logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Cafe Helenas series

Cafe Helenas series

Sonia Francesca


Chapter 1

"THE WAY YOU LOVE ME"
by Sonia Francesca
TEASER:
Galit si Lani sa kanyang ama kaya lumayas siya ng bahay nila para magsarili na at subukang tumayo sa sariling mga paa para patunayan na kaya nyang mabuhay mag-isa. Good thing there were people who helped her get a nice house she could rent out and a job she easily accepted.
Problema lang nang makilala niya ang magiging amo. Si Thaddeus Joseph Adorable, ang lalaking binukulan niya dahil pinagkamalan siyang babaeng nagbebenta ng aliw isang gabi bago ang pagkikita nilang iyon sa opisina ng binata.
Kaya naman inasahan na ang laging pagbabangayan ng dalawa.
"Rule number 5: Dont fall in love with me."
It was Thad's rule for Lani.
She obeyed.
And he was angry again.
*****************************************
CHAPTER 1
“ANO? NAGLAYAS ka?” kunot ang noong tanong ni Dallas kay Lani.
Sa Café Helenas siya tumuloy nang umalis siya sa bahay nila. Pag-aari ni Dallas ang naturang establishment na ‘minana’ nito sa nakatatandang kapatid. Nang makapag-asawa na kasi ang ate nito ay nag-migrate na sa ibang bansa ang pamilya niyon kaya si Dallas na ang sumalo sa pagpapatakbo sa Cafe Helenas. College pa lang sila ni Dallas ay pansin na ni Lani ang hilig nito sa pagne-negosyo kaya hindi na sila nagtaka ng college barkada nila nang ipaalam nga nito ang pagti-take over sa Cafe Helenas.
“Matagal ko na nga dapat ginawa ito, eh,” sagot ni Lani.
“Nag-away na naman kayo ng daddy mo, `no? Hay, naku, Lavinia Nicola. Sa katigasan ng ulo n’yong mag-ama, wala na nga kayong pag-asang magkasundo pa.”
“Huwag na natin pag-usapan si Daddy, Dallas. Nagpunta ako rito para magtanong kung may alam kang bahay na puwede kong upahan nang mura. Wala na talaga akong balak na bumalik sa amin.”
Naiiling na lang si Dallas. “Pareho lang kayong pasaway ng tatay mo, eh.”
“Mas malala lang siya.”
Hindi na bago ang pagtatalo sa pagitan nilang mag-ama. Mula nang mamatay ang ina ni Lani limang taon na ang nakararaan, ganoon na ang sitwasyon nila sa bahay nila. Pagtatalunan nila kahit ang pinakamaliliit na bagay.
Hindi naman problem child si Lani. Nagsimula lang ang lagi nilang pagtatalo nilang mag-ama nang tuluyan na siyang hindi binibigyang-pansin nito. Hinayaan lang niya ito noong una dahil alam niyang nagluluksa pa ito sa pagpanaw ng kanyang ina. Pero napagod na siya sa pambabale-wala nito lalo na at sanay siyang maging sentro ng atensyon nito ng mga magulang dahil nga nag-iisa siyang anak. Lalo pang lumala ang sitwasyon nila nang ibuhos ng ama ang lahat ng oras at atensyon nito sa mayabong na political career nito.
Kaya nang dahil doon ay sumali si Lani sa mga radical groups sa unibersidad na pinasukan niya noon sa kolehiyo. Tuwing may rally sa harap ng senado, siya ang nangunguna. But she knew that deep inside her, she was shouting to get his attention. She got his attention all right, pero boses ng isang aktibista ang naririnig ng kanyang ama at hindi ang tinig niya bilang anak. Lalo tuloy siyang nagrebelde.
At kanina nga ang pinakamatindi nilang naging pagtatalo na umabot na sa paglalayas niya. Gusto kasi nitong humanap na siya ng matinong trabaho kung saan magagamit na niya ang mga natutunan niya sa Business Management course na tinapos niya sa kolehiyo. Dalawang taon na kasi siyang college graduate pero malakas pa rin ang kuneksyon niya sa radical group sa dating unibersidad. Close kasi sila ng kasalukuyang secretary general ng organization dahil ito ang naging ‘apprentice’ niya noong nag-aaral pa siya sa dating alma mater.
Hindi man aminin ni Lani tanggap niyang may katwiran ang ama na pigilan na siya sa pagsama-sama sa mga rally. Na kailangan na niyang seryosohin ang buhay at maghanap ng matino at stable na trabaho. Kung gusto niyang may maipagmalaki sa harap ng ama sa tuwing magtatalo sila, kailangan na niya ang steady career. At hindi iyon maipo-provide ng posisyon niya sa university org lalo na at libre lang naman niyang ginagawa ang pagiging adviser doon.
Napabuntunghininga na lang si Lani. “I need to find a job as soon as possible. ‘Yung seryoso at may magandang sweldo.”
“Pasensya na, friend, pero wala akong maisip ngayon, eh,” tugon ni Dallas. “Kung gusto mo, hintayin natin ang iba kong mga kaibigan. Dito madalas tumambay ang mga iyon kapag wala sila masyadong hectic schedule sa trabaho. Baka may maitulong sila.”
Bago pa makasagot si Lani ay isang babae na ang umupo sa tabi niya sa bar. Napatingin na lang siya rito rito dahil basta na lang ito dumaldal nang dumaldal.
“Pambihira talaga `yang tiyuhin mo, Dallas! Wala nang ginawa kundi ang ipilit na magpakasal na ako para daw magka-apo na siya. Sus maryosep!”
“Kung magsalita ka naman, Preciosa. Akala mo hindi mo tatay ‘yung tinutukoy mo.”
“E kasi naman, pinsan, beinte-sais pa lang ako. Masyado pa akong bata para sa mga kasal at apo-apo na ‘yan. Alam mo iyon? `Tsaka sa ugali ng tiyuhin mong `yon, tatagal pa `yon ng ilang daang taon sa mundo. Siya kasi ang magandang ehemplo ng kasabihang ‘ang makulit na damo ay matagal matsugi.’”
Natahimik lang ang bagong sulpot na babae nang ngumiyaw si Buffy, ang pusa ni Lani, na kanina lang ay himbing na himbing sa pagtulog sa maliit na kulungan nito.
“Her name’s Buffy,” wika ni Lani nang mapansin na nakatingin na lang sa pusa niya ang babae. Pilit din niyang itinatago agn alaga. “Sorry, hindi ko maatim na basta na lang siya iwan sa labas, eh. Baka kasi may kung sinong dumampot sa kanya.”

At base sa mga karanasan niya noon, pagdating sa kanyang alaga, iba talaga ang nagiging reaksiyon ng mga taong nakakakita kay Buffy. Kahit kailan ay hindi niya nagustuhan ang reaksyon ng mga taong nakakakita sa kanyang pinakamamahal na pusa, as if Buffy was some demon cat that snuck out from hell because of its appearance.

Dahil kahit ano pa ang hitsura ni Buffy, galing pa rin ito sa pinakamamahal niyang tao sa mundo.

“She’s a Sphinx,” tukoy ng babae sa pusa. “A hairless type of cat from Mexico.”

“You know something about cats?”

“I know a lot about animals. I’m a veterinarian.” Sinipat uli nito ang pusa sa kulungan niyon. “Looks like a very healthy cat. Maganda ang pag-aalaga mo sa kanya. Good job, hooman”

“Thanks. She’s a gift from my mom,” nakangiting sagot ni Lani.

“Your mom will be very proud of you. And you’re lucky, too. Kakaunti lang ang may nagmamay-ari ng ganyang klase ng pusa dito sa Pinas. Saan siya nabili ng Mommy mo?”

“Hindi ko alam. Hindi ko naitanong bago siya namatay.”

“Ay, sorry.”

Ramdam naman ni Lani ang sinseridad sa paghingi nito ng paumanhin kaya tumango na lang siya bilang tugon.

“Kasi naman `yang bibig mo, Preciosa, walang preno,” wika ni Dallas saka bumaling kay Lani. “Pasensiya ka na sa pinsan ko, ganyan lang talaga iyan ‘pag gutom. Actually, kahit hindi gutom, di matigil ang kadaldalan nyan. Pinakain kasi iyan ng puwet ng manok nung bata pa.”

“Ang sweet naman ng introduction mo sa akin, pinsan. So amazing. Anyway…” bumaling na rin ang babae kay Lani saka inilahaad ang kamay. “I’m Preciosa Zelderriaga. But do call me Pretzel. Boring kasi pakinggan ang ‘Preciosa’. Very ordinary. Hindi bagay sa akin.”

“Lavinia Nicola,” pakilala ni Lani sa sarili nang tanggapin ang kamay nito. “You can call me Lani.”

“’Ganda ng pangalan mo tapos ang boring ng nickname mo. ‘Buti na lang unique ang pusa mo.”

“Oy, Preciosa, hinay-hinay ka naman dyan. Bagong kakilala mo pa lang si Lani. Hindi kayo friends since Kopong-Kopong.”

“Kopong-Kopong. OMG, pinsan. Anong dekada ka ba ipinanganak at ganyan na ka-tanders ang linyahan mo?”

“Manahimik ka. Huwag mong pakialaman ang mga jokes ko. ‘Yang imahe mo sa mga bagong nakikilala mo ang intindihin mo.”

“Wala akong paki sa imahe ko.”

“You’re a vet. You should mind your image.”

“Oo nga pala.” Then Pretzel adjusted herself on her seat like a prim and proper girl. In exaggeration. With matching beautiful eyes pa.

Natawa na lang si Lani. Ang kulit ng babaeng ito, pero nakakatuwa. Naiiling na lang si Dallas na napabuntunghininga saka inilapag sa harap ng pinsan ang isang baso ng inumin.

“Libre?” tanong ni Pretzel.

“Siyempre hindi. Bayaran mo sa katapusan.”

“Ako na lang ang magbabayad,” boluntaryo ni Lani. “A ‘thank you’ gift for not judging my cat.”

“Who’s judging your beautiful, hairless cat?”

“A lot of people. I know they were joking but, I really don’t want anyone making fun of my cat.”

“Masyado talagang judger ang mga tao. Hayaan mo, lagot sila sa mommy mo.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    Christopher Montefalco

    I'm done very nice chapter

    13d

      0
  • avatar
    Rainier Granada

    13377

    13/08

      0
  • avatar
    Hannie Andi

    nice story

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด