logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Magulang

Czyme's POV
"Tara na sa mga bahay magpicture tayo don," yaya ko sa kanila.
Sumunod naman sila. Kailangan kasi namin ang mga pictures para sa presentation namin para may maipakita kami bilang ebidensiya na rin kung sakaling hanapin ni ma’am.
"Naimbag nga bigat mo inang," bati ko kay lola.
Translation: Good morning lola
"Kasta met kanya yo apo," bati pabalik ni lola.
Translation: Good morning rin sa inyo mga apo.
“What are you saying?” takang tanong ni kuya pero hindi ko muna siya pinansin.
“Uuwi na kasi kami ngayon, la. Gusto po sana naming kumuha ng litrato kasama kayo. Okay lang po ba?” tanong ko at ang apo naman na niya ang nagtranslate sa salitang Ilocano ang sinabi ko.
“Ay wen, sige apo,” giit ni lola.
Translation: Ay oo, sige apo
Ibinigay ko kay sa apo niya ang camera at saka nagtake ng mga pictures.
“Maraming salamat po. Thank you din po sa lubos niyong pagtanggap sa’min at sa iba pang turista,” nakangiting giit ko.
“Walang anuman ma’am, sana ay makabalik kayo ulit,” nakangiti ring sabi ni ate.
“Opo, maraming salamat po ulit,” giit ko.
“Thank you so much po,” silang apat.
Nang matapos na namin lahat ng mga kailangan naming gawin ay naisipan na naming umuwi sa hotel. Sobrang saya ng araw na 'to. Talagang nag-enjoy ako sa ginawa namin at nakakaproud talaga maging isang Pilipino dahil may mga kababayan tayong ganun kabait.
***
After two weeks ng pag-iinterview namin ay umuwi na kami. Hinatid na namin ni kuya ang mga kaibigan niya at pagkatapos ay dumiretso na rin kami sa bahay.
After ko maipasok ang kotse ay nakita ko na ang van namin na maayos na. Maaasahan talaga si kuya Reymond.
Pagka-akyat ko sa kwarto ko humilata agad ako dahil sa pagod. At naalala ang mga nangyari dahil sa mga sinabi sakin ni Mang Canor.
*Flashback*
"Nasan ang mga magulang niyo?" tanong sakin ni Mang Canor.
"Si mommy at daddy po namin ni kuya ay nasa ibang bansa” sagot ko.
"Umuuwi ba sila?" nakangiting tanong niya.
"Once a year lang po" ngiting aso ang ganti ko sakanya.
"Miss mo na ba sila?" tanong nya.
"Oo naman po, mula noong bata kami ni kuya ay lumaki kami na kasama ang yaya namin. Samantalang si mommy at daddy always
business, ni isang celebration nga hindi pa namin sila nakakasama, kahit birthday namin ng kuya ko. Sa susunod na taon magde-debut na ako wala pa rin sila, sabik na sabik na akong mahagkan at mabuo ang pamilya ko." kwento ko sakanya, namuo naman ang luha sa aking mata.
Bumagsak nalang ang luha ko kaya pinahid ko agad ito.
"Alam mo hija, ganyan din ako dati pero ang pagkakaiba lang natin ay ang magulang. Iniwan kasi ako ng mama ko dati, walang oras na hindi ko siya iniisip. Alam mo hija, ako noong bata ako nahihirapan ako, gabi-gabi, araw-araw akong umiiyak. Pero nong naisip ko ang sarili ko na kaya kong mabuhay mag-isa, pero nong nalaman kong hinahanap ako ng mama ko, kahit bumalik pa siya sakin hindi ko inisip na may magulang ako. Hanggang sa malaman ko nalang na patay na sya. bumalik ang dating ako, yong batang iyakin dahil walang magulang, at nalaman ko rin na kaya umalis ang mama ko ay dahil nagtrabaho sya para mabuhay ako. Kaya ito ako ngayon maganda na ang buhay ko dahil sa mama ko. Nagsisisi rin ako sa ginawa kong pagtakwil sakanya. Sana mapatawad nya pa ako," emosyonal na kwento nito sakin.
"At hija kung ako sayo matuto kang magpatawad," dagdag nya.
*End of flashback*
Ang bilis talaga ng oras. Kailan lang noong nag-eenjoy ako sa batanes pero ngayon ay ang araw na ipre-presinta namin ang nagawa namin.
Nakita ko sina kuya sa isang pathway kaya lumapit ako sa kanila. Lakad-takbo ang ginagawa ko habang hawak-hawak ang salamin ko.
"Kuya anong oras ang presentation?" tanong ko.
Liningon naman niya ako.
"10:00 am" sgaot nya.
Tumango nalang ako sakanya.
"Good luck sa grupo natin. Uuwi na muna ako kuya" paalam ko.
Tumango nalang rin sya tsaka nagpatuloy ulit sa pag-uusap nila.
Umuwi muna ako para ayusin at maghanda para sa presentation namin. Tiningnan ko rin kung maayos na ang laman ng
presentation namin sa laptop ko. Lahat ng laman nito ay patungkol sa mga nakusap namin. Nakalagay rin dito ang mga pictures namin sa bawat taong nakakausap or lugar na napupuntahan namin.
Nang ayos naman ito ay napagpasyahan ko na ring ayusin ang sarili ko. Nagpants ako ng fitted at mahabang T-shirt.
Itinali ko rin ang kulot kong buhok at muling inayos ang salamin ko.
Zymor's POV
Nandito kami ngayon sa likod ng stage para maghanda at nagsisimula na ang presentation.
"Guys, magdasal muna tayo," nakangiting sambit ng kapatid ko saka ito nagsign of the cross.
Nang matapos ang saglitang dasal. Natapos na ang dalawang grupo at kami na ang susunod. Halata ang kaba naming apat samantalang ang kapatid ko ay hindi man lang makuhang kabahan o ano man lang. Si Zhawn ang unang magprepresenta.
Inihanda rin ni Czyme ang laptop at ang projector.
Binati muna namin sila bago kami nagsimula.
"Sa Batanes welcome ka sa lahat ng bahay. Diyan sa bahay na yan," sabay ang pagflash ng picture na nasa loob kami ng confession house.
"Ang bahay na yan ay tinatawag na confession house dahil kung ano man ang itatanong sayo ay kailangan mong sagutin o umamin ng walang halong biro at kasinungalingan. Dahil sa confession game na nilaro namin ay nalaman ko, namin, ang importansya ng isang tao na minamahal mo," paliwanag nya at doon na sya natapos sa presentasyong ginawa nya. Susunod naman si Yshmael.
"Sa Batanes may isinusuot silang Vakul," sabay pakita nya ng mga litarto namin na nakasuot ng vakul kasama ang isang matanda.
"Yan ang protekta nila sa sarili, pagsinusuot nila yan ay komportableng-komportable sila, kaya dapat, kung gaano nila prinoprotektahan ang sarili nila ay dapat ganun din tayo sa kanila." Yshmael.
At susunod naman ako.
"Makikita mo sa mga Ivatans, na nakatira doon kung pano nila ginagalang ang mga nagpupunta sa lugar nila," sabay pakita ko ng picture ng kapatid ko nong kinausap niya ang matanda na hindi ko man lang alam kung anong ibig sabihin nong mga sinasabi nila.
"Kahit hindi ka nila kilala ay pinapapasok ka pa rin nila dahil ganon nila iginagalang at winiwelcome ang mga turista
don. Makikita at mararamdaman mo talaga sa kanila ang pagmamahal." presinta ko at halata ang kaba ko dahil sa pamumuo ng pawis sa aking noo.
Susunod naman si Zyro na nanginginig ang kanyang kamay kaya tinapik ko ito at nginitian.
"Pagpumunta ka sa taas ng bundok makikita mo ang malinaw na dagat at napakaaliwalas na paligid," sabay pakita nya ng litrato.
"Kung gaano ito kalinis ganun din ang puso ng mga tao dito." nakangiting sambit nito.
Maikli pero nakakatuwa. Sumunod naman sakanya ang kapatid ko. Nakangiti ito samin at sa lahat ng manonood.
"Sa Batanes marami akong natutunan, marami na akong nakausap na pamilya pero may isang taong don ko naitatak ang mga sinabi nya sa puso't isip ko," pakita niya ng larawan nila ng isang medyo may edad na lalaki.
"Na kahit iwan ka ng maraming tao o ng magulang mo matuto kang umintindi at magpatawad. Kahit malayo sa amin ang mga magulang namin ay natutunan ko itong intindihin at maunawaan. Dahil lahat ng ginagawa nila ay para din samin ni kuya.
Nasasaktan ako dahil sa murang edad ko palang ay nawalay na kami sa mga magulang namin at alam kong mas nasasaktan ang magulang namin dahil sa pag-iwan samin sa murang edad dahil sa pagsasakripisyo nila," nakangiti nitong sambit pero makikita mo talaga sa mga mata nya ang sakit.
"Pagmamahal, pag-aalaga, pagpoprotekta at pagpapatawad ang dapat nating gawin sa taong nakapaligid o mahal natin." mas lumawak ang kanyang ngiti. Tumabi naman kaming lahat sakanya at sabay-sabay kaming nagbow.
Itutuloy…

หนังสือแสดงความคิดเห็น (279)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    John Villariaz Villegas

    I'm so beautiful story❤️🫶

    5d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด