logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

One Meter Apart

One Meter Apart

essiralyram


บทที่ 1 One - A Click Away

"The Philippines on Friday night reported 4,933 new coronavirus disease cases, bringing the nationwide tally of cases 187,249 according to the health department."
"The number of jobless Filipino rose in August amid stricter lockdown in an effort to curb the spread of the transmissible disease."
"Metro Manila and other nearby provinces such as Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal are set to return to more relaxed community quarantine."
News headline from the television was not over yet but Clarissa shut it off immediately. It has been six months since the global lockdown caused by the pandemic began, but up until now it is still uncertain how long it will last or will it ever end?
Before the pandemic everyone took for granted the liberties that they have. Everybody could travel freely and have meals wherever they ought to. But with the covid pandemic, restrictions have been imposed, and everything that people are free to do before became limited. 
Pandemic has changed almost everything in human life, the way people eat, the process of how they work, and their means to socialize have been altered. Now people find themselves longing for simple moments that they took for granted before covid, the interactions, and experiences that they never gave much thought to before. With the lockdown implementation, people get to see the little things that are essential in their life.
"Akala ko makakalabas na ako." reklamo ni Clarissa sa kausap nito sa telepono.
"Oh? Akala ko ba may lakad kayo ni Jaime?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Supposedly, yes. Bigla siyang nag cancel kung kailan hapon na." sagot ng dalaga. "Baka..."
"Hindi ako sasama. Hindi ko hilig yan. Ayaw kong mapagod." hindi pa man din natatapos si Clarissa sa sasabihin niya nung bigla siyang pinutol sa pagsasalita ng kausap nito.
"Alam mo Rosie napaka mo. Wala pa nga akong sinasabi." sagot ng dalaga.
"Alam ko na yung gusto mong sabihin, aayain mo lang akong mamundok kasi wala kang kasama." sagot ni Rosie, matalik na kaibigan at katrabaho ni Clarissa.
"Hindi naman kita aayain eh, tatanungin ko lang sana baka gusto mong pumunta dito para kumain kung wala kang gagawin." inis na sagot ng dalaga.
"Anong oras na ah. Pero libre mo?" mabilis na tanong ni Rosie, ano pang aasahan, nakarinig ng pagkain. "Wala naman akong plans bukas, pwede akong mag-overnight dyan." dagdag pa nito.
"Hindi, ayoko na. Manahimik ka na dyan sa inyo." sagot ni Clarissa. "Kakain na lang ako mag-isa!" dagdag pa nito bago pa niya tuluyang ibaba yung usapan nila ng kaibigan.
It was Saturday night, supposedly nasa biyahe na sana si Clarissa papunta sa lugar kung saan ang meet-up ng hiking event nila but Jaime, her friend cancelled the last minute so her weekend plan was ruined.
Matagal niyang hinintay yung araw na yun dahil halos kalahating taon na din mula nung huling beses na nakapag hiking siya.
It was her only way para magtanggal ng stress before pandemic happened, so she really anticipated the event. Hindi niya naman masisi si Jaime for cancelling their plan dahil mas kailangang unahin ni Jaime yung trabaho niya over their weekend getaway.
Nasa General Community Quarantine na, kahit papaano ay lumuwag na yung mga checkpoints at protocol kaya pwede na silang makalabas ng Metro Manila pero papunta lang sa mga kalapit nito na probinsya na nasa ilalim din ng GCQ. Sa Rizal sana ang punta nila kung sakaling natuloy sila, umaga pa lang maayos na yung gamit niya, natulog siya ng buong maghapon para hindi antukin pagdating ng gabi habang bumabaybay ng biyahe.
Pasado alas-onse na at hindi pa din siya tinatamaan ng antok dala ng mahabang siyesta niya nung tanghali. Ilang beses niyang sinubukan na piliting matulog but to no avail, she still failed. She was still wide awake. Naka-ilang beses siyang nagpapalit-palit sa tatlong social media application niya para magpalipas ng antok pero hindi pa din siya dinadalaw ng antok, hanggang sa may makita siyang larawan sa Facebook. It was a conversation from an online platform where you can chat with a random stranger with the same interest as you, Omegle.
Matagal na din nung huling beses na ginamit niya yung website na yun, it was her last resort para libangin ang sarili.
Connecting to server...
Looking for someone you can chat with...
You're chatting with a random stranger.
She was immediately connected to a random stranger but they didn't have a decent conversation. It was a kind of place where one should be careful dahil kung minsan may mga bastos at walang modo talaga na makakausap doon.
llang beses din niyang sinubukan na humanap ng kausap na may kaparehong interest gaya ng sa kanya pero bigo siyang makahanap ng matinong kausap, kung hindi underage, mga lalaking naghahanap naman ng panandaliang aliw ang nakakakonekta niya sa doon.
Until she decided to put a random work and courses sa interest niya para hindi siya ma-connect sa sobrang random na stranger. 
You are now connected to a random stranger.
You both like seaman. 
Stranger: Hello.
You: Hello din.
Stranger: Looking for?
You: Kausap lang. 
Stranger: Duda ako sa kausap lang. 
You: Edi wag kang maniwala.
Stranger: Okay, sige sabi mo eh. 
Stranger: What's with the tag? 
You: Random lang.
You: Random courses, then I ended up being connected with someone whose tag was seaman. 
You: Ikaw?
Stranger: Kasi seafarer ako?
You: Oh, I see.
You: Totoo ba yung kasabihang seamanloloko?
Stranger: Hindi na uso yan ngayon.
Stranger: Seaman na ang niloloko ngayon.
You: Weh?
You: I doubt.
You: Dami kong kakilalang seaman, hanggang ngayon manloloko pa din eh.
Stranger: Kahit di ka maniwala, nangyayari na yun ngayon.
Stranger: Baka nagkataon lang din na yung mga kakilala mo, talagang manloloko.
You: Okay. Sabi mo eh.
Stranger: Pero please know na hindi lahat ng seaman ah, kahit sa ibang profession may mga ganun.
Stranger: Depende naman sa tao yun, hindi ko lang talaga maintindihan bakit sa seaman naikabit yung pagiging manloloko.
You: Wow, chill. I'm sorry.
Stranger: It's okay.
You: Kung na-offend man kita, feel free to disconnect.
Stranger: It's okay, for real.
Stranger: Nag explain lang naman ako, hindi lahat ng seaman kagaya nung mga kakilala mo.
You: Okay.
Stranger: So what brings you here?
You: I can't sleep. 
Stranger: It's past 11 already, bakit hindi ka pa makatulog?
You: Ikaw ba naman matulog buong maghapon, ewan ko na lang kung dalawin ka din ng antok. 
Stranger: Bakit ka kasi natulog maghapon?
You: Ganito kasi yun, supposedly may lakad ako ngayon. But then my friend, the only friend na pwede kong kaladkarin kahit saan, biglang nag cancel kaya hindi ako nakatuloy.
Stranger: Ganun ba, saan ba dapat punta mo?
You: Hiking. 
Stranger: Hiking? You mean akyat bundok?
You: Yes. Akyat bundok. 
Stranger: Outdoor enthusiast ka pala ah. 
You: Sakto lang. Gusto ko lang talaga ng malayo sa madaming tao. 
Stranger: Oo nga pala may hiking kayo, allowed na ba?
You: Yes, bago lang din na-allow kasi diba nag GCQ na tayo. 
Stranger: Ah, I see. 
Stranger: Ingat kayo pag natuloy ah. 
You: Yep, thank you.
You: Kumusta quarantine?
Stranger: Okay naman, kahit papaano nakakalabas na.
You: APOR ka?
Stranger: Hindi, pero hindi naman na ganun kahigpit since nasa GCQ na tayo.
You: Lumalabas ka, saan ka naman nagpupunta?
Stranger: Nag gogrocery, nagbabayad ng bills.
You: Hahahaha. I see.
Stranger: Anong nakakatawa?
You: I thought lumalabas ka para mag travel, maglakwatsa and such.
Stranger: Hindi, delikado pa sa panahon ngayon. Wala din namang mapupuntahan. Sarado pa ang mga parks ngayon, I'm not a mall type of person kaya hindi ko din gugustuhing mag mall.
You: Alam mo ba kung saan pwedeng pumunta na bukas na?
Stranger: Meron na ba?
You: Of course.
Stranger: Saan naman yan?
You: Sa bundok.
Stranger: Hindi ako hiker.
You: Hindi din naman ako hiker nung first time ko. Besides, you don't need to be a hiker para makaakyat ng bundok.
Stranger: Hindi ko kakayanin, hindi ako sanay.
You: How will you know kung hindi mo susubukan?
Stranger: Sabagay.
Stranger: Are you trying to convince me to try hiking para may kasama ka?
You: Excuse me?
Stranger: Joke lang.
You: Ang bilis mo naman. Nag suggest lang ho ako.
Stranger: Nagbiro lang ako.
You: I just thought magandang suggestion yun since as a seafarer, pag nasa barko kayo halos puro tubig at dagat lang yung nakikita niyo.
You: So why not, subukan mong mamundok para maiba naman yung view mo diba.
Stranger: Okay, sige.
Stranger: Now I'm convinced na hindi mo sinusubukan na akitin ako na maghike para may kasama ka bukas.
You: Asa ka naman.
You: Why would I go out with someone I barely know?
You: I'm still in my right mind.
You: Hindi ko itataya ang buhay na makipagkita sa hindi ko kakilala para lang may makasama, lalo sa panahon ngayon.
Stranger: Okay, chill ka lang miss.
Stranger: Nagbibiro nga lang ako.
Stranger: Masyado ka namang seryoso.
You: I'm just making things clear para hindi ka nag-aassume dyan.
Stranger: What about you? How's your quarantine?
You: Medyo mahirap, I had to move out from our house.
Stranger: Ha?
Stranger: Bakit?
You: Sa clinic kasi ako nagtatrabaho, I don't want to put my family at risk naman kaya I decided to move out pansamantala.
Stranger: Oh, okay. Salute madam.
You: Thank you.
Stranger: Kumusta naman yung trabaho mo?
You: Actually, hindi naman ganun kahirap.
You: Nurse ako sa OFW clinic.
Stranger: So may mga seaman?
You: Yes. Iba-iba. Local land based workers, seafarer and OFWs.
Stranger: Baka naging patient mo na ako ah.
You: Who knows.
You: Just imagine how awkward would that be if we meet as a patient and a nurse.
Stranger: Oo nga pala, I haven't introduced myself yet. I'm Christian.
You: Clarissa. 
Stranger: That's a nice name.
You: Thank you. 
You: So ikaw, anong ginagawa mo dito? 
Stranger: Naghahanap lang din ng kausap.
You: Hindi ako naniniwalang kausap lang hanap mo. 
Stranger: Ka-meet.
You: Ka-meet?
Stranger: Oo. 
You: Seryoso ka ba? Bakit ka naman makikipagkita sa stranger in this time of pandemic?
Stranger: Sobrang bored na ako sa apartment,  sabi ko nga kanina hindi ako lumalabas. 
You: Yes, pero meeting a total stranger is not a good idea though.
Stranger: Bakit ikaw pag namumundok ka? Iba-iba din nakakasama mo dun diba?
You: Dati naman kasi wala pang pandemic kaya okay lang. 
You: Ngayon syempre doble ingat.
Stranger: Mag-iingat din naman ako kung sakali.
You: Ibang klase din trip mo ah.
Stranger: Gusto ko lang naman may makausap na ibang tao, personally. 
You: Bakit? Wala ka bang kasama sa inyo? 
You: Wala ka bang friends?
Stranger: Wala, nasa province family ko. Hindi na ako nakauwi ng province gawa ng napakadaming requirements ang kailangan para makadaan sa mga border. 
You: I see. Friends?
Stranger: Wala akong friends dito kasi nga sa province ako nakatira. 
You: Ah, okay. Sorry.
You: Pero hindi pa din magandang idea na makipagmeet ka sa hindi mo kakilala. 
You: Mamaya carrier pala ng virus, edi nadisgrasya ka pa.
Stranger: Oo nga
You: Kwentuhan na lang tayo ngayon since pareho naman tayong bored.
You: When you said na hindi lahat ng seaman manloloko, mukhang may pinaghugutan ka dun.
Stranger: Sabi mo miss kwentuhan, bakit nang-intriga ka bigla?
You: Hoy question lang yun, para may topic tayo.
Stranger: Eh bakit ikaw parang ang sama ng loob mo sa seaman?
You: Nauna akong magtanong.
Stranger: Bakit nga?
You: Nauna akong magtanong, sagutin mo muna ako bago kita sagutin.
Stranger: Pag sinagot mo ako, sasagutin kita.
You: Hindi ako nanliligaw bakit mo ako sasagutin.
Stranger: Medyo makulit ka din kausap 'no?
You: Feeling mo ba ako lang makulit sa ating dalawa?
Stranger: Okay.
Stranger: Deal.
You: Okay what?
Stranger: May girlfriend ako noon, for 2 years.
Stranger: Pareho kaming sa cruise ship nagtatrabaho, pero magkaiba kami ng barko.
You: Okay sige, kwento ka lang.
Stranger: Plan ko after nung huling contract ko mag popropose na ako. Kaso things didn't go as planned.
You: Kasi?
Stranger: Yung kaibigan ko mula dun sa barko nung girlfriend ko, sinabihan ako na may kinakasama na yung girlfriend ko doon sa barko nila.
You: Ay weh?
You: Seryoso?
Stranger: Hindi din ako naniwala. Hindi ako naniwala agad kasi tiwala naman ako sa kanya.
You: Kaso?
Stranger: Nauna siyang umuwi, hindi ko sinabi na pauwi na din ako.
Stranger: Live in kami dito sa Pinas.
Stranger: Pagdating ko dito, naabutan ko nga na nagsasama sila. Dun pa talaga sa apartment namin.
You: Wow, grabe.
You: Ibang klase si ate.
You: Ang kapal naman niya.
Stranger: Hindi ko na siya hinintay na makapagpaliwanag, hindi na din ako nagalit.
Stranger: Kumbaga, nag-expect naman na ako ng worst.
Stranger: What I saw that day was just a confirmation, a reality slap na dapat hindi ko na hinintay pang mangyari.
You: Sorry.
Stranger: Bakit?
You: Kasi ganyan yung nangyari sa'yo.
Stranger: Sus, bakit ka magsosorry hindi naman ikaw yung nanloko sa akin.
Stranger: Tsaka naka move on na ako doon, tagal na nun.
You: Kailan ba nangyari yun?
Stranger: 2018?
You: Medyo bago pa din.
Stranger: Naka move na nga ako.
Stranger: Bakit ko naman itatali yung sarili ko dun sa taong nanloko sa akin?
Stranger: Masaya na siya, I should be happy as well.
Stranger: Swerte niya naman kung dahil lang sa kanya magiging miserable yung buhay ko habang siya nagpapakasaya.
You: Tama tama.
You: I like the mindset.
You: Once the other person decides to leave you, you shouldn't make an effort to win them back.
You: Pointless eh.
You: They won't leave you in the first place kung wala sa intensyon nilang iwan ka talaga in the end.
You: I don't believe such things as nagkamali lang, o kaya naman hindi sinasadya.
You: Once na nagcheat ka sa isang tao, it's a choice. Never naging aksidente ang cheating.
Stranger: Mukhang may pinagdadaanan ka din ah?
You: Wala.
Stranger: It's your turn to tell your story, tapos na ako eh.
You: Wala nga.
Stranger: We had a deal.
You: Anong oras na kaya.
You: Sleep is waving.
You: Baka mawala pa ulit.
Stranger: Kunin ko na lang number mo?
You: Wow, ang bilis mo ah.
Stranger: You owe me your story.
You: And?
You: Anong kinalaman nung number ko sa kwento ko?
Stranger: You can tell it to me next time.
You: Are you saying na gusto mo akong makausap ulit?
Stranger: Yes, kasi may utang ka pang kwento sa akin.
You: Para-paraan ka din 'no?
Stranger: Hindi ah. Ayaw mo kasing i-kwento ngayon dahil late na, hindi naman kita pipilitin na magkwento ngayon.
Stranger: So I'm asking for your number para maikwento mo sa akin on your free time.
You: Ang galing mo din 'no?
Stranger: Just to be fair, since nagkwento ako tungkol sa akin.
Stranger: Pero kung ayaw mo talaga magkwento at ayaw mong ibigay, okay lang din.
You: Wow, bakit parang naguilty ako?
Stranger: Hindi kita gini-guilt trip ah.
Stranger: Sinasabi ko lang na okay lang talaga.
Stranger: I can't force you since hindi mo pa naman ako kilala.
You: Oo na, eto na, nangonsensya ka pa.
You: 09_51839720
Stranger: Bakit may blank?
You: Ikaw na bahala sa kulang.
Stranger: Seryoso ka ba dyan?
You: Yes. 
Stranger: Clarissa naman.
You: Take it or leave it.
Stranger: You really are something Clarissa.
You: It was nice talking to you.
You: Good night, Stranger.
Stranger is typing...
You have disconnected.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (48)

  • avatar
    GirlyMine

    Nice timely story, I'll read this soon

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Leo Morales

    yeah no

    17/08/2023

      1
  • avatar
    Mary Ann Barnizo

    I'll support

    04/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด