logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The True Heiress

The True Heiress

Miss_ARK


Prologue

Third person
"Ano! Marie naman bakit mo ginawa yun! Nahihibang ka na ba ha? Wala na bang ni katiting na pumasok diyan sa kukute mo!" Galit na galit na sabi ni Dencio sa asawa.
"Dencio naman alam mo kung bakit ko nagawa 'yun ha? Dahil ayokong maranasan ng anak natin ang hirap na pinagdadaanan natin!" Galit ding sigaw ng asawa at di mapigilang mapa-iyak.
"At sinong magulang ang gustong maranasan 'yun ng sariling anak ha? Nag-iisip ka ba talaga Mariette ha sa tingin mo anong mararamdaman ng magulang ng batang 'yan ha?" Halos gustong suntukin ni Dencio ang asawa dahil sa tindi ng galit nito.
"Ano bang gusto mong gawin ko ha ang hayaang lumaki ang anak natin na naghihirap samantalang ang batang 'to ay nabubuhay ng masaya. Sa tingin mo gusto ko ding mawalay sa atin ang anak natin ha! Hindi dahil mahal ko ang anak ko pero tanging 'yun lang ang alam kong paraan para lang mabigyan siya ng magandang buhay...  Puro ka kase pangako pero ano wala!" Sigaw nito sa asawa.
Hindi naman nakaimik ang lalake at tila nanghihinang tumingin sa sanggol na hawak ng asawa na mahimbing ang tulog hindi man lang nagising sa lakas ng sigawan nila. Awa ang naramdaman niya sa bata at lungkot dahil sa anak niyang nawalay sakanya. Wala na siyang ibang matinong maisip kundi ang gustong makuha ang anak ang totoong anak pero ayaw niyang 'yun ang dahilan ng di nila pagkaintindihan ng asawa. Alam niyang masyadong nasisilaw sa pera ang asawa at kahit ang sariling anak ay kaya niyang isugal kaya hangga't nasa kanila ang bata gagawin niya ang lahat para lang hindi niya maranasan ang buhay na dapat ay hindi niya maranasan.
Tanging sorry lang ang nasambit ni Dencio sa isip habang nakatingin sa sanggol na mahimbing ang tulog. Kinuha na lang niya sa asawa ang sanggol at tinitigan ito ng mabuti.
"Isa kang tagapagmana pero pinagkait sayo ng asawa kong sukab. Wag kang mag-alala darating din ang araw na makabalik ka sakanila." Sambit nito sa isip habang kalong ang sanggol.
"Para kang anghel pero sayang hindi mo makikilala ang mga magulang mong nagbigay sayo ng buhay kung bakit ka nandito ngayon. Kung bakit mo nasilayan ang mundo."
"Wag kayong mag-alala dahil kahit malayo kayo sa anak niyo tadhana rin ang gagawa ng paraan para pagtagpuin kayo." Nakita ni Dencio ang birthmark sa dibdib ng bata na hugis corona kaya hindi niya maiwasang mapangiti. "Anak mayaman ka nga dahil kahit sa birthmark ay talagang nakikita na, na ikaw ay taga pagmana ng mga Cortez." Kilala niya ang pamilyang Cortez dahil madalas niyang makita sa tv ang mga ito lalo na ang  business tycoon na si Raymond Cortez na ama ng batang hawak niya ngayon.
__________
After a years!!!!!
"Oh anak bilis takbo." Masayang sinalubong ni Dencio ang anak na si Ariela Reina Krown Perez na kung tawagin niya ay Ark. Kahit na tanggap niyang siya na talaga ang batang aalagaan niya kaya binigyan niya ito ng magandang pangalan na nababagay sa taga pagmana na gaya niya. Gusto niya kaseng iparamdam sa bata na kahit hindi siya anak nito ay para siyang isang gem para sakanya dahil siya ang nagsisilbing kayamanan niya at siya ang natatanging gamot sa sobrang pagkalungkot dahil sa totoo niyang anak.
"Papa." Nakangiting sigaw ng bata sa ama at agad yumakap at binigyan ito ng halik sa pisngi.
"Ang bait ng anak ko.. teka bakit namamaga 'yang mga mata ng prinsesa ko umiyak ka ba?" Tanong nito sa anak ng mapansin ang pamumugto ng mata ng bata. Umiling naman ang bata pero kahit itanggi nito sa ama ang totoo ay alam na nito na ang asawa na naman niya ang dahilan ng pag-iyak nito.
Awang-awa talaga si Dencio sa bata dahil nagagawa pa ng asawa nitong saktan ang batang sobrang bait at sobrang bibo kaya hindi maiwasang mainis at magalit ni Dencio sa asawa. Kung hindi lang niya mahal ang asawa malamang iniwan na niya ito. Pwedeng-pwede naman niyang iwan kaso mababangis ang pamilya ng asawa kaya takot siyang iwan ito at baka kase pati ang batang kinilala na niyang anak ay mawalay sakanya.
Binuhat na lang niya ang anak bago sila pumasok sa loob. Kahit pagod ito galing sa trabaho ay tila isang gamot ang yakap ng bata para mawala ang lahat ng pagod nito.
"Oh ano nagsumbong na naman 'yang anak-anakan mo sa'yo!" Agad na bungad sakanya ng asawa pero umiling lang ito at agad niyang hinalikan sa noo ang asawa bago lagpasan.
"Wag kang mag-alala Marie isasama ko na si Ark bukas sa trabaho ko para kahit papaano ay mabawas-bawasan ang stress mo." Sabi nito sa asawa.
"Mabuti naman kung ganon at ng mawala ang bwisit sa buhay ko." Sabi nito kaya hindi maiwasang mainis si Dencio sa asawa.
"Wag mong sabihin 'yan dahil kahit kailan hindi naging bwisit si Ark." Inis na sabi nito sa asawa bago tuluyang talikuran.
Walang imik ang bata ng pina-upo ni Dencio sa upuan. Tinignan ni Dencio ang bata at binigay ang cherry na lollipop na agad namang ikinaning-ning ng mata ng bata. Tila parang ice cream na natunaw ang inis ni Dencio ng makita ang ngiti ng bata nanlambot siya sa nakikita at hindi mapigilang maluha sa awa.
"Kahit anong trabaho kaya ko para sayo. Hindi mo lang maranasan ang maghirap." Naluluhang saad niya sa isip bago siya pumasok sa kwarto nila para magbihis.
"Mahal po kita papa." Sambit ng limang taong gulang na si Ark.
"Mas mahal ka ni papa." Nakangiting sagot nito sa bata bago kargahin.
Inayos niya lahat ng kailangan nilang mag-ama sa pupuntahan niyang trabaho. Isang buwan kase sila dun kaya naman naisipan niyang isama ang bata mabuti na lang at pumapayag ang amo para daw may kalaro ang anak nito kaya labis-labis ang tuwa niya para rito.
"Oh para saan 'yan?" Agad na tanong ng asawa ng makita ang bag na pinaglagyan niya ng gamit nila ni Ark.
"Mga gamit namin ni Ark isang buwan kami sa trabaho kaya kailangan ko talagang isama ang bata at baka makawawa ng husto pag naiwan ko sayo." Sagot nito sa asawa.
"At talagang makakawawa ang batang 'yan kung iiwan mo." Inis na tinignan ni Mariette ang bata bago siya naglakad papasok sa maliit nilang kusina.
Iiling-iling na lang si Dencio bago isinara ang bag.
"Gusto mo bang sumama kay papa?" Malambing na tanong nito sa bata.
"Opo papa pero saan po?" Tuwang-tuwang tanong nito sa ama.
"Sa malayo mga isang buwan tayo dun." Sagot nito na lalong ikinatuwa ng bata.
"Talaga po maganda po ba dun papa?" Hindi maiwasan ng bata ang magtanong ng magtanong sa ama kaya hindi maiwasang mapangiti ni Dencio.
"Oo at may makikilala kang kalaro mo dun." Pumalakpak naman sa tuwa ang bata agad niyang niyakap ang ama.
"Talaga po." Hindi maiwasan ni Dencio ang mapatawa sa anak dahil sa inasta nito. Talagang napakabibo ang bata at 'di niya maintindihan ang asawa nito kung bakit ang layo pa rin ng loob nito sa batang kasama nila. Kahit man namimiss na ni Dencio ang totoong anak niya at gustong-gusto na rin niyang makita ito pero wala siyang magagawa dahil pinagbabawalan siya ng asawa nito dahil baka daw makita siya ng mga Cortez at mabuking sa ginawa ng asawa niya. Wala na siyang nagawa sa bagay na 'yun pero ang tanging pinagdadasal lang niya ay ang dumating ang araw na ang mismo niyang asawa ang magsasabi ng totoo, gusto niya kaseng ang asawa niya mismo ang gagawa ng paraan para magbago at sana lang dumating ang araw na 'yun.
************
A/N: this story is a work of fiction. Name, characters, Business, Places, Events, and incident are either the product of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Nesren P. Jamal

    hello po Ms. Ark ang Ganda Ng story hehehe recommended Siyang basahin guys!! Basta ang Ganda maitanong ko lang Ms. Ark kailan ba yung story nila raven at ace Kasi excited Nako kung Anong mangyayari sa story nilang dalawa hehehe

    2d

      0
  • avatar
    RiveraSarah

    geett

    27/05

      0
  • avatar
    Albeto Carlos

    great

    15/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด