logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

“BYRON, PARE, hanga na talaga ako sa tibay ng dibdib mo!” kantiyaw ni Nathan. “Biruin mo, si Miss Rhome Peralta, the Untouchable Butterfly herself, nagawa mong galitin?”

“And she is far more beautiful when she’s angry,” sagot ni Byron. “I think I’m in love na, mga pare!”

Natatawang sinulyapan ni Thad si Byron, na katabi niya sa passenger’s seat. Tila wala na ito sa sarili na nakatingin sa kawalan. Pero may palagay rin siyang dala lamang iyon ng nainom nila sa bar na pinanggalingan nila. Doon nila nakilala ang pinag-uusapan nilang si Rhome.

“Nagagandahan ka pa rin sa kanya kahit na hanggang ngayon ay nakamarka pa rin sa pisngi mo ang palad niya?” biro niya rito.

Nasampal kasi si Byron nang wala sa oras dahil hindi dakilang palpak ang ginawa nitong pagpapansin. Mukha ring wala sa mood sa mood ang dalaga kaya mas lalong wrong timing ang paglapit ng kaibigan nila kay Rhome.

Pero mukhang tinamaan talaga si Byron sa naturang dalaga dahil nakita pa niya sa rear view mirror na hinahaplos-haplos nito ang pisnging nasampal.

“I think she likes me, Thad. Nakita mo ba kung paano siya ngumiti bago niya ako sinampal?”

“Its a sarcastic smile, Byron. Don’t assume too much. Mabibigo ka lang.”

“Okay. So, she doesn’t like me. But its still not gonna stop me from pursuing her. Susubok at susubok pa rin ako na makuha ang puso ni Miss Butterfly.”

“Untouchable Butterfly,” pagtatama ni Nathan. “Nagdi-declare na gusto si Rhome Peralte pero ni hindi nga matandaan kung ano ang bansag sa babaeng pinag-iinteresan niya. “Nakikiuso ka lang naman yata sa mga naghahabol kay Rhome.”

“O kaya gusto lang niya ibangon ang ego niyang nakatikim ng sampal sa unang pagkakataon,” dugtong ni Axel. “That’s not fair to the woman, Byron. Kung ganyan lang din naman ang dahilan mo sa gagawin mong panliligaw kay Rhome Peralta, just stop now and leave her alone.”

“Kayo lang naman ang nag-iisip na hindi ako seryoso. Palibahasa ngayon lang kayo nakakita ng totoong na-in love. Kapag kayo nakaranas ng gaya ng nararanasan ko ngayong nakita ko na ang babaeng gusto ko talaga…please do not disturb me. Bahala kayong mabaliw mag-isa.”

“I don’t have problems with that, dahl nakita ko na ang sa akin., Too bad it was ten years ago since I last saw her,” wika ni Axel.

“Nakita ko na rin ang babaeng gusto ko,” sagot ni Nathan.

“Si Samantha!” halos sabay-sabay nilang bulalas, saka nagtawanan.

“Wala akong sinabing si—”

“Samantha,” sabay-sabay uli na nilang wika.

Binabagtas na nila ang kahabaan ng isang highway para ihatid ni Thad ang mga kaibigan sa kani-kanilang bahay. Sa iisang village lang naman sila nakatira at tinamad na daw bumalik ng kanilang opisina ang mga ito kaya dumiretso na lang sila ng uwi.
'Bahala kayo sa byahe nyo bukas. Iniwan nyo ang mga kotse nyo sa opisina ninyo.'
Saglit na napahinto ang sasakyan nila dahil naka-red light ang ilaw trapiko, nang mamataan niya ang isang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada. Based her clothes; tight, bright and short, not to mention with the kind of reputation that place she was standing by, halos alam niya kung ano o sino ang hinihintay ng babae. Mag-aalas-dos na ng madaling-araw, wala na itong ibang gagawin doon kundi ang maghintay ng ‘customer’.

“She’s pretty, isn’t she?” komento ni Nathan. Mu“Bakit niya pinili ang ganyang trabaho kung papasa naman siya na artista o modelo?”

Mukhang napansin na ng mga kasama niya sa sasakyan ang babaeng tinitinngnan niya. And suddenly felt the urge to block their view of her.

“Hindi natin alam ang dahilan niya, kaya wala tayong karapatang husgahan siya,” wika ni Axel.

“Who’s judging her? I’m not,” wika ni Byron. “I don’t know why but…I wanted to give her some more decent job in my company.”

“Bakit? Dahil maganda siya? Paano naman ‘yung iba na may gaya din niya ng trabaho? Aalukin mo rin ba?” tanong ni Thad. Napansin niya na napalingon sa kanya ang mga kaibigan. “What?”

“Bakit parang galit ka?”

“Hindi ako galit, Nathan. I’m just saying be fair to all. Kung gusto mo siya bigyan ng trabaho, bigyan mo lahat.”

“I can’t give them all a job. Walang bakante sa kumpanya ko.”
"Wait. Don't you think she looks familiar?"

“May bakante sa kumpanya ko. Pero isang posisyon lang,” sagot ni Thad. Nag-green na ang traffic light. At napansin niya ang tila unti-unting paghinto ng isang kotse sa harapan ng babaeng pinaguusapan nila. “The heck--”

Mabilis na nag-overtake si Thad at huminto sa harapan mismo ng babae. Hindi na rin niya pinakinggan ang reklamo ng mga kaibigan niyang naalog yata sa ginawa niyang biglaang pagmamaniobra sa kanilang sasakyan.
********************************************************
NANGANGAWIT na sa kahihintay ng masasakyan si Lani. Nag-apply siya ng trabaho nang araw na iyon sa opisina ng ninong niya sa Makati. Maaga naman iyon natapos at positibo ang naging resulta. She got the job, at wala na siyang pake kung ginamit man niya ang connections niya para makuha ang trabaho. First time lang naman niya iyong ginawa kaya siguro naman ay excused na siya.

‘Yun lang, ginabi na siya ng uwi dahil dumaan pa siya sa headquarters ng organisasyon for women’s rights kung saan may importante siyang posisyon. Inayos niya ang mga dapat ayusin doon bago niya iwan sa papalit sa kanya, dahil alam niyang mauubusan na siya ng oras para sa mga responsibilidad niya sa organisasyon ngayong magkakatrabaho na siya. She could still support them through other means, she just couldn’t be there at the headquarters anytime. Tinanggap naman ng mga kasamahan niya ang pamamaalam niya at bilang padespedida ay naghanda ng kaunting salu-salo ang mga ito. Napasarap ang kuwentuhan kaya heto, ginabi na tuloy siya ng uwi at pahirapan na ang pag-aabang ng masasakyan. Hindi niya dinala ang sariling sasakyan dahil sinubukan niya kung makakaya niyang mag-commute sana. Kaya naman, kaso parang susuko na siya ngayong ganito na katagal ang paghihintay niya ng masasakyan.
Nangangawit na siya sa katatayo kaya inilipat niya ang bigat sa kaliwang paa. No good. Sa suot niyang high-heeled shoes, pareho nang nangangawit ang kanyang mga paa. Idagdag pa ang init ng panahon kahit na madaling-araw na. Mabuti na lang at nag-miniskirt siya at hindi na nag-stockings pa. Kung hindi, pati singit marahil niya ay pinapawisan na. Hanggang sa mapagpasyahan niyang hubarin ang suot niyang blazer.
Her turtlenecked sleeveless blouse really gave her something to feel better about that humid night. Subalit handa naman siya kung sakaling may mambastos o manloko sa kanya nang mga sandaling iyon. Marunong siya ng self-defense bata pa lang siya, salamat sa pagiging inggitera niya sa kaklase niyang laging may medal sa mga sports events noong elementary pa lang siya. Pero siyempre hindi pa rin niya maiwasang mangamba dahil sa reputasyon ng lugar na kinaroroonan niya na pugad ng mga holduppers at snatchers. Not to mention ang mga babaeng nagbebenta ng aliw sa gilid ng mga kalsada na ang iba ay kanina pa masama ang tingin sa kanya. Iniisip marahil ng mga ito na nang-aagaw siya ng puwesto at customers.
'Kalma lang, mga mamshies. 'Di ko kayo aagawan ng raket.'
Isang Pajero ang huminto sa tapat niya at bahagyang bumaba ang tinted na bintana sa driver’s seat, revealing a handsome face with a pair of sexy, deep-set eyes.
“Hi, Miss! magkano ang--" Bigla itong hinila ng mga kasama nito sa sasakyan.
"Huy, Thad! what the heck are you doing?"
"Nababaliw ka na ba? Wala sa usapan natin ang mag-pickup ng mga babae rito."
"'Sarap mong itapon sa pinakamalapit na creek, pare."
Umalingawngaw sa pandinig ni Lani ang mga sinabi ng unang lalaki na kumausap sa kanya.
'Magkano?'
Did this moron just treated her like a whore?!
"Huwag nga kayong magulo. Hindi pa ako tapos makipagnegosasyon sa kanya," saway nito sa mga kasama.
'Negosasyon'?
Freakin' moron!
Gigil na sinipa ni Lani ang pinto ng kotse nang magtangka ang lalaki na bumaba ng sasakyan nito at malakas na tumama ang ulo nito sa pinto. Saglit yata itong nahilo dahil mabilis itong inalo ng mga kasama nito sa sasakyan. Pero agad ding nahimasmasan at nang makabawi ay galit na galit ang lalaki na hinarap si Lani.
"What the heck is your problem?! Muntik nang mabasag ang bungo ko sa ginawa mo!"
"Pasalamat ka nga at bukol lang 'yang inabot mo. Kung nakabuwelo lang ako nang tama, durog talaga 'yang ulo mo."
"Bukol?! Bukol lang?!" The man was literally breathing down her neck.
Kahit alam ni Lani na may kaalaman siya sa Martial Arts, but with this man's built, siguradong mahihirapan siyang patumbahin ito. Pero wala rin siyang balak na urungan ito.
"Kung nag-aalala kang mabasagan ng bungo, e di sana pinag-isipan mo muna nang mabuti bago ka lumapit sa akin, sira ulo ka."
"Ako pa talaga ang sira ulo? Sino ba ang basta na lang nanakit dito?!"
"Hindi ako pok--" Pinigilan ni Lani ang sasabihin.
May mga babaeng nagbebenta ng aliw ang nakakarinig sa kanila. Kahit naman hindi siya pabor sa ginagawa ng mga ito, ayaw naman niyang mas lalong bumaba pa ang tingin ng mga ito sa sarili sa mga sasabihin niya. Hindi niya alam ang kwento ng mga ito kaya wala siyang karapatan na husgahan ang mga ito sa napili nilang gawain. That was one of the things she became aware of when she joined various militant groups during her college years.
“Thad, tama na `yan.”
“Anong tama na? Hindi ako titigil hangga’t hindi ko natuturuan ng leksiyon ang babaeng ito, Byron!”

“Umalis na lang tayo, Nathan. Miss, pasensiya ka na. We didn't mean to offend you.”

“Teka nga, Nathan, bakit ka humihingi ng paumanhin sa kanya? Ako ang naagrabyado dito at ako ang kaibigan nyo--”
Hinila na ang lalaki ng mga kaibigan nito pabalik sa sasakyan.
"Ako na ang magmananeho. Take your time to calm down, Thad." Binalingan si Lani ng lalaking tinawag na Byron. “Pasensiya ka na uli, Miss. Huwag na sana itong makakarating sa iyong ama.”
Medyo nagulat si Lani sa narinig. They knew who her father was?
“Just get him out of my sight,” iritado pa ring wika niya.
"Do you need a ride home?"
"No." Wala siyang balak na makasama sa maliit na espasyo ang lalaking timang na 'yon.
Nagpaalam na ang kausap niya at ilang sandali pa ay palayo na ang sasakyan ng mga ito. Isinuto naman ni Lani ang blazer saka pumara ng paparating na taxi. Sa wakas ay nakasakay din siya.
And allthroughout her ride, she tried to get that irritating feelings she had, thanks to her encounter with that moron who thought she was a hooker.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    Christopher Montefalco

    I'm done very nice chapter

    13d

      0
  • avatar
    Rainier Granada

    13377

    13/08

      0
  • avatar
    Hannie Andi

    nice story

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด