logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4:

[ Warning: Gore scenes ]
"Ate.."
Agad akong dumilat nang marinig ang boses ng kapatid ko.
"Ne, ayos ka lang?" Nilingon ko ang babaeng nasa harapan ko, 'Ne' pala ang kanyang binabanggit, akala ko 'Ate'.
"Opo.."maikling sagot ko rito at agad na tumayo.
So is this Cyber City?
Ganito pala ang itsura sa loob nito.
Tumingon ako sa likod ko kung saan ako nanggaling, isang malaking pader lamang ang nakita ko, wala na rin ng pintuan na aking pinasukan.
Totoo nga ang sinabi sa mga teksto sa history ng mundo, Totoo ang Cyber City at andito na ako ngayon, ngunit bakit madilim?
Bakit marumi sa loob nito?
Hindi ito ang inaakala ko, Ayon sa mga libro, advanced sila sa technology at malinawag ang lugar na ito, maraming ilaw, na para bang isang City tuwing gabi, ngunit bakit para itong patay? Mga matataas na building ang aking nakikita, walang kabahay-bahay.
Bumalik ako sa reyalidad nang makarinig ng mga sigaw kaya't lumakad na agad ako palayo at dumaan sa gilid ng mga building.
Tinitigan ko ito, may mga ilaw ang bawat kwarto, at may mga tao sa loob, mga nakaputi na para bang mga Doktor, nag tatakbuhan sila, ang iba ay nag-uusap.
Mukha silang normal na tao, walang pinag-kaiba sa akin, May kakaiba lamang sa mata, hindi ako sigurado dahil madilim ngunit parang iba ang kulay nito
Bakit ba kung ano-ano ang iniisip ko?
Kailangan kong hanapin ang kapatid ko.
Saan ba ako mag-sisimula?
Nag-punta ako dito ng wala manlang plano.
Nag-lakad ako papasok sa eskinita sa isang mataas na building at napahinto ako nang makarinig ako ng iyak, iyak ng isang babae.
Mahina lamang ito, at bukod ron may isa pa akong naririnig ngunit hindi ko ma-figure out kung ano.
Parang may kinukuha..
Mali..
Parang may kinakalkal.
May isa pa akong naririnig, parang may kumakain.
Sinundan ko ang iyak ngunit palakas ng palakas ang tunog ng pagkalkal at pag-nguya.
Pahina naman ng pahina ang pag-iyak.
Sinundan ko pa ang tunog hanggang sa makarating ako sa pinaka dulo ng eskinita.
Ngunit nawala na ang mga naririnig ko.
Isang babaeng nakaupo lamang sa sahig ang nakita ko, nakasandal sya sa pader at nakatingin sa harap nyang basurahan.
"..dito.." may sinasabi sya hindi ko nga lamang maintindihan.
Madilim rin ang paligid kaya't medyo hindi ko nakikita ang kalagayan nya.
Lumapit pa ako sa kanya upang maintindihan ang sinasabi nya.
Lumuhod ako sa harapan nya at lumapit pa lalo, nilapit ko ang aking tenga sa kanyang bibig dahil mukhang may gusto talaga syang sabihin.
Hindi na sya ulit nag-salita pa, hinawakan ko ang pulso nito, buhay pa naman sya.
Ano bang problema sa kanya? Hindi ko makita ng maayos dahil masyadong madilim.
Hinawakan ko ang balikat nya.
"Sumama ka nalang sa akin.." bulong ko at pinilit syang tumayo, baka hindi sya makalakad.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ko rito at napansin kong nakaputi rin syang damit, parang coat ng isang doktor, taga- Cyber City kaya sya o nakapasok lang rin kagaya ko?
Hindi na ko mag sisingungaling pa, medyo mabigat sya, para bang wala syang will tumayo at hinihila ko nalang sya.
Nilagay ko ang kamay nito sa aking balikat ngunit napansin kong wala na itong malay.
"Miss.."bulong ko na dahan-dahan itong ginigising.
Patay na ba sya?
"Miss, ayos ka lang..?" Bakit hindi sya sumasagot? Kinakabahan na ako dito, ibaba ko nalang kaya sya.
May naririnig akong yapak, yapak mula sa likod ko.
Bumabalik na naman yung tunog na isa, nakakarinig na naman ako ng ngumunguya, papalapit na ito, kasama ng yapak.
Pabilis ng pabilis ang pag-takbo nito.
Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
Nag-aantay akong may sumulpot sa aking harapan dahil mukhang dito galing ang tunog.
Bigla akong nakarinig ng uwak sa bandang likuran ko kaya't lumingon ako sa likod, andami palang uwak sa pwesto na ito.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil malapit na ang tunog ng pag-nguya sa akin.
Agad akong humarap at nagulat ako nang may isang tao ang bigla nalang lumitaw sa harapan ko, matangkad to at halata sa katawan nya na lalaki sya.
May kinakain sya, tinapay?
Malaki ito na parang isang malaking tinapay, ngunit may tumutulo sa kinakain nito.
Hindi ito nag-sasalita at nakatayo lamang sa harapan ko.
Nakarinig ako ng mga sigaw sa paligid, halo-halong sigaw at may mga nag-tatakbuhan akong nakikita mula sa malayo.
Hindi naman ito gumagalaw kaya't tumalikod na ako upang umalis at dalhin ang babae sa maayos na lugar upang makita ko ang kalagayan nito.
"Sandali.." narinig kong nag-salita ang lalaki kaya't hinarap ko agad sya.
Inayos ko rin ang pag-kakabuhat sa babae dahil ang bigat nya talaga, para bang bibigay na ang mga paa nya.
"Ibalik mo muna ang kinuha mo sakin.." dagdag ng lalaki.
"Ano?" nag-tatakang tanong ko rito, wala naman akong kinukuha sa kanya ah.
"..yung pagkain ko."
Nagulat ako nang biglang kumulog at kasabay nito ang kidlat, lumiwanag ang paligid at nakita ko ang buong itsura ng lalaki.
May dugo ang bibig nya, at ang hawak nya..
..yung kinakain nya,
..isang paa..?
Nakatingin ang mga mata ng lalaki sa babaeng inaalalayan ko at agad akong lumingon dito.
Naitulak ko ang babae palayo sa akin nang makita ko ang katotohanan..
Wala syang paa.
Ang kinakain ng lalaking ito ay ang isang paa ng babae..?
Napa-atras ako sa gulat, tila ba gusto kong masuka.
Wala na palang buhay ang babaeng dinadala ko kanina, kaya pala ito mabigat ay dahil sa wala namang paa ang nag -su-suporta sa kanya at halos para bang buhat ko ang buong katawan nya.
Nakakadiri..
Nilingon ko ang lalaki at patuloy parin syang ngumunguya.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita nang biglang gumalaw ang babae, ang agresibo ng kilos nito at para bang nababali ang mga buto nya, halos gumulong sya paikot-ikot sa lupa.
Ano yan?
Anong nangyayari?
"Ngayon na kaparehas ko na sya, hindi na sya masarap.."nag-salita ulit ang lalaki at nag-lakad palapit sa akin.
Ang lamig ng boses nito, nakakatakot, nakakadiri sya, itinapon nya sa gilid ang hawak nitong paa at biglang sinunggabang ng babae ang sarili nyang paa na parang gutom na gutom at..
kinain..
Hindi ko na to kayang panoorin.
Dahan-dahan akong nag-lakad patalikod.
Tumakbo ka Ray.
Napa-atras ako sa isang bato at tumunog ito, huminto ang babae sa pagkain ng sarili nyang paa at tila ba nakalingon ito sa akin.
Anong gagawin ko?
Natatakot ako..
Napabilis ang aking pag-lakad patalikod kasabay ng tibok ng puso ko nang makitang gumapang ang babae papalapit sa akin.
Nakakatakot ang itsura nya..
Onti-onti na ring bumibilis ang lakad ng lalaki papalapit sa akin kaya't tumalikod na ako at binilisan ko ang pag-takbo palayo.
Naririnig ko ang mabilis na yapak ng lalaki, at ang kuskos ng kamay ng babae habang gumagapang ito palapit sa akin.
Hindi ko alam kung saan pupunta, walang ilaw sa paligid, hindi ko alam kung may labasan ba itong tinatakbuhan ko, para ba akong nasa isang maze, walang takas at once na natrap, it's all over for me.
Pinilit kong hindi sumigaw nang ako ay madapa, may malaking bagay na nakaharang rito sa gitna.
Nagulat pa ako nang biglang may mga uwak na nag -liparan sa harapan ko.
Sinundan ko kung saan sila nanggaling at ano to?
Mabilis akong tumayo dahil napagtanto ko kung ano ang mga nasa paligid ko at kung ano ang dahilan ng aking pagkadapa.
Tao, kalahating katawan ng tao ang nakaharang sa gitna, sa gilid-gilid ay mga ibang bangkay ng tao, patay na sila, tinutuka-tuka ng mga uwak, labas ang mga lamang loob at putol-putol ang mga katawan.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, mukhang matagal na ang mga bangkay rito ngunit wala silang amoy na mabaho o masang-sang.
Ganito ba ang buhay sa loob ng Cyber City?
Ano ba ang dahilan bakit napadpad ang kapatid ko rito?
Nagising ako sa aking pag-iisip ng biglang may humila ng paa ko at hindi ko na napigilan pang sumigaw.
"Miss..miss, tulungan.. mo ko.."isang lalaki na siguro nasa middle age ang nakahiga sa lupa, nilapitan ko ito upang tulungan ngunit agad akong napabitaw nang mapansin kong kalahati lamang ang katawan nito.
Papalapit na ang mga yapak at naririnig ko na ang pag-gapang ng babae.
Tumalikod na ako sa lalaki upang tumakbo.
"Pakiusap..patayin mo..nalang ako.." ang hina ng boses nito, nag-mamakaawa at wala nang pag-asang maririnig pa rito.
Natatanaw ko na ang lalaking humahabol sa akin mula sa malayo.
"Pasensya na.." bulong ko at tumakbo na palayo.
Sa bawat yapak ng paa ko palayo ay naririnig ko ang sigaw ng lalaki, na para bang kinakain..naririnig ko parin ang pag-sunod ng lakaki sa akin, kaya't baka ang babaeng gumagapang ang gumagawa ng bagay na iyon,
kinakain nya ang lakaking kagaya nya rin kanina.
Hindi ko alam kung saan pupunta, may dalawang eskinita, Kanan at kaliwa, bahala na.
Lumiko ako sa kanan at kumanan ulit nang may nakita akong daanan, bakit parang paulit-ulit lamang ang daanan, paulit-ulit ba o sadyang pare-pareho lamang sila?
Binilisan ko pa ang takbo at naisipang lumiko sa kaliwa , napasigaw ako sa gulat nang maramdaman kong may humila ng buhok ko patalikod.
"TULONG!" sumigaw ako nang malakas upang kunin ang atensyon ng mga tao.
"Hindi ka nila naririnig dahil parehas mo, humihingi rin sila ng tulong." sambit ng lalaki.
Naaninag kong papalapit na ang babae sa akin, ang bilis nya gumapang at nag-mamadali sya.
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, kaparehas ng babae ang andon sa Arena kanina, ngunit itong lalaki, nasa katinuan sya at nakakapag-salita pa, para bang isang tao, ngunit kinain nya ang katawan ng babae pero normal sya kung titigan.
Hindi ko talaga maintindihan ngunit kailangan kong makaligtas.
Palapit na ang babae sa akin, Nakakadiri sya, Nakakatakot at Nakakaawa at the same time.
Sinubukan kong itulak ang lakaki ngunit malakas ito at hindi manlang sya nasaktan sa ginawa ko, palapit na nang palapit ang gumagapang, mag-isip ka Ray, gamitin mo ang utak mo please.
Ah tama, kinapa ko ang tumbler sa gilid ng bag na suot ko at kinuha ito, mabilis ko itong pinag-pupukpok sa ulo ng lalaki, hindi nya parin ako binibitawan kaya't napilitan akong sa mata ito patamaan hangga't sa mabitawan nya ako, patakbo na ako nang hilahin ng babae ang aking paa at nadapa naman ako, agad itong pumaibabaw sa akin, tumutulo ang dugo sa katawan nya at ang agresibo nya, pinipilit nya akong abutin at, anong gagawin nya?
Patayin ako?
Kagatin?
Kainin?
Kagaya ng ginagawa sa kanya?
Hinarang ko ang kamay ko sa aking harapan at ito ang pumipigil upang hindi nya ako maabot.
Kagaya na lamang ng ginawa ko sa lalaki, pinatamaan ko sa mata ang babae, ngunit para bang wala syang pakiramdam kaya't nilakasan ko ito, to the point na dumudugo na ang isang mata nito, Wala syang pakielam, tila ba hindi sya nasasaktan.
Papalapit na ang mukha nito sa akin at hindi ko na sya kaya pang pigilan, malakas ito at natatakot na ko, naririnig ko na ang sariling tibok ng puso ko.
Nawawalan na ako ng pag-asa nang may mapansin ako na nakasabit sa damit ng babae.
Agad kong hinila ang ballpen na ito, hindi ito malambot, sana kayanin nito ang gagawin ko, sana hindi maputol, wala na kong iba pang naiisip.
Maabot na ng babae ang aking mukha at nag-mamadali akong inilagay sa bibig nito ang aking tumbler.
Itutusok ko na ang ballpen rito ngunit nag-dadalawang isip ako, naaawa ako sa kanya, hindi ko kayang pumatay..
Nabigla ako nang mahulog ang tumbler sa aking mukha kaya' t napilitan akong tusukin ang kanyang mata.
Hindi talaga sya nakakaramdam ng kahit anong sakit.
Gumulong aking tumbler sa kanan ko at sinubukan ko itong abutin.
"AHHH." Napasigaw ako nang malakas dahil nakaramdaman ako ng sakit nang apakan nitong lalaki ang aking kanang braso, lalo nya pa itong dinidiinan, pasakit ng pasakit ang pag-apak nito sa akin, hindi ko alam kung naiimagine ko lang ba ito ngunit parang naririnig kong nababali ang mga buto ko.
Hindi ako makakilos dahil pinaghaharang ko ang aking kaliwang kamay upang hindi makagat nitong babae, hindi ko na kayang pigilan pa.
Mag isip ka, gumawa ka ng paraan, hahanapin mo pa ang kapatid mo, Ray..mag-isip ka..
Inurong ko ang aking ulo papuntang kanan at hinila ang buhok ng babae, nasubsob ito sa sahig at hinigpitan ko ang hawak sa buhok nito.
Ayokong gawin to, but you leave me no choice, Pasensya na, gusto ko lang mabuhay, paulit ulit kong inuntog ang ulo nito sa sahig.
Tumatalsik ang dugo nito sa aking mukha at nandidiri ako sa aking ginagawa, pero wala nang iba pang paraan ang pumapasok sa isip ko.
Nararamdaman kong humihina na ang babae dahil hindi na sya gaano pang gumagalaw.
Agad ko itong tinulak at sinipa palayo sa akin, gamit ang aking kaliwang kamay ay tinusok ko ng ballpen ang paa ng lalaking naka-apak sa kamay ko, napasigaw ito sa sakit, bakit sya nasasaktan ngunit ang babae ay hindi?
Hindi parin nito binibitawan ang kamay ko kaya't tinusok ko sya ng paulit-ulit, hindi ko napansing palapit ang kabilang paa nito sa akin at sinipa nya ang aking mukha.
Tumalikod ito sa akin at hinawakan ang paa nya.
Nag-mamadali akong tumayo at hinawakan ang kamay ko, ang sakit, wala akong ibang nararamdaman kundi ang hapdi ng ginawa nya.
May sinasabi ang lalaki pero hindi ko sya naiintindihan.
So I took this chance para tumakbo na palayo sa kanya but I felt him grabbing me back by my jacket, Agad kong tinanggal ang jacket ko sa pag-kakazipper, hindi ko masyadong ma maigalaw ang kanang kamay ko dahil napakasakit pa nito ngunit pinilit ko nalang ,nang matanggal ko na ang zipper ay iniwan ko na sa kanya ang jacket ko, patakbo na ako ngunit hinila ulit ako nito sa kamay at tinulak patungong pader.
Nauntog ako rito at natumba..
Napahawak ako sa ulo ko, sana namang walang dugo, ayoko ng ganito, mahihirapan akong kumilos kung masakit ang katawan ko.
Nilapitan ako nitong lalaki at hinila ang aking kwelyo hanggang makatayo ako.
"Inuubos mo pasensya ko." Pansin sa boses nya na paubos na nga ang pasensya nya.
"Inuubos mo rin ang pasensya ko." sambit ko sa kanya at tinusok ng ballpen ang mata nito, napasigaw ito sa aking ginawa, sinipa ko ang lalaki palayo sa akin.
Napahiga ito sa lupa habang hawak ang kanyang mata, nakakita ako ng kahoy sa gilid ko at dinampot ko ito upang ipalo ng paulit-ulit sa ulo nya, sa batok, at sa likod, kahit ano lamang parte ng katawan nyang matamaan ko..
Bumagsak ito sa lupa at patuloy parin ang pag-sigaw nito, hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi, basta ang alam ko ay galit sya, sinusumpa nya ata ako o minumura, hindi ko alam, wala akong pakielam.
Binato ko sa kanya ang kahoy at hinila ko ang jacket ko, hindi na ata nila ako masusundan.
Tumakbo na ako agad palayo habang tinatali ang jacket sa aking kamay, upang maibsan ang hapdi nito, wala naman itong dugo ngunit ang sakit-sakit nya, nararamdaman ko rin ang pag-kirot ng aking tagiliran, bumubuka ang sugat ko dito, pero kailangan kong mag-madali.
Sinundan ko ang ilaw palabas ng eskinita at sa wakas nakalabas na rin, ang gulo na rito, hindi kagaya kanina nung makapasok ako.
Nag-kakagatan sila, Nag sisigawan, Umiiyak, halo-halo ang nakikita ko, kagaya kanin sa Arena, para silang zombie sa palabas ngunit may kakaiba, kagaya na lamang ng lalaki kanina, nakakaramdam sya ng sakit habang ang isang babae ay hindi.
Napansin kong may papalapit sa akin na may dugo ang bibig kaya't nag-madali akong tumakbo papuntang gilid at nag-tago sa likod ng basurahan.
Nag-tatakbuhan ang mga taong andito, nakakita ako ng mga taong nakaputi na parang Doktor kagaya na lamang nang babaeng kalahati ang katawan kanina.
"Tumatakas raw ang mga nakakulong sa building 25, tumawag ka ng guards, bilis!"
sambit ng isang babaeng naka coat na puti.
Building 25?
Paano ko malalaman kung nasaan ang building #25?
Lumingon ako sa ballpen na hawak ko at nakaaninag ako ng reflection na number.
Tumingin ako sa building na nasa gilid ko lamang, sa taas nito ay may nakasulat na building #04.
Nilingon ko ang ibang building, sa taas nila may number!
Kailangan kong pumunta sa pang 25 dahil tumatakas raw ang mga nakakulong ron, baka kabilang ang kapatid ko sa pangyayari, tumayo ako ngunit sabay na sumakit ang tagiliran at kamay ko.
"Kaya ko to, kaya ko to.." bulong ko sa sarili ko upang palakasin ang loob ko.
Nag-mamadali akong tumakbo palayo sa aking pwesto.
Bakit ba ang kikitid ng daan rito?
Puro eskinita, wala na akong iba pang choice, kailangan kong dumaan rito o dadaan ako don sa mga nagkakagulo at nag-kakagatan, at least dito, tahimik..
but my Mom always say, "Beware of the Silence as it brings danger and suspiciousness."
Inayos ko muna ang pag-kakatali ko ng jacket sa aking kamay at chineck kung dumdugo na ba ang aking tagiliran, Luckily, I'm still fine.
Nakakita ako ng malapad na kahoy sa aking gilid at agad ko itong kinuha, kailangan ko lang maging handa.
Pumasok na ako sa eskinita at dahan-dahang nag-lalakad, kung may tao man rito, ayokong malaman nya na andito ako.
Binilisan ko ang aking lakad habang palingon-lingon dahil kinakabahan na talaga ako.
"HINDI KO NGA ALAM..AHH."
Nanginig ang aking katawan dahil sa sigaw na aking narinig, may mga tunog pa ito, hindi kagaya ng kanina, hindi pag-nguya, mula ito sa aking kaliwa.
Nilingon ko ang kaliwa ko at nakita ang isang Lalaking naka coat rin na puti na nakahiga sa sahig at ang mga tunog na naririnig ko ay ang pag-saksak rito ng paulit-ulit.
Halata sa kilos na gumagawa nito ang galit at pag-kamuhi sa bawat diin ng kutsilyo sa katawan ng kanyang pinapatay.
"Gusto ko lang naman sabihin mo sakin ang totoo, bakit hindi mo magawa.."bulong ng lalaking pumatay sa isa.
"BAKIT HINDI MO MAGAWA?"Sigaw pa nito na dahilan ng pagka-gulat ko.
Napansin kong lumingon ang lalaking ito sa akin kaya't agad akong nag-tago sa likod.
Umupo ako sa tabi dahil as much as possible ayoko nang lumaban, hindi na kakayanin ng katawan ko.
Lumalapit ang yapak nito sa akin, palapit ng palapit..
Hinigpitan ko ang pag-hawak sa kahoy at ballpen, kailangan kong mabuhay..
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang ang mga yapak ay palapit ng palapit.
Hindi ko rin maipaliwanag kung gaano huminto ang pag tibok ng aking puso nang huminto rin ang mga yapak nito.
Matutuwa ba ako na huminto ito,
Kung alam kong andito lamang sya huminto sa gilid ng katawan ko?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (10)

  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    13/04

      0
  • avatar
    Park Sun Bae Ching

    I love the story part 20 na please🥹

    11/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด