logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter One

12 years past!!!!!
Ark Pov
Napahawak ako sa kwintas ko at inalala ang lahat na nangyari sa nakaraan. 12 years na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang lahat sa akin. Namiss ko na ang kababata ko at hindi ko lang talaga matandaan ang pagmumukha ng isang 'yon ngayon baka nga sobrang gwapo na niya eh. Two years lang kase ang pinagsamahan namin bago sila lumipat sa manila. Nagmigrant sila dun dahil nandon ang companya nila dahilan para hindi ko na siya nakasama pa. Yung company na pinagtratrabauhan dati ni papa binenta na nila pero yung isa nilang company nanatiling sakanila na siyang minanage ng tito ni Alon kaya naman balik construction ulit si papa. Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa aking mata dahil naalala ko na naman si papa.
"Ark nasaan na ang sapatos ko?" Sigaw ni mama mula sa sala.
"Eto na po." Mabilis pa sa alas kwatro na nakapunta ako sa sala.
"Eto po." Magalang kong sabi at binigay ang sapatos niya.
"Ba't ba ang tagal mo?" Pasigaw na tanong nito bago ibato sa akin ang hawak niyang tissue. "Yan linisin mo lahat ng 'yan. Dapat pagbalik ko malinis na 'tong bahay na datnan ko maliwanag!" Sigaw niya sa akin sabay tayo.
"Opo ma." Mahinang sagot ko bago siya lumabas.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Since nagka-isip ako ganun na ang turing sa akin ni mama. Napakalayo ng loob niya sa akin hindi gaya ni papa noong nabubuhay pa siya. Yes totoo ang nabasa niyo wala na si papa three years na ang nakalipas. Namatay siya dahil sa aksidente na labis kong kinalungkot, nagkaroon kase noon ng aksidente at eksakto na nasa trabaho pa si papa noon tapos kamalas-malasang siya ang natamaan. Nang mawala si papa mas lalong naging masungit si mama sa akin na halos ginawa na niya akong alipin pero okay lang naman sa akin dahil sanay na ako sa ugali niya.
Marahan kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko bago nagsimulang maglinis. Mas mabuti ng maglinis para kahit man bumalik ng maaga si mama ay wala na siyang masabi pa. Kapag nadatnan niyang makalat pa rin ang bahay sigurado akong uusok na naman ang ilong niya sa galit at baka ayaw pa niya akong pakainin.
Pagod at pawisan ako ng matapos kong linisan ang buong bahay. Nagawa ko na rin lahat ng dapat kong gawin dito sa loob ng bahay at maging sa labas. Sanay na ako kaya naman hindi na bago sa akin ang mga gawain dito sa bahay, daig ko pa nga ang alila na inalila ng mga hapon dahil bukod sa walang sweldo, bawat pagkakamali pa isang parusa ganon kalupit si mama sa akin.
Tok! Tok! Tok!
Tatlong katok ang agad kong narinig mula sa labas. Si mama na siguro 'yan sa isiping 'yun ay dali-dali akong lumapit sa pinto at agad binuksan iyon.
"Oh Tita kayo po pala?" Agad kong sambit ng hindi si mama ang nakita ko kundi si Tita Maricel kapatid ni mama.
"Ah oo, si mama mo?" Tanong nito.
"Pasok ho muna kayo." Agad kong sabi pero mabilis siyang tumanggi.
"Hindi na aalis din naman ako agad. Nasaan si Mariette?"
"Umalis po." Sagot ko.
"Eh saan naman daw pupunta?" Tanong nito kaya hindi ko maiwasang mapakamot sa batok ko.
"Hindi ko po alam eh." Sagot ko kay Tita.
"Ganun ba sige alis na ako Iha." Ngumiti lang ako kay Tita bago siya umalis.
Hay susmaryosep buhay nga naman oo! Mag-isa na naman ako. Hirap talaga pag wala kang kapatid eh, wala kang mautusan o kahit man lang katulong sa mga gawain. Ewan ko ba kay mama at ayaw niyang magbuntis ulit ayan tuloy lonely ang nag-iisang arko sa pamilyang 'to.
Umupo ako sa upuan malapit sa pinto at agad napatingala sa kisame.
Hay buhay mahirap nga naman.
"Papa miss na po kita. Kumusta ka diyan sa heaven, papa?" Hindi ko mapigilang mapa-iyak pag naaalala ko si papa ang tanging nagmamahal sa akin dito sa bahay ang nagturing sa akin bilang isang prinsesa.
Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko habang inaalala lahat ng alaala ko kasama si papa.
"Thank you papa." Mahinang usal ko habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. Alam kong hindi sila ang tunay kong mga magulang dahil hindi nagsasawa si papa noon na sabihin sa akin na kahit hindi niya ako tunay na anak ay mahal na mahal daw niya ako at alam ko 'yun dahil nakikita at nararamdaman ko. Hindi ko man kilala ang totoo kong pamilya pero nangako ako kay papa na kapag nakilala ko na sila ay ipapakilala ko sila sakanya.
Tok! Tok! Tok!
"Ano na naman ba 'yan?"
Mabilis kong tinuyo ang luha ko at agad binuksan ang pinto.
"Lemi?" Agad kong bulalas at pinapasok ito.
"Anong magandang hangin ang nagdala sayo dito at napadpad ka?" Agad kong tanong sakanya.
"Grabe ka naman, diba pwedeng bisitahin ka lang ganern!" Kunwaring pagtatampo nito kaya napangiti na lang ako sakanya. Kakaiba talaga 'tong kaibigan kong 'to.
"So anong sadya mo?" Tanong ko sakanya.
"Kase ano may bad news at good news ako sa'yo. Anong gusto mong unahin ko?" Agad na tanong niya at kitang-kita na excited ito sa ibabalita niya.
"Good news muna." Sagot ko sakanya.
"So eto na nga ang good news. Natanggap na  tayo sa scholarship na inaplayan natin babae." Masayang balita niya sabay yugyug pa sa akin.
"Teka-teka aray! Naalog ako babae ka." Tinampal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nagpeace sign naman siya sa akin na kina-irap ko lang.
"Eh ang bad news?" Agad kong tanong.
"So ayon nga dahil natanggap na tayo dapat daw dun na tayo tumira, inshort malayo ang lugar na 'yon." Sagot nito.
"Joke ba 'yan?" Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo dahil akala ko dito lang banda yun.
"Nope as in totoo 'to dahil sa manila daw tayo mag-aaral ineng." Sagot niya na ikina-iling ko.
"Ha, bakit?" Agad niyang tanong.
"Kung sa manila 'yan hindi ako sigurado kung makakapunta nga ako remember ayaw ni mama dahil mawawalan siya ng magandang katulong." Sabi ko sakanya. Ngumuso naman ito na akala mo'y nawalan ng piso.
"Ark hihingi tayo ng tulong kay Tita Maricel, I know naman na tutulungan ka niya." Sabi nito na tanging tango lang ang sinagot ko.
"Susubukan ko." Sabi ko sakanya.
"Anyway tara gala muna tayo." Yaya niya na tanging iling lang ang sinagot ko.
"Hay naku! Ark, hindi ka ba nababagot dito na palaging nakakulong sa hawla. Labas labas ka din kahit paminsan-minsan." Sabi niya pero umiling lang ako.
"Hindi naman ako nababagot dito dahil sanay na ako." Sagot ko pero talagang malakas ang hatak ng babaeng 'to dahil naisama niya ako.
"Ark sa tingin mo sino kaya ang mga magulang mo, I mean yung totoo mong mga magulang?" Pagbasag nito sa katahimikan habang naglalakad kami kaya pati ay ako napa-isip na rin. Alam na kase ni Lemi ang totoo dahil wala akong maisesekreto sakanya at ganun din ito sa akin.
"Diko alam."
"Pero hinahanap ka kaya nila?" Sabi nito bago tumingin sa akin.
"Ewan! Siguro hindi dahil hanggang ngayon hindi ko pa sila nakikita at nakikilala." Sagot ko sakanya.
"Pero Ark kung sakali mang mayaman sila anong gagawin mo iiwan mo na ba ako?" Kunot noong lumingon ako sakanya dahil sa sinabi niya.
"Baliw hindi no, tsaka bakit naman kita iiwan." Sagot ko sakanya ngumiti naman ito bago ako yakapin pero agad akong umilag.
"Grabe ayaw mong magpayakap." Nakangusong sabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Init-init eh tara na." Hinila ko siya sa may nagtitinda ng ice cream.
"Libre mo ako dali." Agad kong sabi sakanya.
"Ay grabe! so taga libre ako ganon. Maka-utos naman si madam." Ngumiti lang ako sakanya at tumango-tango.
"Eh sa wala akong pera eh. Don't worry pag yumaman ako, ako naman ang maglilibre sa'yo." Sabi ko sakanya.
"Oo na nga." Sabi niya bago bumili ng tig twetwenty na dalawa. May kaya yang babaeng 'yan eh kaya palagi akong nagpapalibre sakanya.
"Ilan na utang mo sa akin ah." Pinanliitan niya ako ng tingin pero nginitian ko lang siya bago ako naglakad palayo sakanya mabilis din naman itong humabol.
"Uwahhhh Arky naman! why you iwan-iwan me pagkatapos mo akong gamitin tapos ganun-ganun na lang wahhhh hate you na!" Pagdradrama niya eto na naman tayo sa childish mode niya.
"Che hindi kita ginamit kusa kang nagpagamit!" Gatong ko sa drama niya. Umakto namang nasaktan talaga siya at may pahawak-hawak effect pa sa dibdib niya.
"Arky why you do this to me? Uwahhhh I don't love you na." Tila batang inagawan ng candy dahil nagpapadyak pa ito. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng mapansin ko ang mga tingin ng mga tao sa amin.
"Lemi stop nakakahiya ka!" Pagpigil ko sakanya pero mas lalo pa niyang nilakasan ang bunganga. Napasapo na lang ako sa noo ko bago siya hinila paalis dun.
"Grabe ka super acting sobra. Isa ka na talagang best actress!" Inis kong sabi na tinawanan lang niya. Umpog ko kaya 'to at ng matauhan grabe talaga nakakahiya kahit na paulit-ulit na niya iyon ginagawa pero hindi pa rin ako nasanay.
"Tenchu." Agad na sagot niya hmp batukan kita diyan eh.
"Tara na nga uwi na tayo." Sabi ko sakanya dahil baka nasa bahay na ang ina-inahan kong witch. Katakot pa naman 'yun pag naabutan mo siyang nasa bahay na dahil kulang na lang pwede nang makapagluto sa ilong niya dahil sa tindi ng usok nito pag nagagalit.
*******
Vote, comment and be my fan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Nesren P. Jamal

    hello po Ms. Ark ang Ganda Ng story hehehe recommended Siyang basahin guys!! Basta ang Ganda maitanong ko lang Ms. Ark kailan ba yung story nila raven at ace Kasi excited Nako kung Anong mangyayari sa story nilang dalawa hehehe

    2d

      0
  • avatar
    RiveraSarah

    geett

    27/05

      0
  • avatar
    Albeto Carlos

    great

    15/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด