logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Ilang saglit din silang nagkatitigan ni Thad na para bang pareho silang hindi makapaniwala sa narinig.

“`Pa, if this is a joke—”

“Seryoso ako. Lani needed a job and you need a secretary.”
"Sekretaryang hindi maingay at susundin lang ang mga sasabihin ko." Tila nanghahamon ang tinging ipinukol ni Thad sa kanya. "At hindi 'yung parang mas magaling pa kaysa sa amo niya kung sumagot."
Kung wala lang sa harap nila ang ninong niya, sinabon na niya ng talak ang Thaddeus na 'to nang walang banlawan.
Instead, she just turned to her godfather and calmly said, "I'm sorry, Ninong. Kailangan ko nga ho ng trabaho pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko na lang na itrato akong katulong at alipin ng magiging...amo ko. Salamat na lang ho sa lahat ng tulong nyo."
“Paalam,” Thad said sarcastically. “Ingat sila sa iyo.”

“Thaddeus Joseph, mind your manners," saway ng ama nito bago uli bumaling kay Lani. “Hija, huwag mong intindihin ang anak ko. Magulo lang ang utak niyan dahil sa dami ng trabaho niya.”
“Kaya kong magtrabaho nang hindi nagugulo ang utak ko, Papa,” sabad ni Thad.

“Ninong, kung ayaw niya akong maging sekretarya, hindi ko ho ipipilit ang sarili ko.” Mabilis niyang dinampot ang kanyang bag. “Maghahanap na lang ho ako ng ibang trabaho.”

“Bakit ka nga ba nakikipag-agawan pa ng trabaho sa ibang job seekers?” tanong ni Thad sa kanya. May hint ng pang-iinsulto sa boses nito. “Senador naman ang tatay mo kaya hayaan mo na lang ang ibang mas nangangailangan ng trabaho kaysa sa iyo. Mukhang hindi ka naman seryoso at naghahanap ka lang ng thrill sa buhay."
Masamang tingin lang ang ibinigay niya rito. 'Go to hell!'

“Hija, will you excuse me for a few minutes? I’ll just talk to my son.”

“Okay lang ho. Paalis na rin naman ho ako.”

“No. Please stay, hija. Sandali lang kaming mag-uusap.” Hindi sumagot si Lani. “Hija, I want to help you. Hayaan mo namang tulungan kita bilang ninong mo. You never asked anything from me all these years. Ngayon lang. Call me ‘weird,’ pero masaya ako na humingi ka ng tulong sa akin, knowing how stubborn you get.”
“You’re weird, Pa.”

Pinandilatan si Thad ng ama nito. Thad sighed. She nodded at her godfather. Pero mas gusto sana niyang i-head-butt ang kurimaw na lalaki. Hindi na rin umimik pa si Lani nang pumasok ang mag-ama sa pribadong opisina ng kanyang ninong.

“Tatanggapin ko ang trabahong ito dahil kailangan ko. Pero subukan lang niya akong gaguhin uli, babasagin ko talaga ang bungo ng Thaddeus Joseph Adorable na iyon.”
************************************
“OKAY na, hija. You’ll start your work today,” pagbibigay-alam ng ninong ni Lani sa kanya.

Kalalabas lang ng mag-ama mula sa ilang minutong closed-door meeting ng mga ito. Napatingin si Lani kay Thad. He wasn’t scowling or smiling. His expression was just serious as he looked at her. Mukhang may nagbago sa sitwasyon pagkatapos ng pag-uusap ng mag-ama.

“There’s my son’s office. Your desk is just outside—”

“`Pa, ako na ang bahala sa kanya,” sabad ni Thad.

“Be good to her then.” Hindi sumagot si Thad. Her godfather gave Lani an apologetic smile on behalf of his son. “Anyway, I’ll be in my office if you need anything, Lani. You know where it is.”

Tumango lang si Lani, at tuluyan na silang iniwan ng kanyang ninong. Now, it was just her and the devil himself. Nakipagsukatan siya ng tingin dito. She had a feeling he was trying to put her down. As if naman papayagan niyang mangyari iyon.

Nang magsawa siguro ito sa pakikipagtagisan ng tingin sa kanya ay binuksan nito ang katabing silid.
“Come in.” Hindi kumilos si Lani sa kanyang kinatatayuan. “Mag-uusap lang tayo sa loob. Tungkol sa magiging trabaho mo. That is, kung gusto mo pa rin magtrabaho rito.”

She badly needed this job. Kaya titiisin na muna niya ang presensiya nito. She moved past him, catching the faint spicy scent of his aftershave cologne. She even caught the scent of his shampoo and bath soap. And the combination suited her taste just fine. Parang bigla niyang nakalimutan na lousy dresser pala ito dahil talagang napakasarap nitong amuyin.

He was clean and very masculine. Hindi nga niya alam kung may ganoong klase ng bango.

“Sit down, Miss Guerrera.”

Hearing her last name that best marked her father in the country’s politics, she felt her rebellion stirred up.

“I prefer to stand, thanks.”

“Kung magtatrabaho ka under my command, Miss Guerrera, kailangan mong malaman ang mga patakarang ipinatutupad ko rito.” He sat on the corner of his desk. “Rule number one.” Itinaas nito ang hintuturo. “Kapag nasa office tayo, ako ang amo kaya ako ang masusunod. So, when I say you sit down, you will sit down.”

She sat on the desk chair. Kontento itong tumango.

“Rule number two.” Up popped his middle finger. “Papasok ka lang dito sa office ko kapag may importante kang ibibigay. Lahat naman ng importanteng sasabihin mo, you can relay it to me through the intercom. I value my privacy, Miss Guerrera.”

'Ang sabihin mo, ayaw mo lang magpaistorbo kapag dinadala mo rito ang mga babae mo.'
“Rule number three.” His ring finger rose to the call. “There will be no flirting during working hours and definitely no hanky-panky business after work. May reputasyong iniingatan ang kompanyang ito.”

“Mas bagay sa iyo ang rule na iyan,” hindi niya napigilang sumagot. She knew she hit the target when his expression darkened.

“Rule number four,” mariing wika nito nang itaas ang hinliliit. “I talk, you listen. Unless I ask something you need to answer. Also...” He gave her a once-over glance, then his roaming eyes stopped at her exposed legs. “The women here wear their skirts three inches below the knee. I expect you do the same.”

Nagulat siya sa sinabi nito. Batid niyang nang-aasar lang ito kaya pati ang palda niya ay pinagdiskitahan.

“Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Guerrera?”

'Guerrera na naman!'

“Mainit ang klima sa Pilipinas, Mr. Adorable. I think I can work better with my skirt three inches above the knee.”

“So, hindi pala tayo nagkaintindihan.” Tumayo ito at naglakad patungo sa likuran ni Lani.

She didn’t dare follow him with her gaze, dahil baka irapan lang niya ito. Siguradong may pupunahin na naman ito sa kanya. She knew he was just making up this ridiculous regulations to get back at her for what she did to him last night.

“Inuulit ko, Miss Guerrera. I want your skirt three inches below the knee.” She heard him sighed. “Kung sa akin lang ay wala ka naman talagang magiging problema. I’ve seen a lot of women who had great legs, so I’m used to it. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Karamihan sa mga empleyadong babae rito ay three inches below the knee ang sukat ng mga office skirts nila. Baka kung ano ang isipin nilang hindi maganda sa iyo kung hahayaan kita na ganyan ka-iksi ang ang palda mo.”

He thought her legs were great? 'At iyon talaga ang tanging naiwan sa kukote mo sa mga sinabi ng lalaking iyan? Tigilan mo iyan, Lavinia Nicola. Umayos ka, inday.' Gayunman, hindi pa rin maiwasan ni Lani na sulyapan ang kanyang mga legs. Not that she wanted to confirm his observation…

“Huwag mong masyadong purihin ang sarili mo,” wika ni Thad mula sa likuran niya. “Sinabi kong marami na akong nakilalang mga babaeng may magagandang legs. Pero hindi ibig sabihin ay isa ka na sa kanila. Although, now that you made me focus my attention on your legs…” Pero malakas itong tumikhim saka tinalikuran ang dalaga at inabala ang sarili sa pagbabasa ng kung anong papeles sa mesa nito.

At nagasawa na rin si Lani sa mga parunggit ng lalaki at walang katapusang pagdidikta ng kung anu-anong utos sa kanya. Hindi na tuloy niya sigurado kung kaya pa niyang matagalang makatrabaho ito nang hindi siya magiging kriminal.

She stood up. Noon niya naisip na kailangan niyang may mapatunayan muna sa sarili at sa kanyang ama.

“Would that be all... Sir?”

Pagbaling nito sa kanya ay bigla na lang binundol ng kaba ang dibdib niya. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas ng loob upang hindi siya umurong. Nagtaka siya sa sarili. Kailan pa siya natutong kabahan sa presensiya ng mayabang na ito? No, that wasn’t fear. Fear was the last thing she would feel for this man.

Kung gano’n, ano iyon? She looked deep into his sexy dark eyes. Lalong lumakas ang kanyang kaba. What the hell...?

“Rule number five,” patuloy nito, placing his hands on his taut hips. “Don’t fall in love with me.”

“No problem.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    Christopher Montefalco

    I'm done very nice chapter

    13d

      0
  • avatar
    Rainier Granada

    13377

    13/08

      0
  • avatar
    Hannie Andi

    nice story

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด