logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Chapter 3
"Bookstore tayo then uwi na?" tanong ko kay Zhappara
"Kahit kailan ang boring mo talaga kasama! Pano nga ba kita naging kaibigan?"
Dakilang lakwatsera kasi ang babaeng 'to habang ako taong bahay lang lalo na nung iniwan ako ng mga taong mahal ko.
"Kaya nga patanong yung pagkakasabi ko diba kasi nga tinatanong kita kung uuwi na ba tayo pagkatapos nating bumili ng mga school supplies or may balak ka pang pupuntahan natin!" paliwanag ko sakaniya.
Tinarayan lang ako nito at nagsimula ng maglakad papasok ng Mall
"Siyempre magshoshopping pa tayo 'no! Tapos kakain tayo sa labas or pano kaya kung mag tusok tusok nalang tayo!" suggestion niya
"Pwede rin, ang tagal ko ng hindi nakakain ng street food!" pag sang ayon ko sakaniya.
-
"Binder Notebook nalang gamitin natin, tutal tamad naman tayong magbitbit.... ilang ballpen bibilhin natin? 5 black 5 blue 5 red?.... yellow pad paper ba bibilhin natin or yung white? yung yellow pad diba?.... bibili pa ba tayo ng lapis? oo syempre diba kasi kailangan parin natin yun.... ang alam ko gagamit tayo ng column paper, bibili na ba tayo? Wag muna kaya kasi dipa naman nila sinasabi diba! Ahmmmm ahhh oo nga pala muntik ko nang makalimutan! Kailangan pala natin ng Scientific Calculator!"
Narito kami ngayon sa Bookstore namimili ng mga school supplies at ang daming tanong ni Zappara na siya rin ang sumasagot sa sariling niyang katanungan.
Di'ko nalang siya pinapansin at kunwari tumitingin tingin ng libro rito dahil ako yung nahihiya sa lakas ng boses nito, kunwari hindi ako yung kausap niya kasi naman rinig pa ata yung boses nito sa kabilang store. Di'ko alam kung may pinalunok ba sakaniyang microphone nung bata siya or ano.
Napatigil ako ng may isang libro ang naka agaw ng pansin ko.
Hindi ko pa'to nababasa. Mukhang bagong labas. Sikat siguro ang librong ito dahil iisa nalang ang naiwan.
Aabotin ko na sana ito nang may isang kamay ang naunang kumuha rito at naiwan sa ere ang kamay ko.
Kunot noo kong tiningnan ang may ari ng kamay na iyon at sa di inaasahan ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
Nagkatitigan kami at hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit hindi ko maialis ang tingin sa mga mata niya.
Para akong hinihigop ng mga mata niya.
Siya na ang unang nang alis ng tingin sakin at ibinaling iyon sa librong hawak hawak niya.
"Can i just have it?" pag tukoy niya sa librong hawak niya.
"My sister want this and unfortunately i can't go home if i can't buy it" ramdam mo ang hiya niya habang binibigkas ang salitang iyan.
Nahihiya ba siya dahil ina under siya ng ate niya haha.
"No, it's okay. Nacucurious lang ako kasi now ko lang nakita yang libro na yan. Bagong labas yata!" usal ko at pilit na tinatanaw ang title ng libro, itatanong ko kay Kuya Nash kung may copy siya nun.
"Yes at mukhang maraming interested sa librong 'to!" Tumango tango naman ako bilang pag sang ayon.
Tinaas ko ang aking paningin mula sa libro patungo sa mukha nito pero agad ko ring iniwas ang aking paningin ng tumingin rin siya sakin.
He looks familiar sakin pero hindi ko maalala kung saan kami nagkita o kung san ko siya nakita.
"Shasha?" napangiwi ako nang marinig ang malakas na boses ng kaibigan ko. Mukhang hinahanap nako ni Zhappara.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng bookstore at sa counter ko siya nakita. Mukhang nagbabayad na ang g*ga!
Pupuntahan ko na sana siya ng maalala kong may kausap pa pala ako kaya hinarap ko siya para makapagpaalam.
"I have to go, my friend is calling me! " pagpapaalam ko rito
Nginitian ko muna siya bago tinalikuran.
"Akala ko ba bibili ka ng libro? Wala kang napili?" tanong sakin ni Zhappara nang napansin niyang wala akong dala dala.
Pag iling lang ang tanging isinagot ko sakaniya.
"Nga pala, pinayagan ka?" tanong ko na agad niya ring tinanguan.
"Pero mga next month pa ako makaka lipat sa bahay niyo kasi hihintayin ko pa raw umalis si Mommy!" usal nito at inabot sa babae ang credit card niya.
"Mag aabroad uli Mommy mo?" takang tanong ko sakaniya.
"Hayst oo, sabi ko nga sa kumpanya nalang ni Daddy siya pumasok pero ewan ko ba dun! Mas gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa!" kita mo sa mukha niya ang pagkairita.
"Gusto niya atang ma experience ang magtrabaho sa bawat sulok ng mundo!" dagdag pa nito na siya namang nakapag pailing sa akin.
Pagkatapos naming magbayad ay sandali pa kaming nag ikot ikot para mamili at tumingin tingin ng mga damit saka namin tinahak ang daan patungo sa mga nagtitinda ng tusok tusok. Mga ilang oras rin kaming kumain at tumambay roon hanggang napag isipan rin naming umuwi.
5:48 pm na nung nakauwi ako, inihatid muna ako rito sa bahay ni Zappara bago siya umuwi sakanila.
Inayos ko muna ang mga pinamili namin bago ako bumaba at tumungo sa kusina para mag luto ng dinner ko. Buti nalang talaga at tinuruan muna ako ni Yaya Sissy magluto bago siya umalis at kung hindi, ay nako baka mamamatay nako sa gutom rito o baka puro take outs nalang ang kakainin ko.
"Bunsot!" Nagulat ako ng biglang lumitaw sa likuran ko ang pangit kong pinsan dala dala ang dalawang lunchbox na may laman 'atang ulam.
"Ulam ko yan?" may malaking ngiting usal ko rito.
"Asa ka! ulam ko 'to, wala akong kasamang kakain sa bahay kaya dito ako kakain!" Malawak ang ngiti na ngayon ay nakaupo na sa harapan ng mesa.
"Naalala ko kasing wala ka ring kasamang kakain kaya pumarine na ako" dagdag pa nito.
"Tsk, kaya kong kumain mag isa!" mataray na sagot ko at nag simulang maghanap ng ulam na iluluto ko.
"Binibiro lang eh! Lika na rito, saluhan mo nako!"
Gumuhit ang ngiti sa labi ko at dali daling lumakad papalapit kay Kuya Nash na siya namang busy sa pagbubukas sa isang lunchbox. Umupo ako sa tabi ng upuan niya tsaka niya iniabot sakin ang isang lunchbox. Iniabutan niya rin ako ng kutsara at tinidor.
"Hihi Thank you Kuya Nash!" pagpapasalamat ko.
Kahit na palagi akong inaasar nito ay nararamdaman ko parin ang care niya sakin. Siya ang nag silbing takbuhan ko kapag may kailangan ako. Wala eh, mukhang siya lang ang nagmamahal sakin. Kahit man lang sana yung nag iisa kong kapatid ang maging karamay ko sa lahat pero wala eh, mukha yatang na disappointed rin sakin. Diko na siya nakakausap, mahigit isang taon na 'ata. Kahit man lang balita sakaniya wala akong alam.
Kaya I'm so lucky pa rin kasi meron si Kuya Nash na gumagabay sakin.
Sana nga siya nalang naging kapatid ko.
Nakakatakot nga lang, baka kasi isang araw iwan niya rin ako.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    Keyclle Tovillo

    success

    07/05

      0
  • avatar
    Zyra

    nexttt ang ganda ng story

    10/08/2023

      0
  • avatar
    Alodia Rain Paglinawan Salvador

    this is not really good but it's ok

    16/07/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด