logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

3

Humikab ako at nag-inat, pakiramdam ko mas lalo akong na bobo sa surprise quiz namin. Grabe yung pagkagulat ko na halos wala akong naisagot na tama sa papel. Babawi na lang siguro ako sa susunod kahit na malabong mangyari dahil tamad ako.
"Anong itsura 'yan?" tanong ko kay Ryla na magulo ang buhok at parang pato na sa haba ng pagkakanguso.
She rolled her eyes and sighed. "Feeling ko may dos na naman sa grades ko dahil sa quiz na 'yan. Alam mo naman yung professor na 'yun... mababa magbigay ng scores sa projects. Ano na naman ang idadahilan ko kay mommy?"
Hiya naman ako sa mga tres ko, sana all may dos ako kasi over-dos lang ang kaya kong makuha. Joke 'yan tumawa ka.
"Ikain na lang natin 'yan, marami pang araw para bumawi," sabi ko at umakbay sa kanya.
Mas matangkad kasi ako sa kanya, hindi siya gaanong maliit sadyang biniyayaan ako ng tangkad na malay ko ba kung ikatutuwa ko. Kung inaakala ng iba na maganda ang pagiging matangkad, pwes hindi sa lahat ng bagay.
"Bakit? May nasagot ka sa quiz kaya parang wala kang pakialam?" she asked but shook her head. "Ay... hindi na pala ako dapat nagtanong, paniguradong itlog ka na naman."
Hinila ko nang mahina ang buhok nito. Masyado na siyang maraming sinasabi ang ganda niyang itapon sa bangin. "Pumapasa naman ah, kumain na lang tayo dami mong sina-sat sat nanlait ka pa."
"Kailangan talagang sabunutan ako? Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka na naman, sinabi sa'kin ni Ravier na nag-inuman kayo kagabi. Nako Mara... bakit kaya hindi ka na lang tumalon sa malalim na dagat para mamatay ka na," inis niyang sabi na may halong biro.
Isang irap lang ang naging sagot ko rito. Wala naman na siyang magagawa dahil tapos na kaming mag-inuman kagabi.
Makati talaga ang bibig ng gago.
May sasabihin pa sana siya kaso nagpauna na akong maglakad papunta sa canteen. As usual, lagi akong may hawak na ballpen para paglaruan sa pagitan ng aking daliri. Hindi kasi makapakali ang kamay ko kapag walang hawak na kung ano bukod sa sigarilyo.
Sabay kaming umupo sa isang mesa na may tatlong upuan, hinihintay kasi namin yung kakambal niya na paniguradong sa last floor ng building galing. Nandoon kasi ang mga gamit na kakailanganin nilang mga culinary. Malaki ang pakinabang niya sa aming tatlo dahil siya lagi ang taga-luto kapag natutulog ako sa kanila.
"Ang tagal naman niya, nagugutom na ako," maktol ko habang nakapahalumbaba sa mesa.
Libre niya raw kasi ngayon ang lunch, gastador 'yung lalaki na 'yun but in a good way lagi niya kasi kaming nililibre. Mahilig makisabong 'yun online kaya kalahati ng pera niya ay nakukuha niya doon, kapag gipit ako sa kanya ako umuutang. Sa dami ng utang ko ni piso'y wala pa akong nababayaran.
"Edi bumili ka pa--" Kusa siyang napahinto sa pagsasalita nang may isang tray ng pagkain ang nailapag sa mesa namin.
Akala ko ay si Ravier pero isang bangkay pala na nagtuloy tuloy na sa paglalakad papunta sa isang mesa na hindi kalayuan sa amin ang naglapag.
Bumilog ang mata ni Ryla at kinikilig akong tinignan. "Oh my gosh! Tama ba ang nakita ko? Binigyan niya tayo ng pagkain! Wait... I kennat!"
Habang abala si Ryla sa upuan niya na kinikilig, tumayo ako't kinuha ang tray. Dumiretso ako sa mesa nila at hindi na nagulat nang makita yung anaconda kasama ng ilang kulugo. Buti tinanggap sila ng school kasi kung ako, hinding hindi ko sila tatanggapin para mag-aral dito.
Pabagsak kong binaba ang tray na nagpakuha ng atensiyon mula sa mga iba pang mesa. Rinig ko ang boses ni Ryla pero hindi ko 'yun pinansin. Matamang tingin ang binigay ko kay Fabius na para bang guilty sa ginawa nito.
"Nagkamali ka ata ng pagkakalapag ng tray," seryoso kong sabi bago naglakad palayo sa kanila.
Someone shouted my name na nagpahinto sa akin. Sa tinis ng boses nito alam kong si anaconda na gusto ata ng spotlight sa sigaw niya.
Binulsa ko ang isa kong kamay sa suot kong hoodie ni Ravier na inangkin ko. Oo, inangkin kasi wala siyang choice kundi ang ibigay sa akin.
I raised my eyebrow. Wala akong balak magsalita kung ang kausap ko ay animal.
She is my friend in the past but because she is a snake, our friendship is over. Gusto niyang agawin noon si Fabius na muntik ng tumapos ng pagkakaibigan namin. Pero dahil mabait ako noon I forgave her just like that.
Sadyang iba na ngayon dahil hindi na ako mabait habang siya naman ay lumabas ang pangit na ugali.
"Halata namang sa'yo ito tapos ibabagsak mo nang ganun lang? Kung ayaw mo ng pagkain sabihin mo hindi 'yung muntik ka nang magsayang ng pagkain. Maraming hindi kumakain tapo--"
"Kapag ba kinain ko 'yan mapupuno ang tiyan nila't tataba?" pagpuputol kong tanong.
Totoo naman hindi ba? Hindi ikatataba ng mga taong gutom ang pagkain ko ng bigay nila.
Pinipigilan siya ng mga kulugo pati si kalansay pero ayaw magpapigil. Mahit kailan napaka-papansin niya.
Suminghal ito. "Ang sabihin mo, mula noon gusto mong pansinin nila ikaw kaya hanggang ngayon hard to get ka tapos sa dulo bibigay ka rin."
Ang tangina, hindi naman masakit. Slight lang kagat ng leon.
"Althea! Tumahimik ka na," pigil sigaw ni Fabius.
Asa pa siyang mapapatahimik niya 'yan hangin laman ng ulo niyan, eh. Mas bobo pa ata sa akin.
I smirked. "Sino ngayon sa'tin ang nagpapa-pansin? Sino ang sumisigaw d'yan na parang walang nakakakita at nakakarinig? Ako ba? Huwag kang magsalita kung wala kang alam dahil iniwan niyo ako noon nung kailangan ko kayo. Don't forget the fact that you are all a liar, but you are the worst. Marami ka pang kasalanan sa akin kaya tigilan mo akong anaconda ka," mahaba kong sabi na nagkaroon ng samu't saring reaksyon sa mga nakakapanood.
I felt a hand on my shoulder kaya napatingin ako sa gilid ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Ravier na mukhang kakarating lang.
May pagkagulo pa kaunti ang buhok nito pero malawak ang ngisi sa mukha niya.
"You are new here, right? And I think you should know your place. This is a prestigious school that many people admired, but your attitude is far from what the school is teaching. If you can't control your trashy attitude, better leave because you are just a bacterium here. A bad one," he said that made her furious.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Ravier dahil sa itsura niya o hindi dahil mas marami ng nanonood sa amin.
Hindi ko na lang 'yun pinansin at tinignan si anaconda na ewan ko ba kung anong balak niya sa buhay, siya lang din ang napahiya. Sigaw pa kasi, sigaw pa.
He pulled me closer to him. "Nilutuan kita ng favorite mong ulam, kainin natin doon sweetie susubuan kita," he said then winked at me.
Kukurutin ko pa lang sana ito sa kagaguhang sinabi at ginagawa niya pero hinuli niya ang kamay ko at nilagay ito sa beywang niya.
"Ang cute mo talaga, tara na lalamig 'yun at hindi na masarap. Sige ka, ako na lang ang matitirang masarap sa hapag kainan." Halos masuka ako sa huli niyang sinabi na ikinatawa ng mga nanonood. Nakita ko pang nakikitawa si Ryla kahit na may nagtatanong itong mata.
Kainis naman!
▪▪▪
Gulat na mukha ang pinakita nilang dalawa sa akin matapos kong sabihin kung sino sila, lalo na ang kaugnayan namin ni Fabius.
Nandito kasi kami ngayon sa veranda ng building one kumakain dahil alangan namang doon pa kami sa canteen, dami lang mga chismosa roon. Ang kagandahan lang sa school na ito, hindi sila masyadong nangingialam sa buhay ng iba kahit maraming chismosa. Siguro 'yung mga wala lang magawa sa buhay, 'yun ang mga mangingialam talaga.
"Wait! Wait! So meaning... hindi siya deads?" tanong ni Ryla na ikinatango ko.
Busy ako sa pagkain, kaya bahala sila diyan.
"Paano na 'yan? Papatawarin mo?" muling tanong ng babaita. Tahimik lang kasi sa tabi ko si Ravier na kumakain din, nakikinig kahit gulat.
Nilunok ko muna ang aking kinakain bago siya sinagot. "Sa lahat nang nangyari sa akin papatawarin ko pa siya? Tanga lang ang gagawa nun."
"Eh?! Kahit na! Sayang ang pogi pa man d--"
"Puro ka pogi, kumain ka nalang diyan," sabi ni Ravier na sinubuan ito ng kutsarang may lamang pagkain.
Buti pa itong kumag na 'to may utak kahit na nakakadiri ang ginawa niyang show-off sa kanila. I can't imagine doing that with him again, he's not my type.
"Ganun talaga, syempre doon na ako sa pogi. Pero maiba tayo ng usapan," she said before sitting down next to me. "Binigyan mo naman ba siya ng pagkakataong mag-explain? You know after years kailangan niyo ng closure ganern. Baka may dahilan siya kaya siya nagsinungaling, inalam mo naman ba muna? Kasi--"
"Tumahimik ka na nga Ryla, walang hinto yang bunganga mo. Siguro kapag pangit ang ex niya ilang lait na ang ginawa mo, kaya siguro puro dos ang grades mo dahil hangin lang laman niyang ulo mo."
"Wow! Wow naman! Edi ikaw na puro uno! Puro lang naman luto ang ginagawa mo ang yabang!"
"Tanga ka ba? Kapag magluluto ka kailangan mong matuto ng techniques and skills, hindi yung nagluluto ka lang. Eh, ikaw nga hospitality ang course pero mukha kang tambay d'yan sa tabi-tabi. Walang tatanggap sa'yong hotel sa itsura mong 'yan."
"Gago! Ako? Tambay? Mukha ba akong tambay? Hoy! Hindi kaya madali ang course ko kaya 'wag mong maliitin!"
"Tignan mo? Ang lakas ng bunganga mo para kang hindi nag-aaral, sa palengke ka nababagay ang pangit mo!"
"Oh? Ako pangit? Baka naaalala mo kambal tayo at magka-mukha, kaya kung pangit ako pangit ka rin!"
"Babae ako? Babae? Hindi diba? Kaya hindi tayo magka-mukha, sabay lang tayong niluwa sa mundong ito."
Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nilang mga sinasabi, titigil din 'yan mamaya nga lang kapag napagod na sila. Kapag sa bahay nila sila nag-aaway kadalasan nagwre-wrestling sila, kasi pinag-aral sila ng ilang martial arts noong bata pa sila.
Walang papatalo sa kanila, mga ma-pride.
"Isusumbong kita kay daddy! Sasabihin kong 'wag kang bilhan ng nintendo switch!"
"Edi 'wag, marami naman akong pera pambili. Magmula ngayon si Mara na lang ang ililibre ko, bahala ka d'yan."
Tinignan ko silang dalawa, si Ryla nakanguso at binubunton ang inis sa pagkain habang si Ravier 'yun ngingisi ngising kumakain.
Paano kaya natitiis ng magulang nila ang ganito nilang ugali?
Good thing, wala akong kapatid ngayon kaya can't relate.
I leaned. "Buti naisipan niyo pang tumahimik, akala ko buong araw kayong magsasagutan," sabi ko nang manahimik sila.
"Hindi ako matatalo niyan kaya nanahimik hahaha!" Masamang tingin ang binunton nito sa kakambal niya na para bang pinapatay na niya sa utak.
"Bumalik lang talaga sila mommy dito sa Pinas lagot ka," banta ni Ryla na dinilaan lang ng kambal niya. Mga isip bata talaga.
"Bilisan niyo na lang kumain, malapit na ang susunod nating klase. Ay mali, kami lang pala, dalian mo d'yan Ryla," utos ko na hindi niya gaanong pinansin dahil busy siyang makipagsagutan sa kakambal niya.
Sakit sila minsan sa ulo, buti na lang at kahit papaano binubuhay nila ako sa libre kaya wala ako masyadong angal.
Praktikal tayo ngayon. Kapag may biyayang nakahain, syempre matik na dapat kunin. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (25)

  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • avatar
    LunaJr

    wow

    11/08

      0
  • avatar
    JA Y AR

    good for me

    05/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด