na yun pala ang kuya niya.
" Nere. Saan ka ba napadpad huh? Kanina pa kita hinahanap. At bakit basang basa ka?" nagtataka na tanong nito.
" Eh kasi po kuya muntik na po akong malunod. Buti na lang ate Cia save me. Kung hindi baka wala na ako ngayon" kwento niya sa kuya niya kaya napalingon ito sa akin.
" Pasensya na Miss. At salamat sa pagligtas sa kapatid ko. You saved her. Salamat talaga" wika nito sa akin.
" Naku wala yun. Nakita ko lang kasi siya na nalulunod kaya niligtas ko na. Kaya sa susunod Nere ok. Wag ka nang lumayo sa kuya mo" paalala ko ulit dito.
" Opo ate. Tatandaan ko po ang sinasabi mo. Salamat ulit. Siyangapala ang kuya Patrick ko. Napaka hina kasi kapag chicks na ang nasa harap niya" wika nito kaya natawa na lang ako.
" Ano ka ba Nere nakakahiya. Baka isipin ni. Ano nga ulit ang pangalan mo miss?" tanong nito.
" Asuss. Para paraan" wika ni Nere na pabulong ngunit narinig ko naman.
" Ssshh, ikaw talagang bata ka" wika niya sa kapatid niya kaya naaliw na lang ako sa kanila.
Ang sarap sigurong may kapatid.
" Hahaha. Nakakaliw pala kayong tingnan. Pansin ko na close na close kayong dalawa" saad ko dito.
" Opo. Kasi si kuya na ang nagpalaki sa akin. Siya na ang tumayong mama at papa ko. Kaya gusto ko na ngang magka gf na si kuya para naman po may mga pamangkin na ako" wika niya kaya nakita ko na lang na panay na ang pagpapatahimik ng kuya niya sa kaniya.
Kaya naaliw na lang ako sa kanila. Magsasalita na sana si Patrick ng biglang may tumawag dito.
" Young master. Kanina pa po kayo tinatawag ng lolo at lola niyo" wika ng isang butler yata.
" Ahm, sige susunod na kami" saad niya dito kaya nagpaalam na ang butler niya at agad naman na napabaling ang tingin niya sa akin" Ahm. Salamat ulit. Sana sa susunod magawa ko naman masauli sayo ang utang na loob na ginawa mo para sa kapatid ko. Salamat talaga Cia" wika nito saka ngumite kaya ngumite na din ako.
" Ayieeh" tukso naman ni Nere kaya kinurot na lang ito ng kuya niya at sinabing.
" Tara na. Mauna na kami Cia. Sana magkita pa tayo ulit. Paalam" nakangite na wika niya kaya kumaway na lang ako sa kanila.
Ngunit napangite ako sa ginawa ni Nere. She just form a heart lang naman sa amin ng kuya niya kaya napapailing na lang ako. Ang kulit na bata. Ng akmang aalis na din ako doon ng may magsalita sa likod ko.
" Tssk. Di pa nga tayo kasal. Naghanap ka na ng ibang putahi!" cold na wika nito dahilan para mapahinto ako.
" Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko.
" Tss. Pretending to be innocent eh hindi naman! Sabagay marami naman ang napabilog sa pagpapa victim mo! Pero ang totoo malandi at desperada ka! "napapikit na lang ako sa sinabi niya.
Tama nga naman siya. Desperada akong maramdaman kahit minsan o kunti man lang ang pagmamahal niya. Ngunit alam ko naman na di ko kailanman madadama ang bagay na yun.
" See? Di ka makasagot kasi totoo ang sinabi ko. Itong tatandaan mo Cia. Pinili mo ang lahat ng ito kaya danasin mo ang lahat ng di mo kailaman gustong maranasan!" saad niya sa akin.
At nilagpasan na ako. Nakita ko na lang ang paglalakad nito palayo sa akin. Kung anong lakad papalayo ang nagagawa niya yun din kahirap para sa akin ang abutin siya.
Doon ko lang naramdaman ang pagtulo ng luha sa pisnge ko. Kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa dagat. Parang bigla na lang nawala ang basa ng damit ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.
        Fast forward
" Ano? Nagustuhan mo ba Miss Cia ang mga gown?" tanong sa akin ng napiling organizer ni mama habang sinusukat namin ang mga gown.
" Ahm maganda naman po lahat ng pinapakita mo" saad ko dito.
" Anak. Napapansin ko na parang ang lalim ng iniisip mo? May gusto ka bang sabihin sa akin? Makikinig ako" wika ni mama sa akin ng makalapit na pala ito sa gawi ko.
" Wala po mama. Marahil di lang ako makapaniwala na mangyayari ang lahat ng ito" saad ko dito.
Kaya naramdaman ko na lang ang paghawak nito sa kamay ko.
" Anak. May nararamdaman ka ba? Gusto mo bang iba na lang ang kunin na-" pinigilan ko na ito.
" Wala po Ma. Ok na po ako doon. Gusto ko lang naman ng simpleng kasal eh. Kaya lang may request lang sana ako Ma. Sana mapagbigyan niyo ako" wika ko dito.
" Ano naman?" tanong niya kaya huminga ako ng malalim bago ibulong sa kaniya ang gusto ko.
     Kinabukasan
     Wedding Day
                     Nanay Sonya POV 
Nakangite akong nagtungo sa room ni Cia ng mapansin ko na walang sumasagot  sa pagkatok. Kaya agad na akong pumasok at nakita ang walang katao tao sa room nito.
" Nasan kaya ang batang yun? Kailangan na niyang maghanda sa kasal niya" saad ko habang patuloy na hinahanap ito.
Hinanap ko na ito sa kung saan saan ngunit di ko siya makita. Kaya nagmamadali akong tawagan sina Amanda para ipaalam na nawawala ang anak niya.
                         Amanda POV 
Habang tinitingnan ko ang venue ng kasal ng bigla na lang akong nakarinig ng pagtawag sa akin ni Manang.
" Amanda ija" hingal na hingal na tawag nito.
" Nay. Bakit anong problema?" takang tanong ko at dinaluhan ito dahil sa hinihingal pa ito.
" Nawawala si Cia. Hindi ko siya mahanap sa room niya" balita nito sa akin na siyang ikinagulat ko.
" Ano? Malapit nang magsimula ang kasal tapos nawawala ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin. Pakisabihan si Roman na nawawala ang anak namin" wika ko kay manang.
" Sige" wika nito kaya agad ko nang dinialed ang phone ng anak ko ngunit di ito sumasagot.
" Nasan ka na ba anak? Please sana naman sagutin mo ang tawag ko" wika ko  na nag aalala na.
                          Drex POV
Nangangalay na ako dito. Kailangan ba talaga nila akong igapos dito para lang di tumakas sa kasal? Nakakainis.
" Bro ok ka lang ba diyan?" tanong ni Ethan sa akin.
" Sa tingin mo ok pa ba ako dito?" tanong ko dito pabalik.
" Hayss. Ikaw naman kasi eh. Tatakas ka pa. Pinagod mo kaya kami sa paghabol sayo" nakasimangot na wika nito kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
Magsasalita na sana ito ng may dumaan sa gawi namin na isa sa groom's men ko.
" Naku. Di na yata matutuloy ang kasal" rinig kung wika ng isa dahilan para makinig ako ng maayos.
" What do you mean?" tanong ko dito.
" Naku hinahanap ngayon ang bride mo. Wala daw kasi ito sa room niya" saad nito na siyang ikinakunot ng noo ko.
I should be happy diba? Pero bakit naiinis ako ng malaman ko na wala siya sa room niya at di matutuloy ang kasal?
" Ouh. Di ka yata masaya na wala ang bride mo?" panunukso ni Ethan sa akin.
" Heh!  Kung alam mo lang. Masaya ako na hindi siya sisipot sa kasal" saad ko dito.
" Asuss masaya daw? Pero bakit parang nakakunot yang noo mo?" tanong nito na natatawa na.
" Pwede ba. Pakawalan mo na lang ako dito? Wala na din naman ang bride kaya makakaalis na ako dito" saad ko sa kaniya.
                Cia POV 
Naguguluhan ako kung susundin ko ba ang sigaw ng puso at isip ko!
" Cia anak. Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala sa likod ng mansion" saad sa akin ni nanay.
" Pasensya na nay. Naguguluhan pa kasi ako eh. Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Nay baka maaari mo akong tulungan?" saad ko dito.
" Cia anak. Ano ba talaga ang gusto mo? Ano ba talaga ang susubukan mo? Alin ba ang mas matimbang sayo?" tanong nito.
" Laging sinasabi ng puso ko na sundin ito. Ngunit natatakot akong ako ang-" saad ko dito.
" Anak. Go for it. Kung talagang hindi kayo ni Drex ang para sa isat isa. Pwes maaari ka namang bumitaw pag di mo na kaya. Kaya sundin mo ang puso mo. Wala namang masama kung minsan na sundin mo talaga ang sinisigaw nito. Sabihin man nila na selfish ka. Pero at least sinubukan mong sundin ang puso mo. Sinubukan mong sumugal na baka sa huli mananalo ka din " saad nito sa akin.
Tama na siguro ang mga sign na ito para sundin ko ang puso ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (69)

  • avatar
    RICAjoy

    nice story

    18/08

      0
  • avatar
    Ruth Ybarreta Laugo

    nice story ever

    15/08

      0
  • avatar
    May Anne Bacani

    nakakaluka parang pag ibig ko to kwento ng pag ibig ko some lng

    28/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด