logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Three

Continuation......
"Hayyyyyyyy!" Humikab muna ako bago bumangon sa aking higaan. Inayos ko na rin bago naglakad palabas para gawin ang dapat gawin dahil baka mamaya magagalit na naman ang señorita kong ina.
Pagdating ko sa kusina ay agad ko ng ginawa lahat ng dapat kong gawin bago ginising si mama dahil maaga daw ang alis niya eh pero eto't nag-ssleeping beauty ang peg niya buti at mabait ako kundi hahayaan ko na lang siyang malate sa pupuntahan niya.
Tok! Tok! Tok!
"Ma!"
"Ma, umaga na po baka malate kayo sa pupuntahan niyo." Medyo may kalakasang pagsigaw ko kaya ayun automatic na bumukas ang pinto este binuksan pala ni mama ang ending muntik na akong matumba sakanya buti na lang nabalance ko ang sarili ko.
"Umaga na po." Magalang kong sabi pero tinaasan lang niya ang kanang kilay niya.
"Alam ko!" Walang ganang sagot nito bago ako itinulak para makadaan siya buti na lang ulit at naka balance ako kundi lagapak na ako sa sahig. Ang ganda talaga ng morning greatings ng mama ko sa akin 'no?
Sinundan ko na lang si mama dahil ngayon ko na balak sabihin ang tungkol sa scholarship ko. Umupo si mama at agad nilantakan ang pagkain na hinanda ko sakanya, natural na may kanin na yung plate na nakahain sa harap niya at siyempre may ulam na 'yan, ako pa nga ang nagpagod sa lahat ng 'yan para lang may maisaing ako tapos eto si mama parang reyna. Sarap ng buhay niya, sarap tuloy niyang ipadala sa mars at ng may makasama naman ang mga alien dun na witch.
"Ehem." Pag cleclear ko ng aking lalamunan at para na rin matawag ang pansin ni mama.
"Ma." Simula ko pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Snobera talaga si mama kahit kailan eh akala naman niya ikinabait niya.
"Natanggap po ako ng scholar." Sabi ko sakanya akala ko hindi niya papansinin ang sinabi ko pero tumingin siya sa akin.
"So anong gusto mong gawin ko ha?" Mataray na tanong nito ngumiti muna ako sakanya bago sumagot.
"Ma hihingin ko lang po sana ang pahintulot niyo upang makapag-aral ako ulit sa college." Magalang kong sabi na agad kong pinagsisihan na sinabi ko pa dahil matalim ang tingin niya na pinukol niya sa akin.
"Bakit sa tingin mo ba papayag ako kahit na nakuha ka sa scholar-scholarship na 'yan ha? Sa tingin mo may pangbayad ka sa mga kakailanganin mo ha?" Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni mama pero alam ko ang tinutukoy nito.
"Wag kang mag-alala ma libre na lahat ng babayaran ko sa school at may ibibigay silang 5k ka da buwan at 'yun na po ang allowance ko." Sagot ko kay mama. Alam ko naman na hindi 'yun sasapat para sa mga pangangailangan ko pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung sakaling makipagsapalaran ako sa maynila. Magagawan ko naman siguro ng paraan ang mga kakailanganin ko 'dun.
"Tsk! bahala ka sa buhay mo basta wag na wag kang hihingi ng tulong sa akin." Sabi niya bago tumayo sa kina-uupuan nito at agad nagtungo sa silid nito para mag-ayos siguro.
"Salamat ma!" Pahabol kong sigaw.
Sayang-saya akong tumakbo palabas para ibalita kay Lemi ang sagot ni mama. Yes! for the first time kong pinayagan na di man lang naghirap ng bonggang-bongga para lang mapa-oo si mama. Ano kayang nakain ni mama at bumait sa akin, usually naman kapag may pinakiki-usapan lang ako sakanya aba todo sigaw na siya sa akin.
9 minutes ang tinakbo ko bago ako nakarating sa bahay nila Lemi. Alam ko na nine minutes lang dahil may relo ako, pinaglumaan ni Lemi na hiningi ko at swerte ko naman dahil binigay nga niya. Papasok na sana ako ng makarating ako sa gate nila ng makita kong parang maraming tao sa loob ng bahay nila Lemi. Anong meron? Nagdalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi pero dahil sa curiosity ko ay agad akong pumasok.
Nakita ko si Lemi na kumakanta sa may karaoke at todo birit pa ang babae kahit na sintonado naman. Natawa na lang akong lumapit sakanya.
"Oy Ark." Masayang pagtawag niya sa pangalan ko ng makita na niya ako.
"Anong meron?" Takang tanong ko habang ginagala ang tingin sa mga taong nagkakantahan at nag-iinuman.
"Ah eto ba, celebration natin 'to para sa pagkatanggap natin sa scholarship kaso....  Hindi ka ata makakapunta eh." Malungkot na sabi nito sa huli. Ngumiti muna ako sakanya bago hinila palapit sa akin.
"Hindi. Actually kaya ako napadpad dito ay dahil may maganda akong ibabalita sayo." Sabi ko na ikinabilis ng pagsilay ng ngiti niya. Basta talaga chismiss alerto toh.
"So ano 'yun?" Agad na tanong niya. Sumenyas muna ako sakanya na ilapit ang tenga niya sa akin.
"Pinayagan na ako ni mama." Mahinang bulong ko sakanya akala ko hindi siya magrereact pero maya-maya lang ay bigla itong lumayo at tumayo.
"Wahhhh himala at pinayagan ka na beshy!" Sigaw nito na ikinatingin ng mga tao sa amin.
"Hoy!" Siniko ko siya para patigilin pero tumalon-talon pa ito na parang batang tuwang-tuwa dahil nabigyan ng candy.
"Ano ba Lemi!"
"Bakit ba eh sa masaya ako eh... Masaya ako kase kasama kita na mag-aaral sa  manila." Tuwang-tuwa na sabi niya bago umupo at agad akong niyakap.
"Grabe hindi halatang mas happy ka pa kesa sa akin, ano!" Kunyaring pagsusungit ko pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
"Hoy!" Tinapik ko siya dahilan para makalas ang pagkakayakap niya sa akin. "Pinipisa mo ako sa higpit ng pagkakayakap mo sa akin." Inis kong sambit sakanya.
"Tss, kj talaga." Nakangusong sabi niya kaya agad kong kinurot ang pisngi niya dahil nanggigigil ako sakanya.
"Anong kj ha? Halos mamatay na nga ako dahil sa higpit ng yakap mo sa akin eh." Sambit ko sakanya at mas hinigpitan pa ang pagkurot sa pisngi niya.
***********
Ace Pov
Papasok kami ni Kayler sa apartment na tinitirhan namin pagkagaling namin sa department store para bumili ng kailangan namin sa pagpasok bukas.
"Nandiyan kaya si Kurt?" Sabi niya kaya nag shrug lang ako bago buksan ang pinto.
"Nandito siya nakabukas ang pinto." Sabi ko at naunang pumasok sa loob. Nadatnan namin si Kurt na nakahiga sa sofa at sarap na sarap ang tulog. Grabe ang isang 'to parang laging puyat. Siya nga pala ang may-ari ng apartment na 'to, Regalo ng mama niya sakanya. Dito na kami nakituloy total kaibigan din naman namin siya tsaka malawak at malaki naman ang apartment niya kaya kasyang-kasya kami dito.
Anyway kaya wala kaming sariling bahay dito sa manila dahil kagagaling lang naming tatlo sa Japan. Oo japan dahil taga doon kami pero si Kurt pumunta lang siya doon noong mag highschool na kami. Kaya kami bumalik dito sa Pilipinas dahil dito talaga kami nababagay, Sa Japan lang ako pinanganak at lumaki pero I'm proud to say I'm pure filipino our pala dahil pati ang dalawa ay pure na pilipinong dugo. May business kami sa japan at meron din dito sa pilipinas, ganun din sina Kurt at Kyler pero kung tutuusin mas mayaman pa rin naman sina Kurt kesa sa amin ni Kyler dahil pumapangalawa lang kami kina Kurt. Kilala rin ang pamilya nila dahil sa galing at talino ng magkapatid na De-vera kaya lumago ng lumago ang negosyo nila. Pero sina Kurt talaga ang may-ari ng mga minamanage nina Tito Kurdy at Tito Christian De-vera. Mas nauna ang papa ni Kurt na si Tito Kurdy kaya naman siya ang nagmana sa kayamanan ng kanilang mga magulang at supportado naman ng nakababata niyang kapatid dahil wala naman silang anak ng asawa niya na kailangan niyang pamanahan ng kayamanan. Sabi nga ni Tito Christian na mas kailangan daw ni Tito Kurdy ang companya dahil may tagapagmana naman siya kaya nga swerte ni Kurt eh, sabi pa nga ni Tito Christian na ang importante daw may pinagtratrabauhan siya na pinagkukunan niya ng pang-araw-araw nila ng asawa niya.
"Ace luke."
Siguro kung mayaman din ang mapapangasawa ni Kurt nasisiguro kong mas lalago pa ang companya nila. Una na ang pamilya nila sa pinakamayaman at kilala dito sa buong bansa at maging sa japan. Dito sa maynila ang may mas maraming branch ng kanilang company at meron din sa iba pang lugar kaya sila ang pinakamayamang pamilya sa buong mundo, pumapangalawa lang ang mga Cortez bago ang pamilya namin at ang pamilya nina Kyler.
"Ace luke? ALAS?" Napakunot noo ako ng maramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Kyler.
"Oh?" Agad akong tumingin kay Kyler ng sambitin nito ang buong pangalan ko at talagang may pakalbit-kalbit pang nalalaman.
"Wala, gwapo ko sabi ko." Sagot nito kaya napa-iling na lang ako sa kayabangan niya dahil sanay na ako sakanya, mayabang na nga mahangin pa. Kakaiba siya diba? pero eto mas unique si Kurt. Kurt Wave De-vera ang nag-iisang masungit at tahimik naming kaibigan na palaging may iniisip dahil sa lalim ng pagkatahimik.
"Grabe! bukas na pala ang pasukan ang bilis talaga ng panahon." Sambit ni Kyler na sinang-ayunan ko. Tama siya kelan lang nung nasa japan pa lang kami habang nag-aaral pero eto ngayon nandito na kami at dito mag-aaral para sa college. Ewan ko ba sa mga magulang namin kung anong trip nila at dito nila kami gustong pag-aralin pero wala namang problema sa akin dahil gusto ko rin namang manirahan sa lugar kung saan talaga kami nababagay. Inaamin ko mahirap ang mag-adjust dahil mag-kaiba ng temperature sa Japan at dito sa pilipinas pero alam ko naman na masasanay din kami.
"Shut-up the two of you!" Sigaw ni Kurt pero mas linakasan pa ng mayabang na si Kyler ang pagbubuganga dahilan para batuhin siya nito ng unan sa mukha.
"Aray!" Daing nito ng matamaan sa mukha. Buti nga sayong mahangin ka.
"Bakit ba palagi kang puyat ha?" Tanong ni Kyler kay Kurt pero wala itong nakuhang sagot.
Ako alam ko ang reason kung bakit 'yan palaging puyat. Ayon palaging tutok sa internet habang naghahanap ng pangalang Reina, kababata daw niya. Eh paano niya mahahanap kung hindi niya alam ang last name ng hinahanap niya at tsaka isa pa malamang maraming kapangalan yung hinahanap niya. 12 years na ang nakalipas hindi pa rin siya makalimot sa kababata niyang first love daw niya sabi ng ama niyang sobrang bait na dahil sa sobrang kabaitan ay lahat ng hayop mapapatago sa takot. Joke! Mabait na talaga si Tito Kurdy kaso gaya ng anak niyang si Alon tahimik din kaya nga nakakatakot dahil may kasabihan na kapag daw ang Alon naging tahimik may nagbabadyang panganib pero kapag ang papa ni Kurt ang nagalit siguradong may latay ka hanggang singit.
KRUGGG!
Napahawak ako sa aking tiyan ng tumunog ito. Gutom na nga ako, nakalimutan ko pang kumain kanina dahil sa sobrang excited ni Kyler na lumabas at magtungo sa department store.
"May pagkain ba diyan?" Agad na tanong ko bago naglakad papasok sa kitchen. Agad kong binuksan ang ref at viola may nakita akong ice cream. Agad akong kumuha ng kakainin ko at agad nilantakan. Grabe sarap talaga eh no kokies and cream.
"Hoy wag mong ubusin 'yang ice cream ko!" Narinig ko ang pagsigaw ni Kyler mula sa sala pero dineadma ko lang ito at agad sumandok ng sumandok. Wala akong pake kahit magwala pa 'yang si Kyler basta maubos ko 'to okay na. Gutom na ako eh, tsaka kasalanan naman niya kung bakit ako nagutom ng husto kaya bilang kabayaran uubusin ko na 'tong ice cream niya.
"Uhmm." Dinilaan ko ang natira sa spoon at agad na kumuha pa ulit sa ref. Pagsisihan mong hindi mo inubos ang ice cream mong lalake ka dahil uubusin ko talaga 'to. Kapag ganitong usapan game akong makipag-agawan para lang dito.
"Kapag 'yang ice cream ko naubos ibibili mo ako ng mas marami!" Sigaw niya pero hindi ako umimik at agad kinuha ang natira.
"Bibili ka na lang ulit ah. It's your fault because you drag me, at alam mo namang hindi pa ako nakaka-kain kanina kaya pagsisihan mong hindi mo ako pinakain!" Sigaw ko pabalik sakanya at agad nilantakan ang ice cream.
***********************
Vote, comment and follow me guys.
A/N: Konting pasensya na sa mga grammatically error and wrong typus kung meron man.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Nesren P. Jamal

    hello po Ms. Ark ang Ganda Ng story hehehe recommended Siyang basahin guys!! Basta ang Ganda maitanong ko lang Ms. Ark kailan ba yung story nila raven at ace Kasi excited Nako kung Anong mangyayari sa story nilang dalawa hehehe

    2d

      0
  • avatar
    RiveraSarah

    geett

    27/05

      0
  • avatar
    Albeto Carlos

    great

    15/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด