Hindi na niya sinabi na pinagsabihan niya ito na huwag siyang landiin sa public na lugar at baka mabalita sila. "Why did you--" "Yeah, yeah. Mag-usap tayo sa bahay at sumasakit ang ulo ko sa inyo, nauubos ang enerhiya ko. Ikaw, huwag ka ngang magpaawa effect diyan tanga lang maniniwala sa'yo..." Reklamo ni Emma kay Amari at tinignan niya si Raul na pinanlisikan siya ng mga mata. "Ops...hindi ko sinasabing tanga ka uh, my bad." Plastic nitong sabi sa kanyang asawa. Nasindak si Raul sa pang-aasar ng asawa niya sa kanya. Hindi na niya maintindihan ang kinikilos nito. Walang pakialam na kinawayan ni Emma ng dalawa bago siya tumalikod. Gusto na niyang umuwi dahil tumataas lalo ang kanyang dugo. Sumakay sa taxi si Emma upang umuwi na. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nagbihis. Nasuot siya ng Hoodie at sweatpants. Kumuha siya ng malaking ice cream sa refrigerator at pinapak ito habang nanonood ng horror movie. Naka-Indian sit ito, naka-hood din para dama niya ang kanyang pinapanood. A way to relieve her stress. Dumating si Raul na galit na galit. Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa garahe at agad pumasok sa bahay nila upang komprontahin ito. "Emma!" Galit niyang tawag kay Emma. Napamaktol ang mukha ni Emma nang marinig ang galit nitong boses. Bastard ruining her moment. Pinuntahan siya ni Raul at pinatay ang Tv na pinapanood niya. Dismayado niyang tinignan si Raul. Puwede naman siyang kausapin nito habang nakabukas ang tv. Nanlulumo ang mukha ni Raul, nagtitimpi siyang namaywang. "What did you do to her?" Matigas na tanong ni Raul sa kanyan. Nakaupo parin si Emma at nagtataka niyang nilapag ang kanyang kinakain sa maliit na mesang gawa sa glass sa kanyang harapan. "To whom?" Takang tanong ni Emma sa asawang nag-aarburoto. Kung makatanong ito ay parang binugboy niya si Amira. "Sinampal mo s'ya at pinagbintangang kabet ko?! How could you do that to her!" Napakagat labi ng saglit si Emma sa sinabi nito na walang kabuluhan. "Wha--what? Whahhahaha!" Hindi niya napigilang tumawa sa kanyang narinig. Ang malandi ay pinagbintangan pa siya, ang asawa niya namang si bobo ay naniwala agad. Mamamatay siya sa kakatawa kaya maslalong nagalit si Raul at tinignan siya na para bang nababaliw na ito. "Emma! Ano bang problema mo?! Kaninang umaga kapa ganyan?!" Galit na tanong nito kay Emma. Hindi naman ganito dati ang kanyang asawa, masmasunurin ito kaysa ngayon at lagi pang kalkulado ang mga kilos nito. Inayos ni Emma ang sarili niya at pinahiran niya ang luha sa kanyang mga mata dahil sa kakatawa. "Sorry, my bad. For your information hindi ko siya sinampal--" "Huwag ka nang magsinungaling pa!" "Syempre hindi ka maniniwala sa'kin, kaylan kaba naniwala sa akin?" Natigilan si Raul sa direktang tanong nito sa kanya. Mula pa kanina pinaparinggan siya nito sa lahat ng ginawa niyang pagkukulang, kahit na sinasadya niyang gawin ang mga ito iba parin kapag direkta mong naririnig sa taong maykarapatang paringgan siya. He couldn't say anything because everything she said was right, but he didn't ask for her effort at the first place. Naghalukipkip si Emma at kalmadong nagsalita. "Sinabi ko lang sa kanya na huwag ka niyang landiin sa public tulad ng ginawa niyang paghalik sa'yo noong hinatid ka niya dito kagabi. Iyon lang..." Saglit na napakunot ang noo ni Raul sa nalaman niya. "That's it? Dahil nagseselos ka?!" Dismayadong napatakip ng bibig si Emma. Bagay nga sila pareho silang bobo. "And why would I?" Nandidiring tanong ni Emma sa asawa niya. Iritableng umupo si Raul sa couch na kaharap din ni Emma. "Walang namamagitan sa amin! Nasa usapan na natin na hindi ako papatol kanino man habang kasal tayo! Ipasok mo sa kukote mo 'yan. What's wrong with you?" Naging seryoso ang mukha ni Emma. "I'm asking you, why would I be jealous?" Seryoso niyang tanong kay Raul. Iritableng sinuklayan ni Raul ang buhok niya gamit ang kanyang kamay. Halata namang mahal siya ni Emma dahil sa mga ginagawa at paghahabol nito sa kanya. "Alam kung gusto mo 'ko pero nilinaw ko na sa'yo 'to Emma. I'm in love with her. I'm still into her." Muling bumigat ang pakiramdam ni Emma sa harap-harapang pag-amin nito kaya muli siyang humalakhak. Tinignan siya muli ni Raul na mayroong pagtataka. "When-when did I-I tell you I love you?" Natatawa niyang tanong kay Raul. Kahit gusto siya ni Emma ay walang pagkakataong nabanggit niyang mahal niya si Raul dahil alam niyang hindi siya nito gusto. Nais niyang mahalin muna siya nito bago niya ipagtapat para sigurado pero mukhang hindi na mangyayari pa ito. Bahagyang napahiya si Raul sa tanong nito kaya napatahimik siya. Natatawang niyakap ni Emma ang tuhod niya habang natatawang nakatingin kay Raul. "Anong sinasabi mo? Hindi ba?..." Hindi siguradong tanong ni Raul sa kanyang asawa. Huminga ng malalim si Emma sabay iling. "I think you misunderstood my action. Raul, kaylan man hindi kita minahal." Matigas na sabi ni Emma sa kanya para maintindihan siya nito. Hindi nakaimik si Raul sa kanyang narinig dahil naguguluhan siya. It was a lie of course. A lie that could save her dignity. "The reason why I'm trying my best is because I'm your wife. A wife's job was to take care of her husband. You don't need rocket science to know that. Ampon ako Raul kaya alam ko kung gaano kahalaga ang pamilya. Umaasa ako na darating ang araw na mamahalin kita at mamahalin mo 'ko para masalba 'tong nakakapagod nating relasyon. Sino bang may gustong maging diborsyada ikaw lang naman sa ating dalawa." Direktang sabi ni Emma sa kanya. Nakikita ni Raul na totoo ang mga sinasabi nito dahil sa kanyang mga mata ngunit hindi niya alam na ang mga matang nakikita niya ay puno nang galit kaya nasanay nang magsinungaling. Ngayon lang narinig ni Raul ang saluubin niya at ibang-iba ito sa akala niya. He thought she only stayed because she loved him but he was wrong. "So, don't misunderstood me. Walang parte sa iyo ang kamahal-mahal." Direktang sabi ni Emma sa kanya para makita nito ang katotohanang masuwerte siya at nanatili pa si Emma sa kanyang tabi. Napatigil si Raul sa pamilyar na mga salitang sinabi nito. Naalala niya ang boses ng kanyang ina noong bata pa siya, umiiyak si Raul habang hila nito ang bestida ng kanyang ina upang pigilang umalis dahil nalaman nitong mayroong kabet ang kanyang ama. "Huwag mo 'kong hawakan! Pareho kayo ng ama mong walang modo walang parte sa inyo ang kamahal-mahal! Magsama kayong mga Salvacosta!!" Napatitig si Raul sa kanyang asawa. Iba ba siya sa ama niya? Dahil ang lagay ay parang nangaliwa siya kahit hindi naman niya lubusang pinatulan si Amira kahit gusto pa niya. Hindi niya nais mangabet tulad nang ginagawa ng kanyang ama kaya hinihintay niyang hiwalayan siya ni Emma, kahit alam niyang babaero ang kanyang kaibigan ay sinusuportahan parin niya ito dahil magka-ibigan sila. Pumait ang pakiramdam ni Raul sa kanyang sarili at humigpit ang kanyang kamao. Magkaiba ba sila ng ama niya...o hindi? Huminga ng malalim si Emma nang napatahimik ito. "Alam kong hinihintay mo lang akong hiwalayan ka dahil iyon ang usapan nating dalawa na ako ang maga-annul ng kasal at hindi ikaw kaya congratulations. You won!" Galak na sabi ni Emma kay Raul na nakatitig lang sa kanya. "Nakakapagod kang panindigan." Dugtong ni Emma. "I am so tired to be your mother!" Ito ang naririnig ni Raul sa kanyang mga taynga nang sabihin niya ito. Nag-unat si Emma ng kanyang mga paa at muli niyang nilingon ang kanyang asawa. "I'm done, Raul Fernando Salvacosta...i-annul na natin ang kasal natin." Taas noong sabi ni Emma sa kanya at walang lugar ang pagtanggi niya sa boses nito. "I've had enough! Hindi na ako babalik pa sa nakakasukang pamamahay na'to! I will divorce your unfaithful father at wala na akong balak makita ang mukha mong kahawig na tarantadong iyon!" Nag-echo ito sa pandinig ni Raul. Napalunok siya. Now, he knows. He was just like his father.
salamat pu sa inyo
18/03/2025
0nice app
08/03/2025
0so beautiful
18/11/2024
0ดูทั้งหมด